Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

Reference:

https://filipinotek.wordpress.com

ANG MGA ESTRATEHIYA SA


PAGTUTURO NG WIKA AT ANG
PAMARAANG KOMUNIKATIB SA
PAGTUTURO NG WIKA
Posted on March 29, 2013 by filipinotek

PAMAGAT: MAKABAGONG PARAAN NG PAGTUTURO NG FILIPINO


TARGET: MASTER OF ARTS IN EDUCATION
(Major in Filipino Language Teaching) MAED FLT
TAPIK: ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA AT ANG
PAMARAANG KOMUNIKATIB SA PAGTUTURO NG WIKA
LAYUNIN:
1.

Nalalaman ang ibat ibang katangian ng isang mabuting estratehiya sa


pagtuturo at ang iba pang makabagong paraan sa pagtuturo nito (wika).
2.
Natatalakay ang ang mga paraan/estratehiya at pagdulog sa pagtuturo ng
wika.
3.
Napalalawak ang kaalaman sa paggamit ng pamaraang komunikatib sa
pagtuturo ng wika.
4.
Nabibigyang-halaga ang ibat ibang estratehiya sa pagtuturo ng wika at ang
pamaraang komunikatib para sa makabuluhang pagtuturo.

1.

I.

Ang mga Katangian ng Isang Mabisang Estratehiya sa Pagtuturo

Nasa ibaba ang talaan ng panukatan sa pagpili ng estratehiyang gagamitin


sa pagtuturo ng Filipino na ipinalalagay na mabisa:
1.
2.
3.
4.

Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral.


Bungan g pagtutulungan ng guro at ng mga mag-aaral.
Nagtataglay ng probisyon para sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral.
Nagsasaalang-alang sa mga nakaraang karanasan ng mga mag-aaral.

5.
6.
7.
8.
9.
10.

1.

1.
2.
3.
4.
5.
6.

1.

Humahamon sa kakayahan ng mga guro at mga mag-aaral.


Nagtataglay ng maayos na pagkakasunud-sunod ng mga hakbang.
Nakaaakit sa aktibong partisipasyon ng klase.
Bunga ng masusing paghahanda ng gurong nagsasagawa nito.
Nakatutulong sa ikatutupad ng layunin ng pagtuturo.
Nagsasaalang-alang sa mga batas o simulain ng pagkatuto.

II.
Ang mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika
EDCOM REPORT nagpanukala na maging midyum ng pagtuturo ang Filipino
sa pagsapit ng taong 2000.
Sa una, ikalawa at ikatlong baiting ay bernakular ang midyum ng pagtuturo
para sa lahat ng asignatura.
Sa ikatlong baiting, ipapasok ang Ingles bilang hiwalay na subject at patuloy
na ituturo bilang hiwalay na subject hanggang sa ikaapat na taon ng haiskul.
Sa ikaapat na baiting, Filipino ang midyum ng pagtuturo at patuloy na
magiging wika ng pagtuturo para sa lahat ng subject maliban sa Ingles, hanggang
sa ikaapat na taon ng haiskul.
Sa malaon, ililipat sa Filipino ang edukasyong teknikal-bokasyunal.
Sa pagkilala sa karapatan sa academic freedom ng mga institusyon ng higit
na mataas na larangan, dapat ipaubaya sa DepEd ang pagpili ng wika ng pagtuturo
sa edukasyong pangkolehiyo.
Sa taong 2000, lahat ng asignatura matangi sa Ingles at iba pang mga wika
ay ituturo sa pamamagitan ng Filipino.

III.

Ang Ibang Makabagong Pananaw sa Pagtuturo ng Wika

Malaki na ang pagbabagong nagaganap sa kalakaran ng pagtuturo ng wika.


NOON- Kaalamang istraktural o kayarian ng wika ang
pinagtutuanan ng pansin
NGAYON- Paglinang ng kahusayan sa paggamit ng wika, kasanayan sa
pakikipagtalastasan o ang kasanayang KOMUNIKATIB. Ano nga ba ang
kasanayang KOMUNIKATIB?

Ayon kay CHOMSKY, ang kasanayang komunikatib ay


magkasamang language competence (kaalaman sa wika) at language
performance(kakayahan sa paggamit ng wika).
TITON, ang kasanayan sa wika ay hindi lamang sa kaalaman sa gramatika o
sa tuntuning gramatikal kundi gayundin ang kasanayan sa angkop at matagumpay
na pag-unawa at pagpapaunawa ng nais ipahayag ng nag-uusap.

Narito naman ang komponents na kailangan upang makapagsalita


at matanggap ng lipunan na binuo ni Hymes sa akronim na
SPEAKING.
SPEAKING ni Hymes. . . .
S-Setting (saan nag-uusap)
P-Participants (sino ang nag-uusap)
E-Ends (ano ang layon ng pag-uusap)
A-Act Sequence (paano ang sunud-sunod na gawain, pagbati,
pangungumusta, pagtatanong)
K-Keys (anong istilo o speech register, pormal o di-pormal)
I-Instrumentalities (kung pasalita o pasulat)
N-Norms (ano ang paksa ng usapan)
G-Genre (ano ang uri ng pagpapahayag)

1.

IV.

Ang mga Paraan/Estratehiya at Pagdulog sa Pagtuturo ng

Wika

Limang gamit ng wika ang maaaring iugnay sa ideya at kaisipan ng mga


mag-aaral: personal, interpersonal, directive,
referential at imaginative.
Dahil sa kasanayang komunikatib, hindi tinatalikuran ang pagtuturo ng
kayarian ng wika kundi binibigyang-diin ang paglinang ng kakayahang
umunawa at gumamit ng mga wastong pananalita sa aspetong pambalarila.
Mahalaga sa pagkatuto ng wika ang mga sumusunod na estratehiya gaya ng
inilalarawan sa dayagram.
1.
2.

