Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Kakatapos ko lang grumadweyt sa kolehiyo.

Sabi ng mga magulang ko,


magliwaliw muna ako ng isang buwan bago ako maghanap ng trabaho. Heto
ako ngayon, naglalakad sa mausok na kalye sa may Taft Avenue para
magpaalam sa buhay kolehiyo. Pumasok ako sa coffee shop na madalas kong
tambayan dati para magpahinga. Umupo ako sa may sulok at nakita ko yung
isa sa mga kaiskwela ko noong hayskul pa ako. Isa siya sa mga mahilig
gumimmick at palaging napapaligiran ng mga kaibigan niya. Kahit na
sinubukan kong umiwas na makita niya ako, nagkapalitan kami ng tingin at
nilapitan niya ako.
Tinapik niya ako ng malakas sa likod. Pumopogi pa lalo ah! Musta buhay?
Eto kakatapos lang grumadweyt. Sinubukan ko na ngumiti habang sinasabi
ko iyon. Hindi ko nga ata nakausap to noong hayskul kahit isang beses.
Pangisi-ngisi lang yung kaiskwela ko dati. Para bang may alam siya
tungkol sa akin na onti lang ang nakakaalam. Oh balita ko nagpaparti-parti ka na
lang ah.
Tinawanan ko na lang siya kasi di ko alam ang isasagot ko. Pagkatapos
nun, bumalik na siya sa kanyang upuan sa may gitna ng coffee shop.
Napaisip tuloy ako sa mga nangyari at mga di nangyari sa buhay hayskul ko.
Noong hayskul ako sa Lipa, may mga kuwentong kumakalat tungkol sa
mga parti na nagaganap tuwing buwan sa bahay-bahay na nasa loob ng
Camella Subdivision. Ako naman, hindi ko kailanman nalaman kung totoo
yung mga tsismis tungkol sa mga iyon. Kahit gaano man ako kainteresado sa

mga nangyayari dun, wala naman akong magawa kasi hindi nga naman ako
naiimbitahan.
Pero bakit nga ba sobrang interesado ako sa ganoong pagpaparti nila?
Kung anu-anong kalokohan raw ang mga nangyayari tuwing may kasiyahan
sila. Siguro napa-OA na din yung pagkukuwento ng mga kaklase ko noon.
May tatlong bisyo na laganap daw na madalas mangyari doon. Paglalasing.
Pagyo-yosi. Sex. Syempre, malinaw na yung una. Wala naman sigurong
hayskul parti na walang lasingan. Yung pangalawa, hindi ako eksperto dun.
Basta ginagamit daw nila yon para marelaks sa stress. Ang sabi nga nila,
para bang nakakatanggap daw yung mismong kaluluwa nila ng sarap. Yung
pangatlo, alam ng lahat yan. Lahat gusto makaranas, pero yung karamihan
hanggang sa isipan na lang aabot. Maliban na lang sa mga pala-parti,
beterano na sila diyan. Hindi yung sex bilang dikitan talaga ha, yung sex
bilang mga aktibidad na may kaugnayan dun. Yung mga momol at iba pa
Tumunog yung cellphone ko bigla at minadali kong sinagot. Sir, nasa may
Gilmore Station na po ako. Malapit na po. Nakasuot po ako ng white na t-shirt at maong na
pantalon.
Okay. Pupunta na rin ako diyan. Basta okay yan ha? Sagot ko sa nakilala ko sa
internet walong araw na ang nakakalipas. Naghanap kasi ako ng bagong
laptop. Marami-rami din kasi akong naipon mula sa allowance ko nung nasa
kolehiyo pa ako. Sa internet na din ako kumuha para mas mura. Pagkatapos

nun, bumalik na ako sa kalye at nagsimula nang maglakad papunta sa


pagkikitaan namin.
Bago ako makapunta sa estasyon ng tren, may natanaw akong
dalawang musmos na bata na natutulog sa may ilalim nung overpass na
dadaanan ko para makasakay sa tren. Malayo pa lamang nakikitako na sila.
Pero ewan ko ba, naapakan ko yung paa nung isa sa kanila habang
naglalakad ako.
Bwiset! Malakas na sigaw nung bata. Siguro mga siyam na taong
gulang pa lang to. Tinignan din ako ng masama nung kasama niya.
Pagkatapos nun, nakatingin na halos lahat ng tao sa akin.
Nagpanic ako. Nilabas ko yung pitaka ko galing sa likod kong bulsa at
binigyan ko siya ng dalawampung piso. Oh eto bente, sorry na. Bati na tayo. Hindi
na ako pinansin nung dalawang bata pero yung mga tao sa paligid eh may
patingin-tingin pa rin. Bago ko pa mabalik sa bulsa ko yung pitaka ko, may
nakaitim na humablot ng wallet ko galing sa likod.
Habang tumatakbo bwiset na bwiset ako sa lugar na yon at sa mga tao
dun. Bwiset! Ibalik mo yung wallet ko! Sinabi ko habang hinahabol ko ang
mandurukot. Sinubukan kong markahan yung mga katangian nung
magnanakaw para man lang may mapagtanungan ako mamaya kung nasaan
siya. Maikli ang buhok pero nakataas na parang mohawk, nakaitim na sando
at may onting punit ang shorts niya, at maliit lang ang katawan at taas niya.
Hindi lang ako nawalan ng bente, buong wallet ko nawala!

Sa isang himala, may biglang sumabay sakin para humabol sa kanya.


Isang manggagawa ng sapatos sa may gilid. Harangan niyo yung tumatakbong
nakaitim! Magnanakaw iyan! Agad-agarang rumesponde yung mga nasa harap
nung magnanakaw. Sa gulat ko, bakla pala ang magnanakaw. Hindi na
lumaban yung mandurukot ang nakatingin na lamang sa sahig. Ako naman
hinablot ko yung pitaka ko tapos tinignan ko kung nandun pa yung laman.
Mukhang makapal pa naman yung pera ko at hindi ko na binilang.
Sinabihan ako ni manong ng mga payo sa paglalakad sa Maynila. Magingat ka diyan at maraming mandurukot. Lagi mong titignan paligid mo iho. Ako naman,
nagpasalamat ako sa lahat ng mga tao dun, lalo na kay manong. Humingi na
rin ako ng pasensya sa gulo na nadulot ko sa lugar dun. Kayo na po ang bahala
sa kanya! Late na ako!
Nagmadali ako patungong Isetann. Umakyat ako sa Vito Cruz station at
nagmadaling pumasok sa tren. Nakipagsiksikan ako sa bulok na tren.
Mabaho ang simoy ng hangin. Amoy pawis at para bang hindi naligo yung
iba kong mga kasama sa tren. Nagsimula ako makaramdam ng pagsuka.
Tinapik ko ang dibdib ko at huminga ng malalim para mapigilan ang
pakiramdam. Siguro dahil ito sa pagtakbo ko at haluan mo pa ng amoy sa
paligid.
Paparating na sa Doroteo Jose Station
Tumunog na ulit ang phone ko. Nasaan ka na boss? Nandito lang ako sa McDo.

Malapit na ako. Ako na pupunta diyan. Pasensya na, nagkagulo lang sa may istasyon ng
tren. Binilisan ko na ang paglalakad kasi sobrang late na ako sa
napagusapang oras. Kinapa ko yung bulsa ko para tignan kung nandun yung
wallet ko at nagmadali na ako.
Puting damit. Tsek.
Maong na pantalon. Tsek.

You might also like