Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

XANG TREN

Tila ahas na nagmula


sa himpilang kanyang lungga,
ang galamay at palikpik, pawang bakal, tanso, tingga,
ang kaliskis, lapitan mot mga bukas na bintana.

Ang rail na lalakaray


nakabalatay sa daan,
umaaso ang bunganga at maingay na maingay,
sa Tutuban magmumulat patutungo sa Dagupan.

O, kung gabit masalubong


ang mata ay nag-aapoy,
ang silbato sa malayoy dinig mo pang sumisipol
at hila-hila ang kanyang kabit-kabit namang bagon.

Walang pagod ang makina,


may baras na nasa rweda,
sumisingaw, sumisibad, humuhuni ang pitada,
tumetelenteng ang kanyang kainpanada sa tuwina.

Kailan ka magbabalik?

Hanggang sa hapon ng Martes.


At tinangay na ng tren ang naglakbay na pag-ibig,
sa bentanilyay may panyot may naiwang nananangis.

TINDING...

Magsabi ang Langgit kundi ikaw'y talang


Nagbigay sa akin ngg tuwa't biyaya,
Magsabi ang lahat kung hindi diwata
Ikaw ngg lalo mang pihikang makata.

Ikaw'y maniwalang ang musmos kong puso'y


Natuto sa iyong humagga't sumamo,
Sisihin ang iyong dikit na nagturo
Sa kabuhayan ko, ngg pamimintuho.

At sino sa iyo ang hindi hahangga?


Ikaw'y paralumang batis ngg biyaya,
Pakpak ngg panggarap at Reyna ngg awa.

Ang dilim ngg gabi sa aki'y natapos,


Nggumiti sa tangkay ang mgga kampupot,
Gayon ma'y narito't puso ko'y busabos.

PAG-IBIG NG INA

Ang puso ni ina'y kaban ng paglingap,


May dalawang tibok na karapat-dapat,
Ang isa'y kay ama, kay amang mapalad
At ang isa nama'y sa amin nalagak.

Noong nabubuhay ang ina kong irog


Ang kanyang pagkasi'y samyo ng kampupot,
Ang lakas ng puso'y parang nag-uutos
Na ako, kaylan ma'y huwag matatakot...

Pagibig ni ina ang siyang yumari


Ng magandang bahay na kahilihili,
At nawag sa palad na katangitangi.

Timtimang umirog! Hanggang sa libinga'y


Dala ang pagkasing malinis, dalisay,
Dala ang damdaming kabanalbanalan.

AGAW-DILIM

Namatay ang araw


sa dakong kanluran,
nang kinabukasay
pamuling sumilang,
ngunit ikaw, irog, bakit nang pumanaw
ay bukod-tangi kang di ko na namasdan?

Naluoy sa hardin
ang liryo at hasmin,
Mayo nang dumating
pamuling nagsupling,
ngunit ikaw, sinta, bakit kaya giliw
dalawang Mayo nang nagtago sa akin?

Lumipad ang ibon


sa pugad sa kahoy,
dumating ang hapon
at muling naroon,

ngunit ikaw, buhay, anot hangga ngayoy


di pa nagbabalik at di ko matunton?

LIHIM NG MGA TITIG

Ibig kong hulaan sa silong ngg Langgit


ang lihim na saklaw niyang mgga titig,
isang suliraning nagpapahiwatig,
ngg maraming bagay, ngg luha't pag-ibig.

Ako'y manghuhula sa bagay na iyan,


pagka't nababasa, sa hugis, sa galaw
ngg mga titig mong halik ngg kundiman
ang ibig sabihin at pita ngg buhay.

Ikaw'y nagtatapon nang minsa'y pagsuyo,


minsa'y pang-aaba't minsa'y panibugho,
minsa'y paanyaya sa tibok ngg puso
nang upang sumamba't sa iyo'y sumamo.

Ang mga titig mo'y may saklaw na lihim,

at maraming bagay ang ibig sabihin,


ngguni't sa palad ko'y isang suliraning
nagkakahulugang ako'y ginigiliw.

LARAWAN NG ISANG ULILA

Pusong makopa. Tadyang na kawayan.


Mga matang walang alipato ni alitaptap.
Marak na pisnging may dusing ng maghapon.
Naunsiyaming bibig na humihigop ng labnaw.
Butuhang kamay na nagdidildil ng alat.

Iluwag nang itanong kung sino siya.


