Marami sa mga kabataan ngayon sa sobrang pagmamahal
ay nalulong sa tinatawag na Pre-marital sex. Dahil sa matinding silakbo ng damdamin di mapigilan ang mga kagustuhan at di mo na malayan na pati ikaw ay nabibilang na sa gumagawa nito. Pagibig kapag dumating at ikay tinamaan hahamakin ang lahat masunod ka lamang. Di mapigilan,di maiwasan at kay hirap labanan. Ang kontaseptibo ay ginagamit upang maiwasan mabuo ang sanggol kapag ng tatalik ang dalawang taong nagmamahalan. Ang Obispo at gobyerno ay di magkasundo tungkol sa pag sasalegal at pag gamit ng kontraseptibo. Ang mga Obispo at pari ay tutol sa ibat-ibang kontraseptibo dahil ito daw maituturing na isang mortal na kasalanan. Ito daw ay maituturing na pag patay sa isang walang kamuwang-muwang na anghel. Pinagkakaitan ang isang bata na makita at mamulat sa mundo na bawat isa ay karapatan nito. Bawat isa ay may sariling paninindigan at ang paninindigan na iyong ay ang pinaniniwalaan ng ating mga pari, madre at mga Obispo. Para naman sa akin ang kontraseptibo ay hindi pag-patay. Itoy hindi aborsyon. Hindi maiiwasan sa ating henerasyon ngayon ang tinatawag na Pre-marital sex. Ang Premarital sex ay ang pakikipag talik ng mga kabataan ngayon na wala pa sa tamang edad kung saan ang mga estudyante sa elementarya,sekundarya at kolehiyo ay di maiwasang gawin ito. Dahil sa subrang pagmamahal na sinisigaw ng kanilang damdamin. Sa subrang pagmamahal na di- mapigilan ng mga kabataan ngayon ay ng bunga ng isang sanggol at subrang kahirapan itoy ng resulta sa kamatayan. Di sana iyon naranasan diba? Kapag may tamang patnubayat gabay. Para sa akin ang kontraseptibo ay sadyang makakatulong basta gamitin lang ito sa tamang at wastong paraan. Katulad ng programang Family planning. Itoy pag plano tungo sa maganda at malusog na pamilya. Bawat kontraseptibo ay may kanikanilang kahalagahan at kabutihang maidudulot sa kabila ng magandang maidudulot may masamang epekto din ito s a katawan kapag hindi tama ang paggamit. Sa pag gamit ng
kontraseptibo kailangan maging responsible at mag siguro.
Gawing tama ang bawat pag plano tungo sa magandang kalusugan, kaginhawaan magandang buhay at para sa magandang kinabukasan.