Radio Broadcasting

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

INTRODUKSYON

Anchor 1: Mula sa bulwagang pambalitaan ng 99.7 DWJB Radyo ng mga Guro, narito
ang mga nagbabagang balita sa araw na ito.
Anchor 2: Sa balitang lokal Seminar-Workshop on Campus Journalism, ginaganap.
Anchor 1: Sa balitang nasyunal Pangulong Duterte, binisita ang Laoag.
Anchor 2: Sa balitang pampalakasan LCAA, aarangkada.
Anchor 1: Sa balitang showbiz Toni Gonzaga, nanganak na!
Anchor 2: Magbabalik ang 99.7 DWJB Radyo ng mga Guro pagkatapos ng ilang mga
paalala.
INFOMERCIAL
Anak: Inay, inay! Si kuya, nabaril!
Inay: Bakit????!!!!!
Anak: Nahulihan daw po siya ng limang sachet ng shabu at lumaban sa mga pulis.
Inay: (hagulgol) Matagal ko na siyang pinagbsasabihan na walang mabuting
idudulot ang droga sa kanya kundi sakit at kapahamakan. Hindi siya nakinig!
Narrator: Sugpuin ang droga para sa kaunlaran ng ating bansa.
Ang paalalang ito ay hatid sa inyo ng Philippine Drug Enforcement Agency at
ng himpilang ito.
NEWS
Anchor 1: Muling nagbabalik ang 99. 7 DWJB Radyo ng mga Guro. SeminarWorkshop on Campus Journalism, ginaganap. Para sa mga karagdagang detalye,
narito si Mischelle Mariano.
Mischelle: Mahigit isandaang guro mula sa dibisyon ng Lungsod ng Laoag ang
dumalo sa isinasagawang Seminar-Workshop on Campus Journalism for School
Paper Advisers, na ginaganap sa Division Office Conference Hall, Oktubre 8 at 15.
Layunin ng nasabing pagtitipon na sanayin ang mga guro sa pampaaralang
pamamahayag bilang paghahanda sa gaganaping Division Schools Press
Conference sa ika-23 hanggang 25 ng Nobyembre.
(Soundbites)
Para sa ibang mga nagbabagang balita, balik sayo, Sheila.
Anchor 1: Maraming salamat, Mischelle.
Anchor 2: Pangulong Duterte, binisita ang Laoag. Narito naman si Nina Ramirez para
sa mga detalye.

Nina: Bumisita si pangulong Rodrigo Duterte sa Lungsod ng Laoag para sa isang


pulong kasama ang mga local na opisyal ng probinsya, Oktubre 14. Kinumpirma ni
Provincial Director Jose Melencio Nartatez ang paglapag ni Pangulong Duterte ditto
sa lungsod na nanggaking sa isa pang pagbisita sa Batanes. Malugod naman siyang
sinalubong ng League of the Municipalities of the Philippines (LMP) Ilocos Norte
Chapter ayon sa Dingras Mayor at bagong LMP President, Erdio Valenzuela.
Balik sayo, Shiela.
Anchor 1: Maraming salamat, Nina.
LCAA, aarangkada. Narito si Tony para sa mga detalye.
Tony: muling gaganapin ang Laoag City Athletic Association Meet ngayong Oktubre
19 hanggang 21 sa Marcos Stadium. Isa na naman itong malaking oportunidad para
sa mga mag-aaral na ipamalas ang kanilang galing sa ibat ibang larangan ng
pampalakasan. Dito magkakaalaman kung sino ang magiging kinatawan ng lungsod
sa Regional Athletic Association Meet.
Anchor 1: Salamat Tony. Toni Gonzaga, nanganak na! Narito si Czarina, ang inyong
ka-chika!
Czarina: Chika here! Chika there! Chika everywhere! Toni Gonzaga, nanganak na.
Ipinanganak ng host-singer-actress ang isang bouncing baby boy noong Biyernes,
Setyembre 30, ganap na 5:23 ng umaga. Ibinahagi ng kabiyak ni Gonzaga na si
Direk Paul Soriano ang magandang balita sa kanyang Instagram account tungkol sa
panganganak ni Gonzaga. Pinangalanang Severiano Elliot ang panganay ng magasawa na meron na ring ngayong sariling Instagram accont na umaani na ng
maraming followers. You go, baby Seve! Ito si Czarina, ang reyna ng chika! Balik
sayo Sheila.
Anchor 1: Maraming salamat, ka-chikang Czarina!
Balik sayo, Sheila.
Anchor 1: Maraming salamat, Czarina. Inyong narinig ang mga nagbabagang balita
sa araw na ito. Mula sa bulwagang pambalitaan ng 99.7 DWJB Radyo ng mga Guro,
ako si Sheila Mae Villa, ang inyong kaibigan, kabalikat at kabalitaan, na nagsasabing
Habang may buhay, may pag-asa. Hanggang sa muli.

You might also like