Pyudalismo at Manoryalismo

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

CHARLEMAGNE

Mahihinang tagapamahala ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ang mga opisyal
ng pamahalaan at mga may-ari ng lupain ay humiwalay sa pamumuno ng hari. Naibangon
muli ang pamahalaan na ngayon ay pinatatakbo ng mga maharlika tulad ng mga konde at
duke.
Ang pyudalismo ay isang matibay na institusyon na naitatag noong Panahong Medieval.
Ang sistema nito ay pulitikal, sosyo-ekonomiko at militar na sagot sa pangangailangan sa
maaaring mamuno sa mga tao sa panahon ng kaguluhan. Nakasalalay sa basalyo ang mga
gawaing pampulitika, pangkabuhayan at pampulitika.
Kasaysayan ng Pyudalismo
Itinatag ito ni Charlemagne noong 800 C. E. ang Banal na Imperyong Romano.
Noong 843, sa bisa ng Kasunduan sa Verdum, hinati ito sa tatlong apo ni Charlemagne.
Ngunit ito ang nagpahina sa imperyo.
Sa hilaga, lumusob ang mga horsemen o Viking.
Sa silangan naman ay mga Magyar.
Sa timog ay lumusob ang mga Muslim.
Bumagsak ang lahat ng mga pamahalaan at naganap ito sa Europa pagkamatay ni
Charlemagne.
Ngunit noong ikasiyam na siglo, isang uri ng pamumuhay ang umusbong na naging
sandigan ng mga tao- ang pyudalismo.
Ang institusyong Pyudalismo
Ang salitang pyudalismo (feudalism) ay hango sa salitang "feodus" o "fief", ang salitang
tumutukoy sa lupa na ibinigay sa unang basalyo (vassal)
Ang ibang katawagan naman sa may-ari ng lupa (panginoon o lord) ay liege o suzerain.
Ang lupang ipinagkaloob sa basalyo ay tinatawag na fief.
Ang homeage o seremonya ng paggawad ng fief ay ginaganao bilang patunay ng kanyang
pagtanggap ng lupa.
Bilang pagtanggap, binibigyan ng panginoon ang basalyo ng isang sagisag ng kanilang
ugnayan. Tinatawag itong "oath of fealty".
Sa sistemang pyudal, ang basalyo ay may layang pamahalaan ang lupang nasasakupan.
Siya ang nag-aayos ng usaping legal at namamahala ng sandatahang lakas, suplay ng
pagkain at paniningil ng buwis.
Ang Kabalyero sa Sistemang Pyudal
Ang kabalyero ay mula sa salitang Pranses na "chevalier" na ang ibig sabihin ay
mangangabayo. Ang nagnanais na magkabalyero ay dumadaan sa pagsasanay ayon sa
kodigo ng pagiging kabalyero. Kinapapalooban ang kodigo ng kagandahang asal ng mga
kabalyero, ng katapangan, kahinahunan, pagiging marangal at maginoo lalo na sa
kaibigan.
Isang magandang alaala ng pyudalismo ang sistemang kabalyero (knighthood). Ito ay
propesyon na pinagpala ng Simbahan. Tungkulin nila ang ipagtanggol at itaguyod ang
Kristiyanismo.
Kabalyero

Sistemang Manoryal
Ang pang-ekonomiyang katapat ng pyudalismo ay manoryalismo. Ito ay sistemang
gumagabay sa paraan ng pagsasaka, ng buhay ng mga magbubukid at ng kanilang
ugnayan sa isa't-isa at sa lord ng manor. Ang sistemang manoryal ay ang sistemang pangakonomiya noong Gitnang Panahon. Sa manor nanggagaling ang halos lahat ng produkto
at serbisyong kailangan ng mga tao.
Ang manor ay isang malaking lupaing sinasaka. Ang malaking bahagi ng lupain na
umaabot sa 2/3 ay pag-aari ng lord.
Ang maharlika ang pinakamataas na uri ng mga tao sa sistemang manoryal na
kinabibilangan ng mga panginoon ng lupa, obispo at abbot. Samantala, ang mga
manggawa ay nahahati sa dalawang uri: ang malalayang tao o freemen at mga serf o
magbubukid.
Pagsasaka:Batayan ng Sistemang Manor
Ang sistemang manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito.
Ang sistema ng pagtatanim na sinusunod ng mga manor ay tinatawag na three-field
system. Hinahati ang lupain sa tatlong bahagdan. Ang isang bahagdan ay maaaring
tamnan. Ang ikalawa ay gulay at ikatlo ay hindi tatamnan.
Ang pamamahala sa Manor
Ang panginoong pyudal ay karaniwang abala sa pakikidigma. Sa ganitong pagkakataon
ang pamamahala sa manor ay ipinagkakatiwala sa mga piling opisyales.
Ang "steward" ang mgay pinakamataas na ranggo. Siya ang legal na tagapamahala sa
korte ng manor.
Ang "bailiff" naman ang nangangasiwa sa mga gawain ng magbubukid at sa pagsasaka.
Siya ang namamahala sa pagkukwenta ng salapi at paniningil ng upa, multa at iba pang
bayarin.
Ang "reeve" ay tumutulong sa "bailiff". Sila ang namamahala sa papaparami ng dayami at
sa pag-aalaga nito atbp.
Ang mga "serf" naman ay itinuturing na pag-aari ng panginoon. Dahil sa wala siyang
pinag-aralan at itinuturing na walang alam.
Katayuan ng mga Babae sa Manor
Ang mga babaing nabibilang sa maharlika angkan ay tinatawag na "ladies". Sila ay
nagmamana ng lupain at maaaring humawak ng mahalagang posisyon.
Ang mga babaing magbubukid naman ay gumagawa ng lahat ng trabaho sa bukid. Sila
ang nagtatanim at nag-aani ng mga butil
Maagang nag-aasawa noon ang babae. Sa gulang na labing-apat, siya ay maaari nang
ipagkasundo. May mga pagkakataon na sanggol pa lang ang babae ay maari na siyang
ipagkasundo. Maari lamang ikasal ang babae kung mayroon siyang dote na salapi, lupa o
produkto na kanyang dadalin sa pagpapakasal.
Pag-usbong ng mga Bayan at Lungsod
Panahon ng ikasampu hanggang ikalabing-isang dantaon nang lumitaw ang mga bagong
bayan at lungsod sa Europa. Ang pinakamabilis na pag-unlad ay naganap noong
ikalabindalawang dantaon.