V. Ang Pamaraang Komunikatib sa Pagtuturo ng Wika


A. Ano ang Pamaraang Komunikatib?
Nag-ugat sa notional-functional approach na pinaunlad ni David
Wilkins ng Britanya. (pokus sa mensahe kaysa sa porma o istruktura)


1.

1.
2.
3.
4.

1.

Pinansin at binago ni Wilkins ang kanyang sariling pagtuturo ng wika.


B.
Ang Batayan ng Pamaraang Komunikatib
Ibat iba ang batayang lumalaganap na teorya ng communicative
competence.
Pinakapopular ang batayang pinaunlad ni Michael Canale at Merril
Swain.
Ayon sa kanila may apat aspekto o elemento ng communicative
competence
Linguistic Competence-kakayahang umunawa at makagawa ng mga
istruktura sa wika na sang-ayon sa mga tuntunin sa gramatika.
Socio-Linguistic Competence-isang batayang interdisciplinary.
Nakakaunawa at nakagagamit ng kontekstong sosyal ng isang wika.
Discourse Competence-may kinalaman sa pag-unawa, hindi ng isaisang pangungusap kundi ng buong diskurso.
Strategic Competence-Wala raw taong perpekto ang kaalaman
tungkol sa kanyang wika at nakagagamit ng kaalamang ito sa tuwina na
walang problema. (Coping o survival Strategies)

C.
Ang mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Pamaraang
Komunikatib
Ano ang mga prinsipyong sinusunod ng pamaraang komunikatib?
Una, sa paggamit ng wika, malinaw sa mga makikipagtalastasan kung ano an
konteksto ng talastasan.
Pangalawa, ang wika ay isang kasangkapan sa pakikipagtalastasan, di katulad
noong araw na ang gawain ng guro ay ituro partas o istruktura ng wika na gumagamit
ng mga pagsasanay tulad ng substitution drills, pattern practice at iba pa.
Pangatlo,higit na mahalaga sa gumagamit ng pamaraang komunikatib kung gaano
kahusay sa pakikipagtalastasan sa wika ang isang tao, hindi kung gaano ang
nalalaman sa gramatika ng isang wika.
Pang-apat, mahalagang gamitin sa loob ng klase ang mga sitwasyong tunay na
tumatawag sa pakikipagtalastasan.
Panlima, may ibat ibang antas ng communicative competence, lalo na hindi
maasahan na ang isang hindi negative speaker ay magiging mahusay sa bawat uri ng
pakikipagtalastasan.
EBALWASYON

1.

I.
1.
1.
2.
3.
4.
5.

MALAYANG TALAKAYAN
A. Paghambingin ang mga sumusunod:
estratehiyang tuwiran at estratehiyang di-tuwiran
language competence at language performance
socio-linguistic competence at discourse competence
linguistic competence at strategic competence
B. Sagutin at pagbigyang paliwanag ang mga
sumusunod na katanungan:
1.
Sa iyong palagay, bakit kailangang ang
estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ay dapat na nakaugnay sa
kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral? Maglahad ng mga
patunay.
2.
Anu-ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ibat
ibang makabagong kaalaman sa mga estratehiya sa pagtuturo?
3.
Ano ang pamaraang komunikatib? Paano ito
nakatutulong sa mabisang pagtuturo ng wika?
4.
II.
PAGLALAPAT
1.
Muling ilahad ang nilalaman ng akronim na
SPEAKING ni Hymes pagkatapos ay bumuo ka ng isang sitwasyon
na aangkop dito.

PAMAGAT: MAKABAGONG PARAAN NG PAGTUTURO NG FILIPINO


TARGET: MASTER OF ARTS IN EDUCATION
(Major in Filipino Language Teaching) MAED FLT
TAPIK: ANG PAGTUTURO NG FILIPINO SA BINAGONG KURIKULUM
LAYUNIN:
1.

Napalalawak ang kaalaman sa binagong kurikulum tungo sa pagtamo


ng layunin sa pagtuturo ng Filipino sa ibat ibang antas ng pag-aaral.

2.

Natatalakay at nasusuri ang ibat ibang estratehiya/pagdulog na


nakapaloob sa binagong kurikulum sa ibat ibang antas ng pagtuturo ng
Filipino.
3.
Nalalaman ang kalagayan ng nakaraan at kasalukuyang kalagayan ng
pagtuturo ng Filipino sa batayang edukasyon.
4.
Nabibigyang-halaga ang kurikulum ng batayang edukasyon ng 2002 sa
mga naisin nitong mapaunlad ang pagtuturo ng Filipino sa ibat ibang antas.

1.

A. Ang mga Kasanayang Pangwika sa Pagtatamo ng


kasanayang Akademik
Pinangunahan ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagrereistruktura ng kurikulum sa
batayang edukasyon dahil sa mga sumusunod na dahilan:

1.

Higit na magiging malikhain o inobatibo sa interdisiplinari ang mga


guro sa kanilang mga estratehiya sa pagtuturo.
Higit na mahahamon ang mga mag-aaral na makapag-isip nang kritikal
upang mahikayat silang masikap na matamo ang kanilang interes o
pangarap sa buhay.
Interaktib ang pinakaideyal na proseso ng pagtuturo at pagkatuto.
Magkakaroon ng resiprokal na interaksyon ang mga guro at mga magaaral sa ibat ibang disiplina, sa mga gagamiting kagamitang paturo at multimedia sources.
Kasangkapan ang wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyong sosyal at
interpersonal at itoy behikulo sa pagtuturo ng mga disiplinang itinuturo sa
Filipino.
Sa ginawang pagrebyu ng DepEd sa dating kurikulum sa Filpino lumitaw ang mga
sumusunod na obserbasyon:

2.
3.
4.
5.

