Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANG ALAMAT NG SLEEPING BEAUTY

Noong unang panahon sa liblib na bayan ng Dacalan, Tanudan, may isang napakagandang dalaga na
nagngangalang Lupting. Siya ay nag-iisang anak nina Kamu at Usa-ay. Bukod sa pagiging maganda siya rin
ay mabait, masipag at mapagmahal na anak. Kung kayat dahil sa kanyang naiibang kagandahan, lahat ng
kabinataan ng Dacalan at karatig bayan ay nagpapantasyang ligawan ang napakagandang dilag na si Lupting.
Maraming kabinataan ang nagtangkang ligawan at hingin ang kamay ng dalaga subalit lahat ay di
nagtagumpay.Ang kakaibang kagandahang ito ay umabot sa pandinig ni Finsay ng Luplupa, Tinglayan na
isang matapang, malakas, matangkad at matikas na mandirigma ng Luplupa. Gaya ni Lupting, maraming
kadalagahan ang nagpapantasya sa kakisigan at katapangan ni Finsay pero ni isa ay wala siyang mapusuan
hanggang sa maabot ng kanyang kaalaman ang tungkol sa napakagandang dalaga ng Dacalan na si Lupting.
Nang mariniig ni Finsay ang tungkol sa dalaga, ginawa niya ang lahat para mapuntahan at makilala ito.
Isang araw, umakyat ng Dacalan si Finsay at namataan niya si Lupting na nag-aani ng palay sa
kanilang palayan. Dahil sa naiibang kagandahan ni Lupting, lahat ng pagod ni Finsay ay nawala. Gayundin kay
Lupting nang makita si Finsay ay naglaho ang lahat ng pagod niya. Sa wakas natagpuan na ni Finsay ang
pinapangarap na dalaga na mabait, masipag, mapagmahal at napakaganda.
Nagkakilala ang dalawa sa pamamagitan ng pagnguya ng moma. Nagkaintindihan sila ng kanilang
nararamdaman. At sa araw ding iyon ay hiningi ni Finsay ang kamay ni Lupting. Kung kayat umuwi sila ng
Dacalan para pormal na ipakilala ni Lupting sa mga magulang ang napupusuang si Finsay. Masayang
tinaggap ng mga magulang ni Lupting si Finsay at nagpasalamat dahil sa wakas ay natagpuan na ng kanilang
anak ang katuwang niya sa buhay.
Maraming kabinataan sa Dacalan ang nainggit sa pagdating ni Finsay dahil siya ang mapalad na pinili
ni Lupting. Sa araw ding iyon nagpakatay ng limang baboy ang mga magulang ni Lupting para sa kanilang
pag-iisang dibdib. Kinabukasan bago sila maghiwalay, nagkasundo ang dalawa na magkikita sa tuktok ng
Bundok Taungay pagkaraan ng isang lingo para iuwi ni Finsay si Lupting sa kanyang bayang Luplupa. Sa
kanyang paglalakbay pabalik ng Luplupa, sinamahan siya ni Lupting sa ituktok ng bundok. Kahit na gusting
sundan ni Lupting si Finsay ay di niya magawa dahil sa nakitang senyales sa atay ng baboy na kinatay na may
masang mangyayari.
Hindi lang dahil sa atay ng baboy kundi dahil na rin sa kaugaliang kailangang maghiwalay ng isang
linggo ang bagong mag-asawa bago sila magsamang muli. Maraming kabinataan ang natuwa sa paghihiwalay
ng dalawa. Marami ang umasa na di na muling babalik si Finsay.
Dumating ang takdang araw ng kanilang pagkikita sa Ituktok ng Bundok Taungay, umakyat si Lupting
na punumpuno ng saya at sigla sa kaniyang mga labi. Samantala habang naghahanda si Finsay sa kaniyang
pag-akyat sa Bundok Taungay ay biglang nagkaroon ng paglusob ng mga taga Tulgao sa Luplupa kung kayat
lahat ng mga kalalakihan ay naghanda para makipaglaban sa mga mandirigma ng Tulgao. Marami ang
namatay sa magkabilang tribo at hindi nakaligtas si Finsay sa mga natamaan. Dahil alam na ni Finsay na di na
siya makakapunta sa napag-usapan nila ni Lupting kinausap niya ang kanyang kapatid na puntahan si Lupting
sa ituktok ng Bundok Taungay at sabihing di na siya makakapunta.
Samantala, nakarating na si Lupting sa ituktok ng Bundok Taungay at laking dismaya niya nang
makitang walang Finsay na naghihintay sa kaniya. Sa oras ding iyon ay dumating ang kapatid ni Finsay at
ibinalita kay Lupting ang masamang nangyari sa minamahal na si Finsay. Parang pinagsakluban ng langit at
Lupa si :upting. Di niya inakala na ang kaniyang mahal na si Finsay ay di na niya makikita at makakasama pa.
Pinauwi niya ang kapatid ni Finsay at siyay nagpaiwan. Sa kaniyang pagluluksa, hiningi niya sa Kabunyan na
siyay kunin na lang dahil wala nang silbi ang kaniyang bukay kung wala rin lang si Finsay na kaniyang
minamahal. Walang batid ang kaniyang paghinagpis at panaghoy hanggang sa siyay mahiga at umasang
muling makasama si Finsay sa kabilang buhay.
Kinaumagahan, nagulat na lamang ang mga tao sa Luplupa dahil ang dating Bundok Taungay ay
nagkahugis babae. Ang kapatid ni Finsay ay nagsabing ang hugis babae ay walang iba kundi si Lupting na
siyang minamahal ni Finsay.
Dito nagtatapos ang pag-iibigan nina Finsay at Lupting na kahit sa kamatayan ay di napaghiwalay ang
kanilang pagmamahalan sa isat isa. Ang walang hanggang pagmamahalan nina Finsay at Lupting ay
naisalinwika sa ibat ibang henerasyon sa mga tribo ng Dacalan at Tinglayan hanggang sa kasalukuyan.

Ipinasa ni: Julius Victorino G. Laguinday

Ipinasa kay: Madam Shiley M. Dao-ay

You might also like