Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Hindi Natitinag ang Pusong Pilipino

COS JIM C. VALERIO


Mensahe
Taal High School
18th Commencement Execrcise
Marso 27, 2014

(Batiin ang mga panauhin at nagsipagtapos)


Sa ngalan ng inyong Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, sa
pangunguna ng ating butihing Punong Lalawigan, Kgg. Wilhelmino M. SyAlvarado,
Isang mapagpalang araw sa ating lahat!
Taimtim at buong pagpupugay kong binabati ang mga nagsipagtapos,
mga giliw na magulang at mga dakilang guro sa mabunying araw na ito ng
pagtatapos. Taus-puso ring nagpapasalamat ang inyong lingkod sa
pagbibigay ng pagkakataong maging kabahagi ng makabuluhang gawaing
ito at kayoy makapiling upang sama-sama nating ipagdiwang ang marahil isa
sa pinakamahalagang kabanata ng inyong mga buhay sa kasalukuyan.
Itinuturing ko po itong isang napakalaking karangalan na habang buhay na
kikintal sa aking matamis na alaala.
Mga giliw kong magsisipagtapos, sa mabunying araw na ito ay
tatangapin ninyo ang isang pirasong puting papel na naglalaman ng inyong
mga pangalan at ang basbas ng Mataas na Paaralan ng Taal. Ang papel na
ito ay payak at walang anumang palamuti, ngunit alam ko na inyong batid sa
inyong mga murang kamalayan na ito ay mas mahalaga pa sa ginto sapagkat
ito ang bunga ng ilang taon ninyong pagsusumikap at pagpapagal. Subalit,
ang papel na ito, na nasa inyong mga pangalan ay hindi ninyo lubusang ari,
sapagkat malaking bahagi nito ay bunga rin naman ng pagpapagal ng inyong
Page 1 of 8

Hindi Natitinag ang Pusong Pilipino


COS JIM C. VALERIO
Mensahe
Taal High School
18th Commencement Execrcise
Marso 27, 2014

mga magulang at guro na matiyagang ginabayan, sinubaybayan at minahal


kayo upang maluwalhati ninyong marating ang kabanata ng inyong buhay.
Kaya nga sa puntong ito, ay inaanyayahan kong tumayo lahat ng mga
magulang at guro upang ang inyong lingkod at ang mga nagsipagtapos ay
mabigyan kayo ng dalisay na pagpupugay at pasasalamat. (himukin ang mga
nagsipagtapos na bigyan ng isang masigabong palakpakan ang mga guro at
magulang.)
"Occasionally in life there are those moments of unutterable fulfillment
which cannot be completely explained by those symbols called words.
Their meanings can only be articulated by the inaudible language of the
heart."
Ito ang winika ni Rev. Martin Luther King sa isang bahagi ng panayam
na kanyang ibinigay matapos parangalan bilang Nobel Prize Peace Laureate
noong 1964. Marahil ay ganito rin ang inyong nararamdaman at ng inyong
mga magulang at guro. Ang masaksihang kayo ay nagsisipagtapos sa araw
na ito ay isang kaganapang hindi kayang salaysayin ng salita subalit ang puso
lamang ang maaring sumukat.
Sa simula pa lamang ng mahaba at makulay na kasaysayan ng ating
bayan, nakatala na sa mga pahina nito ang kagitingan at likas na
pagmamahal sa bayan ng mga Pililipino. Mahigit kumulang apat na raang
taong nakagapos sa tanikala ng pananakop ng mga kastila ang ating bayan.
Ngunit sa loob ng mahabang panahong ito ay hindi nagmaliw ang pagnanasa
Page 2 of 8

Hindi Natitinag ang Pusong Pilipino


COS JIM C. VALERIO
Mensahe
Taal High School
18th Commencement Execrcise
Marso 27, 2014

ng ating mga ninuno na darating ang pagbubukang liwayway ng kasarinlan.


