Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Pagsusulit o Testing sa Wika at Panitikan? Ano ito?

Kagaya ng anumang produkto ng ano mang kompanya sa larangan ng


bisnes, ang resulta ng mga prosesong pagtuturo-pagkatuto sa larangan ng
edukasyon , ay dapat magkaroon ng QUALITY CONTROL upang masigurado
ang maipagmamalaking uri ng edukasyong matamo ng mga mag-aaral. Ito
marahil ang pinakamahalagang gampanin ng Pagsusulit o Testing sa Wika at
Panitikan.
Kagaya rin sa bisnes , ang kalakaran sa pagsusulit Testing sa wika at
panitikan ay pabagu-bago. Sinasabing ang pagsusulit wika at panitikan ay
sumusunod sa mga kalakaran sa pagtuturo ng wika (Upshur 1978). Ang
pagsusulit bilang isang paraan ng pagtataya sa kasanayan sa wika at
panitikan ay iniaayon sa layunin at pamamaraan ng pagtuturo. Ginagawa ito
upang malaman kung natutuhan ng mga mag-aaral ang aralin at kung
natutuhan ito, nangangahulugang nakamit ang layunin sa pagtuturo at
naging epektibo ang pamamaraan ng pagtuturo. Makikita sa dayagram ang
pag-uugnayng ito:
Mga Layunin

Mga Karanasan sa
Pagkatuto:
-Paksang Aralin
-Pamamaraan ng pagtuturo

Pagsusulit

Sa
pagdaan ng panahon lalo na sa kasaysayan sa edukasyon ng Pilipinas,
mapapansing ang kalakaran ng pagtuturo ay pabagu-bago kung gayon
pabagu-bago rin ang paraan ng pagsusulit. Ang pagbabagong naganap sa
pag-susulit at pagtataya sa kalahatan ay umaayon sa tatlong yugto na inuri
sa tatlong panlahat na pag-uuri sang-ayon sa kalakaran ng pagtuturo.

Tinalakay ni Bernard Spolsky, isang dalubhasa sa pagsusulit sa wika,


na binanggit ni Liwanag (2001) sa kanyang papel pangseminar , ang mga yugto

ng pagbabagu-bago sa kalakaran ng pagsusulit sa wika at panitikan. Ito ay


ang mga sumusunod:
1. Pre-Scientific Stage na kung saan ang mga ginamit na pagsusulit ay
gaya ng mga sumusunod:
a. Pagsusulit sa kaalaman tungkol sa wika.
b. Pagsasalin
c. Sulatin o komposisyon
d. Pagsulat ng buod
e. Pagsusulit na padikta
f. Mga tanong na walang limitasyon (open ended questions)
Sa panahong ito ay binigyang diin sa pagtuturo ng wika ang
pagsasaulo ng depinisyon at mga tuntunin, at ang pagsasalin ng
mga salita o pangungusap.
Ang pre-scientific stage ay umabot hanggang 1961 sa Amerika.
Sa panahong ito walang sinunod na mga simulain ang guro sa paghahanda
ng

pagsusulit.

Inakala

noon

na

ang

sinumang

makapagturo

ay

makapaghanda na rin ng pagsusulit.


2. Scientific Stage
Ang panahong ito ay nagsimula kasunod ng paglathala ng aklat
na Language

Testing ni Robert

Lado noong 1961. Dito nagsimulang

maging popular ang mga objective tests gaya ng mga pasulit na may
maraming pagpipilian at may dalawang pagpipilian.
Sa panahong ito lumaganap ang aural-oral approach sa
pagtuturo ng wika. Ito ay salig sa paniniwalang mahalaga ang anyo kaysa
kahulugan, at upang matutuhan ang isang wika, kailangan pag-aralan ang

mga tunog, ang mga morpema, at mga balarila nito. Kaya ang mga
pagsusulit ay sumusukat sa kasanayan sa pagkilala at pagbigkas ng mga
tunog, sa pagkilala ng mga morpema, at sa paggamit ng mga sangkap ng
pananalita, at hindi sa pangkalahatang kasanayan sa wika.
Sa scientific stage rin nagsimula ang pagtataya

