Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Ang Pag-init ng Daigdig o Global Warming sa Ingles) ay

tumutukoy sa naranasang pagtaas ng katamtamang temperatura ng


himpapawid at mga karagatan sa mundo nitong mga nakaraang
dekada. Tumaas ng 0.6 0.2 Celsius (1.1 0.4 Fahrenheit) ang
temperatura sa loob ng ika-20 siglo ang katamtamang pandaidigang
temperatura. Ayon sa siyentipikong opinyon, ang naranasang pag-init
nitong huling 50 taon ay gawa ng tao. Ang pagtaas ng antas ng carbon
dioxide at iba pang mga greenhouse gases na resulta ng pagsunog ng
produkto mula sa petrolyong langis, pagpapanot ng kagubatan,
pagsasaka, at iba pang kagagawan ng tao ang mga pangunahing sanhi
ng pag-init ng mundo.
Nagpapakita sa mga pagmamatyag na pag-aaral at ng mga
modelong pangklima na ang pagka-sensitibo ng klima upang madoble
ang antas ng CO2 ay mangyayari kapag tumaas ng 1.5-4.5 C ang
katamtamang temperatura. Ang mga modelong basihan ng
Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) ay humuhula na ang
pandaigdigang temperatura ay tataas sa pagitan ng 1.4 at 5.8 C (2.5
hanggang 10.5 F) mula taong 1990 hanggang 2100.
Sinasabing ang pagtaas sa pandaigdigang temperatura ay
magdudulot ng malaking pagbabago kasama rito ang pagtaas ng
karaniwang taas ng dagat at pagbabago sa dami ng mga pag-ulan. Ang
mga pagbabagong ito ay sinasabing magpaparami sa dalas at lakas ng
mga mapanirang kalagayan ng panahon tulad ng baha, tag-tuyot, bugso ng init (heat waves), bagyo at buhawi.
Sinasabing ang pag-init ay makaaapekto sa bilang at tindi ng mga ito, Mahirap na iakibat ito sa partikular na
kalagayan ng panahon sa pag-init ng mundo. Gayunman, ang mga pag-aaral ay nakatuon sa panahon
hanggang taong 2100 na ang pag-init (at pagtaas ng pantay laot mula sa pag-aalsang dulot ng init) ay patuloy
na mangyayari dahil sa ang CO2 ay may mahabang buhay sa himpapawid.
May maliit na bilang na mga siyentipiko ang laban sa pananaw na ang gawa ng tao ang nagdudulot ng
malaki sa pagtaas sa temperatura nitong nakaraang panahon. Gayundin, walang katiyakan ang nakapalibot rito
kung gaanong kalaking pagbabago sa panahon ang makikita sa darating na araw. May mainit na debateng
pampolitika at publiko kung paano mapabababa o mababaliktad ang pag-init sa darating na panahon at kung
paano haharapin ang mga bunga nito.
Ang katagang global warming (pag-init ng mundo) ay isang tiyak na dulot ng mas malawak na katagang
climate change (pagbabago sa klima) (na tumutukoy din sa paglamig tulad ng nangyari noong Edad Yelo). Sa
prinsipyo nito, nyutral ang global warming sa dahilan nito ngunit sa karaniwang gamit, kalimitang pinahihiwatig
na may papel ang tao sa pag-init ng mundo. Gayunman, ginagamit ang climate change ng UNFCCC sa
pagbabagong gawa ng tao, at climate variability (pabago-bago ng klima) na dulot ng ibang kadahilanan. Ang
ilang organisasyon ay gumagamit ng katagang 'anthropogenic climate change' sa pagbabagong dulot ng tao.

