Professional Documents
Culture Documents
Tubong Bulacan Ang Manunulat Na Si Honorio Bartolome de DIos
Tubong Bulacan Ang Manunulat Na Si Honorio Bartolome de DIos
Unang nakilala ni MIke si Benjie sa media party ng kompanya nito. Pagkatapos ng proyekto nila sa
Zambales, sobrang naging malapit ang dalawa sa isa't isa. Mataray na uri ng bakla si Benjie, dahil
ayaw na niyang masaktan pang muli. Ito rin ang dahilan kung bakit takot siyang makipagrelasyon.
Sa panahong naging malapit si Mike kay Benjie, kakatapos lang nilang maghiwalay ng gerlpren
niyang si Carmi.Madalas magkasama sina Mike at Benjie. MInsan sila ay nag-iinuman, nanonood ng
sine o kaya ay simpleng kumakain lang sa labas. Isang beses, habang nasa bar, sinabihan ni Benjie
si Mike na mahal niya ito. Hindi sila halos nag-usap buong gabi pagkatapos noon. Naisipan nilang
pareho na tumira magkasama sa apartment ni Benjie upang mas maintindihan kung ano ba talaga
ang gusto nila mangyari sa relasyon.