Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAGSUSURING PAPEL PARA SA AKDANG WALANG SUGAT

I.PAMAGAT
-Walang Sugat

Ito`y isinulat ni Severino Reyes upang ipakita sa lahat ang kanyang pahayag
laban sa imperyalismo

II.MGA TAUHAN

Tenyong: isang lalaking mapagmahal sa kanyang kasintahan, pamilya at sabayan


Julia:ang babaeng pinakamamahal ni Tenyong
Juana: ina ni Julia.
Lucas:kanang kamay at utusan ni Tenyong.
Miguel:ang lalaking pinagkasunduan na pakasalan si Juana.
Tadeo:ang ama ni Miguel na may lihim na pagtingin kay Juana.
KapitanInggo:Ama ni Tenyong; asawa ni kapitana Putin; namatay dahil sa
mga kalupitan ng mga Kastila

Kapitana Putin:ina ni Tenyong at asawa ni Kapitan Inggo


Marcelo:alkalde o punong bayan
Heneral:malapit na kaibigan ni Tenyong.
Kura:ang paring nagkumpisal kay tenyong

III.BUOD
Dumating si Tenyong sa bahay ng kasintahan niyang si Julia. Inabutan niyang
nagbuburda si Julia ng isang panyo. Ayaw ni Julia ipakita kay Tenyong ang kanyang
gawa. Nakita ni Tenyong na ang panyo ay may mga letra ng kanyang pangalan
(Antonio Narcisso Flores) ngunit sabi ni Julia ay para raw ito sa Prayle (Among Na

Frayle). Nagalit tuloy si Tenyong at gustong sunigin ang panyo. Sinabi ni Julia na
para nga kay Tenyong ang panyo at silay nagsumpaan na ikakasal sa altar. Biglang
dumating si Lucas/Lukas, isang alalay ni Tenyong, na nagsabing inaresto ang ama ni
Tenyong at ilan pang kalalakihan ng mga Guardia Civil sa pag-aakalang sila ay mga
rebelde.
Ang mga pamilya at kaibigan ng mga inaresto ay naghandang bumisita at
magbigay ng pagkain sa kulungan. Sumakay sila sa tren papunta ng kapitolyo.
Inutusan ng mga Kastilang frayle si Kapitan Luis Marcelo na paluin at saktan pa ang
mga nakakulong kahit na mayroon ng namatay at nag aagaw- buhay na si Kapitan
Inggo, ang tatay ni Tenyong.
Sinabi ng punong-frayle na papakawalan na si Kapitan Inggo sa kanyang asawa.
Sinabi rin niyang pupunta siya sa Maynila upang sabihin sa Gobernador-Heneral na
pakawalan na ang iba pang mga inaresto. Ngunit iba ang plano sabihin ng prayle
pagdating duon. Ipapapatay niya ang mga mayayaman at edukadong Pilipino.
Nakapiling ni Kapitan Inggo ang kanyang pamilya at mga kaibigan bago siya
mamatay. Pagkamatay nito, sinumpa ni Tenyong na maghiganti!
Pinili ni Tenyong na sumali sa mga rebelde kahit anong-pilit ni Julia na tigilan ito. Sa
huli, pumayag si Julia at ibinigay kay Tenyong ang kanyang medalyon/agimat.
Nagsumpaan muli sila na mamahalin ang isat-isa habang-buhay.
Sinabi ng ina ni Julia na ikakasal ito kay Miguel, isang mayamang illustrado.
Inayawan ito ni Julia. Hindi alam ng kanyang ina na hinihintay niya ang pagbabalik
ni Tenyong. Sa kabilang banda, nagsimulang magkarelasyon ang mga alalay nina
Julia at Tenyong na sina Monica at Lucas/Lukas. Sumunod na linggo, dumating sina
Miguel, ang kanyang ama, at isang pari sa bahay nina Julia upang ayusin ang pagiisang-dibdib nina Miguel at Julia. Kabado si Miguel at hindi masabi ng tama ang
kanyang panliligaw kay Julia. Naiba ang usapin ng kasalan nang naging
pagrereklamo ito ng pari sa lumalaking problema tungkol sa mga Pilipinong hindi na
nagsisimba.
Sa kuta ng mga katipunero, biglang dumating si Lucas/Lukas na may bitbit na sulat
para kay Tenyong na galing kay Julia. Nalaman ni Tenyong na namatay na ang
kanyang ina at ikakasal na si Julia kay Miguel. Balisa at malungkot sa nabasa,
humingi siya ng tulong sa kaniyang heneral. Umatake ang mga Kastila at nagsimula
ang labanan.
Bumalik si Lukas kay Julia na walang nakuhang sagot mula kay Tenyong. Bumisita
muli si Miguel kay Julia at nagsabing magiging engrande ang kanilang kasalan.
Nagkunwari si Julia na masakit ang ulo upang iwasan si Miguel.
Dumating na ang nakatakdang araw ng kasal at napilitan na rin si Julia na pumayag,
sa pag-akalang patay na si Tenyong at sa kagustuhang hindi mapahiya ang kanyang
ina. Engrandeng selebrasyon ang magaganap at nakatipon ang buong bayan. Pero
bago mairaos ang seremonya, dumating si Lucas na may balitang nakita na si
Tenyong pero agaw-buhay itong nakaratay sa karte. Dinala si Tenyong sa
pinagdausan ng kasal ni Julia. Sa muling pagtatagpo ng magkasintahang sawi,
hiniling ni Tenyong sa pari na, yaman din lamang na mamamatay na siya, ikasal na
sila ni Julia. Sa pagkamatay daw ni Tenyong, maaari nang pakasalan ni Julia si
Miguel. Dahil mukhang matutuluyan na nga si Tenyong, pumayag na rin si Miguel sa
kakaibang huling hiling ni Tenyong. Kinasal si Tenyong at Julia ng paring Kastila.
Matapos ang seremonya ng kasal, biglang tumayo si Tenyong, at lahat ay
napamanghang sumigaw; Walang sugat! Walang sugat!.

IV.BANGHAY NG MGA PANGYAYARI


a.tagpuan: estayon ng guiguin
bahay ni julia

b. protagonist:
tenyong at Julia-sila ay lumalaban laban sa mga frayle.
c. antagonista:
frayle-sapgkat sila ay masasama
d. suliranin: ang muling mapasakamay ni tenyong si julia
e. mga kaugnay na pangyayari o mga pagsubok sa paglutas ng
mga suliranin:
nalaman ni tenyong na ikakasal si julia at nakipaglaban
f. ang ibinunga:
pumunta siya sa kasal ni Julia at tsaka humuling na ipakasal silang dalawa
bago siya mamatay

v. paksa o tema:
pagmamahal

vi. mga aspektong teknikal


a. Musika:ang kanilng musika ay luma na
b. Visual effect:
Medyo madilim at malabo
c. Set design:
Maayoos ang kanilangg pagtanghal

vii. kauuang mensahe ng akda

ang mensahe nito ay ang tunayna pag-ibig,pag-ibig sa pamilya at


bayan hand among ibuwis ang iyong buhay para lang sa kanila

Proyekto
sa filipino

You might also like