Mga nilalaman

1. Mga Kadahilanan

2. Mga Alternatibong Hinuha

3. Mga Hulang Magiging Dulot

4. Epekto sa Sistema ng Paligid

5. Dulot sa mga bundok ng yelo (glaciers)

6. Destabilisasyon ng pag-usad ng dagat

7. Mga Nagsilikas sa Pagbabago ng Kapaligiran

8. Pagkalat ng Sakit

9. Epektong Pang-ekonomiko

10. Produksiyon ng biomass

11. Pagbukas ng Northwest Passage (Daang Pahilagang-kanluran) kung tag-araw.

12. Mga Sagot

13. Mga modelo sa klima

14. Mga iba pang kalapit na isyu

14. 1Kaugnayan sa pag-unti ng ozone

15. Kaugnayan sa pagdilim ng mundo

16. Ang pag-init bago dumating ang tao

17. Mga Batayan

Mga Kadahilanan
Ang klima ay patago-tago sa pamamagitan ng mga prosesong pangloob gayundin sa tugon sa pabagobagong panglabas na pwersang gawa at di-gawa ng tao kasama ang pagkilos ng araw, pagputok ng mga
bulkan, at ng greenhouse gases. Tanggap ng maraming klimatologo na kamakailan lamang uminit ang mundo
ngunit ang sanhi ng pagbabagong ito ay kontrobersiyal lalo na sa labas ng komunidad ng mga siyentipiko.
Ang pagdaragdag ng carbon dioxide (CO2) o methane (CH4) sa himpapawid ng mundo nang walang ibang
pagbabago ay makapagpapainit sa balat ng ating planeta. Lumilikha ang mga greenhouse gases ng likas na
greenhouse effect na kung wala nito tinatayang ang temperatura sa mundo ay mas ng 30 C at hindi
matitirahan. Kaya sinasabing hindi tama na may debate sa pagitan ng naniniwala at laban sa hinua na ang
pagdaragdang ng carbon dioxide o CH4 sa himpapawid ng mundo ay magbubunga ng mainit na temperatura sa
balat ng lupa kung walang magpapabuti ng epekto nito. Ang debate ay tungkol sa netong epekto sa
pagdaragdag pa ng carbon dioxide at CH4 sa himpapawid.
Sinasabing ang kasalukuyang klima ng mundo ay wala sa kapanatagan (ekilibrio) kasama ang
pagpwersang dulot ng pagtaas ng mga greenhouse gases dahil sa inersiyang termal ng mga karagatan at
mabagal na pagtugon ng ibang di tuwirang mga epekto. Ang mga masusing pag-aaral sa klima ay nagpapakita
na iinit pa rin ito ng 0.5 C to 1.0 C kahit mapanatag ang mga greenhouse gases.
Ang mga greenhouse gases ay lagos-lagusan sa short wave radiation (maiksing ondang radyasyon) na
mula sa araw. Subalit, sinisipsip nito ang ilang mahahabang onda ng radyasyong infra-red mula sa lupa na
lubhang na nagpapahirap sa mundo na mapalamig ito.
Tinatayang tumaas ng 31% at 149% ang konsentrasyong panghimpapawid ng carbon dioxide at methane
kumpara sa antas bago naging industriyal ang mundo noong 1750. Sinasabing mas mataas ito kaysa alinmang
panahon nitong huling 650,000 taon, kung saan may matibay na ebidensiya mula sa mga ice cores (sample ng
yelo na kinuha ng pabarena). Mula sa hindi tuwirang ebidensiyang heolohika, pinaniniwalaang ang ganitong
kataas na dami ng carbon dioxide ay nangyari 40 milyong taon ang nakaraan. Ang tatlo sa apat na bahagi ng
mga emisyong dulot ng tao (antropoheniko) ng carbon dioxide sa himpapawid nitong nakaraang 20 taon ay
dulot ng pagsunog ng mga produktong petrolyong (fossil fuel). Ang tira ay pinangungunahan ng pagbabago sa
paggamit ng lupa lalo na ng pagpanot ng kagubatan [5].
Ang pinakamahabang pagsukat instrumental ng ratio ng paghahalo ng carbon dioxide sa himpapawid ay
nagsimula noong 1958 sa Mauna Loa, Hawaii. Mula noon, ang katamtamang (average) taunang halaga nito ay
tumaas mula 315 ppmv na ipinakikita ng Keeling Curve. Ang konsentrasyon ay umabot ng 376 ppmv noong
2003. Ang Timoging Polo (South Pole) ay nagpakita rin ng kamukhang pagtaas. [6]. Ang buwanang pagsukat ay
nagpapakita ng maliit na panapanahong osilasyon. Ang methane (metano) ay gawang biyolohika at emisyon
mula sa mga tubo ng petrolyong gas. Ang ilang biyolohikang pinanggagalingan ay natural tulad ng anay at ang
iba ay dulot ng aktibidad ng tao tulad ng pagsasaka, e.g. palayang bukid [7]. Sinasabi ng ebidensiya na
nasumpungan kamakailan lamang na ang mga kagubatan ay maaaring pinanggagalingan din nito (RC; BBC).
Tandaan na ito ay kontribusyon sa natural (likas) na greenhouse effect at hindi greenhouse effect na dulot ng
tao (Ealert).