(1) Paulit-ulit lamang ang istrukturang gramatikal na itinuro mula elementary hanggang
tersyarya. Hindi pang-linggwistika ang pagsusuri at pag-aanalisang ginagawa
(2) Hindi maihanda ang mga mag-aaral tungo sa pagpapalawak ng kaalamang
kailangan sa pag-aaral sa kolehiyo.
(3) Hindi lubusang nalilinang ang apat na komponent ng kasanayang komunikatibo
(kaalamang gramatikal, kaalamang diskorsal, kaalamang istratedyik at kaalamang
sosyo-linggwistik.)
(4) Hindi wastong natatalakay ang panitikan bilang isang disiplina.
(5) Hindi halos napagtutuunan ng pansin ang paglinang sa mga kasanayan at
kaalaman sa maunawang pagbasa at malikhaing pagsulat.

(6) Hindi lubusang nakatutulong upang matutuhan ng mga mag-aaral ang iba pang
sabdyek na ginagamitan ng Filipino bilang wikang panturo at
(7) Nananatiling napakababa ang iskor sa NSAT (kabuuang 64% sa loob ng 3 taon)

Napagpasyahang magkaroon ng pagrepokus sa kurikulum ng Filipino sa batayang


framework.
nilinaw na ang pangunahing mithiin sa pagtuturo ng Filipino ay ang makalinang ng
mag-aaral na pangkomunikasyon.(gramatikal, diskirsal,istratedyik at sosyo-linggwistik)
Tiniyak na ang diskripsyon ng Filipino bilang isang sabdyek.
bilang pantulong na sabdyek sa elementary, bibigyan ng diin ang paglinang ng apat
na kasanayang makro at kaisipang Pilipino.

lebel 1-3, idedebelop ito sa mga komunikasyong sitwasyunal sa tulong


ng ibat ibang awtentikong materyal.
lebel 4-6, lilinang naman sa paggamit ng Filipino sa malikhain at
kritikal na pag-iisip
Sa lebel sekundarya,makikilala bilang Filipino sa iskolarling pakikipagtalastasan.
Sa unang dalawang taon, ang pokus ay gramatika at pagbasa (1-2)
sa huling dalawang taon naman ay panunuring pampanitikan.(3-4)
Maibubuod sa mga sumusunod na katangian ng pagtuturo ng Filipino ayon sa
bagong kurikulum.
a)
May integrasyon ng apat na makrong kasanayang pangkomunikasyon at mga
kasanayan sa pag-aaral.
b)
Pinalalawak o pinayayaman sa pamamagitan ng integrasyon ng bokabularyo,
mga pagpapahalaga o values at mga kompetensi mula sa Agham Panlipunan at iba
pang lawak ng makabayan.
c)
Nakapokus sa paglinang ng mga kasanayan sa akademikong wika at mga
kasanayan sa batayang komunikasyong interpersonal at sosyal.
d) Nakasentro sa pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng akses na
matutuhan ang nilalaman anuman ang anyo nito-teksto, grap, ilustrasyon at iba pa.

e)

May interaksyong mag-aaral-guro-teksto at multimedia.

f)
Humahamon sa mga mag-aaral upang mapag-isip ng kritikal at malikhain sa
target na wika.
g)
Binibigyang-diin ang aktibasyon at integrasyon ng dating kaalaman, ginagamit ng
mga alternatibong paraang ebalwasyon, kooperatib/kolaboratibong pagkatuto,
scaffolding at paglinang ng mga estratehiya sa pag-aaral.
h)
Hinihikayat ang mga mag-aaral na magkaroon ng control sa disenyo ng pagkatuto
at pag-oorganisa ng klase

KASALUKUYANG KALAGAYAN NG PAGTUTURO


NG FILIPINO SA BATAYANG EDUKASYON

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya sa Batayang Edukasyon


A. DESKRIPSYON

MGA LAWAK O KASANAYAN

SAKLAW NG MGA LAWAK O


KASANAYAN

Ang Filipino bilang isang


aralin o asignatura ay
lumilinang sa kasanayan sa
PAKIKINIG, PAGSASALITA,
PAGBASA, PAGSULAT at PAGIISIP.

Para sa MABISANG
PAGTUTURO, ang mga TIYAK NA
KASANAYAN ay nililinang sa
pamamagitan ng mga sitwasyon
ng ibat-ibang kagamitan sa
LUBUSANG PAGKATUTO.

Bukod sa kasanayan sa
PAKIKINIG, PAGSASALITA,
PAGBASA, PAGSULAT, ang
FILIPINO bilang isang aralin ay
lumilinang sa kasanayan ng
PAG-IISIP.

KONSEPTO NG SIBIKA AT
KULTURA, ang NILALAMAN ng
Filipino sa una hanggang
ikatlong baitang
a. Maaaring gamitin ng Filipino
ang nilalaman ng SK/HKS. Ang
pokus ay nasa PAGLILINANG ng
mga kasanayan sa

PAKIKIPAGTALASTA-SAN.
b.Inaasahang ang
mgaBATAYANG KASANAYAN sa
pagbasa ay matutuhan nang
lubusan sa tatlong unang
baitang.

2.

PAGBABAGO SA MGA KASANAYAN O KOMPETENSI SA


PAGKATUTO 3.
MGA INAASAHANG BUNGA
1
.
2
.

3
.

4.

