Bestfriend

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

BESTFRIEND'S PANCAKE (Recipe ng Pagkakaibigan)

Recipe ng Pagkakaibigan:
- 3 tasa ng pagmamahal at presensiya sa isa't- isa
- 2 tasa ng tawanan
- 4 tasa ng pagtitiwala sa kakayahan at positibong pananaw sa isa't- isa
- 2 tasa ng katapatan
- 1 bariles ng pagkakapareha sa "passion"
- 2 kutsarita ng paggalang
- 2 kutsara ng paglalambing
- 1 kutsarita ng kalinawan at pagkakaunawaan sa isa't- isa
- 1 kutsara ng balanse o pagkakapantay- pantay
- 1 kutsarita ng joke at kuwento
Mga Hakbang:
1. Sa isang mixing bowl o lagayan, pagtulungang paghalu-haluin ang mga sumusunod:
- 3 tasa ng pagmamahal at presensiya
- 2 tasa ng tawanan
- 4 tasa ng pagtitiwala sa kakayahan at positibong pananaw
- 2 tasa ng katapatan
- 1 bariles ng pagkakapareha sa "passion"
- 1 kutsarita ng kalinawan at pagkakaunawaan
2. Ihanda ang kawali at lagyan ng 1 kutsara (o hanggang 1 tasa) ng balanse o pagkakapantay- pantay.
3. Imanu-manong ibuhos ang mga pinaghalo sa unang hakbang.
4. Lutuin at baliktarin. Huwag hayaang maluto nang sobra o maging sunog; huwag rin namang hindi luto,
ang mahalaga ay sapat lamang.
5. Matapos maluto, ilagay sa isang plato at lagyan ng 1 kutsarita ng joke o kwento.
6. Ienjoy ang nalutong pagkakaibigan.
7. At huwag kalimutang maghanda ng panulak upang mas maging maayos ang pagdaloy nito sa ating
buhay. At para sa mga makakakain o kakain huwag kalimutang ibahagi ang naidulot na kasiyahan sa
ibang tao.

You might also like