Inaasahang patuloy ang pagtaas ng carbon dioxide dahil sa patuloy na paggamit ng mga produkton
petrolyo. Ang direksiyon nito ay hindi segurado at depende sa lagay ekonomiko, panglipunan, teknolohikal at
natural na pag-unlad ng tao. Ang espesyal ng report sa emisyon ng IPCC ay nagpapakita ng malawak na
pagtaas ng carbon dioxide sa hinaharap mula 541 hanggang 970 parts per million (bahagi ng isang milyon)
pagdating ng 2100.
Ang pagpapalabas ng CO2 na dulot ng tao mula sa pagsunog ng produktong petrolyo ipinakikita ang
abuloy sa kabuuang pagpapalabas ng CO2 , 1990. Batayan: UNFCCC
Sa buong mundo, ang karamihan ng emisyon ng greenhouse gas na dulot ng tao ay mula sa pagsunog ng
petrolyong langis. Ang tira ay sinasabing mula sa mga puganteng petrolyo (petrolyong singaw sa produksiyon
at paguusad ng produktong petrolyo), emisyon ng mga prosesong industriyal (di kasama ang pagsunog ng
petrolyo), at ng sakahan: magkakahiwalay nagdulot sila ng 5.8%, 5.2% at 3.3% noong 1990. Malawak na
maikukumpara ang kasalukuyang datos rito [9]. Halos 17% ng singaw ay dulot ng pagsunog ng petrolyo sa
paggawa ng koryente. Isang maliit na porsyento ng singaw ang dulot ng kalikasan at biyolohikang dulot ng tao
na kung saan halos 6.3% ay methane at nitrous oxide na galing sa sakahan.
Ang positibong ganting epekto tulad ng inaasahang pagsingaw ng halos ng 70,000 milyong tonelada ng
methane mula sa permafrost peat bogs sa Siberia, na nagsimula nang matunaw dahil sa pagtaas ng
temperatura ay maaaring magdulot ng malaking dagdag na pagkukunan ng singaw ng greenhouse gas. [10].
Tandaan na ang emisyong dulot ng tao ng iba pang lasong pampaligid bantog dito ang aerosol ng sulfate
(sulfato) ay may pampalamig na epekto. Maaring nagpapakita ito sa papatag/palamig na nakita sa tal ng
temperatura sa gitna ng siglo 20 [11] na maari ring dulot ng pagtitimping dulot ng kalikasan.
Mga Alternatibong Hinuha
Maraming alternatibong hinuha ang iminungkahi upang ipaliwanag ang namatyagang pagtaas sa
pandaigdigang temperatura kasama rito ngunit di limitado ang mga sumusunod: Ang pag-init ay nasa loob ng
lawak ng likas na pagbabago.
Ang pag-init ay resulta ng pagluwal mula sa nakaraang panahong kalamigan - ang Maliit ng Edad Yelo.
Ang pag-init ay resulta ng pagbabago sa sikat ng araw.
Sa kasalukuyan, maliit ang suporta rito sa loob ng komunidad ng mga siyentipiko sa panahon bilang
dahilan sa pag-init kamakailan. Hinua sa pagbabago sa araw
Dalawampung taon palabas ng araw
Sa mga pag-aaral ng modelo na inilathala sa IPCC Third Assessment Report (TAR) ay hindi nagpakita ng
pagbabago sa pagpwersa ng araw ay kinakailangan upang ipaliwanag ang rekord ng panahon nitong 4 o 5
dekada. [12]. Ang pag-aaral na ang pwersa ng bulkan at araw ay maaring nagdulot sa kalahati ng pagbabago
ng temperatura bago 1950. Subalit ang netong epekto ng mga pwersang ito ay sinasabing neutral mula noon
[13]. Partikular rito sinasabing ang pagbabago sa pagpwersa sa panahon mula sa mga greehouse gases mula
1750 ay tinatayang 8 beses na mas malaki kaysa sa pagbabago sa pagpwersa na dulot ng pagtaas ng
aktibidad ng araw nang parehong panahon. [14]. Mula nang ilathala ang TAR, maraming pag-aaral (Lean et al.,
2002, Wang et al., 2005) ang nagmungkahi na ang mga pagbabago sa sikat mula pa ng panahon bago

