Ang lahat ng lalaking Pilipino na may 16 hanggang 60 ay sapilitang
pinagtrabaho nang 40 araw. Ito ay tinawag na polo. Kailangan silang maghandog ng kanilang lakas sa pamahalaan. Gumawa sila ng mga imprastrakturang pampubliko nang walang bayad. Gumawa sila ng tulay, simbahan at galleon (bapor pangalakal). Ang mga naglilingkod na mga katutubong lalaki ay tinawag na polista. Dapat ay hindi sila lalayo sa kanilang pamilya sa panahon ng polo ngunit hindi rin ito nasunod. Sa sapilitang paggawa nakapagpagawa ng mga daan, tulay at mga barko ang pamahalaan. Nakabuti ito sa ibat ibang syudad o pueblo. Mabuti at maganda ang mga adhikain ng kautusan, ngunit it ay hindi sinunod ng mga maykapangyarihan. Ang mga Pilipino ay pinilit gumawa nang walang bayad. Malalayong lugar ang pinagdalhan sa kanila kung kaya hindi nila nakapiling ang kanilang pamilya. Marami ang namatay sa gutom at hirap sa pagtatrabaho. Nagkaroon ng mga tulay at daan ngunit masama ang naging epekto sa mga Pilipino. Dahil sa mga namatay,lumiit ang bilang ng mga katutubong mamamayan. Napabayaan ang mga lupang sakahan at nagkahiwalay ang mga pamilya. Nagalit at naghimagsik ang kalooban ng mga Pilipino laban sa kalupitan ng mga Espanyol.
Epekto ng Sapilitang Paggawa
May mga Pilipino na tumutol sa mga patakaran ng Espanya. Ang ilan sa hindi nila nagustuhan ay ang katiwalian sa pagbabayad ng buwis gayundin ang walang katarungang sapilitang paggawa. Nagkaroon ng pagbabago sa sistema ng sapilitang paggawa. Tanging ang mga lalaki lamang na may gulang 18 hanggang 50 ang magbibigay ng serbisyo. Ibat ibang kagamitan ang maaaring gamitin sa paggawa. Ito ay ang alagang hayop, kariton, bangka at iba pang sasakyan. Maaari ring hindi magtrabaho kung magbibigay ng tatlong piso o alinman sa kagamitan nila. Ang panahon ng paggawa ay hindi dapat makahadlang o makasabay sa pagsasaka. Dahilan ito kung kaya hindi gumawa ang isang titulado o abogado. Ninais ng mga magulang na mapag-aral ang kanilang anak at magkaroon ng mataas na tungkulin sa tanggapan. Muling nagpalabas ang Espanya ng kautusan upang malunasan ang suliranin sa pagwawalang bahala o pagpapabaya sa Gawain. Ito ay naganap noong Hulyo 12, 1883. Ang kautusan ay naglaman ng panukalang labinlimang araw na lamang ang paggawa. Ngunit ang sapilitang paggawa ay hindi maaaring mabili. Maaari lamang kumuha ng kapalit o hahalili sa paggawa. Ang maaari lamang paglingkuran ay ang mga lugar na nasasakupan ng pueblo. Isinali rin sa kautusan na lahat ng nakatira sa Pilipinas ay kailangang maglingkod kahit ano pa ang kanyang lahi.