Sa gitna ng mapanglaw na gabi ng pang-aalipin, pangangamkan, at hindi
masukat na pasakit, hindi natinag ang pusong Pilipino. Pinag-alab ng pusong
pinalakas ng pagsubok ang himagsikan at sa huli ay tinanggap natin ang
pagpapala ng kalayaan at kasarinlan.
Ngunit sadya yatang matindi ang pagnanasa ng mga mananakop sa
ating bayan, sapagkat wala pang isang iglap matapos nating itaboy ang mga
dayuhang kastila ay kumakatok na sa ating mga mga pintuan ang panibagong
kolonyalista. Subalit sadya ring matibay at hindi natitinag ang pusong Pilipino,
sapagkat salat man sa makabagong sandata ay likas nating taglay ang
kagitingan at determinasyon upang mapagtagumpayan ang anumang
pagsubok.
Ang kabanatang ito ng ating kasaysayan ay malaon ng lumipas. Marami
na ang nagbago at ang ating bayan ay napatianod na rin sa agos ng
makabagong panahon. Ang mundo na nooy pinaghihiwalay ng malawak na
karagatan, ngayoy pinag-uugnay ng agham at teknolohiya; Ang magandang
edukasyon na nooy para sa mga illustrado lamang, ngayoy abot kamay na
rin ng mga dukha; Ang pagsasaliksik ng kaalaman na nooy nangangailangan
ng silid-aklatan, ngayoy magagawa na ng isang aparatong hawak ng ating
mga palad. Tunay ngang malaki na ang ating ipinagbago. Mula sa himagsikan
para sa kalayaan na isinulong ng luha, pawis at dugo hangang sa pag-aaklas
laban sa despotismong nagpatingkad sa ating pag-ibig sa demokrasya,

Page 3 of 8

Hindi Natitinag ang Pusong Pilipino


COS JIM C. VALERIO
Mensahe
Taal High School
18th Commencement Execrcise
Marso 27, 2014

maluwalhati nating nalagpasan ang lahat ng mga ito dahil hindi natitinig ang
ating puso.
Malayo na nga ang narating ng ating bayan. Wala ng banta ng
dayuhang mananakop. Nagapi na rin ng ating pagkakaisa ang bakal na
kamay ng diktator. Malaon na rin tayong namumuhay sa ilalim ng
mapagkalingang demokrasya. Subalit, sa kabila ng lahat ng mga ito, hindi pa
rin natin napapagtagumpayan ang isang kaaway na patuloy na humahadlang
upang ating makamit ang tunay na kalayaan. Ang kaaway na ito ay maraming
mukha at naglalandas sa lahat ng sulok ng lipunan. Ito rin ang kumitil at
patuloy na pumapatay sa pangarap ng marami sa ating mamamayan. Ang
kaaway na ito ay ang kahirapan.
Subalit, hindi natitinag ang pusong Pilipino. Ang pagtanggap ninyo ng
diploma ngayon araw na ito ay patunay sa katotohanang ito. Walang balakid
ang maaring humadlang sa matibay na disposisyong ang saligan ay
determinasyong magtagumpay.
My dear graduates, today you are blessed with several liberties that will
propagate your personal aspirations and dreams. This freedom transforms
each and every one of you to become a beacon of growth and knowledge and
eventually will be the source of our nations luminescent perspective. The
knowledge you have rightfully earned from this institution now emancipates
you from the bondage of ignorance and apathy. With this freedom, you also
now hold the key to liberate you not only from the bondage of poverty and
Page 4 of 8

Hindi Natitinag ang Pusong Pilipino


COS JIM C. VALERIO
Mensahe
Taal High School
18th Commencement Execrcise
Marso 27, 2014

hardships but more importantly from the shackles of conformity and


complacency. Cherish this freedom and never put yourselves in someone
elses shoes. You now have the power to change your stars and charter your
own map to success.
The cycle ends now. Do not be a lawyer because your father is lawyer
or a doctor because your mother is one or a politician because it is a family
heirloom. Do not be poor tomorrow because you are underprivileged today
and perhaps all your life. As you now hold freedom and you are blessed with
hope. Hold on to hope and change your stars! As Apple Corporation fonder,
Steve Jobs puts it:
Your time is limited, so don't waste it living someone else's life. Don't
be trapped by dogma - which is living with the results of other people's
thinking. Don't let the noise of others' opinions drown out your own inner
voice. And most important, have the courage to follow your heart and
intuition..
Let hope be the water that cleanses the stains of your disdains and
doubts. Let hope be the motor that propels you away from your limitations. Let
it serve as the shining light that burns like embers to illuminate your paths to
success. As the great Scottish writer and reformist Samuel Smiles puts it,
Hope is like the sun, as we journey toward it, casts the shadow of our
burden behind us.
Page 5 of 8