panahong industriyal ay maliit ng 3-4 ng ulit sa rekonstruksiyong ginamit sa TAR (e.g. Hoyt and Schatten, 1993,
Lean, 2000.). Itinay ni Stott et al. [15] na ang pwersa mula sa araw ay 16% o 36% ng pag-init mula sa
greenhouse gases. Sa kalahatan, ang makaagham na antas sa pagkaunawa sa pababago sa sikat ng araw ay
sinasabing napakababa [16].
Gayunman, may ilang mananaliksisik (e.g. [17]) ang nagmungkahi na ang tugon mula sa ulap o ibang
proseso ay nagpapabuti sa direktong epekto ng pagbabago ng araw. Nasumpungan ni Solanki, et al (2004) na
ang aktibidad ng araw nitong huling 60 hanggang 70 taon ay nasa kanyang pinakamataas na nibel sa 8,000
taon. Di naman ayon si Muscheler et al na nakasumpong ng kamukhang mataas ng nibel ng aktibidad nang
nakaraan [18]. Iniiulat ni Solanki ng ang nakaraang ugali ng araw ay ay aabot ng 50 taon.
Mga Hulang Magiging Dulot
Marami at ibat-iba ang hulang magiging dulot ng pag-init ng mundo sa kapaligiran at sa buhay ng tao.
Kasama rito ang pagtaas ng katamtamang pantay laot, dulot sa sakahan, paghupa ng ozone layer, pagtindi at
pagdalas ng mga matitinding klima (extreme weather events), at pagkalat ng sakit. Sa ilang kaso, ang epekto
ay maaring naririto na ngunit imposibleng ituro ang ugat nito sa isang tiyak na likas na kababalaghan na sanhi
sa pag-init ng mundo. Isa rito na pinagdedebatihan ay ang relasyon sa pagitan ng pag-init ng mundo sa mga
bagyo. [19] [20] Apat na dokumento na nagsasangkot sa pagtindi ng bagyo sa pagbabago ng klima ang
nagpapatunay na ang dalawa ay magkaakibat [21] [22]. Isang draft na ulat ng WMO ang tumutanggap sa
magkakaibang opinyon rito.
Paksa ng mainit na kontrobersiya ang lawak at katunayan na mga mangyayari. Ang listahan ng mga
posibleng epekto at pag-unawa ay matatagpuan sa report ng IPCC Working Group II [24]. Ilang siyentipiko ang
naniniwala na ang pag-init ng mundo ay magdudulot ng kamatayan at sakit sa mundo mula sa pagbaha,
pagkasira ng paligid, lubhang init at iba pang matinding mga pagbabago sa panahon.
Epekto sa Sistema ng Paligid
Ang ebidensiya ng pag-init ng mundo tulad ng pag-konti ng niyebe (snow), pagtaas ng pantay laot,
pagbabago ng panahon ay nagpapakita ng kahihinatnan na aapekto sa galaw ng tao gayundin sa sistema ng
ating kapaligiran. Ang pag-init ng mundo ay nangangahulugan ng pagbabago sa ating paligid. May ilang
halaman at hayop ang mapipilitang lumikas sa kanilang likas ng tahanan o kayay maglaho dahil sa
pagbabagong nangyayari. Ang ibang may buhay naman ay maaring dumami.
Dulot sa mga bundok ng yelo (glaciers)[baguhin | baguhin ang batayan]
Global Glacial Mass-Balance nang huling 40 taon na iniulat sa WGMS at NSIDC. Tingnan ang negatibong
pagtaas na direksiyon sa simula ng dakong huli ng 1980 na nagpapabilis at nagpaparami sa pag-urong ng
bundoking yelo (glaciers) (Dyurgerov)
Ang pag-init ng mundo ay nagbubunga ng negatibong balanse sa glacier mass (bulto ng bubunduking
yelo) na nagdudulot sa pag-urong ng glacier sa buong mundo. Ipinakita ni Oerlemans (2005) na may netong
bagbaba sa 142 na 144 bundok na may glacier na may rekord mula 1900 hanggang 1980. Mula noong 1980,
tumindi ang pag-urong ng glacier sa mundo. Gayundin, ipinakita nina Dyurgerov and Meier (2005) sa

pamamagitan ng glacier data sa malakihang rehiyon (e.g Europa) na may netong pagbaba mula 1960
hanggang 2002 kahit na ang ilang lokal sa rehiyon (e.g. Scandinavia) ay nagpakita ng pagtaas. Ang ilang
glacier na nasa disekilibryo sa kasalukyang klima ay nawala na [25] at tinataya na ang patuloy na pagtaas sa
temperatura ay magdudulot sa patuloy na pag-urong ng karamihan ng mga alpinong glacier sa buong mundo.
Mahigit sa 90% ng mga glacier na inereport sa World Glacier Monitoring Service ay umurong na mula 1995
[26]. Ang isang kabaha-bahala ay ang potensiyal na paghinto ng tunaw ng yelo (tubig daloy) ng Hindu Kush at
Himalaya. Ang tunaw ng mga glacier nito ay nagdudulot ng malaki at maasahang mapagkukunan ng tubig para
sa Tsina, India at halos buong Asya. Ito ang pangunahing mapagkukunan rin ng tubig sa panahon ng tag-araw.
Ang pagbilis ng pagkatunaw nito ay magdudulot ng malakas ng pagdaloy ng tubig sa maraming dekada at
pagkatapos nito ang ilang lugar na may pinakamaraming tao sa mundo ay tinatayang mauubusan ng tubig "
(T. P. Barnett, J. C. Adam and D. P. Lettenmaier 2005) [27]

Destabilisasyon ng pag-usad ng dagat[baguhin | baguhin ang batayan]