Sapat nang sabihing siyay isang musmos
Na kinamatayan ng sinapupunang pinagmulan
At ng rnagsasakang sa kanyay nagpunla
Sa sinapupunang yaon. Huwag, huwag
Nang ita kung sino siya. Ang dapat
Isipiy kung paanong mabubudburan ng kutitap
Aug kanyang mga maiungkuting balintataw,
Kung paano madaramtan ng ginhawa
Ang nag-usling tadyang na kawayan,
Kung paano mapalulukso sa tuwa
Ang nababansot na pusong makopa,
Kung paano magiging ligat ang Iabnaw,
Kung paano magiging linamnam ang alat

Na kanyang hinihigop at dinidili


Sa isang madilim na sulok ng kahirapan.
Pag naisip mo ito at naisagawa,
Saka mo na itanong ang kanyang pangalan.

KABATAAN

Guhit ng panahon nag-iba,


Ihip ng hangin, droga.
Mundo'y lumipad-sumaya,
Ilang hithit lang, tamasa'y laya.
Maling landas tinahak,
Daloy ng tubig naging alak.
Mundo'y dumausdos, biglang kumawala,
Kada-laklak, igib ng puwak, problema'y nawawala.
Henerasyong puno ng pusok,
Bawat galaw tila apoy at usok.
Madaling araw siya'y nabuntis,
Katorse anyos nagmumuntis.
Kabataan ngayong dalawampu't isang centuridad,
Nagbago, naglaho, bumaliktad.
Pawang respeto'y nawala, parang bula.
Pag-asa ng bayan, sila pa nga ba?

BITUIN AT PANGANORIN

Akoy nagsapanganorin upang ikawy makausap


At sa pisngi niyong langit ang dilim koy inilatag;
Ang nais koy matapakan ka ng sapot kong mga ulap
At nang yaong pagsikat moy ako lang ang makamalas:

Bituin kang sakdal gandang hatinggabi kung sumilang


Na Buwan ang iyong ina at ang amay yaong Araw,
Ang Araw na iyong ama nang malubog sa kanluran
Ay nagsabi sa palad kong huwag kitang lalapitan.

Ako namay sumang-ayon dapwat akoy Panganorin


Na talagang hatinggabi kung lumapit sa Bituin,
Kaya ikaw, Bituin koy nasuyo kot naging akin.

Liwanag mo at dilim koy magdamag ding naghalikan,


Ngunit tayoy inumaga! Akong dilim ay naparam
At natakot sa ama mong nandidilat sa silangan!

ANG BUHOK MO

Ang buhok mo'y mahahabang ahas


Kung nakasalalay sa iyong balikat,
Mga ulang waring di lupa ang hanap
Kundi sampagitang humahalimuyak.

Sa itim ay gabing walang buwa't tala,


Sa haba ay halos humalik sa lupa,
Sa lago'y halamang malago't sariwa,
Sa sinsi'y masinsin at nakahahanga.

Naging katulad ka niyong Penelopeng


may timtimang pusong miminsang kumasi't
Ang naging aliwa'y luha't paghahabi.

Sa haba ng iyong buhok nakilala


Ang kadalisayan ng pagkadalaga
At ang kahabaan ng isang pag-asa.

ANG MGA KAMAY MO

Aywan kung mayron pang hihigit sa kinis


Sa mgga kamay mong biluga't nilalik,
Garing na mistula sa puti at linis,
Sa lambot ay bulak, sa ganda'y pagibig.

Ang mgga daliring yaman mo't biyaya


Ay di hugis tikin, ni hubog kandila;
Ang ayos at hugis ay bagay at tama
Sa sutla mong palad na laman ngg diwa.

Ang makakandong mo't maaalagaan,


Ang mahahaplos mo't mahihiranghirang,
Ang kahit patay na'y muling mabubuhay.

Mahagkan ko lamang ang iyong daliri,


Sa kapwa makata, ako'y matatanggi
At marahil ako'y isa na ring Hari.

MAGANDANG PRINSESA

Ipahintulot mo, dalagang mayumi,


Na ilarawan ko ang ganda mong ari,
Ipahintulot mong awitin kong lagi
Ang kagandahan mong makahibang-pari.

Bulaan ang madlang balitang Prinsesa


Kung sa ganda mo ngga'y makahihigit pa,
At para sa akin, ikaw'y siyang Reyna
Ng mga kapwa mong masamyong sampaga.

Ang kaharian mo'y iyang kagandahan,


Ang mgga buhok mo't matang mapupunggay,
Ang paa't pisnggi mo ay siya mong yaman.

Sa dalang ugali, ikaw'y isang birhen,


Kamia ka sa banggo't sa pagkabutihin,
Sa hinhi'y sampaga't sa ganda'y... tulain.

You might also like