Pagsasaayos MITHIIN
,pagbabawas at pagpapangkat sa kasanayang
magkakatulad upang maiwasan ang pag-uulit-ulit ng mga ito.
Nagagamit ang Filipino sa MABISANG PAKIKIPAGTALASTASAN
(pasalita o pasulat) , nagpapamalas ng kahusayan sa pagsasaayos
Pagtuon sa mga
ng ibat-ibang
tiyak o batayang
impormasyon
kasanayan
at mensaheng narinig at nabasa para
sa KAPAKINABANGANG PANSARILI at PANGKAPWA at sa patuloy na
pagkatuto upang makaangkop sa mabilis na pagbabagong
Pagbibigay diin sa PAGBASA at PAKIKIPAGTALASTASAN para sa
nagaganap sa daigdig.
pag-unawa sa mga BATYANG KAISIPAN O KONSEPTO SA
MATEMATIKA AT AGHAM.

NAKALAAN/NAKATAKDANG ORAS SA PAGTUTURO NG FILIPINO


PAGBABAGO
BAITANG

I-III

IV-VI
PAGBABAGO

NESC

60

60

RBEC

PAGBABAGO

80

Dagdag na 20
minuto

60

Walang
dagdag

1. Para sa Baitang I-III, ang pang araw-araw na pagkakabahagi ng


oras ay 80 minuto samantalang sa Baitang IV-VI ang nakabahagi ay
60 minuto
2. May dagdag na 20 minuto sa Baitang I-III. Mula 60 minuto na
naging 80 minuto. Walang dagdag sa Baitang IV-VI.
3. Katulad ng sa ENGLISH, WALANG PAGTAAS NG BILANG NG
MINUTO SA BAITANG IV-VI sa pagsasaalang-alang na ang BATAYANG
KASANAYAN sa pag-aaral ay natutuhan na sa unang tatlong
baitang..

5.

MGA DAPAT ISINASAALANG ALANG SA PAGTUTURO NG


FILIPINO
PAMAMARAANG PAGSASANIB (INTEGRATIVE
METHOD
Integrasyon o pagsasanib ng mga kasanayan/Lawak sa
Filipino (Skills Based Integration)
1.
HULWARAN 1
May pagkakataon na maaaring maituro o mapag-ugnay ang limang
kasanayan sa isang aralin, kung saan sama-sama o sabayang
nalilinang ang limang kasanayan sa mga mag-aaral.
Ang paglilinang na gawain ay PAKIKINIG tungo sa PAGSULAT sa
paglinang ng mga kasanayan sa PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGSULAT
AT PAG-IISIP.
Isaalang alang sa paglinang ng mga kasanayan ang ANTAS ng
MASTERI O LUBUSANG PAGKATUTO.

HULWARAN 2
Sa pagsasanib ng mga kasanayan o lawak, hindi dapat na malinang
ang lahat ang lawak o kasanayan nang sabay-sabay.
2. PAGSASANIB NG TIYAK NA KASANAYAN SA FILIPINO SA
NILALAMAN O KONSEPTO NG IBANG ASIGNATURA (CONTENTBASED INTEGRATION
TANDAAN
a.)

SA BAITANG I-III

Sibika at Kultura (SK) ang nilalaman ng Filipino Paglinang sa


kasanayan sa Pakikipagtalastasan ang pokus.

b.)

TEKSTO/BABASAHIN/PAKSANG ARALIN NG SK AT
PAGPAPAHALAGA O EKAWP GINAGAMIT NA MGA
KAGAMITANG PANLITERATURA (TULA, KWENTO,
ALAMAT AT IBA PA)

Itoy nagiging LUNSARAN/SPRING BOARD sa paglinang ng


mga kasanayan sa Filipino.
Ang gagamiting LUNSARAN ng ARALIN ay isang kwento.
Ang PAKSA o NILALAMAN ng kwento ay nauukol sa SK at EKAWP , sa
ganitong sitwasyon nalilinang hindi lamang kaalaman sa SK ngunit
lalot higit ang mga KASANAYAN sa FILIPINO.

c.)

3.

BIGYANG DIIN ANG GANITONG PAGSASANIB


SA ORAS NG TALAKAYAN SA NILALAMAN NG
MGA TEKSTO O KAGAMITANG PANLITERATURA
NA GINAGAMIT NA LUNSARAN NG PAGLINANG
NG KASANAYAN

INTERAKTIBONG PAGDULOG
(INTERACTIVE APPROACH)

GURO

a.)

b.)

c.)

BATA

BATA

K-PANG

PAGTUTURO

Mahalaga para sa isang makabuluhan o


makahulugang interaksyon (meaningful
interaction)

Isang gawaing sama-sama (collaborative


activity)

Pagkakaroon ng komunikasyon o
pakikipagtalastasan

1.
)
Pagpaphayag ng sariling ideya

2.
)
Pag-unawa sa ideya ng iba

3.
)
Nakikinig sa iba
Bumubuo ng kahulugan sa isang
bigayang konteksto (shared context)

4.
)

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Sekundarya sa Batayang Edukasyon


MGA PANGUNAHING MITHIIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA
SEKUNDARYA SA BATAYANG EDUKASYON

1
.

Ang makadebelop ng isang gradweyt na mabisang


komyunikeytor sa Filipino, kinakailangang taglay niya angm
mga kasanayang makro: ang pagbasa, pagsulat, pagsasalita,
pakikinig at pag-iisip.

2
.

Ang makadevelop ng isang mahusay o sanay sa


komunikatibong pakikipagtalastasan , nararapat na may
kabatiran at kasanayan siya sa apat na komponent ng
kasanayang komunikatib tulad ng diskorsal, gramatika, sosyolinggwistik at istratedyik.

