Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Mga uri ng anyong lupa

Madaling matukoy ang tanawin na ito ng Great Smoky Mountains National Park sa kanyang
anyong lupa katulad ng kapatagan, lambak, burol, at nalumang bulubundukin.
Ilan sa mga anyong lupa ang mga sumusunod:

Kapatagan isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay
ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay. Halimbawa:
Kapatagan ng Gitnang Luzon

Bundok isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas
mataas kaysa sa burol. hal.Bundok Banahaw, Bundok Apo.

Bulkan isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring
lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang
tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang
Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo
na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan.
Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang
Bulkang Pinatubo.

Burol higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag
na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga
luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.

Lambak isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga
produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.

Talampas patag na anyong lupa. Ang kaibahan nito sa lambak ay nakalatag ito sa isang
mataas na lugar.

Baybayin bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat

Bulubundukin matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.

Pulo mga lupain na napalilibutan ng tubig.

Yungib mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao
at hayop.

Tangway pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig.

Tangos mas maliit sa tangway.

Disyerto mainit na anyong lupa

kapuluan mga grupo ng iba't ibang pulo

Anyong tubig
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Ilog Gambia na dumadaloy sa Niokolokoba National Park

Ang anyong tubig ay kahit anumang makahulugang pag-ipon ng tubig, kadalasang tinatakpan
ang ibabaw ng isang planeta katulad ng Daigdig. Hindi kinakailangan na hindi gumagalaw o
nakapaloob ang isang anyong tubig; ang mga ilog, sapa, kanal, agusan, bambang at ibang
katangiang pang-heograpiya kung saan dumadaloy ang tubig mula sa isang lugar hanggang sa isa
pang lugar ay tinturing din na anyong tubig

Karagatan - ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang tubig nito.


(Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko,
Karagatang Indiyano, Karagatang Artiko, at ang Katimugang Karagatan.)

Dagat - malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa


karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa
karagatan. (Nabibilang sa mga dagat sa Pilipinas ang Dagat Timog Tsina,
Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat Celebes, at Dagat Mindanao.)

Ilog - isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong


dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.

Look - isang anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang


sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapagkat nakadugtong ito sa
dagat o sa karagatan. (Ang Look ng Maynila, Look ng Subic, Look ng Ormoc,
Look ng Batangas, at Look ng Iligan ay halimbawa ng mga look sa Pilipinas.)

Golpo - isang malawak na look.

Lawa - isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.

Bukal - anyong tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.

Kipot- makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong


tubig tulad ng dagat o karagatan. May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas
dahil sa pagiging kapuluan nito.

Talon - matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa

Batis - isang ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos.

MGA URI NG LIKAS NA YAMAN

Yamang Lupa
Ito ay tulad ng mga bundok, gubat, burol, talampas, malawak na kapatagan at lambak.
Karamihan ng mga lupa sa pilipinas ay ginagamit sa agrikultura. Karaniwang itinatanim dito ay
palay, mais, prutas, gulay, kape, at kakaw. Malaking bahagi ng ani sa mga lupain ang tinatawag
na aning pangkomersyal tulad ng niyog, tubo, abaka, tabako, goma, kapok at iba pa.

Yamang gubat
Sa mga pinagkukunang yaman ng bansaang mga kagubatan ang may pinakamalaking sukat.
Maraming nakukuhang tabla at langis, aromatiko mula sa mga punong diptercarp. Mga pula at
puting lawan at tangili na itinuturing na pinakamahalagang supply ng tabla sa bansa. Makukuha
rin sa mga troso, tabla, plywood, tropal o veneer at dagta at resin.
Yamang Tubig
Malawak ang karagatan ng Pilipinas na umaabot sa baybayin ng 17,640 kilometro at 266
milyong ektaryang coastal waters at 193.4 ng karagdagang bahagi na nagmumula sa karagatan.
Tinatayang umaabot ng 18.46 milyong ektarya ang kabuuang lawak ng karagatan kabilang ang
338,393 ektarya ng latian at mga ilog imbakan na matatagpuan sa bansa.
Yamang Mineral
Isa sa mga pangunahing industriya na nagpapataas ng reserbang dolyar ng bansa ay ang ating
mga mineral na yaman.
Metalikong Mineral- binubuo ng mga metalikong mineral tulad ng ginto, bakal, nickel,
tanso, uranium, cadmium, chromite, manganese at zinc.
Di-Metalikong Mineral- binubuo naman ito ng mga merkuryo, flourine at iba pang di
metalikong mineral
Yamang Tao
Ang dami ng tao sa isang bansa ay nagpapakita ng lawak ng potensyal na yamang tao.Ito ang
mga taong nagtatrabaho sa isang bansa at may kakayahang magpaunlad sa layuning mapaunlad
ang isang bansa. Tinatawag din silang likas dahil sila ang nangangasiwa ng mga ibang likas na
yaman at utak sa interaksyon sa pamilihan.

Ang Pilipinas ay isang kapuluan na naglalaman na mahigit sa 7107 na pulo na may


kabuuang lawak na 300,000 km2. Ang Labingisang pinakamalaking mga pulo ay
sumasakop sa ika-94 na bahagdan ng kabuuuang lawak ng lupa. Ang pinakamalaki
sa mga ito ay ang Luzon na may lawak na 105,000 km2. Ang sunod na
pinakamalaking pulo ay ang Mindanao na may 95,000 km2. Ang kapuluan ay

mahigit kumulang na 800 kilometro mula sa mainland ng Asya at matatagpuan sa


pagitan ng Taiwan at Borneo

TANGWAY

KIPOT

GOLPO

You might also like