Adrian

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Panitikan- ang panitikan ay ang mainaw na pagsusulat

ng may anyo pananaw ang diwang sanhi na matagal na


pagkawili at gana sa makatuwid may hugis punto de bista at
makakapagpahaba ng interes na bumabasa ng isang sulatin
pampanitikan.
Ito rin ay nag sasalaysay ng
buhay,pamumuhay,lipunan,pamahalaan,pananampalataya
at ang mga karanasang kaugnay ng ibat-ibang uri ng
damdaming tulad ng pag-ibig,kaligayahan,kalungkutan,pagasa,pag-kapoot paghihiganti,pagkasuklam,sindak at
pangamba.

Uri ng Panitikan
-

Alamat
Anekdota
Nobela
Pabula
Parabula
Maikling kwento
Dula
Sanaysay
Talambuhay
Talumpati
Balita
kwentong bayan

Maikling Kwento
Ang Maikling Kwento o Katha ay isang uri
ng
panitikan ng isang maiking guni-guni ng
may akda. Ito ay maaring likhang isip
lamang o batay sa sariling karanasan na
nag-iiwan ng isang kakintalan sa isipan ng
bumabasa onakikinig. Ito ay maikli lamang
at matatapos basahin sa isang upuan
lamang. Iilan lamang ang mga tauhan.
Ang mga kawal ng pangyayari ay maingat
na inihanay batay sa pagkasunod-sunod
nito. Ang isang maikling kwento ay mga
kwento na mamaari mong tapusin sa
isang upuan lamang ng pagbabasa o
kayay ang mga kwento na hindi inaabot
ng araw para matapos.
Uri ng Maikling Kwento
1. Sa kwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga
tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang
mambabasa.

2. Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin


ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan,

ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa


nasabing pook.
3. Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang
mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
4. Sa'kwentong bayan nilalahad an mga kwentong
pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
5. Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga
pangyayaring kasindak-sindak.
6. Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang
diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari
na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
7. Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga
mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng
isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling
kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang
paglalarawan ng kaisipan.
8. Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa
balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento.
9. Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa
mambabasa ang kwento ng katatawanan.

Mga Elemento
1. TAUHAN

Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan kung kanino
nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan.
2. TAGPUAN/PANAHON
Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung saan
at kailan nagaganap ang mga pangyayari.
3. SAGLIT NA KASIGLAHAN
Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa
buhay ng mga tauhan
4. SULIRANIN O TUNGGALIAN
Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang
tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan.
5.KASUKDULAN
Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari
sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
6. KAKALASAN
Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.
7. WAKAS
Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng
layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may malungkot
na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.

Pangalan: Adrian A. Tan


Baitang/Seksyon: G9- Gauss

You might also like