Sa Unang Dalawang Taon


Sa Huling Dalawang Taon
Ang binibigyan ng pokus ang masusing pag aanalisa at pag
aaral ngAng
mgapokus
tiyak ay
na ang
istrukturang
pagtatamo
gramatikal
ng mapanuring
ng Filipino
pag-iisip
bilangsa
pamamagitan
isang
kasabay ng
ng kritikal
pagtatamo
na pagbasa
ng wastong
at pag-unawa
kasanayan
sasa
ibat-ibang
maunawang
genre ng panitikan
pagbasa.
Upang matamo
na nakasalin
ang mga
sa ito,
Filipino.
pinagsanib ang mga
interdisiplinaring paksa at ang makabagong nakapaloob sa ibatibang uri ng teksto tulad ng mga tekstong prosidyural, reperensyal,
Sa Bawat Taon
journalistic, literasi at politico-ekonomik at ang pagkatuto ng ibat
ibang istrukturang gramatikal.
Binibigyan ng tiyak na atensyon sa paglinang sa pasulat na
komunikasyon sa pamamagitan ng eksposyur sa ibat-ibang uri ng
komposisyon at malikhaing pagsulat. Ito ay pinagtutuunan ang isang
liggong leksyon sa bawat markahan.
Sa Apat na Taon
Binibigyan ng pansin ang pag-aaral ng Filipino ay ang pagtatamo ng

kasanayan sa akademikong wika.


Mga Akdang Pampanitikan na Binibigyan ng Pansin sa bawat Taon

Unang Taon

Ikalawang
Taon

Ikatlong Taon

Ikaapat na
Taon

Florante at
Laura

Noli Me
Tangere

El
Filibusterismo

Ibong Adarna

Ang Thematic Curriculum


Ang Thematic Curriculum ay isang set ng mga
organisadong karanasan sa pagkatuto gaya ng programa, kurso at
iba pang mga gawain pampaaralan na naglalaan sa mga mag-aaral
sa higit na malawak at pangnilalamang tema.
Ang mga Benepisyong Matatamo sa Paggamit ng Thematic
Curriculum
1
.

Oportunidad na matutuhan sa pamamagitan ng higit na


kontekstwalisadong mga karanasan sa pagkatuto.

2
.

Eksposyur sa mga lingkedyes sa pagitan ng pagkatutong


ibinase sa paaralan at pagkatutong nagaganap sa lugar ng
paggawa at komunidad.

3
.

Oportunidad na mailantad ang malawakang mga karanasan


awtentik.

4
.

Malalim na eksposyur sa kinagigiliwang Gawain.

5
.

Oportunidad na masuri ang malawakang pagkakaloob ng


hanapbuhay.

6
.

Higit na malawak na potensyal sa paghahanda ng higit na


mataas na edukasyon at paghahanapbuhay.

7
.

Kakayahang makilala ang mga naiiba at di-pangkariniwang


interes

Ang mga Benepisyong Matatamo Para sa mga Edukador

1
.

Oportunidad para sa mga guro na magsama-sama silang mga


miyembro ng grupo ng mga propesyunal na may mga
estratehiya sa pagkatuto.

2
.

Oportunidad para sa mga gurong tagapamatnubay namay mga


positibong impak sa mga mag-aaral.

3
.

Oportunidad para sa mga administrador na magpakita ng


pamumuno sa pagsasaayos ng paaralan at pagtulong sa mga
mag-aaral na magkaroon ng mga matagumpay na karanasan sa
paaralan.

Ang mga Pangunahing Salik sa Lahat ng Aspeto ng Thematic


Curriculum

1
.

Ang Thematic Curriculum ay maaaring maipatupad sa


maraming paraan gaya ng kurso, akademya klaster, magnet at
ang buong paaralan.

2
.

Ang Thematic Curriculum ay maaaring maisanib sa ibang mga


reporma gaya ng integrasyon ng edukasyong bokasyunal at
akademiko, transisyong paaralan-paggawa.

3
.

Ang Thematic Curriculum ay nakalaan para sa paaralang


sekundarya ,bagamat maaari ring maging kapakipakinabang sa
paaralang elementarya.

4
.

Ang Thematic Curriculum ay magsisilbing tulay upang


mapagsama angmga karanasan sa pagkatuto na ibinatay sa
paaralan at paggawa.

5
.

Ang mga hadlang sa lugar ng paggawa gaya ng suplay sa


paggawa, maliit na produksyon at tradisyon ay binawasan ang
pagpapatupad ng thematic curriculum na nabuo mula sa mga
aspekto.
Ang mga Pangunahing Pagdulog sa Pagtuturo ng Filipino sa Antas ng
Elemenytarya

Lapit/Pagdulo
g

Tradisyunal

Isang
organismo
nasusulat,
kumbensyun
al ang wika
pagkilala at
pagbuo
Teorya/Prinsipy
o

Mga Layunin

Pagkilala at
pagbuo ng
mga
bahagi ng
pananalita,
wastong gamit
ng salita

Istruktural
Sistemang
pasalita,
arbitraryo at pang

komunikasyon ang

Who

Isang
Globa
wika
ang p
nasa
integ
kasan
ang o
g-ara
ang w
sa es
pang

wika, mekanikal
ang

Isang pormal na sistema ang wika at may


mga gamit ding
functional para

pagkatuto at
huhubog sa mga
kaugalian (habits)

sa mga
komunikatibong
pangangailangan

Pagtatamo ng
mga
kasanayan pangling-

Pagtatamo ng kasanayan

Pagta
na na

-linggwistik

ng m

gwistik (pagbuo
ng mga ponema,
morpe-

-sosyo-linggwistik

pagg

-pang-diskors

sana

-pang-estratehiya

sa iba

ma at
pangungusap
Magkahiwala
y na pagsasa-

Komunikatib

(akad

kasyo

Coop

ve le

solvin
nay sa
pagbuo ng
mga bahagi ng
pananalita

Cooperative/interactti
ve learning (dyadic
Patterns,
substitution

exchange, group work


information gap,taskoriented)

