Panuto: Isulat sa patlang ang titik T kung ang pangngalang may salungguhit ay tiyak o pangngalang pantangi. Isulat ang mga titik DT kung ang pangngalan ay di-tiyak o pangngalang pambalana. 1. Binigay ng tindera ang sukli. 2. Sa museo pupunta ang klase namin. 3. Kanino ang pulang bag na ito? 4. Namili kami sa Hi-Top Supermarket. 5. Sa Simbahan ng San Mateo kami magkikita. 6. Pakiabot ang regalo sa mesa. 7. Matutuwa sina Tito Miguel at Tita Mariel. 8. Huwag kang lumapit sa ahas. 9. Si Iron Man ang paborito niya. 10. Pinatay ng mga bumbero ang sunog. 11. Galing po kay Ginang Montero ang sulat. 12. Hinog na ang mga mangga. 13. Ang mangingisda ay sumakay sa bangka. 14. Makulit ang aso ni Jess na si Rocky. 15. Ang baboy ay humiga sa putik. 16. Bumili si Nanay ng gamot sa botika. 17. Nakasampay ang tuwalya sa labas. 18. Nakatira sa Laguna ang lola ko. 19. Kinain ng unggoy ang saging. 20. Malapit lang ba ang Luneta dito?