Sa isang mundong payak ang kaligayahan At ang aking pagkalas na pinapangarap Napasakamay ko na ba o ikaw na ang humahawak? Ang mga pawis ko'y nagmistulang grasa Ang mga pader na sinasandalan ay akin na 'ring kinaibigan At nang mawala ang aking pagkakakilanlan? Nang maglaho't maligaw? Marahil ikaw na ang nakakaalam
Katiting lang mula sa kaligayahang iyong yakap-yakap
Ang aking natatanging dalang pangungusap Ngunit nabigo ang paghalik ng munting pagdamay Kaya't nagpakagapos sa sariling kahinaan Hikahos na gumagapang Nangamba kahit marahan Pinilit tumayo 'Di bali nang matapakan
Katiting lang mula sa kaligayahang iyong yakap-yakap
Ngunit ang natanggap Ay ang kaakibat na kalungkutan Nang mawala ang kaligayahang iyong kinikilala Salamat sa iyong alay Ang kabilang mukha ng kagandahan, pag-ibig at pagmamahal
Isang libong mga yapak ang sumiil sa aking paglaya
Ang paglayang-lupit ng parusa ng siklab at ugong ng mga paa Na kung yanigin ang aking utak at bungo At tangayin ang paglaya kong tunog Ako'y pipikit sa umagang buhay Ako'y ngingiti habang namamatay