pagppahalaga ng pagsusulit upang matiyak kung ito ay mapanghawakan


at mapagkatiwalaan.
3. Communicative Stage
Ang pokus ng mga pagsusulit sa panahong ito ay ang
pangkalahatang kasanayan sa wika dahil ang binibigyang diin sa
pagtuturo ng wika ay ang paggamit nito, hindi ang sangkap nito.
Tayo

ay

nasa

communicative

stage

na,

pero

hindi

nangangahulugang hindi na mabisa ang mga pagsusulit na ginamit sa mga


naunang panahon. Ang pagsusulit, ang pagsusulit na padikta, ang
komposisyon at ang pagsulat ng buod na tinatangihan noong scientific
stage ay muling binibigyang buhay ngayon sapagkat ang mga ito ay
umaayon sa layunin sa pagtuturo ng wika. Ang objective test naman ay
ginagamit pa rin sa pagsukat ng kasanayang natamo sa isang kurso, o
bilang panuring pagsusulit.
Isa sa pinakagamiting kagamitang pampagtuturo ay ang Pagsusulit
o Testing.
Ito

ay

isang

paraan

upang

makakuha

ng

impormasyon

na

magagamit sa ebalwasyon. Sa pamamagitan ng pagsusulit malalaman ng


guro kung aling mga kakayahan ang dapat na bigyang diin sa kanyang
pagtuturo, at kung paano ang pagsasaayos o paglalahad ng paksang-aralin.
Karaniwang ginagamit ang pagsusulit upang matiyak kung matutuhan ang
itinuro at upang gawing batayan ng pagbibigay ng marka sa mga mag-aaral.

Ang pagsusulit ay ang alin mang paraan, pasulat o pasalita na


tataya sa mga awtentiko/functional/situational na gamit ng wika bilang
produkto ng pagtuturo sa isang tiyak na pagkakataon.

Narito ang ilang batayang konsepto na may kinalaman sa Testing sa


Wika at Panitikan:

Hindi maipagkakaila ang mahalagang papel na ginagampanan ng


pagsusulit sa pagtuturo at pagkatuto. Pinatutuhanan ito ni Hughes
(Testing for Language Teachers, Second Edition, p.1) nang binaggit niya
na ang epekto ng pagsusulit sa pagtuturo at pagkatuto, maaring mabuti
at di mabuti. Kung gayon nararapat na ang guro, bilang konstruktor ng
pagsusulit

ay

magkaroon

ng

ibayong

kaalaman

sa

kagamitang

pampagtuturong ito: Ang Pagsusulit .


Ang pagsusulit ay ang alin mang paraan, pasulat o pasalita na
tataya sa mga awtentiko/functional/situational na gamit ng wika bilang
produkto ng pagtuturo sa isang tiyak na pagkakataon` (Harris , 1992 at
Mc Cann, 1994).
Ayon kay Abad, et al. (2001) ang Pagsusulit ay isang kagamitang
pampagtuturo na kakailanganin sa pagsukat sa kaalaman at pang-unawa
ng mga batang tinuturuan. Sa tulong ng kinalabasan ng mg pagsasanay
at pagsusulit natutuklasan ng guro kung anong bahagi ng aralin ang
nangangailangan ng muling pagtuturo o puspusang pagsasanay upang
maging bahagi iyon ng katauhan ng mga mag-aaral.

Inilahad ni Ruedas (2001) ang katangian ng isang mahusay na


pagsusulit. Pinagdiinan ng may-akda na upang maging mahusay na
pagsusulit ay kailangang magtaglay ng mga sumusunod na katangian:
1. Pagkabalido (Valid)
Itoy nangangahulugang ang pagsusulit ay may katangiang
sukatin ang mga bagay na nais sukatin.
Ang pagkamabisa ng pagsusulit na inihanda ang tinutukoy sa
pagkabalido. Mabisa ang isang pagsusulit kung sinusukat nito ang mga
bagay na hangad na sukatin. Ang mga mga bagay na karaniwang
itinuturo na ang sinusukat nito. Maingat na pagsasaayos ng mga
nilalamang saklaw nito ay isang paraan ng pagiging mabisa ng
pagsusulit.
Kaugnay nito, kailangang ikinalat ang mga tanong nang maayos
sa mga paksang napag-aralan na at hindi lamang nakatuon sa ilang
bagay. Hindi sapat na ang pagsusulit ay sumusukat lamang sa mga
kaalamang natamo ng mga bata kundi pati na ang pang-unawa at
paggamit sa mga kaalamang ito. Nararapat na iangkop sa kakayahan
ng bata ang pagsusulit na gaagawin. Hindi makatarungang isang set
lamang ng pagsusulit ang gagamitin.

