Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sakripisyo: Simbolo ng Pagmamahal

Ednalyn C. De Roma
Gaano nga ba kabigat ang salitang pagsasakripisyo? Simulat simula tunay na
napakahalagang salita sa buhay ng bawat indibidwal na taong tunay natin. Ibat ibang
katangian , katayuan sa buhay, ugali at higit sa lahat an gating pagkatao na nakakubli.
Tuklasin ang mga katanungan sa ating isipan. Isang pelikulang nagpakita ng tunay na
halaga ng pagpaparaya. Umantig at nagpagising sa ating mga natutulog na diwa.
Isang Virus ang kumalat sa Seoul na halos umubos at sumira ng buhay at pagasa, nagbalot ng takot at kaguluhan dahil sa mga walang awing pumapatay ng buhay.
Mga tao na nagging zombies dahil sa nakakahawang virus.
Ibat ibang klase ng tao lulan ng isang tren patungong Busan. Isang martial
expert na nagpakita ng pagsasakripisyo para sa kanyang asawa at sa mag-aman.
Matanda na nagsakripisyo para sa iba. Ngunit may isang matandang CEO na nagpakita
ng pagiging makasarili. Inuuna ang sarili bago ang iba. Dahil rito, marami ang namatay.
Dalawang taong nagmamahalang magkasama simula hanggang kamatayan. Isang
pulubi na nagsakripisyo para sa buntis at mag-ama. Ama na pinilit iligtas ang mga taong
mahalaga sa kanta. Hanggang sa dulo, pagsasakripisyo pa rin ang nangibabaw. Ama
na handang magparaya para sa anak kahit na masakit sa katotohanan.
Tunay ngang naipakita ng pelikulang ito ang pagmamahal na kung tutuusin ay
dapat na nakakatakot. Ngunit sa kabila nito ay mapagtatanto nating hindi lahat ng tao
ay masama. Dahil kapag mahal natin ang nakasalalay, handa tayong magbago sa
kabutihan. Hindi lahat ng nakakatakot na panoorin ay dapat nating katakutan katulad ng
Train to Busan. Hindi bat mas dapat nating katakutan ang pagkawala ng ating
minamahal?

You might also like