Mga Tip Sa Pagsulat NG Maikling Kwento

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MGA TIP SA PAGSULAT NG MAIKLING KWENTO

1. Mga Mungkahi Upang Madaling Makapagsulat ng Kwento


Hinihingi na ng guro ang iyong proyektong kwento? Wala ka pang naisusulat. Wag kang magmukmok.
Heto ang ilang punto upang makabuo ka ng sariling kwento.
Tandaan: Huwag kang mangongopya ng kwento ng iba, maaari kang humiram ng ideya
subalit hindi ng buong obra.
a. Sino ang iyong pangunahing tauhan (protagonista)? Ano ang gusto niyang gawin?
b. Ano ang mga gagawin niyang pagkilos upang matupad ang kanyang nais na mangyari?
c. Ano ang mga hindi inaasahang pangyayari kaugnay sa ikinilos protagonist ang magpapaigting sa
damdamin ng kwento?
d. Anu-anong mga detalye sa tagpuan, usapan at umiiral na damdamin ang makatutulong upang mabuo
mo ang iyong kwento?
e. Anong desisyon ang gagawin ng iyong tauhan sa kasukdulan ng kwento? (Nararapat lamang na
makatarungan ang desisyong ito at hindi inaasahan ng mga mambabasa.)Ipakita ito sa mahusay na
paggamit ng mga salita upang gisingin ang damdamin ng mga bumabasa.
2. Gawing kawili-wili ang mga unang pangungusap ng iyong kwento.
a. Aksyon agad. Iyan ang nararapat na mabasa sa unang pagtingin pa lamang sa iyong kwento.
Ipahiwatig na agad ang magiging tunggalian, o mga hindi inaasahan, o kakaiba sa unang mga
pangungusap pa lamang.
3. Linangin at paunlarin ang Karakterisasyon
a. Idebelop ang isang buhay, humihinga, at natatanging tauhan. Ipakila silang mabuti sa iyong kwento sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang detalye tungkol sa kanila.
b. Ano ang hitsura ng iyong tauhan? Bigyan ng mahahalagang impormasyon tungkol sa pisikal na anyo
ng iyong tauhan ang mga mambabasa.
c. Paano kumilos ang iyong tauhan? Huwag lamang gumamit ng payak na katagang tamad. Ipakita ito
sa mga kilos at gawi ng tauhan.
Halimbawa: Narinig na ni Rosa ang sigaw ng ina para gumising na siya subalit mahigpit pa rin ang
pagyakap niya sa kanyang unan.Kanina pa siya gising subalit ayaw niyang bumangon dahil tiyak na
uutusan na naman siya na bumili sa tindahan.
d. Paano magsalita ang iyong tauhan? Ipakita ang paglinang ng tauhan bilang isang tunay na tao at
iaayon ang mga panalita niya sa antas niya sa lipunan, sa kanyang ugali at katangian.
e. Paano mag-isip ang tauhan mo? Ilarawan ang mga proseso ng pag-iisip ng iyong tauhan, ang kanyang
mga takot, pangamba, alaala at adhikain sa buhay.
4. Sumulat ng Makabuluhang Usapan/Dayalogo
a. Bigyan ng sariling talata ang bawat nagsasalita. Maaari ring isulat dito ang ginagawa ng tauhan
habang nagsasalita?
Halimbawa:
Saan ka pupunta? usisa ni Restor habang minamasdan niya ang pagbabalot ng damit ni
Teresa.
Hindi lumingon si Teresa. Alam niyang masasaktan lamang si Restor. Subalit hindi niya
mapigilang ibulalas ang halos puputok na niyang puso. Sa mga nanay. Huwag mo akong subuking
susundan.
b. Huwag nang ipaliwanag pa ang ilang detalye upang sa gayon ay mahamon mo ang mga mambabasa
na makapagbigay ng sariling hinuha tungkol sa kwento.
5. Pumili ng angkop na paningin o pananaw.
Gagamit ka ba ng unang panauhan o ikatlong panauhan? Sino ang magkukwento ang pangunahing
tauhan ba o ang katulong na tauhan? Mababasa ba ng nagsasalaysay ang isip at damdamin ng lahat
ng tauhan o ng isang tauhan lamang?
6. Gumamit ng angkop na tagpuan at konteksto.

