Pabula

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PABULA

1 Amomongo at si Iput-Iput
(Ang Gorilya at ang Alitaptap)
Huwag maliitin ang maliliit dahil may magagawa silang di magagawa ng malalaki
Isang gabi, naglalakad si Iput-Iput, (ang alitaptap) patungo sa bahay ng kanyang
kaibigan.Nang mapadaan siya sa tapat ng bahay ni Amomongo (ang gorilya), tinanong
siya nito.
Hoy, Iput-Iput,bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?
Sumagot si Iput-Iput. Dahil natatakot ako sa mga lamok.
Ah, duwag ka pala, ang pang-uuyam ni Amomongo.
Hindi ako duwag! , ang nagagalit na sagot ni Iput-Iput.
Kung hindi ka duwag, e bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?, ang pang-aasar ni
Amomongo.
Nagdadala ako ng ilaw para kapag nilapitan ako ng mga lamok at kakagatin ay
makikita ko sila kaagad at nang sa gayoy maipagtanggol ko ang aking sarili., ang
tugon ni Iput-Iput.
Tumawa nang malakas si Amomongo. Kinabukasan, maaga utong gumising at
ipinamalita sa lahat ng kapitbahay na kaya daw laging may dalang ilaw si Iput-Iput ay
dahil duwag ito. Kaagad na kumalat sa buong bayan ang balita.
Nang mabalitaan ito ni Iput-Iput, nagalit siya. Dali-dali siyang lumipad patungo sa
bahay ni Amomongo. Gabi noon at natutulog na ang gorilya, ngunit itinapat niya ang
kanyang ilaw sa mukha nito hanggang sa ito ay magising.
Hoy, gorilya, bakit ipinamamalita mong duwag ako? Upang mapatunayan ko sayong
hindi ako duwag, hinahamon kita sa isang labanan. Magkita tayo sa sa plasa sa susunod
na Linggo ng hapon.
Pupunga-pungas na nagtanong ang gorilya. Mayroon ka bang mga kasama?
Wala!, ang sigaw ni Iput-Iput. Pupunta akong mag-isa.
Nangiti si Amomongo sa tinuran ni Iput-Iput. Dilit isang maliit na insekto ang
humahamon sa kanya ng away.
Nagpatuloy ang alitaptap. Hihintayin kita sa plasa sa susunod na Linggo sa ganap na
ikaanim ng hapon!
Magsama ka ng mga kakampi mo dahil magsasama ako ng libu-libong gorilya na mas
malalaki pa sa akin. Sinabi ito ni Amomongo upang takutin ang alitaptap, na sa
pakiwari niya ay nasisiraan ng ulo.
Ngunit sumagot si Iput-Iput: Hindi ko kailangan ng kakampi. Darating akong mag-isa!
Paalam!
Dumating ang araw ng Linggo. Bago pa mag-ikaanim ng hapon ay nagtipon na ang mga
dambuhalang gorilya sa plasa ngunit nadatnan na nila ang alitaptap na naghihintay sa
kanila.
Maya- maya, tumunog ang kampana ng simbahan bilang hudyat ng oras ng orasyon o
pagdarasal. Iminungkahi ni Iput-Iput sa mga gorilya ma magdasal muna sila.
Pagkatapos magdasal, agad sinabi ni Iput-Iput na nakahanda na siya. Inutusan ni
Amomongo ang kanyang mga kasama na humanay. Pumuwesto siya sa una bilang
pagpapakilalang siya ang pinuno ng
mga ito.
Dagling lumipad si Iput-Iput sa ilong ni Amomongo at inilawan niya ito. Hinampas ng
kasunod na gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad itong nakaalis kaya ang tinamaan ng
gorilya ay ang ilong ni Amomongo na halos ikamatay nito. Dumapo si Iput-Iput sa ilong
ng pangalawang gorilya. Hinampas ng pangatlong gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad
itong nakalipad, kaya ang nahampas niya ay ang ilong ng pangalawa na ikinamatay
nito. Muli, inilawan ni Iput-Iput ang ilong ng pangatlong gorilya. Hinampas ng ikaapat
na gorilya si Iput-Iput na kaagad na kalipad.
Muli, namatay ang pangatlong gorilya dahil sa lakas ng pagkakahampas ng ikaapat na
unggoy sa ilong nito. Nagpatuloy ang ganitong pangyayari hanggang si Amomongo na
lamang ang natirang buhay na gorilya na halos hindi makagulapay dahil sa tinamong
sakit. Nagmakaawa ito kay Iput-Iput na patawarin na siya, at huwag patayin.
Pinatawad naman siya ni Iput-Iput, ngunit simula ng hapong iyon, nagkaroon na ng
malaking takot ang mga gorilya sa mga alitaptap.