Ang krusada ay may malaking naidulot sa malaking pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng


mga lungsod sa Italya at Gitnang Silangan. Nagkaroon ng palitan ng produkto.
Ang paglakas ng kalakalan ay naging malaking tulong sa paglago ng mga bayan.
Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura bunsod ng pagtuklas ng mga bagong teknolohiya
at mga bagong pamamaraan sa pagtatanim. Bunga nito, tumaas ang ani kaya nagkaroon
ng magandang uri ng pamumuhay ang mga tao.
"Moneyed Economy"
Dahil sa mabilis na pag-unlad ng kalakalan, natuklasan ang paggamit ng salapi bilang
midyum ng pakikipagkalakalan.
Sa mga unang taon ng Gitnang Panahon, ang sistema ng kalakalan ay palitan ng produkto
o "barter".
Sa paglawak ng kalakalan kung saan maraming lugar na ang sumali, naisip ng
panginoong pyudal na magtatag ng taunang perya. Dito nagkatagpo-tagpo ang mga
mangangalakal. Kumikita ang panginoong pyudal dahil siya ay naniningil ng buwis at
multa rito. Dito sa salaping ito nakita ang paggamit ng salapi ngunit iba-iba ang kanilang
salaping barya. Dito nagsulputan ang mga namamalit ng salapi (money changer.)
Sa pagpapalit ng salapi na ito nasabing nagsimula ang pagbabangko. Natuklasan ng ilang
mangangalakal na hindi delikadong mag-iwan ng malaking halaga sa mga namamalit ng
salapi. Ang salaping ito ay ipinauutang din nang may tubo.
Ang sistemang ito ng pagpapautang at pagbabangko ay nalinang sa hilagang Italya. Ang
paggamit ng pera ay nakatulong sa paglalapit ng mga tao buhat sa iba't-ibang lugar.
Ang mga Fair
Nakikipagpalitan sila ng mga produkto sa pamamagitang ng sistemang "barter". Subalit
ng madagdagan ang dami ng produkto na ikinakalakal galing sa ibang lugar, ang mga
"lord" ng mga manor ay nagtayo ng mga "fair". Ang mga "fair" ay nagsisilbing tagpuan
ng mga mangangalakal mula sa iba't-ibang bahagi ng Europa. Ang mga "fair" ay kapakipakinabang sa mga "lord" sapagkat nagbibigay ito ng karagdagang kita sa kanila.
Ang Paglitaw ng Burgis
Sa pag-unlad ng kalakalan at industriya, isang makapangyarihang uri ng tao ang lumitaw.
Sila ay tinatawag na mga "burgis". Ang mataas na uri ng "bourgeoisie" ay ang mauunlad
na negosyante at mga bangkero. Ang mga "bourgeoisie" ay naging gitnang uri at mababa
ang pagtingin sa kanila ng panginoong pyudal dahil sila ay mga bagong yaman lamang.
Ang Sistemang Guild
Ang "guild: ay isang samahang institusyonal na ang pangunahing layunin ay protektahan
ang interes ng mga kasapu. Bawat guild ay may sinusunod na patakaran. Sinasawata nila
ang pagsali sa kalakalan ng hindi kasali sa guild.
Pagbabago ng Katayuan ng Maharlika
Maraming lupain ang napagbili noong lumahok sa krusada ang mga maharlika. Ang iba
ay nagkautang dahil na rin sa pagiging maluho. Kinakailangan nila ang salapi kaya ito
parin ang nging dahilan ng paglaya ng ibang alipin na nakahandang magbayad ng salapi.
Pwersa ng Mangangalakal
Sa pamahalaang bayan, lumakas ang kapangyarihan ng mga masalaping mngangalakal.

Dahil na rin dito, napilitan ang mga hari na ipagbili ang karapatang mangalakal sa mga
makapangyarihang "guild".
Hindi nagtagal, umunlad ang kapangyarihan ng hari dahil sa mga bagong sandata nila.
Sinasaligan nito ang iba't-ibang antas ng tao. unti-unting nagbigay-daan ang dating
sistemang pyudal sa isang matatag na pamahalaan na nasa kamay ng makapangyarihang
hari.

You might also like