Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kasaysayan ng Mayapyap

Mula sa bayan papuntang Cagayan sa pamamagitan ng tulay ng Heneral


Luna, ang isa ay makararating sa Mayapyap sa pamamagitan ng sasakyan sa higit
kumulang na sampung minuto, ang tanawin ng simbahan at kamalig ng palay ay
makikita sa pagdating sa lugar na ito.
Noong lumipas na isang daang taon, ang lugar na ito ay isang kagubatan. Ita
at Kapangpangan ang mga sinaunang naninirahan dito. Maraming prutas ang
tumutubo dito, kayat marami ang nahihikayat na pumunta rito at pitasin sila. Kahit
mga magsasaka ay pumupunta rito upang humanap ng panaklay at pagapang.
Ang sinaunang mga nanirahan dito ay ang mga Arenas. May isang
pangyayari na kung saan ang isang Negrito ay nagtanong sa isang naninirahan
dito tungkol sa kung ano ang kanyang pinipitas at ang sagot nito ay AYAP
DATOY AYAP manong! Habang nakaturo sa hardin ng gulay na may mga prutas
na naka bitin na tulad ng sitaw.
Hindi nagtagal ang kanilang kapitbahay ay nagtanim din ng dyap sa
kanilang hardin. Kapag ang isa ay estranghero dito, ang lugar na ito ay kilala nila
bilang Maayap o Mayapyap.
Isa pang magandang alamat ang nadiskubre patungkol sa pinagmulan ng
pangalan ng Mayapyap, isang araw may isang opisyales na espanyol na naglalakad
sa lugar na ito ang nagtanong ng pangalan ng lugar. Ang akala ng isang
kapangpangan ay tinatanong kung kamusta na sila, kayat kanyang sinabi na
Maayap-ayap po.
Kayat ang opisyales ay nag utos sa kanyang mga alagad na magsiyasat sa
lugar ng Mayapyap, mula noon ang pangalan nito ay nasulat sa mga dahon ng
kasaysayan.

Kasaysayan ng
Mayapyap

Isinumite ni:
Psalm Zildjian S. Ignacio
Isinumite kay:
Mrs. Necija A. Bonifacio

You might also like