Prayer

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Panginoon, ako po ay nagpapasalamat sa

panibagong araw na iyong inihanda upang


madagdagan muli ang aming kaalaman patungkol sa
asignaturang Filipino. Tulungan niyo po ang aming
guro na si Gng. Garcia na maisakatuparan ang
kanyang tungkulin at responsibilidad, hindi lang
bilang isang guro kundi bilang isang butihing ina sa
amin. Naway aming maramdaman ang iyong
presensya sa buong oras na ito upang aming lubusang
maunawaan ang mga aralin na matatalakay ng aming
guro. Nawa po ay may maiwang aral at kaalaman sa
aming pusot isipan na aming dadalhin pabalik sa
aming tahanan. Itoy aking dalangin sa ngalan ni
Hesus, Amen.

Isang Pagmumulat: Wikang Filipino ay wika ng Karunungan


Ilang buwan din ang pinalipas ko mula ng huling nakatapos ako ng isang akda. Madalas
ay napupunta lamang sa DRAFTS ang bawat pahina sa tuwing tinatangka kong magsulat. Hindi
ko alam kung nagkukulang na ng mga salita ang aking isipan o wala akong sapat na inspirasyon
upang gawin muli ang ilang taong ko ring nakasanayan, ang magsulat.
Isang araw, habang binabaybay ko ang Internet, nakita ko muli ang mga bloggers na
nooy madalas kung sundan. Marami na ang pinagbago ng mga pahingang ito, marami nang
naidagdag at muling binuhay na talakayan. Pero marami sa kanila ay bihasa pa rin na ginagamit
ang wikang Englis. Maharil, dahil sa ang tinatarget na merkado ng mga manunulat na ito ay ang
Pandaigdigang Mambabasa at Bloggers o di kayay nakakulong pa rin sila sa paniniwalang ang
wikang English ay wikang nag-uugnay sa lahat ng tao sa bansa at sa mundo.
Hindi ko sila masisisi, ang mga mahuhusay na manunulat at blogger tulad ni @keshie ay
nasanay sa paggamit ng wikang banyaga sa kanyang mga akda at mahusay niyang naipapahayag
ang sarili sa paraang ito. Marami akong napupulot na aral at patunay na karanasan mula sa
kanyang mga kwento. Marahil, dala rin ito ng kinalakihang kasanayan sa pamilya, paaralan at
mga organisasyong kinapapalouban mula sa Unibersidad hanggang sa mga lugar ng trabaho at
piniling linya ng propesyon.
Subalit hindi maiwasang masaktan ng aking damdamin tuwing dumarating ang reyalidad
na marami sa ating mga Pilipino ay hindi bihasa sa paggamit sa sariling wika. Marami pa rin ang
naniniwalang kapag mahusay ka sa pagsasalita at paggamit ng wikang English ay mas
nakakaangat sa karamihan. Nangangahulugan ba ito na mas marurunong ang mga taong mas
mahusay gumamit ng banyagang wika kumpara sa mga indibidwal na mas gagap ang sariling
wika?
Sa puntong ito, lumabas ako ng silid upang makisalamuha sa ibat- ibang grupo ng tao.
Una kong pinuntahan ang Rockwell sa Makati. Dito, makikita ang Powerplant Mall, mga
nagtataasang condominium at ang Ateneo Law School. Sa isang coffee shop pinili kong umupo
at magmasid. Napapaligiran ako ng mga mag-aaral, mga kabataang nakatira malapit dito, ilang
grupo ng mga banyagang sa palagay ko ay naninirahan sa Pilipinas at ang ibay mga propesyunal
na nagtratrabaho sa bisinidad ng Rockwell. Marami din sa mga nandito ay ang mga elitistang
makikita mo lamang sa mga lugar tulad nito.
Sa aking paligid ay ang pamumutawi ng ibat-ibang wika. Sa aking kanan kung saan
nandoon ang grupo ng mga mag-aaral sa Ateneo ay masiglang nagkekentuhan. Halo ang wikang
ginagamit, sa aking pagtantya nasa 60% ay ang wikang English. Sa aking likuran ay ang mga
Elitistang Pilipino na nabibilang sa Uring Pambansang Burgesya hanggang uring Burgesya
Komprador. Mga mamumuhunan o nabibilang sa mga malalaking kompanya sa Pilipinas. Sa
kanilang talakayan, 90% ng ginagamit na salita ay ang wikang English at mga palasak na
terminong Tagalog lang ang aking naririnig.

