Sanggunian Sa Panunuri

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

https://tl.wikipedia.

org/wiki/Romantisismo
http://ranieili2028.blogspot.com/2011/12/teoryang-pampanitikan.html
http://siningngfilipino.blogspot.com/2013/06/romantisismo.html
Badayos, Paquito, Ph, D et al. Yaman ng Pamanawika at Panitikan Vibal Publishing
House INC.
Ang Romantisismo (Ingles: Romanticism) ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda.
Ang damdaming ito ay ipinahihiwatig sa salita, parirala at pangungusap. Nagbibigay ang teoryang ito
ng patunay hinggil sa mga bahaging nagpapakita ng pagtakas sa katotohanan, heroismo at
pantasya.
Umusbong ang Romantisismo sa Europa noong ikalawang hati ng ikalabingwalong dantaon.
Kasalungat ng romantisismo ang klasismo sapagkat ang higit na pinahahalagahan ng romantisismo
ay ang damdamin at guniguni. Nagpapamalas ang romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan,
pagmamahal sa kalayaan ay sa lupang sinilangan, paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao,
paghahangad ng espiritwalidad at hindi mga bagay na materyal, pagpapahalaga sa dignidad hindi
sa mga karangyaan at paimbabaw na kasiyahan at kahandaan magmahal sa babae/lalaking nagaangkin ng kapuri-puri at magagandang katangian, inspirasyon at kagandahan.
Nagpapakita ang Romantisismo ng kahalagahan ng damdamin ng isang tao. Mas pinapahalagahan
pa ito kaysa mga gamit sa mundo. Anyo ito ng pag-iisip na nagpapahalaga sa indibidwal,
imahenasyon, orihinalidad, at perpeksiyon. Sa romantisismo rin matatagpuan ang laging pag-aangat
sa higit na mataas na antas o nibel ang kaluluwa, pag-iisip, at moralidad.

Romantisismo
Sumibol ang Romantisismo noong bahagi ng siglo 1800 at pagpasok ng siglo 1900. Ibinabandila ng
Romantisismo ang indibidwalismo kaysa kolektibismo, ang rebolusyon kaysa konserbatismo, ang
inobasyon kaysa tradisyon, imahinasyon kaysa katwiran at likas kaysa pagpipigil. Dahil dito, itinuturing
ang Romantisismo bilang isang pagtatakwil sa pagpapahalagang Klasismo tulad ng kaayusan,
kapayapaan, pag-uugnay, ideya at rasyunal.
Ilan pang katangian ng Romantisismo ay ang malalim na pagpapahalaga ng kagandahan ng kalikasan;
ng pagpapalutang ng damdamin kaysa isipan; ng pagkaabala sa mga henyo, bayani at pambihirang
katauhan, ng pagkahirati sa internal na tunggalian, at ng mahiwaga at kababalaghan.
Ang terminong romantiko (maromantiko) ay unang lumitaw noong ika-18 siglo na ang ibig sabihin ay
nahahawig sa malapantasyang katangian ng midyebal na romansa.

Ang inspirasyon para sa romantikong pamamaraan ay nagmula sa Pranses na pilosopong si Jean


Rousseau at sa manunulat na Aleman na si Johan Wolfgang Van Goethe.
Tumagal mula 1750 hanggang 1870 ang Romantisismong kilusan sa literatura sa halos lahat ng bansa:
Europa, Estados Unidos at Latin Amerika. Makikita sa panitikan ng panahon ng pagkahilig nito sa
imahinasyon at sabdyektib na pamamaraan, kalayaan sa pagpapahayag at kalikasan.
Ang literaturang ito ay nagbibigay-diin sa pleksibilidad ng nilalaman, nanghihikayat sa pagbubuo ng
kumplikado at mabilis na pangyayari sa mga kwento at pinapayagan ang pagsasanib ng iba't ibang uri at
paksa (halimbawa: trahedya at komedya, kapangitan at inspirasyunal) at malayang estilo.
Masasabing may dalawang uri ang romantisismo: ang tradisyunal at ang rebolusyunasyo. Ang tradisyunal
na romantisismo ay humihilig sa makasaysayan at pagpapanatili o pagbabalik sa mga katutubo at
tradisyunal na pagpapahalaga tulad ng nasyunalismo, pagkamaginoo at pagka-Kristyano.
Ang rebolusyunaryong romantisismo naman ay bumabaling sa pagtatatag ng bagong kultura na may
pagpupumiglas, kapusukan at pagkamakasarili.

Sa teoryang romantisismo, ang binibigyang-tuon ng akda ay ang pagtakas sa katotohanan.


Karaniwan ang mga akda sa wika, kapaligiran at tauhan. Pinahahalagahan din sa akda ang
kalikasan, nakaraang institusyong panlipunan at damdaming nakapaloob dito. Ito ay nagpapakita ng
pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa,bayan at iba pa.

You might also like