Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

EDITORYAL - Ipagbabawal na ang

paninigarilyo
(Pilipino Star Ngayon) | Updated October 11, 2016 - 12:00am

NGAYONG buwan na ito, nakatakdang lagdaan ni President Rodrigo Duterte ang isang Executive Order
na nagbabawal manigarilyo sa lahat nang publikong lugar. Ayon kay Department of Health (DOH)
Secretary Paulyn Jean Ubial, kapag nalagdaan ang EO, buong bansa ang sakop ng kautusan na bawal
nang manigarilyo sa mga publikong lugar, mapaloob man o mapalabas. Ayon kay Ubial, nagawa na ito sa
Davao City noong si Duterte pa ang mayor doon at naging matagumpay. Pinuri pa ng World Health
Organization (WHO) ang Davao City dahil sa smoking ban.
Ayon sa DOH, ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa buong bansa ay upang
makaiwas sa pagkakasakit ang mamamayan. Ang second hand smoke ay sinasabing mas matindi ang
epekto sa mga nakalalanghap nito.
Ayon sa WHO, limang milyong tao ang namamatay taun-taon at maaaring maging walong milyon sa
pagsapit ng 2030 kung hindi magkakaroon nang matibay na kampanya laban sa paggamit ng tabako o
paninigarilyo.
Ayon sa DOH, ang mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo ay hypertension, heart attack, stroke, cancer
at lung disease. Umanoy 14 milyong Pinoy ang may hypertension at ang dahilan ay ang paninigarilyo.
Ang chronic obstruction pulmonary disease (COPD) ay isa sa mga sakit na dulot ng paninigarilyo.
Habambuhay na ang sakit na ito na kinapapalooban ng mahirap na paghinga.
Ngayong may kautusan nang ilalabas para sa pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar,
isang malaking regalo ito sa mga mamamayan na sawang-sawa na sa nalalanghap na usok ng sigarilyo.
Makakaligtas na rin sa tiyak na pagkakasakit.
Kapag nailabas na ang kautusan, nararapat namang ipatupad ito nang buong husay ng mga kinauukulan.
Mayroon nang ordinansa ang mga bayan at siyudad na bawal manigarilyo sa mga publikong lugar pero
hindi ito naipatutupad. Sa umpisa lamang mahigpit pero makaraan ang isang linggo ay wala nang tigas
ang ordinansa. Ningas-kugon lang ang lahat.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:


Sana, maipatupad ang pagbabawal sa paninigarilyo sa buong bansa ngayong si Duterte na ang naguutos.

You might also like