Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

FADE IN:

RICHARD, Filipino magaling kumanta, torpe sa babae, mahina ang self esteem,
mabait at awkward kausap maliban sa kanyang matalik na kaibigan.
DAISY, Filipino maganda, misteryoso ang katauhan, approachable, mabait at
masayahin.
EXT. PARK NIGHT
Isang gabing maliwanag na nababalot ng romansa. Kumakanta si Richard habang
nakangiti sa kanya si Daisy.
FADE TO:
EXT. BUSY STREET INTERSECTION DAY
Tumatakbo si Richard na parang malelate na.
RICHARD
Malelate na ako sa usapan namin, tsk nakakahiya
(Nagmamadali, hinihingal, tumingin sa kanyang orasan 9:12)
CUT TO:
MELVIN, matalik na kaibigan ni Richard, happy go lucky, masayahin, maangas,
mayabang.
INT. FAST FOOD UPUAN DAY
Tulala nakaupo sa isang upuan, hawak ang cellphone. Nakalagay sa messages ang
cellphone at ang pag uusap ay RICHARD: Uy sorry kararating ko lang asan ka na.
MELVIN: Ay sorry kagigising ko lang otw na ako. Biglang pasok ni DAISY may
kausap sa telepono.
DAISY
Kuya paupo lang dito saglit aa
(Nakahawak ang dulo ng daliri sa mic ng cellphone na naka-home naman)
RICHARD
Sige lang po
(Mahinang pagkakasabi)
Ang ganda niya
(Sa isip niyang sinabi)
Nakikipag usap lang si DAISY sa kanyang telepono habang dumarating na ang
kanyang mga order at kumakain na habang si RICHARD ay nakatulala padin.
FADE TO:
Patapos na kumain si DAISY at napagod na din siya kakakausap sa cellphone niya.

RICHARD
Eto na pagkakataon ko tapos na siya makipag usap.
(Nasa isip niya)
Ehem, excuse me be sino kausap mo?
(Pabeki niyang pagkakabanggit, pinagpapawisan)
DAISY
Ay beki ka pala, pasensya na wala na kasi akong maupuan dito hahahaha
Pasensya na talaga gutom na gutom na din kase talaga ako kung alam ko lang beki
ka nako edi sana binaba ko agad yung cellphone ko at nakisuyo nalang ako sayo
kase mukhang tahimik ka naman at wala kang kasama di ka padin naman ata
umoorder.
(Kumakamot sa ulo)
RICHARD
Ang ganda niya buti nalang gumana yung plano ko
(Nasa isip niya)
Ano bang pangalan mo sis? Add kita sa FB gusto ko style mo.
(Pabeki niyang pagkakabanggit)
Sana gumana sana gumana
(Iniisip niya, naka cross yung mga daliri nya sa ilalim ng mesa)
DAISY
Ah, ako nga pala si Daisy Del Pilar
(Inaalok ang kamay para sa shake hands)
RICHARD
Ako naman si Richard Fernandez
(Punas kamay sa shorts sabay shake hands)
DAISY
Oh
(Natulala)
RICHARD
Ay sorry ate di ako bading hahaha nagpapanggap lang, yun lang kasi naisip kong
paraan para makausap ka e hehehe
(Kabado, naging mas mahigpit ang cross na daliri sa ilalim ng mesa)
DAISY
Hahahaha okay lang kuya nagpapanggap lang din naman akong may kausap
(Tulala, poker face)
RICHARD
Ah
(Straight face)
Tumawa silang parehas ng biglang dating ni MELVIN

