Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

I.

PAMAGAT

Negosyong Online: Epektibong Pagnenegosyo gamit ang OLX

II.

RATIONALE

Ang negosyong online ay isang patok na paraan ng


pagneengosyo na kung saan ang mga produkto ay maari nang bilhin sa
internet. Ang mga produkto ay maaaring ipadala at matanggap ang
produkto sa natakdang mga express services o sa pamamagitan ng
meet up. Sa taong 2015, mahigit kumulang 3.2 bilyong katao ang
gumagamit ng internet (BBC News). Karamihan sa mga gumagamit
nito ay ginagawang daan para sa kani-kanilang negosyo.

Sa ibang banda, ang ibang produkto na nakatala sa kani-kanilang


online site na kanilang ibebenta ay nagkakaroon ng diperensya. Ang
Bogus Buyer ay ang termino ng mga nagtitinda or bumibili sa internet
para sa nanloloko na nagpapareserba ng mga produkto sa internet,
text at sa pakikipagchat. Sila iyong nakikipagkasundo sa isang lugar at
magkaroon ng meet up at hindi magpapakita. May mga produkto ring
may hindi inaasahang kaanyuan at presyo na ipinagkakasundo ng mga
nagtitinda, na siyang pangunahing suliranin ng mga online buyers.

Ang OLX ay isa mga nangungunang negosyong online sa


pilipinas na nag-uugnay sa milyon-milyong mga mamimili at
nagbebenta. Maaaring magbenta ng produkto sa pamamagitan ng
pagpapahayag o pagpapakita sa mga mamimili ng iyong produkto na
may kompletong impormasyon. Sa interaksyon ito, nararapat lamang

mamili ng mga lugar na kung saan ay malapit ang mga mamimili. Dito,
magkakaroon transyaksyon sa mga interesadong mamili ng mga
produkto na mayroon ang isang tao. Sa site na ito, maaari ka ring
magsagawa ng mga advertisements para makakuha pa ng mga
mamimili.

Sa pananaliksik na ito malalaman ang saloobin ng mga magaaral ng Far Eastern University ukol sa mga online shops. Dito rin
maipapakita ang mga maaaring mangyari sa isang
pakikipagkalakalang online.

III.

MGA LAYUNIN SA PAG-AARAL

Upang ilahad ang paksang pinag-aaralan, inihahandog ng pananaliksik


na ito ang nakatalang layunin para sa ikagaganda ng konseptong
papel. Ang mga layunin ay ang mga nakatala:
1. Malaman ang mga salik na nag-uudyot sa mga negosyante na
maitinda ang kanilang mga produkto sa negosyong online gamit
ang OLX
2. Matukoy ang dahilan ng pagiging epektibo at pagiging patok na
paraan nito sa mga negosyante
3. Maipakita ang bilang o sukat ng mga mag-aaral ng Far Eastern
University na tumatangkilik ng mga produktong nabili mula sa
online, gamit ang OLX
4. Masaliksik ang mga positibo/negatibong epekto ng pagtangkilik
ng negosyong online na OLX
5. Maibigay ang mga maaaring tunggalian sa pagtitinda/pagbili ng
produkto sa negosyong online na OLX

IV.

INAASAHANG BUNGA

Ang inasahang kalalabasan ng pananaliksik na ito ay


makapagbibigay ng kalinawagan sa mga mamimili o mga magtitinda
ng mga dapat o hindi dapat gawin sa pagnenegosyong online tulad ng
sa OLX. Sa pamamagitan ng pagsusuring ito, matutulungan ang bawat
mamimili o mga nagtitinda sa pagkakaroon ng matalinong
pagkonsumo ng produkto.

V.

METODOLOHIYA

Sa pagsuring ito, kwaliteytiv ang gagamiting paraan ng


metodolohiya para sa mas malalim at maintindihan ang mga salik ng
mga nagtitinda o ng mga mamimili sa negosyong online tulad ng OLX.
Sa kwaliteytib na pananaliksik, ayon sa College of Computer and
Information Science - Northeastern University, ito ay naglalaan ng
kaalaman patungkol sa makataong banda ng isang isyuang
pangkaraniwang kasalungatang pag-uugali, paniniwala, mga opinyon,
mga emosyon, at ang relasyon ng bawat indibidwal.
Ang metodolohiya na gagamitin ay isang interbyu. Ang
kwaliteytib na pakikipanayam ay nagpapakita ng paglalarawan and
mga kahulugan ng mga pangunahing tema ng bawat paksa. Ang
pangunahing tungkulin ng isang pakikipayaman ay ang unawain ang
pakahulugan ng mga responde ng kinakapanayam, (Kvale,1996).
Ang pangunahing respondante ay ang mga negosyanteng
nagtitinda ng mga produkto sa OLX. Samantala, ang respondanteng
kukunin ay ang mga mag-aaral ng Far Eastern University High School
sa taong 2016.

VI.

SANGGUNIAN

Interview as a Method for Qualitative Research. (2013). Nakuha mula


sa
http://www.public.asu.edu/~kroel/www500/Interview%20Fri.pdf

Qualitative Research Methods: A Data Collectors Field Guide. (2000).


Nakuha mula sa
www.ccs.neu.edu/course/is4800sp12/resources/qualmethods.pdf

Internet used by 3.2 billion people in 2015. (May 2015). Nakuha mula
sa
www.bbc.com/news/technology-32884867
About OLX. (2016). Nakuha mula sa
http://www.olx.com

You might also like