Si Diego Silang ay isang Ilokanong principales na naging isang
rebolusyonaryong pinuno ng Pilipinas. Siya ay anak ipinanganak sa Aringay, Pangasinan na sa ngayon ay parte na ng La Union noong Disyembre 16, 1730 sa magulang na sina Miguel Silang at si Nicolassa de los Santos, kapwa principales. Naging menshaero si Diego Silang ni Cortes y Crisolo, isang pari sa Vigan. Dito siya natuto ng ibat ibang bagay tulad ng wikang Kastila. Isa sa mga nasilayan ni Diego Silang sa kanyang paglaki ay ang pangaabuso ng mga Kastila tulad ng labis na tributo, ang polo y servicio at ang abuso sa indulto de comercio ng alcalde mayor na si Antonio Zabala. Ito ang kanyang mga nilabanan at dahilan ng kanyang pag-aalsa. Ninais din ni Diego Silang na dapat mabigyan ng posisyon sa gobyerno at simbahan ang mga kapwa niya Pilipino. Noon panahong iyon, ang mga Kastila ay humina dahil sa pagsakop ng mga Ingles sa Maynila. Nakita ito ni Diego Silang at natanto na maaari pa lang mayupig ang mga Kastila. Kaya isinagawa nila ang kanilang pag-aaklas sa Ilocos. Ano ang naging resulta? Silay nagtagumpay at nakamit nila ang kalayaan ng Ilocos noong Disyembre 14, 1762. Ginawa ang Vigan bilang kapital ng bagong-layang Ilocos. Kasabay din nito ay ang pag-alyansa niya sa mga Ingles sa pagsupil sa mga Kastila na siya namang ikinatakot ng mga
Kastila. Binigyan ng titulo si Diego Silang bilang isang gobernador ng Vigan
ng mga Ingles. Ngunit di rin nagtagal ang buhay ni Diego Silang. Noong Mayo 28, 1763, si Diego Silang ay binaril sa likod nina Miguel Vicos at Pedro Becbec, kapwa kaibigan ni Silang na nakipagsabwatan sa mga Kastila upang kitilin si Diego Silang. Namatay si Diego Silang sa mga kamay ni Maria Josefa Gabriela Silang, ang kanyang asawa, na siya namang nagpatuloy ng pag-aaklas.