MELVIN
Sorry Chard nalate ako ng gising e
(Sabay tingin kay DAISY na labis na gulat)
DAISY
Uhm sige Richard?
RICHARD
Opo
DAISY
Mauna na ako andito na pala kasama mo eh, nice meeting you
(Nakangiti)
Nagshake hands ang dalawa at umalis na si DAISY at ganon padin ang reaksyon ni
MELVIN
MELVIN
Tol, ano yon kakaiba yon anung nangyare nalate lang ako ng saglit ganon na?
(Gulat niyang tinanong)
RICHARD
Na-late lang? Ng Saglit? Tol alas nwebe usapan natin alas dyis na o.
(Sabay pakita ng kanyang orasan)
MELVIN
Isang number lang pagitan e sus, so ano nga sino yung chix na kausap mo kanina?
(Nanlalaki at nasasabik nyang pagtatanong)
RICHARD
Tol akin na to, bigay mo na sakin to kahit ito lang. Tara kain na tayo.
(Nakangiti niyang sinabi)
MELVIN
Wow, kakaiba ka sige sige sayo na yan sure sure astig ngayon ko lang nakita yung
side mo na yan a.
(Namangha)
RICHARD
Watch and learn tol hahaha tara na at kumaMELVIN
Tara na baka malate pa tayo 10:30 klase natin e kumain na naman ako sa bahay.
(Biglang nagtaka)
Ay teka anong kuma nga pala gusto mong gawin?

RICHARD
Ha? Aa kumanta na tayo habang naglalakad papunta sa school hahaha para di
boring
(Naging kamao ang naka cross na daliri sa ilalim ng mesa at mas dumiin)
Di pa naman ako kumain sa pagmamadali
(Nasa isip niyang sinabi, malungkot)
CUT TO:
INT. CLASSROOM DAY
Nakatungtong ang ulo ni RICHARD sa armchair.
MELVIN
Okay ka lang to?
(Nag aalala)
RICHARD
Okay lang ako, gutom lang
(Biglang tunog ng sikmura)
MELVIN
Bakit kasi di ka nag almusal? Nagmamadali ka ba?
(Nagtatakang tanong)
RICHARD
Diba may usapan tayong magkikita tayo ng 9 sa Jaribee?
MELVIN
OH SHIT! Kokopya nga pal(Gulat)
Pumasok ang propesor sa classroom
PROPESOR, Filipino-American, walang bahid ng pagiging makabayan sa Pilipinas,
mangmang sa gramatiko ng lengwaheng Ingles ngunit lagi niya itong ginagamit,
strikto, mahilig manglait at magbaba ng dangal ng isang estudyante. Natutuwa pag
nag eenglish ang estudyante.
PROPESOR
Okay class, pass away your papers
MELVIN
Sir pwedeng bukas magpasa?
(Kabadong pagtatanong)

PROPESOR
Oh no no no, you Pilipino students sure not know how to pass on time. What a way
to showcase your Pilipino morality thats why its called Pilipino Time no? Ilang
buwan ko na ba pinagawa sa inyo yan class?
CHARINO, Filipino presidente ng klase naninindigan, matapang, matalino, mabait
pero sipsip sa guro.
MELVIN
Sir kahapon niyo lang po binigaPROPESOR
Huh? Binigay ko na ito sa inyo 2 months ago. Diba Charino?
(Galit na pagkakabanggit)
CHARINO
Sorry, Melvin
(Pabulong niyang sabi)
Opo sir.
PROPESOR
Oh ako pa niloloko mong estudyante ka. Paakyat ka palang pabalik na ako.
Biglang nahimatay si Richard
MELVIN
Sir, permission to bring Richard to the clinic.
PROPESOR
Oh sure sure go ahead.
Lumapit kay Richard at inalalayan sa paglalakad
CUT TO:
EXT. HALLWAY DAY
Inaalalayan ni Melvin si Richard sa paglalakad
MELVIN
Salamat sa pagligtas Richard pede ka nang tumigil sa pagpapanggap, ambigat mo.
(Sabay tanggal ng kamay ni Richard sa kanyang balikat)
Bumagsak si Richard sa lapag
MELVIN
OH SHIT!
CUT TO:

INT. CLINIC NOON


May kinakausap si MELVIN kalahati lang ang naaaninag ni RICHARD, nakita na
siyang may malay ni MELVIN at lumapit ito sa kaniya
MELVIN
Oy tol gising ka na pala, kain ka na hahahaha
(Pakamot ng ulo niyang sambit)
RICHARD
Sige sige, sino nga pala yung kausap mo dun kanina?
MELVIN
Ah, si ano(Nagmamaangmaangan niyang sambit)

You might also like