Ang mahihinang bata na

maaring sukatin sa mga tiyak na kaalaman at mga payak na


kasanayan samantalang ang mahuhusay at masusukat sa pag-unawa,
sa pagpapakahulugan, sa paglutas ng suliranin at iba pang higit na
masalimuot na kasanayan.
Ang pagkamabisa ng pagsusulit ay nasasali sa layunin, paksa, at
kakayahan ng mga mag-aaral na gagamit. Tunay na mabisa ang isang
pagsusulit na inihanda kapag ganap nitong sinasaklaw ang paksa;
maingat na sinusukat ang mga kaalamang binabanggit sa layunin at
angkop sa antas ng kakayahan ng mga batang kinauukulan.
2. Pagiging kapani-paniwala at hindi pabagu-bago (Reliable)
Kapani-paniwala ang isang pagsusulit na inihanda kung ang
bawat bata ay nanatili sa kanyang kinalalagyan o ranggo sa tuwing
ibibigay ang pagsusulit na ang kaalaman o kasanayang nilalaman ay
halos iisa o magkakatulad.

3. Pagiging matipid at Gamitin (Economical and Useful)


Kung naisasagawa ng mga mag-aaral ang pagsusulit sa isang
matagumpay na paraan na hindi gaanong napapagod, ang pagsusulit
ay matipid at gamitin. Nangangailangang itoy madaling maibigay o
maisagawa ng mga bata, madaling iwasto at maingat ang pagkakabuo
at pagkakaayos ng mga tanong.
Ang ilang manunulat ay naglahad din

mga katangian ng

mahusay na pagsusulit . Ito ay halos kaisa sa pagpapakahulugan sa


tinalakay naman ni Ruedas (2001). Ito ay ang mga sumusunod:
1.

Pagkabalido (Validity)
Itoy ang kakayahan ng isang pagsusulit na sumusukat sa bagay

na

nakatadhanang sukatin. Halimbawa, ang pasusulit sa pang-unawa sa


pagbasa ay mawalan ng pagkabalido kapag kakaunti ang oras na inilaan
sa pagsusulit. Sa ganitong pagkakataon, maaring mataya ang reading
speed at hindi ang pang-unawa.
Ang naunang binanggit ay sinang-ayunan ni JB Heaton (1988).
Ayon sa kanya The validity of the test is the extent to which it measures
what it is supposed to measure and nothing else. Lahat ng pasulit ay
nararapat na balido, mahaba man ito o maikling pagsubok lamang. Ang
lahat ng pasulit ay dapat maglalayong maipakita ang tunay na antas ng
natutunan ng mag-aaral sa isang partikular na kasanayan na kailangang
tayahin. Sa medaling sabi, ito ay pagsukat sa natutunan ng mag-aaral
batay sa itinuro ng guro.
May mga uri ng validity (Heaton, 1988): Face Validity , Content
validity, Construct validity, at Empirical validity .
Ang Face Validity ay mapapansin kahit sa simpling pagsuri
lamang sa panlabas na anyo ng pagsusulit. Mas maigi na maipakita sa
kapwa guro ang kaangkupan ng porma ng pagsusulit .

Ang Content Validity ay tumutukoy sa baliditi na natamo ng


pagsusulit dahil sa maingat na pag-analisa at pagsuri sa mahigpit na
kaangkupan ng mga tanong sa kasanayan na dapat tayahin na inilahad sa
talahanayan ng ispesipikasyon dahil ito ang naituro sa loob ng panahon
ng pagtuturo na sinaklaw naman ng pagsusulit.
Ang Construct Validity ay tumutukoy sa kaangkupan ng pasulit
sa Teoryang pumasailalim sa pagtuturo ng wika at panitikan. Kung ang
pagtuturo ay naayon sa Komunikatibong dulog ng pagtuturo ng wika,
nararapat lamang na ang uri ng pagsusulit ay komunikatibo rin.