May ilang espekulasyon ng pag-init ng mundo, sa pamamagitan ng paghinto o pagbagal ng thermohaline
circulation (sirkulasyong dulot ng init-alat ng dagat) ay magsisimula ng lokal na pag-lamig sa Hilagang Atlantiko
na magdudulot sa paglamig o mahinang pag-init sa rehiyong ito. Lubhang maaapektohan rito ang Scandinavia
at Britanya ay iniinitan ng North Atlantic drift.
Mga Nagsilikas sa Pagbabago ng Kapaligiran
Kahit na ang maliit na pagtaas (pantay laot) ng dagat ay magdudulot ng pagkawala ng matitirhan sa mga
pasigan na magdudulot ng problema sa mga lumikas. Kapag ang pantay laot ay tumaas ng mahigit na 4 metro,
halos lahat ng pasigang lunsod sa mundo ay maapektuhan na may malaking epekto sa pandaigdigan kalakalan
at ekonomya. Sa kasalukuyan, tinataya ng IPCC na ang dagat ay tataas ng mababa sa isang metro sa
pagdating ng 2100. Kanila ring inabiso na ang pag-init ng mundo sa panahong iyon ay magdudulot rin ng hindi
na mababaliktad na pagbabago sa sistemang glasyal ng mundo na sa kalaunan ay magtutunaw ng sapat na
yelo na magpapataas sa dagat ng maraming metro pa sa loob ng susunod na milenya. Tinatayang halos 200
milyong tao ang maapektuhan sa pagtaas ng pantay laot lalo na Vietnam, Bangladesh, Tsina, India, Thailand,
Pilipinas, Indonesya at Ehipto.
Ang isang halimbawa ng kalagayan ng mga lumikas dahil sa kapaligiran ay ang paglikas mula sa pulo ng
Tuvalu na kung saan ang katihan ay may katamtamang taas ng halos isang metro lang sa pantay laot. Ang
Tuvalu ay mayroong ng kasunduang ad hoc sa New Zealand na tumaggap ng mga lumikas [28] at marami ng
residente nito ang umaalis sa pulo. Gayunman, hindi malinaw kung malaki ang epekto ng pag-init ng mundo sa
pagtaas ng dagat. Tinataya na ang dagat (pantay laot) ay tumataas ng halos 12 mm/taon. Ang maikling
panahong ito, may malaking epekto ito sa ENSO o pagkati/paglaki ng tubig
Pagkalat ng Sakit
Maaring magpalaganap ang pag-init ng mundo sa mga hayop at kulisap ng nagdadala ng mga
nakahahawang sakit tulad ng malarya, dilang asul na sakit mula ng mga kuto ng alagang daga na kamakailang
ay kumalat sa rehiyon ng timog Mediterreno. Tumaas sa malawak na lugar sa Rusya ang impeksiyon mula sa

hantavirus, Crimean-Congo hemorrhagic fever, tularemia at rabies nitong 2004-2005. Maisisi ito sa mabilis ng
pagdami ng mga daga at hayop na kumakain nito gayundin ang pagbagsak o pagbaba sa program sa bakuna
at pagkontrol sa mga daga [33] Kahit na nawala ang malarya sa mga templadong rehiyon sa mundo, ang mga
lamok na nagkakalat nito ay hindi napuksa at nananatili sa ilang lugar. Kaya, kahit na mahalaga ang
temperatura sa daynamiks ng pagkalat ng malarya, maraming bagay ang kasangkot sa pagkalat nito.
Epektong Pang-ekonomiko
Nagpalabas ang mga institusyong pinansiyal kasama ang dalawang pinakamalaking kompanya ng seguro
sa mundo, ang Munich Re at Swiss Re, sa isang pag-aaral noong 2004 (UNEP summary) na ang madalas na
pagdalas ng mga malubhang pangyayaring pangkalikasan kaakibat ang takbong panlipunan ay gugugol ng
halos 150 bilyong dolyar bawat taon sa susunod na dekada. Ang mga gugoling ito sa pamamagitan ng pagtaas
ng halaga sa seguro at pagtulong sa mga disastre ay mapapabigat sa mga kliyente, mambubuwis at industriya.
Ayon sa Association of British Insurers, ang pag-iwas sa pagpapaimbulog ng karbon sa himpapawid ay
makakaiiwas ng 80% ng tinatayang dagdag na gastosin mula sa mga bagyo hanggang mga taong 2080. Ayon
kay Choi at Fisher (2003) ang bawat pagtaas ng 1% sa taunang ulan ay magpapalaki sa halaga ng katastrope
ng halos 2.8%.
Ipinalabas kamakailan ng United Nations' Environmental Program na ang mga grabeng panahon sa mundo ay
nag-ulat na ang 2005 ang pinakamagastos na taon sa kasaysayan [36] kahit na walang paraan upang
patunayan na [ang isang bagyo] ay sanhi o di sanhi ng pag-init ng mundo [36]. Unang taya na ipinakita ng
pundasyong Aleman sa segurong Munich Re ay nagpapakita na mahigit 200 bilyong dolyar na ang talo ng mga
nakaseguro na halos 70 bilyong dolyar.
Produksiyon ng biomass
Ang paglalang ng biomass ng halaman ay naiimpluwensiyahan ng mapagkukunan ng tubig, pagkain at carbon
dioxide. Ang bahagi ng biomass ay ginagamit (ng tuwiran o di tuwiran) bilang pagkukunan ng lakas ng halos
lahat ng mgay buhay kasama rin ang pagkain sa mga inaalagaang hayop, at bungangkahoy at pagkaing butil
ng tao. Kasama rin dito ang mga batang (Filipino: troso) na kailangan sa konstruksiyon.
Ang pagtaas sa papawirin ng carbon dioxide ay makapagpapataas din ng metabolismo ng mga halaman na
malamang ay makapagpaparami ng kanilang ginagawang biomass. Ang pagtaas ng temperatura ay
magpapahaba rin ng panahon ng pagtatanim sa mga malalamig na rehiyon. Minsang ipanikikita na ang mga
epektong ito ay makagagawa ng isang mas berde at mayamang planeta dahil maraming biomass na
mapagkukunan. Gayunpaman, maraming bagay ang nakapaloob rito. Hindi malinaw kung ang mga halaman ay
magkakaroon talaga ng benepisyo sa pag-init ng mundo. Ang paglaki ng halaman ay apektado ng maraming
bagay kasama ang taba ng lupa, tubig, temperatura at konsentrasyon ng carbon dioxide.
Pagbukas ng Northwest Passage (Daang Pahilagang-kanluran) kung tag-araw.
Sinasabing ang pagkatunaw ng Arktikong yelo ay magbubukas sa Northwest Passage sa tag-araw ng darating
na sampung taon. Ito ay magpapaikli ng 5,000 nautikong milya ng ruta ng barko sa pagitan ng Europa at Asya.
Lalong mahalaga ito sa mga supertankers na napakalaki upang dumaas sa Kanal ng Panama at kasalukuyang

