Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAHAYAGAN

Ang pahayagan, diyaryo, o peryodiko ay isang uri ng paglilimbag na


naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas, kadalasang na imprenta
sa mababang halaga. Ito ay maaaring pangkalahatan o may espesyal na
interes, at kadalasan itong inilalathala ng araw-araw o lingguhan.
KOMIKS
Ang komiks ay isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at
larawan ang ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti o walang salita, at binubuo ng
isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng
pagkakaiba[1] ng teksto upang makaapekto ng higit sa lalim. Bagaman
palagiang paksang katatawanan ang komiks sa kasaysayan, lumawak na
ang sakop ng anyo ng sining na kinabibilangan ang lahat ng mga uri
(genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling
ekspresyon.
MAGASIN
Ang magasin ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming
artikulo, kalimitang pinopondohan ng mga patalastas. Ito ay nagbibigay ng
impormasyon sa mga mambabasa.
DAGLI
Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling
maikling kwento. Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa
Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga
Amerikano.
PELIKULA
Ang pelikula, kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan
na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o
bilang bahagi ng industriya ng libangan. Dahil naging pangunahing
tagapamagitan para sa pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan ang
letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito
ng akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula.
BALITA
Ang balita (mula sa Sanskrito: [vrtt]) ay isang uri ng lathalain na
tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang
bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan. Maaari
itong ihayag sa pamamagitan ng paglilimbag, pagsasahihimpawid,
Internet, o galing sa bibig at ikalat sa ikatlong partido o sa maramihang
mambabasa, nakikinig o nanonood.

LATHALIAN
Ito ay sulatin o artikulo sa isang pahayagan na naglalayong tumuon sa
isang natatanging isyu sa paraang hindi nagbabalita. Ito ay maaaring
nagmumula sa sariling pananaw ng may-akda nito. Ito ay hindi
kinakailangang laging nagsasaad ng isang katatapos na pangyayari lamang.
Marahil ay pinakamalayang bahagi ng pahayagan.
EDITORYAL
Ang editoryal o pangulong-tudling ang pangunahing tudling ng kuru-kuro
ng isang pahayagan. Kumakatawan ito sa sama-samang paninindigan ng
patnugutan ng pahayagan kaya sinasabing kaluluwa ito ng publikasyon.
Layunin nito sa pagbibigay ng kuru-kuro ang magpabatid,
magpakahulugan,
magbigay-puna,
magbigay-puri,
manlibang
at
magpahalaga sa natatanging araw.

KOMPREHENSIBONG
PANANALIKSIK

Ipinasa ni: JENESSA CYRILL FLORIDA


Grade 8- Duryan
Ipinasa kay: MRS. AMORLITA ASUNCION
Guro sa Filipino

You might also like