Talambuhay Ni Melchora Aquino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kirsten Eiger A.

Orioste
Ms. Serenio
V Piety
Guro

TALAMBUHAY NI MELCHORA AQUINO


Si Melchora Aquino (kapanakan Enero 6, 1812, kamatayan Marso 2, 1919) o
Tandang Sora ay hindi nagkaroon ng pagkakataong mag-aral subalit kung
pakikipagkapwa tao ang pag-uusapan ay nasa kanya na ang mga katangiang maaring
ituro ng isang guro sa paaralan. Siya ay may isang maliit na tindahan sa Balintawak.
Tinagurian siyang Tandang Sora, sapagkat matanda na siya noong sumiklab ang
himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio noong taong 1896. Siya ay ikinasal
kay Fulgencio Ramos, isang cabeza de barrio ay may anim na anak. Namatay si
Ginoong Ramos noong pitong taong gulang pa lang ang kanilang bunsong anak. Mula
noon siya na ang nagtaguyod sa buong pamilya at hindi muling nagpakasal. Noong
Agosto, 1896, ang kalupitan ng mga Kastila ay lalong tumindi dahil sa pagkakatuklas ng
nalalapit na paghihimagsik ng mga katipunero ni Andres Bonifacio. Maraming
mamamayan ang hinuli at pinahirapan at pilit na pinagtatapat ng tungkol sa mga lihim
ng Katipunan. May mga nakatakas at sa kagubatan nakapagtago at dito nila nakatagpo
si Tandang Sora. Kinupkop sila ng matanda, pinakain at pinabaunan ng konting salapi at
pinapupunta sa lugar na ligtas sa pag-uusig ng mga Kastila. Lahat ng dumudulog sa
munting tahanan ni Tandang Sora ay kanyang pinagyayaman, bata man o matanda,
babae o lalaki.

Natunugan ng mga Kastila ang kabutihan ni Tandang Sora, lalo na sa mga


katipunero kaya't siya ay hinuli at ipinatapon sa pulo ng Marianas. Bumalik sa Pilipinas si
Tandang Sora nang ito ay nasa pamahalaan na ng mga Amerikano. Matandangmatanda na siya at walang nalalabing ari-arian. Nabuhay siyang isang dukha at
namatay sa karalitaan noong Marso 2, 1919. Siya ay nakahimlay sa kanyang bakuran
sa Balintawak (na ngayon ay kinatatayuan ng Himlayang Pilipino, Tandang Sora,
Lungsod ng Quezon)

PAGNINILAY:
Kahanga-hanga ang kabayanihang ginawa ni Melchora Aquino. Hindi
siya katulad ng ibang mga bayani na may pinag-aralan at marangya ang
pamumuhay. Hindi siya nakapag-aral at ang tangi niyang kabuhayan ay ang
maliit niyang tindahan. Pitong taong gulang pa lang ang kanyang anak na
bunso, sa anim na magkakapatid nang siya ay mabiyuda. Mula nuon ay
mag-isa niyang itinaguyod ang kanyang pamilya.
Nang pumutok ang
himagsikan ng mga Katipunero laban sa Kastila, tumulong si Tandang Sora sa
mga sugatang katipunero.
Kinupkop niya ang mga ito, pinakain at
panapupunta sa lugar na ligtas sa mga pag-uusig ng mga kastila.
Sa aking pananaw hindi kailangang gumamit ng lakas, talino at yaman
upang ituring na bayani.
Sa simpleng pag-aalaga at tunay na
pagmamalasakit ng isang biyudang mahirap at matanda ng babae ay isang
kabayanihan at ito ay isang dakilang Gawain. Bayani siyang maituturing
dahil hindi niya inisip amg sariling kapakanan kung hindi ang makatulong sa
mga nangangailangan. Sa ating sarili at payak na kaparaanan, tayo ay
maihahalintulad sa bayaning si Tandang Sora.

You might also like