dumaraan sa dulo ng Timog Amerika. Ayong sa Canadian Ice Service, ang dami ng yelo sa kupuluang Artiko sa
silangang Canada ay bumababa ng 15% sa pagitan ng 1969 at 2004 [41]42.
Kasama sa negatibong dulot sa pagkatunaw ng yelo ay ang pagbilis ng pag-init ng mundo dahil mas makinang
ang yelo sa araw kay sa tunaw na tubig na papalit rito. Mayroon ding epektong ekolohiko ang pagkatunaw ng
polong yelo (polar ice): halimbawa ang mga polong oso na gumagamit ng lumulutang na yelong dagat upang
maabot ang kanilang huhilihin at lumalangoy sa sa iba pang lutang ng yelo kapag naghiwalay ang yelo. Ngayon
ang mga yelo ay malalayo na isat-isa at maraming patay na polong oso ang natatagpuan sa tubig na
sinasabing nalunod. [43]
Mga Sagot
Ang ligalig na posibleng idudulot ng pag-init ng mundo ay ang pagtatangkang maibsan ang pag-init ng mundo
na sumasaklaw sa mga aksiyon upang pababain ang negatibong epekto o malamang na pangyayari ng pag-init
ng mundo.
May apat na kategorya ng hakbangin upang maibsan ng pag-init ng mundo:
1. Pagbabawas sa paggamit ng enerhiya (konserbasyon)
2. Pag-iwas sa paggamit ng petrolyong parikit (fossil fuel) na base sa karbon at paggamit ng ibang
mapagkukunan ng alternatibong enerhiya.
3. Pagsilo at pagtatago ng karbon.
4. Pagpapababa sa paggamit ng enerhiya (pagtitipid)
Ang sumusunod ang mga hakbangin upang maiwasan ang pag-init ng mundo: pag-unlad ng mga bagong
teknolohiya, lakas ng hangin, lakas nukleyar, lakas ng araw, baguhing enerhiya, biyodiesel, sasakyang de
koryente o hybrid, fuel cells, pagtitipid sa enerhiya, buwis sa karbon, pagpapabuti sa natural na pagtatago ng
carbon dioxide, at ang paghuli at pagtatago ng carbon. Ilang grupong pangkapaligiran ang nagsusulong sa
aksiyong indibiduwal laban sa pag-init ng mundo na karaniwan ay nakatutok sa mga konsumedor. May ilan ding
aksiyong ng mga negosyante sa pagbabago ng klima.
Ang pangunahing pandaidigang pagsang-ayon upang maibsan ang pagbabago sa klima ay ang Kyoto
Protocol. Ang Kyoto Protocol ay susog sa United Nations Framework Convention on Climate Change
(UNFCCC). Ang mga bansang nagratipika ng protokol na ito ay nangangakong pababain ang kanilang emisyon
ng carbon dioxide at lima pang greenhouse gases o makipagkakalakalan sa emisyon kung mapananatili nito o
tataas ang kanilang emisyong ng mga gas na ito.
Kahit na sapat na ang magkasamang makaagham na konsensus at insentibong ekonomiko na mahimok
ang gobyerno ng mahigit 150 bansa upang maratipika ang Kyoto Protocol (di kasama ang Estados Unidos at
Australya), patuloy pa rin ang debate kung gaanong karaming emisyon ng greenhouse gas ang magpapainit sa
planeta. Ilang politiko kasama ang pangulo ng Estados Unidos na si George W. Bush [44], Punong Ministro ng
Australya na si John Howard [45] ay nagbabalala na ang halaga sa pagsugpo ng pag-init ng mundo ay lubhang
napakalaki upang maging marapat ito. Gayunman, may ilang bahagi ng komunidad pangnegosyo ang
tinanggap ang katunayan ng pag-init ng mundo na bunga ito ng tao na nangangailangan ng aksiyon ng tao
tulad ng kalakalan sa emisyon ng carbon at buwis sa carbon.

