Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Javier, Jiana Kamille S.

Sir Marky Profeta

BSA17
Elektra: Feministikong Pagsusuri
Batay sa UP Diksiyonaryong Filipino ni Virgilio S. Almario (2010), ang feminismo
ay isang doktrina na nagtataguyod ng pantay na mga karapatan ng kababaihan at
kalalakihan sa larangang panlipunan, pangkabuhayan, at pampolitika.
Sa dulang Elektra, nakita ang kawalan ng pagkakapantay-pantay nang ipakasal
ng kanyang ina si Elektra sa isang alipin na unang-una sa lahat ay hindi naman niya
gusto. Ang mga ganitong pangyayari, na bagaman sa pelikula o palabas lamang natin
madalas makita, ay totoong nagaganap saan man sa mundo. Isang kalupitan na tunay
nga namang nakapang ngingitngit.
Isa pa sa mga napuna ko sa dula ay ang pagmamaliit sa kanyang pagkatao.
Nang mamatay ang kanyang ama na si Agamemnon ay bumaba ang antas ng kanyang
pamumuhay. Nanirahan siya kasama ang kanyang asawang alipin habang ang kanyang
ina ay nagpapakasasa sa kaharian.
Madalas nayuyurakan ang pagkatao ng isang babae sapagkat mababa ang
tingin ng karamihan sa kababaihan; tingin ng marami ay mga simpleng bagay lamang
ang kayang gawin ng isang babae. Gaya na lamang ng pagmamaliit sa kakayanang
makapaghiganti ni Elektra. Inakala nina Clytemnestra at Aegisthus na sa pagpapatapon
sa kanya magwawakas ang lahat ng kanilang pagkabagabag.
Ngunit doon sila nagkamali. Dahil sa halip na makatulong ang kanilang ginawa,
ay lalo pang umusbong ang pagnanasa ni Elektra sa paghihiganti.

You might also like