Sa

ganitong pagkakataon, ang pasulit na may maraming pagpipilian ay


kulang sa construct validity dahil hindi ito umayon sa pagtasa sa
natutuhan na batay naman sa Teoryang pinag-angklahan ng pagtuturo.
Habang ang Empirical Validity ay tinuturing na statistical
validity at tinatawag ring concurrent validity. Matatamo ang empirical
validity sa pamamagitan ng pagkumpara nito sa mga existing test na
balido at ibinigay sa katulad na pagkakataon; o di kaya sa marka mula sa
guro na ibinigay sa parehong pagkakataon na ibinigay ang pasulit.
2. Pagkamapanghawakan (Reliability)
Ito ay ang pagkakatulad ng iskor na matamo ng isang pagsusulit.
Upang malaman na mapanghawakan ang isang pagsusulit, maari itong
ibigay sa magkaparehong grupo sa magkaibang panahon. Kung ang
kinalabasan

ay

magkapareho

sa

bawat

panahon

ng

pagsusulit,

masasabing mapanghawakan ang pagsusulit.


Ayon kay JB Heaton (1988), ang reliability ay maaring uriin na test
re-test reliability, at split-half reliability, at Mark-re-mark reliability
1. Praktikal at Pagkagamitin
Ito ay katangian ng isang pagsusulit na tumutukoy sa dagling pagbibigay
at pagkuha ng iskor, matipid sa oras at sa mga gamit ng pagsusulit.

Ang paghahanda ng pagsusulit ay nangangailangan ng maingat na


pagpaplano upang maging mabisa ito (Harris, 1962). Sa paghahanda ng
pagsusulit

dapat susundin ang mga

paghahanda

nito

(Grondlund,

1969)

mungkahi at simulain ukol


,

upang

matamo

ang

sa

mga

sumusunod na katangian:
1.

Sumusukat ng mga tiyak na kaalamang umayon sa mga layuning

pampagtuturo.
2.

Magtaglay ng mga aytem na angkop at tiyak na susukat sa mga


ninasang kaalaman.

3.

Ibatay sa mga kasanayang kumakatawan sa nilalaman ng kurso


at sa mga tiyak na kinalalabasan ng pagkatuto na dapat sukatin.

4.

Nasa tumpak at katamtamang kahirapan.

5.

Malinaw at madaling maunawaan ng mga mag-aaral.

6.

Makatulong sa pagpapaunlad ng kaalaman ng mga mag-aaral at


ikakatagumpay ng pagtuturo.
Idinagadag ni JB Heaton, maliban sa validity, reliability, at

practicability, ang :
3.

Diskriminasyon
Ito

ang

katangian

ng

pagsusulit

na

mapag-iba-iba

ang

magagaling sa hindi magagaling. Ito ay malalaman sa pamamagitan ng


tinatawag

na

Item

analysis

kung

saan

makikita

ang

pagiging

katamtamang hirap ng mga aytem maliban sa kaalaman hinggil sa


kakayahan ng bawat aytem na ihiwalay ang magagaling sa hindi
magagaling.
Kaugnay sa implementasyon sa K-12 Curriculum , isinasaad ng
Enclosure #1 sa D.O. 73, s. 2012, ang sumunod na katangian o
features ng Pagtataya o Assessment.
Sa pagtataya may tatlong bagay na dapat isaisip : pagtataya sa
pagkatuto o assessment of learning ( tumataya sa lahat ng aspeto ng
natutunan ng mag-aaral); pagtataya bilang pagkatuto o assessment as

learning ( nagbibigay kaalaman sa mga mag-aaral sa kanilang natutunan at


maghikayat sa pagpaplano at pagpapaibayo sa paghahanda para sa susunod
na mga aralin para sa sariling pag-unlad); at pagtataya para sa pagkatuto o
assessment for learning ( Sumusuri sa kaalaman/kasanayan na taglay ng
mag-aaral at magtutunton sa pag-unlad ng kanilang pang-unawa at
pagkatuto)
Ayon din sa nabanggit na enclosure #1