Drills,
mimicry,tagmemics (pokus sa
anyo ng
wika)magkahiwala
y na pagtuturo ng
wika at pagbasa

ing s

ment

intera
interaktibong pag-

aaral

aaral ng wika at

pagb

pagbasa

IBAT-IBANG MODELO
Ang Modelong Batay sa Tema o Paksa ng Pag-aaral (Theme o
Topic CourseModel)

Wika
Agham

Matematika

Agham Panlipunan
Iba pang saklaw ng nilalaman

Ang Modelong Magkakahiwalay (Sheltered Courses Model)

Ang Modelong Magkasanib (The Adjunct Model)

Ang Pagdulog sa Pagtuturong Batay sa Nilalaman (Content


Based Instruction o CBI)

Binibigyang kahulugan nina Brinton , Snow at


Iverche (1989) Ang pagtuturong Batay sa Nilalaman
bilang integrasyon ng pagkatuto sa nilalaman at sa mga
layunin sa pagtuturo ng wika. Itoy tumutukoy sa
kasalukuyang pag-aaral ng paksa at paksang aralin ,
nang may porma at pagkakasunud-sunod ng
presentasyong taglay ng nilalaman ng teksto. Nakapokus ito hindi lamang sa pagkatuto, kundi sa wikang
gamit bilang midyum ng pagkatuto ng matematika,
agham panlipunan, at iba pang mga asignaturang pangakademiko.

Ang Cognitive Academic Learning Approach (CALA)

MGA ESTRATEHIYA

1
.
2
.

Ang estratehiyang metakognitib. Itoy tumutukoy sa


pagkakaroon ng kamalayan, kaalaman at kasanayan sa
pagkontrol sa sariling proseso ng pag-iisip o pag-unawa
(Royo,1992). Itoy pagpaplano para sa pagkatuto,
pagmomonitor at produksyon, sa pagtataya kung paano natamo
ang layunin sa pagkatuto.
Ang estratehiyang kognitib. Itoy interaksyong may kasamang
materyal (pagpapangkat-pangkat, pagtatala, pagbubuod) o
paggawa ng imaheng mental, pagbabahagi ng bagong
impormasyon sa dati nang natutuhang mga konsepto o mga

kasanayan. Itoy estratehiyang gingamit ng mga manmbabasa


sa pagkatuto ng mga akademikong disiplina.
3
.

Ang Estratehiyang sosyo-apektib. Itoy interaksyon sa iba pa


upang makatulong sa kanyang pagkatuto.

PARAAN/TEKNIK

Pagkatutong Tulung-tulong (Cooperative Learning)


Itoy isang paraan/teknik sa pagtuturo at kabilang sa mga pilosopiya
ng edukasyon na humihikayat sa mga mag-aaral na gumawa nang
sama-sama bilang isang pangkat upang matutuhan ang aralin.
Natutuhan ng pangkat ang isang partikular na konsepto o nilalaman
kung saan inaasahan ang pakikibahagi ng bawat isang miyembro sa
diskusyon/usapan.
Ang Apat na mga kasanayan sa Pagkatutong tulung-tulong
na nilahad nina Johnson at Johnson (1986):

1
.

Pagbuo ng pangkat

2
.

Paggawa bilang isang pangkat

3
.

Paglutas ng suliranin bilang isang pangkat

4
.

Pagbuo ng magkakaibang ideya.

Mga Kasanayan sa Pagbuo ng Pangkat

Mga Kasanayan sa Paglutas ng Problema

PANGKAT

1.
2.
3.
4.
5.
6.

Pagbuo ng suliranin
brainstorming
paglinaw ng mga ideya
pagsang-ayon sa mga ideya
pagpapalawak ng mga ideya
pagtingin sa maaaring maganap

7.
8.
9.

pagpuna sa mga ideya


pagbuo ng impormasyon
paghanap ng solusyon

Ang Mga Estratehiya sa Pagkatutong Tulung -Tulong


1.
2.

Pagsasatao (Role Playing)


Mag-isip, Humanap ng Kapareha at Makibahagi (THINK, PAIR, and
SHARE)
3.
Brainstorming
4.
Graphic Organizer

ANG FILIPINO SA BATAYANG ANTAS NG EDUKASYON


ni Clemencia C. Espiritu, Ph. D

Ang Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002


Ang mga sumusunod ang naging batayan ng Kurikulum 2002
Ang layunin ng edukasyong elementary, ayon sa Education Act of 1982
batayang patakaran sa edukasyon sa isinasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987
Governance of Basic Education Act of 2001 GOVERNANCE OF BASIC EDUCATION
ACT OF 2001
Inilahad ang pangkalahatang tunguhin ng batayang edukasyon:
linangin ang mga mag-aaral na Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
batayang kasanayan sa literasi, numerasi, kritikal na pag-iisip at mga kasanayang
pampag-aaral at mga kanais-nais na halagahan(values) upang silay maging

mapagkalinga, makatayo sa sarili, maging prodaktibo, magkaroon ng kamalayang


panlipunan, maging makabayan at responsableng mamamayan.
Sa nireistrukturang Kurikulum 2002, binigyang ibayong pansin ang pagsasanay para sa
pagtatamo ng mga kasanayan sa pamumuhay, pagtukoy at pagsusuri sa mga
halagahan at ang pagkilala sa ibat ibang katalinuhan ng mag-aaral (multiple
intelligence)
Ang Kurikulum ng Filipino sa Antas Elementarya