Ang pag-aakma sa pag-init ang isang paraan upang maibsan ang hindi kanais-nais na epekto nito.
Halimbawa sa mga istrateheya ay ang depensa sa pagtaas ng pantay laot (sea level) o pananatili ng
mapagkukunan ng pagkain.
Mga iba pang kalapit na isyu
Kaugnayan sa pag-unti ng ozone[baguhin | baguhin ang batayan]
Kahit na karaniwang idinadawit ng mass media na may koneksiyon sa pagitan ang pag-init ng mundo at
pag-unti ng ozone hindi ito matibay. May apat na lugar sa pagdadawit nito: Sinasabing ang pangmundong
pag-init mula sa pwersang radyatibo ng carbon dioxide ay tinatayang magpapalamig sa estratospero. Dahil dito,
magdudulot ito ng relatibong pagbilis ng pagkawala ng ozone at pagdalas ng pagkakaroon ng ozone holes.
Radyatibong pagpwersa mula sa ibat-ibang greenhouse gases at ibang pinagmumulan.
Gayunman, ang pagkawala ng ozone ay nagpapakita ng pwersang radyatibo ng sistema ng klima.
Mayroong dalawang magkalabang epekto: ang pagbaba ng konsentrasyon ng ozone ay magpapasok ng mas
maraming radyasyong solar na magpapainit ng tropospero. Ngunit ang isang malamig na estratospero ay
nagpapalabas ng kaunting radyasyong may mahabang onda na kaya mapapalaming sa tropospero. Sa
kabuuan nangingibabaw ang paglamig: pasiya ng IPCC na ang pagkawala ng ozone sa stratospero sa loob ng
nakaraang dalawang dekada ay nagdulot ng negatibong pagpwersa sa sistema sa rabaw ng tropospero [54] ng
halos 0.15 0.10 W/m [55]. Ang isa sa pinakamalakas na hula sa hinua ng greenhouse effect ay ang
paglamig ng stratospero o kapaligiran. Kahit na ito ay nangyayari, mahirap itong gamitin dahil dulot nito ang
pagbabago sa klima dahil may paglamig ding sanhi ng pagkawala ng ozone.
Kaugnayan sa pagdilim ng mundo
Ilang siyentipiko ang nagdadawit na ang epekto ng pagdilim ng mundo (dulot sa pagbaba ng liwanag ng
araw ng umaabot sa balat ng planeta na maaring dulong ng mga aerosol) ay maaring kumukubli sa ilang
epekto ng pag-init ng mundo. Kung totoo ito, ang di-tuwirang epekto ng aerosol ay mas malakas kaysa unang
paniwala na magpapakita na ang sensitibidad sa klima sa greenhouse gases ay mas malakas. Ang
pagkabahala sa epekto ng aerosol sa pagbabago sa klimang pangmundo ay unang sinaliksik bilang
pagkabahala sa pandaigdigang paglamig noong mga taong 1970.
Ang pag-init bago dumating ang tao[baguhin | baguhin ang batayan]
Sinasabi ng ilang heologo na nakaranas ng pandaigdigang pag-init ang mundo noong kaagahan ang panahong
Jurassic na kung saan ang katamtamang temperatura ay tumaas ng 5 C. Ang pananaliksik ng Open University
na inilathala sa Geology (32: 157160, 2004 [57]) ay nagpapakita na nagdulot ito ng matinding pagaagnas ng
bato ng may mahigit 400% Ang pagaagnas ng bato ay nagtatago ng carbon bilang calcite at dolomite na mga
mineral ng ibat-ibang antas ng oksido ng carbon. Ang bunga nito ay ang pagbaba ng nibel ng carbon dioxide
sa normal sa halos sumunod na 150000 taon.
Ang biglaang pagpapalabas ng methane mula sa mga kompuwestong clatharate (sinanga) (the Clathrate
Gun Hypothesis), ay isang huna bilang dahilan ng nakaraang pag-init ng mundo. Ang dalawang pangyayari na