sa D.O. 73, Assessment

should be holistic, with emphasis on formative and developmental purpose


of quality assuring of students learning. It is also standard-based as it
seeks to ensure that teachers will teach to the standards and students will
aim to meet or exceed the standards. The students attainment of standards
in terms of content and performance is, therefore , a critical evidence of
learning.
Sa madaling sabi, ang assessment ay dapat may katangiang:
1. Holistiko-Asesment para sa pagkatuto (bilang instrument sa
pagkatuto) at sa pagkatuto (bilang instrument sa pagsuri ng
natutunan)
Ginagamitan ito ng Pagsusulit na nagtataya ng:

pagkatuto

(Diagnostic Test), formative na pagsusulit para ma-assess ang


kabisaan ng pagtuturo, at Pagsusulit na Summative/Evaluative
(Assessment of Learning).
2. Batay sa mga Istandard
Batay sa nilalaman o CONTENT (What the student knows,
can

do,

and

understands

PERFORMANCE/PRODUCT

(How

at
the

batay
student

sa

performans

transfers

his/her

understanding to life situations).

1. Ang pagsusulit ay maaaring magsilbing pangganyak upang ang magaaral ay makinig sa aralin, lalunat alam niyang sa katapusan ng
leksiyon ay bibigyan siya ng mga kagalingan (strengths) at mga
kahinaan (weaknesses) at kung paano niya mapabuti ang sarili.

2. Para

sa

mga

tagapangasiwa

ng

paaralan,

ang

pagsusulit

ay

mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa kagalingan o kahinaan ng


kurikulum, at tungkol sa kung sinu-sino ang maaring magpatuloy sa
kolehiyo, o sa isang partikular na kolehiyo o unibersidad.
3. Ginagamit din ang pagsusulit sa papapangkat-pangkat ng mga magaaral nang ayon sa kanilang kakayahan (ability grouping). Maaari ring
gamitin ang pagsusulit sa pagpapahalaga ng isang bagong istratehiya
sa pagtuturo, mga layunin , at mga bagong aklat.
4. Ang pagsusulit na mahusay ang pagkagawa ay malaki ang naitutulong
sa bata upang magkaroon ng interes sa pag-aaral ng wika. Dahil sa
feedback na dulot ng pagsusulit, nakararamdam ng katuparan ang
mga mag-aaral sa pagsisikap niya sa pag-aaral. Nagiging daan din ang
pagsusulit sa lubusang pagkatututo ng wika. Natututo ang mga magaaral , habang sumasagot sila sa pagsusulit at kapag nawastuhan na
ang kanilang papel.

1. Gamitin ang Pagsusulit pagtataya

sa natamong kabatiran

(Achievement Test ) . Tinatawag ding pagsusulit na pangwakas.


Ibinigay ito sa katapusan ng semester o taon, o isang yunit.
Nilalayon nitong malaman kung sinu-sino sa mga mag-aaral
ang natutuhang lubos ang mga kasanayang itinuro, at kung
anong marka ang ibibigay sa bawat mag-aaral.
2. Ginagamit din ang Testing sa panunuri ng kasanayang taglay na ng
mag-aaral. Ginagamit dito ang Panuring pagsusulit (Diagnostic
Test ) na ibinibigay bago simulan ang pagtuturo ng isang
kasanayan. Naglalayon itong matiyak kung alam na ng magaaral ang mga kanakailangang kakayahan (pre-requisite
skills). Ang pagsusulit sa natamong kabatiran sa isang baitang ay
maaaring magsilbing panuring pagsusulit sa kasunod na baitang.

3. Gamitin ang pagsusulit sa pag-alam kung ang indibidwal ay may


kakayahang tumanggap at magbigay ng impormasyon sa wikang
pinag-aralan para sa isang
sitwasyong

kapakipakinabang na layon sa

totoo sa buhay . Maaring tuwiran o di- tuwiran

Pagsusulit. Ang pasulit na ginagamit sa layuning ito ay tinatawag na


proficiency test. Ang mga proficiency test na tuwiran ay gaya ng
mga sumusunod:
a. Sa pakikinig na may pang-unawa: pakikinig sa teyp ng
balita sa telebisyon o radyo.
b. Sa pakikipag-usap : pakikipag-usap sa telepono.
c. Sa pagbabasa : paggamit ng mga tekstong gaya ng balita
sa pahayagan o artikulo sa magasin .
d. Sa pagsulat : pagsulat ng liham o kalatas.
Ang proficiency test na di tuwiran ay gumagamit ng mga
pamamaraan na di totoo sa buhay gaya ng :
a. pag-uusap tungkol sa isang larawan
b. ang pagsusulit cloze
c. pagsusulit C
Pangkalahatang Layunin ng Pagsusulit
Ayon kay Papa, na binanggit ni Liwanag, 2010, sa kanyang
presntasasyong panseminar, ang pangkalahatang layunin ng pagsusulit
ay ang mga sumusunod:
1. Panukat sa kaalaman