Subukin mong pumikit at isipin ang tauhang kumikilos sa napili mong tagpuan. Ang pagguguni-guni o
imahinasyon ay makatutulong upang matamo ang ninanais na balanse ng tagpuan at tauhan.
Maglagay ng mga malilinaw na detalye tungkol sa tagpuan. Gamitin ang mga pandama o senses
(pang-amoy, paningin, pandinig, panlasa, pandamdam)upang tumulong na ipinta ang tagpuan at
konteksto ng iyong kwento.
7. Isaaayos ang banghay o mga pangyayari sa kwento.
Piliin ang mga eksenang tiyak na magiging kapana-panabik sa mga mambabasa. Kung nahihirapan pa
rin subukan ang brainstorming tulad nito.

Halimbawa: Ikaw ay isang payak na maybahay at bigla na lamang umuwi ang iyong asawa at
sinabing hindi ka niya mahal at iiwan ka na niya. Ano ang maaaring mangyari sa iyo batay sa
sitwasyong ito?
Magiging abala ka na lamang sa iyong gawaing-bahay.
Magmumukmok ka kasama ng mga anak mo.
Gugustuhin ng mga anak mong tumira sa piling ng kanilang ama dahil sa pakikitungo mo sa kanila.
Uuwi ka ng probinsya.
Hahanap ka ng trabaho.
Ibebenta mo ang inyong bahay at iba pang ari-arian.
Hahanap ka ng bagong nobyo.
Babalik ang asawa mong nagsisisi sa pag-iwan sa iyo.
Hindi mo siya tatanggapin o kayay tatanggapin mo siya.
Titira ka sa iyong mga magulang.
Magpapakamatay ka. Magpapakamatay ang iyong asawa
Piliin lamang ang mga detalyeng makatutulong upang mabuo mo ang iyong kwento at makapagbigay
ka ng kakintalan sa iyong mambabasa.

8. Lumikha ng tunggalian at tensyon


a. Hiwaga. Ipaliwanag lamang ang ilang bagay upang matukso ang mga mambabasang basahin ang
iyong kwento. Huwag ilalagay lahat ng mga detalye.
b. Pagpili. Ibigay ang mabuti at masamang maaaring mangyari sa tauhan.
c. Papahirap na mga pagsubok. Kakaharapin ng tauhan ang serye ng mga pagsubok na dapat niyang
mapagtagumpayan upang matupad niya ang kanyang layunin.
d. Sanhi at Bunga. Ang mga tauhang nagkamali ay dapat maparusahan at bigyan ng karampatang
biyaya ang mabubuting kalooban.
e. Sorpresa. Magbigay ng sapat na kahirapan sa akda upang hindi agad malaman ng mambabasa ang
kahihinatnan ng kwento.
f.
Pakikipagsimpatya. Hayaang makakuha ng simpatya ang tauhan sa mga mambabasa na para bang
sila ang nasa sitwasyong kinahantungan ng tauhan.
g. Kaliwanagan ng isip o Inspirasyon. Hayaang makakuha ng kaliwanagan o inspirasyon ang
mambabasa buhat sa nabuo mong kwento.
h. Unibersalidad. Maglahad ng isang pakikipagtunggali na kasisiyahan ng mambabasa kahit na nga ang
pakikipagtunggali sa sa isang natatanging pook o panahon.
i.
Kahalagahan. Kumbinsihin ang mamababasa na lubhang mahalaga at malaki ang mawawala sa
tauhan kapag hindi niya napagtagumpayan ang pakikpagtunggali sa kwento.
9. Linangin ang Krisis o Kasukdulan
Sikaping ang kasukdulan ay magaganap sa tamang sandali. Kapag napakaaga, aasa pa ang mga
mambabasa na may kasunod ito; kapag naman napakatagal ay kababagutan na ito ng mga
mambabasa.

10. Humanap ng Kalutasan sa Suliranin


Ang paglutas ng suliranin ay maaaring
Bukas. Ang mambabasa ang makakatagpo ng kahulugan.
Sarado. Nalutas ang suliranin sa katapusan.
Balik lamang sa simula. Katulad ng naunang sitwasyon o imahen.
Monologo. Magbibigay ng komento ang tauhan.
Dayalogo. Mag-uusap ang mga tauhan.

Literal na imahen o larawang diwa tagpuan o aspeto ng tagpuan na magiging kalutasan o


katapusan ng banghay.
Simbolikong imahen. Detalyeng kumakatawan sa kahulugan lampas bas a kahulugang literal.

You might also like