Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Solusyon sa Kaliwat kanang Krimen

Nakakalungkot isipin na napakarami ng mga pinapatay ng mga mamamatay


sa gabi gabing pagsapit. Lantaran na ang mga pagpatay at tila ba walang
kinatatakutan.
Ayon sa survey, napakaraming mga kidnapper ang mga nahuhuli araw araw,
subalit wala namang nangyayari. Pagpatay sabay kulong at agad namang
makakalaya. Nasaan nga naman ang hustisya?
Sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, nais nyang sa pamamagitan ng pagbigti
mapaparusahan ang mga gagawa ng mga krimen. Hiniling din niya sa Kongreso na
ibalik ang Death Penalty at ito ay sa pamamagitan ng pagbikti.
Sa pagkawala ng Death Penalty,lumaganap ang mga krimen. Naging marahas
at kahit na kasikatan ng araw ay sumasalakay ang mga mamamatay.
Wala namang magagawa ang mga awtoridad kung paano sila masasaway.
Ang paglaganap ng krimen ay nagdudulot ng pangamba sa mamamayan. Marami
ang nabiktima ng mga masasamang loob. Ang kriminalidad din ang nagdudulot
para matakot ang mga dayuhang pumunta dito.
Ingipin sa ngipin ang dapat iparal ngayon. Madaling sabihin na tutol sa death
penalty, pero ano naman ang solusyon sa kriminalidad.

You might also like