Mithiin sa pagtuturo ng Filipino ang:


Nagagamit ang Filipino sa makabuluhang pakikipagtalastasan, (pasalita at pasulat):
nagpapamalas ng kahusayan sa pagsasaayos ng ibat ibang impormasyon at
mensaheng narinig at nabasa para sa kapakinabangang pansarili at pangkapwa at sa
patuloy na pagkatuto para makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa
daigdig

Layunin ng pagtuturo ng Filipino sa elementary na linangin ang apat na


makrong kasanayang pangwika:pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat
gayundin ang pag-iisip, sa mga baiting I-VI, ang mga tiyak na kasanayang ito
ay lilinangin sa mga sitwasyong pangkomunikasyon, gamit ang ibat ibang
materyal tungo sa pagkakaroon ng masteri.
Dinagdagan ang oras sa pagtuturo ng Filipino sa mga baiting I-III upang
magkaroon ang mag-aaral ng sapat pag-unawa sa bawat aralin at maisama
ang barayti ng mga tekstong literari at di-literari sa mga gawain sa pagbasa
at pag-unawa.

Ang Filipino sa Antas Sekundarya

Ilan sa mga obserbasyong iniulat ni G. Arturo Cabuhat ang mga


sumusunod:
a)
Repetisyon at overlapping ng mga itinuro lalo na sa wika mula sa elementarya
hanggang tersyarya.

b)

Kakulangan, kundi man kawalan ng artikulasyon ng mga kurikula sa tatlong antas.

c)

Mababaw na nilalaman at kasanayang nililinang

d)

Walang kaayusan at pokus sa pagpili ng kontent at pagtalakay sa panitikan

e)
Di-lubusang paglinang ng kahusayang magamit ang wikang natutuhan sa
pagkatuto ng mga asignaturang itinuturo sa Filipino.

Nagsagawa ang DepEd ng mga hakbang tungo sa pagrereporma ng


kurikulum. Sa antas Sekundarya, mithiin ng pagtuturo ng Filipino na
makadebelop ng gradweyt na mahusay na komyunikeytor sa Filipino
May atas din na ang pagtuturo ng Filipino ay dapat gamitan ng mga
tekstong hango sa mga asignaturang pangnilalaman tulad ng Aralin/Agham
Panlipunan, Agham at Teknolohiya. Literatura at iba pang kaugnay na
disiplina.
bago makagradweyt sa batayang edukasyon, dapat taglay ng magaaral hindi lamang ang mga kasanayang pangwikang batayan at
interpersonal, kundi pati ang mga kasanayang pangwikang kognitib at
akademik.

Pananaw sa Wikang Filipino sa Bagong Kurikulum


Ang WIKA sa dating KURIKULUM ay tinitingnan bilang asignatura na nakapokus sa
paglinang ng kaalamang panggramatika at ng apat na makrong kasanayang pangwika.
Sa binagong KURIKULUM ang WIKA ay itinuturing ito hindi lamang obdyek ng
pagkatuto o isang asignatura, kundi instrument rin para matuto ang mag-aaral ng
marami pang bagay bukod sa Filipino.
PANANAW SA PAGTUTURO NG WIKA

a)

Tunguhin ng bagong kurikulum sa Filipino na:


maituro ng holistic at natural ang wika

b)
malinang hindi lamang ang kasanayan sa komunikasyong interpersonal kundi ang
kognitib-akademik na kasanayang pangwika.
c)
mabigyan ang mag-aaral ng eksposyur sa mga paksang nakapaloob sa mga
asignaturang pangnilalaman.

d)

malinang ang mataas na kasanayan sa pagbabasa at pagsulat

e)

malinang ang kritikal na pag-iisip ng mga-aaral

f)

maitaas ang kaalaman at pagpapahalagang pampanitikan.

MGA BAGONG PANANAW SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO


a)
Muling pagtingin at pagsusuri sa mga layunin ng wika at ang kaugnayan ng mga
ito sa nagbabagong layunin ng edukasyon
b)
Pagbibigay-diin sa pagtuturo ng wika para sa mabisa at makatotohanang
pakikipagtalastasan.
c)
Pag-angat nang kaunti sa istruktural na pamamaraan at paggamit ng
alternatibong pagdulog sa pagtuturo ng wika na batay sa pangangailangang
komunikatib.
d)

Pagbibigay-halaga sa gamit ng wika sa ibat ibang sitwasyong komunikatib

e)
Higit na malawak na pagkaunawa sa pagkakaugnay-ugnay o integrasyon ng mga
kasanayang pangwika tulad ng pagbasa at pagsulat, pakikinig at pagsasalita .
f)
Pokus sa paglinang ng mga programang pangwika na tutugon sa ibat ibang antas
ng pangangailangan.
g)

Interes sa mga pinagsanib na programa tulad ng wika at araling panlipunan.

h)
Pokus sa pangangailangan, interes at motibasyon ng mag-aaral; pagbibigay-diin
sa proseso ng pagkatuto at ang mga estilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
i)
Pagbabagong-pananaw sa kaayusan ng mag-aaral sa silid-aralan. Pagbibigaydiin sa tambalan at pangkatang interaksyon at sa peer teaching.
j)
Pagbuo sa pamamaraang eklektik at pragmatic tulad ng pagdulog na
komunikatib.

Batay sa mga nabanggit, nagmungkahi ang DepEd ng mga pananaw at


estratehiya sa pagtuturo:
1.