Ganito din sa mga sulatin na matatagpuan sa loob ng Powerplant Mall, ang mga flyers at
signage ay nasa wikang banyaga. Maging ang mga crew o mga manggagawang pangserbisyo sa
mga shops at boutiques ay sinasanay na makipag-ugnayan sa kanilang mga kliyente sa paraang
English. Maging ang mga attendant sa parking area, ang mga gwardya at iba pang hanay ng mga
manggagawang pangserbisyo.
Hindi puro o solido ang wikang Filipino, dahil sa maraming taon din tayong nasa ilalim
ng mga dahuyang mananakop ay nagkaroon na ng ebolusyon ang wikang ito. Marami sa
ginagamit natin ngayon ay mga hiram na wika lalo na ang mga katagang walang katumbas na
kahulugan sa Wikang Filipino. Kahit ang akdang ito ay hindi 100% na nasa wikang Filipino.
Sunod kong pinuntahan ang Komunidad sa North Triangle sa Quezon City. Isang bahagi
ng lungsod kung saan naipon ang mga maralitang pamilya. Madalas tinatawag na Squatters area.
Sa bukana pa lamang ng lugar ay pamilyar na mga salita ang ginagamit ng mga tao dito. Tagalog,
Iloko, Bikolano, Bisaya at iba pa. Halo-halo din kasi ang mga nakatira dito. Iilan lamang o wala
ang gumagamit ng hihigit sa 60% ng wikang English. Sa talakayan sa tindahan, kwentuhan sa
waiting shed sa tapat ng Phi Sci, at ang gwardya sa Opisina ng Ombudsman, maging ang mga
Pulis na nakahimpil sa kanto ng Agham Road ay gumagamit ng 90% ng sariling wika at hindi
hihigit sa 10% na wikang English.
Mas mahirap ang kalagayang pang ekonomiya sa lugar na tio kumpara sa Rockwell.
Uring manggagawa hanggang Uring Peti- burgesya ang matatagpuan mo dito. Relatibong sa
lugar na ito mo matatagpuan ang mga pwersa sa paggawa at sila ay gumagamit ng sariling wika
sa kabuuan ng kanilang araw.
Tinimbang ko ang halatang pagkakaiba at muli ko munang isinantabi ang aking
napagmasdan. Sunod kong tinungo ang mga lugar tulad ng Korte, Museo sa Maynila, mga
Istasyon ng Midya, Pahayagan, Malalaking Simbahan, mga opisina ng gobyerno. Nakinig din
ako ng talakayan sa Senado at Kamara.
Muli kong tinimbang ang halatang kaibahan at muli itong isinantabi. Nagtungo ako sa
mga pampublikong Opisina ng Pamahalaan. Sinikap kong makakuha ng kopya ng mga papeles
na ginagamit ng karaniwang Pilipino sa pagproseso ng ibat-ibang dokumento at transaksyon sa
Gobyerno. Sa BIR, DTI, Office of the Mayor, LTO, NBI, Baranggay Hall, DFA, OWWA, DILG,
DENR, DAR, at marami pang iba. Pero iilan lang sa mga ito ang nagtataglay ng mga papeles na
nakasalin sa wikang Filipino.
Tinimbang kong muli ang nakalap at halatang kaibahan. Iisa ang aking napagtanto.
Marami sa ating mga pampublikong tanggapan at mga dokumento ang gumagamit parin ng
Wikang English.
Sa puntong ito, isinantabi ko na ang lahat at muling nagtanong. Papaano kaya magiging
isa ang layunin at adhika ng sambayanang Pilipino kung pinaghihiwalay tayo ng magkaibang

wika? Papaano mauunawaan ni Juan ang takbo ng pamahalaan kung ang wikang naririnig niya sa
bibig ng mga nanunungkulan ay ang wikang hindi niya nauunawaan? Sino ang walang alam?
Sino ang walang karunungan? Ang hindi mahusay sa Wikang English o ang hindi bihasa sa
sariling Wika?
Sana maalala natin ang binigkas ng ating Pambansang Bayani, na ang hindi marunong
magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa malansang isda. Tunay nga na ang kaalaman sa
wika ay karunungan at kapangyarihan. Hindi ko sinasabing masamang ang maging dalubhasa sa
mga banyagang wika ngunit hindi ito dahilan upang maging dahuyan ka sa sarili mong bayan.

You might also like