Professional Documents
Culture Documents
Ang Mga Iskalang e Menor (Finished)
Ang Mga Iskalang e Menor (Finished)
Ikaanim na Baitang
ANG ISKALANG e MENOR
KATUGON NG ISKALANG G MAYOR
ALAMIN MO
PAGBALIK-ARALAN MO
Napag-aralan mo na ang awiting menor ay katugon lamang sa isang awiting
mayor kayat ang tunugang A menor ay nabuo buhat sa tunugang C Mayor. Tandaan mo
na ang mga awiting menor ay nagpapahiwatig ng damdaming may kalungkutan o agamagam at kaiba sa awiting Mayor na karaniwang masaya.
PAG-ARALAN MO
Suriin ang mga sumusunod na tunugan.
Tunugang G Mayor
so-fa silaba =
do re mi fa so la ti do
Tunugang e menor
la ti do re mi fa so la
Ang tunugang e menor ay nabubuo mula sa tunugang G Mayor. May isang sustinido sa
ikalimang guhit ng limguhit at ang lundayang tono sa eskala ay matatagpuan sa unang
guhit na ngalang titik E sa limguhit. Ito ay may so-fa silabang la.
PAGSANAYAN MO
B. Awitin mo sa sarili ang paeskalang so-fa silaba sa tunugang e menor. Iparinig mo sa guro
ang iyong ginawa. Magpatulong ka sa kaklase o kasama sa bahay kung alanganin ka sa
iyong ginawa.
TANDAAN MO
Ang tunugang e menor ay nabubuo mula sa tunugang G Mayor. Ang magkaugnay
na tunugan ay may isang sustinido sa ikalimang guhit ng limguhit. Nasa unang guhit ang
tonong lundayang la sa e menor.
SUBUKIN MO
Piliin ang wastong sagot sa loob ng panaklong.
1.
2.
3.
4.
(Menor, Mayor ) ang modo kung ang damdamin ng awitin ay may kalungkutan.
Nasa unang guhit ang tonong lundayan ng tunugang ( d menor, e menor)
May isang (bimol, sustinido) ang linguhit ang tunugang e menor.
Ang modong e menor ay (isang, dalawang, tatlong) nota pababa sa lundayang do ng
G Mayor.
5. Sa tunugang e menor ang bimol ay nakatuon sa (unang, ikatlong, ikalimang) guhit ng
limguhit.