PABULA
Lalapindigowa-i: Kung Bakit Maliit ang Beywang ng
Putakti
Si Lalapindigowa-i (isang putakti) ay isang masipag na magsasaka. May dalawa siyang asawa,
sina Odang (hipon) at si Orak (itlog). Tulad ng ibang Maranao, hindi lamang siya masipag na
magsasaka kundi isang tapat na asawa. Nagsusumikap siyang magtrabaho upang mapakain ang
dalawa niyang asawa.
Isang araw, nagwika siya sa mga asawa niya na dalhan siya ng pananghalian sa bukid nang sa
ganoon ay di masayang ang kanyang oras sa pag-uwi. Nagkasundo at nagpasya ang dalawa
niyang asawa na mula noon ay dadalhan siya ng pagkain sa bukid.
Pagkaraan ng maraming araw at buwan ng paghahatid ng pagkain, nagsawa ang mga asawa ni
Lalapindigwa-i. Sa daan papuntang bukid, nagalit si Odang at tumangging magdala ng pagkain.
Si Orak ay ayaw ring maghatid ng pagkain. Nagalit si Odang, ang hipon, at nagsimula itong
magdadamba hanggang itoy mahulog sa kaserola at naging pula ang balat. Naawa si Orak kay
Odang dahil ito ay naluto kayat ipinaghele niya ito. Sa di sinasadya, tumama siya sa bunganga
ng kaserola at itoy naluto rin.
Samantala, si Lalapindigowa-i ay ginutom sa kahihintay sa kanyang dalawang asawa.
Pagkaraan ng ilang oras ng paghihitay, nagpasya siyang lumakad pauwi. Sa daan nakita ng
gutom na si Lalapindigowa-i ang basag na kaserola at ang mga asawa niyang naluto.
Galit siya sa mga asawang tamad at sa kaparusahang tinanggap ng mga ito.Gutum na gutom
na siya kaya hinigpitan niya ang kanyang sinturon. Simula noon, ang beywang ni
Lalapindigowa-i ay lumiit nang lumiit dahil batid niyang wala nang mga asawang magluluto
para sa kanya.

Ang Masamang Kalahi


Buhat nang mapatakbo ni Toniong Tandang si Tenoriong Talisain ay
humanap na ng ibang libutan at madaling nakapamayagpag na muli ang
Talisain.
Ang mga Katyaw na leghorn doon ay madaling nasilaw sa balitang bilis at lakas ni Tenoriong
Talisain. At madali niyang naging kaibigan ang
pinakamagandang sa mga banyagang manok na si Lolitang Leghorn.
Isang araw ay galit na galit na umuwi si Denang Dumalaga.
Naku!ang bulalas ng dumalaga. Ako pala ay sinisiraan ni Tenoriong
Talisain. Ako raw ay naging kasintahan niya
Diyatat?ang bulalas din ni Aling Martang Manok.
At katakot-takot na paninira raw laban sa mga kalahi ang ginagawa ng
Talisaing iyan. Tayo raw ay ikinahihiya niya. Masamang lahi raw tayo
Gayon din ang ikinagalit ni Toniong Tandang nang siyay dumating. Napakasamang manol iyang
si Tenoriong Talisain,ang wika ng tandang.
Kanginay nakita ko. Kung lumakad at magslitay ginagaya ang mga leghorn. Ang balita ko
pay nagpasuklay ng balahibo upang maging mistulang leghorn na. Nakapanginginig ng laman.
Bayaan ninyo siya,ang wika ni Aling Martang Manok. Pagsisisihan din
niya ang kanyang ginawang iyan.
Ilang araw, pagkatapos ay dumating si Toniong Tandang na kasama si
Tenoriong Talisain. Gusut-gusot na ang balahibo ng katyaw. Pilay pa ang isang paa, pasa-pasa
ang buong katawan at hindi halos makagulapay.
Bakit ano ang nangyari?ang tanungan ng mga kalahing manok.
Iyan pala ay maluwat nang kinaiinisan ng mga katyaw na Leghorn,ang
wika ni Toniong Tandang. Kanginay nakita ko na lamang na pinagtutulungan ng apat na
katyaw na leghorn.
Bakit hindi mo pa pinabayaang mapatay?ang wika ng mga kalahing
manok. Tayo rin lamang ay ikinahihiya niya at itinatakwil pa
Talaga nga sanag ibig ko nang pabayaan.ang wik ni Toniong
Tandang.Ngunit hindi rin ako nakatiis. At talagang namang kung hindi ako sumakloloy
nasirang Tenoriong Talisain na siya ngayon.
Nakita mo na, Tenoriong Talisain! ang wika ni Aling Martang Manok.
Iyang kalahi, kahit masamain moy talagang hindi makatitiis.

You might also like