Pag - Ibig Sa Tinubuang Lupa (Rizal)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pag- ibig sa Tinubuang Lupa (Jose Rizal)

At ito'y hindi nararapat pagtakhan sa dahilang ang pag-ibig sa inangbaya'y isang damdaming tunay na katutubo; sapagka't naroroon ang
mga kauna-unahang alaala ng kamusmusan, isang masamang tulang
awitin na ang kabataan lamang ang nakakikilala at sa mga bakas nito'y
sumisibol ang bulaklak ng kawalang-malay at ng kaligayahan;
sapagka't doo'y nahihimbing ang buong nakaraan at nababanaagan
ang isang hinaharap;
Mahalin ninyo siya, oo nga, nguni't hindi gaya ng pagmamahal sa
kanya ng nakaraang panahon, sa paggawa ng mga malulupit na
kabanalang itinakwil at sinumpa ng tunay na kabaitang-asal at ng
inang kalikasan; hindi sa pagpaparangalan ng pananampalatayang
bulag, ng pagwawasak at ng pagkamalupit, hindi nga. Lalong kaayaayang bukang-liwayway ng kristiyanismo, sagisag ng mga araw na
maligaya at matahimik. Kautangan nating manunton sa matigas
nguni't payapa't mabungang landas ng agham na humahantong sa
pag-unlad, at buhat doo'y sa pagkakaisang nilunggati't hiningi ni
Hesukristo sa gabi ng kanyang pagpapakasakit.

You might also like