inililink dito ay ang Permian-Triassic extinction event at Paleocene-Eocene Thermal Maximum. Gayunman, ang
pag-init nitong huling edad yelo ay sinasabing hindi dulot ng pagpapalabas ng methane [58].
Ang greenhouse effect ay binabanggit din upang ipaliwanag kung papaano nakalabas ang mundo sa
panahong Snowball Earth. Noong panahong ito ang lahat ng batong silicate ay balot daw ng yelo na pumipigil
rito na sumama sa carbon dioxide sa atmospero. Unti-unting tumaas ang carbon dioxide sa atmospero
haggang 350 beses na mataas ito sa kasalukuyang nibel. Sa rurok na ito, tumaas ang katamtamang
temperatura ng 50 C na mainit upang matunaw ang yelo. Ang madalas na pag-ulan ay madaling nagpalis sa
carbon dioxide sa atmospero. Ang makakapal na abiyotikong carbonatong latak ang matatagpuan sa mga
yelong bato nang panahong ito ay pinaniniwalaang binuo sa mabilis na pagpalis ng carbon dioxide.

Mga Batayan[baguhin

| baguhin ang batayan]

Bahagi ng nilalaman ng artikulong ito ay mula sa artikulong "Global warming" sa English Wikipedia (na-retrieve noong 14 Hunyo 2006).

Association of British Insurers Financial Risks of Climate Change, Hunyo 2005, (PDF) Accessed 7 Enero 2006

Tim Hirsch. "Plants revealed as methane source", BBC, 11 Enero 2006.

Barnett, T. P., Adam, J. C., and Lettenmaier, D. P. (2005). "Potential impacts of a warming climate on water availability in snowdominated regions". Nature 438: 303-309.

Choi, O. and A. Fisher (2003) "The Impacts of Socioeconomic Development and Climate Change on Severe Weather Catastrophe
Losses: Mid-Atlantic Region (MAR) and the U.S." Climate Change, vol. 58 pp. 149

Dyurgerov, Mark B; Mark F. Meier (2005). Glaciers and the Changing Earth System: a 2004 Snapshot. Institute of Arctic and Alpine
Research, Occasional Paper #58. [62]

Emanuel, K.A. (2005) "Increasing destructiveness of tropical cyclones over the past 30 years." Nature 436, pp. 686
688.ftp://texmex.mit.edu/pub/emanuel/PAPERS/NATURE03906.pdf

Ealert Global warming - the blame is not with the plants

Hoyt, D.V., and K.H. Schatten (1993). "A discussion of plausible solar irradiance variations, 1700-1992". J. Geophys. Res. 98: 18895
18906.

Lean, J.L., Y.M. Wang, and N.R. Sheeley (2002). "The effect of increasing solar activity on the Sun's total and open magnetic flux during
multiple cycles: Implications for solar forcing of climate". Geophys. Res. Lett. 29 (24): 2224. DOI:10.1029/2002GL015880.(online version
requires registration)

Raimund Muscheler, Fortunat Joos, Simon A. Mller and Ian Snowball (2005). "Climate: How unusual is today's solar activity?". Nature
436: E3-E4. DOI:10.1038/nature04045.

Oerlemans, J (2005). "Extracting a Climate Signal from 169 Glacier Records". Science 308 (5722): 675 - 677.
DOI:10.1126/science.1107046.

Naomi Oreskes, 2004 Beyond the Ivory Tower: The Scientific Consensus on Climate Change - The author discussed her survey of 928
peer-reviewed scientific abstracts on climate change. Retrieved 8 Disyembre 2004. Also available as a 1 page pdf file

S.K. Solanki, I.G. Usoskin, B. Kromer, M. Schussler, J. Beer (2004). "Unusual activity of the Sun during recent decades compared to the
previous 11,000 years.". Nature 431: 1084-1087. DOI:10.1038/nature02995.

S. K. Solanki, I. G. Usoskin, B. Kromer, M. Schssler and J. Beer (2005). "Climate: How unusual is today's solar activity? (Reply)".
Nature 436: E4-E5. DOI:10.1038/nature04046.

Wang, Y.M., J.L. Lean, and N.R. Sheeley (2005). "Modeling the sun's magnetic field and irradiance since 1713". Astrophysical Journal
625: 522538.

Wired Careful Where You Put That Tree

Kennett J. P., Cannariato K. G., Hendy I. L. & Behl R. J.American Geophysical Union, Special Publication, Methane Hydrates in
Quaternary Climate Change: The Clathrate Gun Hypothesis. 54, (2003).

Sowers T. (2006). "Late Quaternary Atmospheric CH4 Isotope Record Suggests Marine Clathrates Are Stable". Science 311 (5762): 838840. DOI:10.1126/science.1121235.

Hinrichs K.U., Hmelo L. & Sylva S. (2003). "Molecular Fossil Record of Elevated Methane Levels in Late Pleistocene Coastal Waters".
Science 299 (5610): 1214-1217. DOI:10.1126/science.1079601.

Questions about Clathrate Gun Hypothesis (source of information).

You might also like