PAGTUTURONG BATAY SA NILALAMAN O CONTENT-BASED


INSTRUCTION (CBI)
C Integrasyon ng kontent ng mga asignaturang tulad ng Heograpiya, Kasaysayan,
Sibika at Kultura, Agham at iba pa sa pagtuturo ng wika.
C mahalaga ang kolaborasyon ng guro ng wika at ng content area subject dahlia sa
paggamit ng input sa dalawang lawak.
C ang layunin ng guro ay malinang nang sabay ang kasanayang pangwika at
pagtatamo ng akademikong kaalaman.
Pangunahing katangian ng Pinagsanib na Pananaw
a)

Nalilinang ang mga kasanayang kognitib at pangwika

b)
Higit na natutuhan ang wika kung hindi tungkol dito sa pokus kundi kung
ginagamit itong instrument sa pagkatuto.
c)
Naipauunawa ang input sa ibat ibang kaparaanan tulad ng demonstrasyon,
biswal, aktwal na pagsasagawa at manipulasyon ng nilalaman na isinasama ng guro sa
mga aralin.
d)

Inaalam ang eskrima o datihang kaalaman at iuugnay ito sa bagong tapik.

e)
Ipinakikita ang mga kasanayang komunikatib sa pamamagitan ng ibat ibang
teknik, interaksyon sa materyal, kapwa mag-aaral at mga guro
f)

Hinihikayat/Inaaplay ang ibat ibang estratehiya sa pagkatuto

g)

Nililinang/Inaaplay ang ibat ibang estratehiya sa pagkatuto

h)

Nahahamon ang katalinuhan ng mag-aaral.

i)
Ginagamitan ng whole language na mga teknik. Gumagamit ang guro ng
awtentikong materyal para maituro nang makabuluhan ang pagbasa at pagsulat.
2.

TEMATIK NA PAGTUTURO

Ipinaliliwanag ng DepEd ang pakahulugan dito:


Thematic teaching recognizes learning around ideas. It provides a framework for
linking content and processes from a variety of disciplines. The theme provides
coherence and focus for accompanying activities. The theme enables learners to see
the meaningful connections across content or skills areas. .
3.

INTERAKTIB NA MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO


C Mahalaga ang interaksyon sa anumang pagtuturo.
C ayon kay Well Rivers (1987) ay isang gawaing kolaboratib na kinapapalooban ng
tatsulok na ugnayang nagpapahatid ng mensahe, ng tagatanggap at ng konteksto ng
sitwasyon, maging pasalita o pasulat man ang komunikasyon.
C May tatlong interaksyon na maaaring lahukan ang mag-aaral:

4.

interaksyon sa guro
sa kapwa mag-aaral
sa teksto o mga kagamitang pampag-aaral
KOLABORATIBONG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO AT
PAGKATUTO
C Nakapokus sa KOOPERASYON ng mga mag-aaral sa mga gawaing pagkatuto.
SINTAKS NG KOOPERATIBONG MODELO SA PAGKATUTO
a)

Ilahad ang tunguhin ng gawain.

b)

Ilahad ang impormasyon.

c)

Pangkatin ang mga mag-aaral.

d)

I-monitor ang mga pangkat.

e)

Ipalahad sa pangkat ang resulta ng kanilang gawain.

f)

Kilalanin ang pagsisikap ng indibidwal at pangkat, gayundin ang kanilang natamo.

g)

Paglaanan ang mga gawaing lilinang sa ibat ibang katalinuhan.

h)
Pagsanibin ang kahalagahan (values) sa pagtuturo at aplikasyon ng mga
pagpapahalagang ito.

Samakatuwid
C Napakalaking hamon sa kaalaman at kakayahan ng guro ang pagpaptupad ng
kurikulum lalo na ng 2002 sapagkat ang kurikulum ng 2002 ay interaktib, kolaboratib at
integratib, nakapokus sa mga batayang kasanayan at kahalagahan at lumilinang ng
ibat ibang katalinuhan.

EBALWASYON
1.

I.

MALAYANG TALAKAYAN
1.
A. Ipaliwanag ang mga sumusunod na mahahalagang
salita/parirala sa Binagong Kurikulum:
2.
tematik na pagdulog
3.
interaktibong pagdulog
4.
kooperatibong pagkatuto
5.
kolaboratibong pagdulog
6.
pagtuturong batay sa nilalaman
1.
B. Sagutin at ipaliwanag ang mga sumusunod na
tanong:
1.
Anu-ano ang naitulong ng binagong kurikulum sa
pagtatamo ng layunin sa pagtuturo ng Filipino sa ibat ibang antas?
Maglahad ng ilang patunayan.
2.
Sa iyong palagay, bakit kinakailangang magkaroon ng
pagbabago o baguhin ang/sa kurikulum ng ating edukasyon?
Makabuluhan ba ito? Bakit? Patunayan ang iyong kasagutan.
3.
Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng Thematic
Curriculum sa pagpapatupad ng binagong kurikulum sa batayang
edukasyon?
4.
Ipaliwanag ang sumusunod na kasabihan. Ano kaya ang
kaugnayan nito sa pagtamo nang layunin ng binagong kurikulum ng
2002 sa batayang edukasyon?
Tell me and I forget
Show me and I remember,
Involve me and I understand
-Chinese Proverb

1.
2.

II. PAGLALAPAT
Pag-aralan ang mga pangunahing pagdulog sa pagtuturo ng Filipino sa
antas elementary. Pumili ng 1-2 angkop na gamitin sa pagtuturo. Ipaliwanag
kung bakit ang mga ito ang napili.

You might also like