Hindi Natitinag ang Pusong Pilipino


COS JIM C. VALERIO
Mensahe
Taal High School
18th Commencement Execrcise
Marso 27, 2014

I therefore implore upon you our dear graduates to hold on to these


blessings conferred to you as the world will incessantly challenge you with
tempest of setbacks and difficulties of gargantuan proportions. Poverty, like
the Sword of Damocles is constantly upon you in all your future endeavors.
But there is always hope, and hope, combined with determination and faith is
the most potent and formidable formula to success.
Ang inyo pong abang lingkod ang buhay na patunay ng lahat ng mga
ito. Ilang taon lamang ang nakalilipas, ng ako tulad ng bawat isa sa inyo ay
humugot din ng pag-asa sa apat na sulok ng silid-aralan. Katulad ng
karamihan, ang inyo pong lingkod ay salat sa kayamanan. Ang aking mahal
na ina ay isa lamang tindera ng prutas at isda, samantalang ang aking ama ay
isang pulis. Ang kanilang kakarampot na kita ay madalas na hindi sumasapat
na pangtustos sa aming pamilya. May mga pagkakataong, ninais ko ng tumigil
muna pansamantala sa aking pag-aaral, upang tumulong sa aming
ikabubuhay. Subalit lubhang napakalakas ang aking determinasyon manaig
laban sa kahirapan. Tangan ang nag-aalab na pag-asa, at bitbit ang
paniniwalang hindi salapi ang susi sa tagumpay, pinagsumikapan kong
makatapos ng pag-aaral at ipinangako sa aking sarili na gagamitin ko ang
aking mga natutunan upang aking ganap na mapaglingkuran ang ating
minamahal na mamamayan.
Kaya nga nais kong inyong lubusang mabatid na malaki ang inyong
gampanin hindi lamang sa inyong mga sarili o sa inyong mga magulang na
Page 6 of 8

Hindi Natitinag ang Pusong Pilipino


COS JIM C. VALERIO
Mensahe
Taal High School
18th Commencement Execrcise
Marso 27, 2014

nagsikap kayong itaguyod at mabigyan ng magandang edukasyon. Bagkus ay


mayroon din kayong pananagutan sa ating inang bayan, sapagkat lubos na
naniniwala ang inyong lingkod na kung saan kayo patungo, yaon din ang
landas na tatahakin ng inyong mga komunidad na kinabibilangan; at kung
saan patungo ang inyong mga komunidad, ito rin ang landas na tatahakin ng
ating minamahal na bayan. Kaya nga, akoy nagsusumamo sa inyong mga
nagsipagtapos na inyong dalisay na pagsumikapang isabuhay ang mga aral
na taimtim na itinanim sa inyong mga isip at damdamin upang kayo ay aming
maging katuwang sa pagsusulong ng katiwasayan, kaunlaran at kapayapaan
ng ating bayan.
Sa huli, hayaan ninyong iwanan ko ang pedestal ng karangalang ito sa
isang pamukaw diwang sinambit ni G. Anatole France, na nagwagi ng Nobel
Prize for Literature noong 1921. Wika niya"To accomplish great things, we must not only act but also dream, not
only plan but also believe."
Sa diwang ito ay binabati ko kayo muli sa mabunying araw na ito ng
inyong pagtatapos at karangalan ko pong kayo ay mapaglingkuran.
Maraming salamat at taimtim kong hinahangad ang inyong patuloy na
tagumpay.
Mabuhay kayo!
Page 7 of 8

Hindi Natitinag ang Pusong Pilipino


COS JIM C. VALERIO
Mensahe
Taal High School
18th Commencement Execrcise
Marso 27, 2014

Page 8 of 8

You might also like