kasanayang

natamo

ng

mga

bata

(Achievement Test).
2. Panukat sa bisa ng ginawang pagtuturo (Formative Test).
3. Panuri sa kahinaan at kahusayan ng mag-aaral (Diagnostic Test).
4. Pagtaya sa ibat ibang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa ibang
klase ( Diagnostic Test).
5. Pangganyak sa pag-aaral at patnubay sa pagtuturo (Formative Test).

A. Ayon sa Layunin
1. Paper-and-pencil language test vs performance test
2. Teacher made test/informal test
3. Formative vs summative test
4. Achievement Test
5. Readiness Test
6. Criterion-reference at norm-referenced test
7. Aptitude Test
8. Placement Test
9. Mastery Test
10. Proficiency Test
11. Standardized Test
12. Intelligence quotient (I.Q.) test
13. Personality Test
14. Speed test vs. power test
15. Direct vs. indirect test
16. Iba pang uri
B. Ayon sa paraan o metodo
1. Discrete point test vs. integrative test
2. Mga Test na sumusukativ at ng mga kakayahang prodaktiv at reseptiv
3. Multiple choice test
4. Pagtatapat-tapat
5. Pagpuno ng puwang

6. Cloze test
a. Basic cloze
b. Variable ration deletion
c. Modified cloze
7. Maze
8. White noise
9. Pagkilala ng mali
10. Tama o Mali
11. Pagsulat ng sanaysay o komposisyon
12. Pagsasalin
13. Dicto-comp
14. Dicto-gloss
15. Lecturette
16. Diktasyon
C. Pagsusulit sa mga Kasanayan/Aspekto ng Pangwika
1. Pagsusulit sa grammar at bokabularyo
2. Pagsusulit sa pakikinig
3. Pagsusulit sa Pagsasalita
4. Pagsusulit sa Pagbasa
5. Pagsusulit sa Pagsulat/grafema
D. Pagsusulit sa Panitikan
1. Klasipikasyon sa mga kasanayan sa pagbasa ng panitikan
2. Mga aytem sa pagsusulit sa panitikan

A. Ayon sa Layunin
1. Paper-and-pencil language test vs performance test
2. Teacher made test/informal test
3. Formative vs summative test
4. Achievement Test
5. Readiness Test
6. Criterion-reference at norm-referenced test
7. Aptitude Test
8. Placement Test
9. Mastery Test
10. Proficiency Test
11. Standardized Test
12. Intelligence quotient (I.Q.) test
13. Personality Test
14. Speed test vs. power test
15. Direct vs. indirect test
16. Iba pang uri
B. Ayon sa paraan o metodo
1. Discrete point test vs. integrative test
2. Mga Test na sumusukativ at ng mga kakayahang prodaktiv at reseptiv
3. Multiple choice test
4. Pagtatapat-tapat
5. Pagpuno ng puwang
6. Cloze test
a. Basic cloze
b. Variable ration deletion

c. Modified cloze
7. Maze
8. White noise
9. Pagkilala ng mali
10. Tama o Mali
11. Pagsulat ng sanaysay o komposisyon
12. Pagsasalin
13. Dicto-comp
14. Dicto-gloss
15. Lecturette
16. Diktasyon
C. Pagsusulit sa mga Kasanayan/Aspekto ng Pangwika
1. Pagsusulit sa grammar at bokabularyo
2. Pagsusulit sa pakikinig
3. Pagsusulit sa Pagsasalita
4. Pagsusulit sa Pagbasa
5. Pagsusulit sa Pagsulat/grafema
D. Pagsusulit sa Panitikan
1. Klasipikasyon sa mga kasanayan sa pagbasa ng panitikan
2. Mga aytem sa pagsusulit sa panitikan

You might also like