Professional Documents
Culture Documents
Panitikan NG Armm
Panitikan NG Armm
Isinasalyasay dito kung paano inakit ni Paramat a Bantugan and prinses, Si Sandalinaian Sirig. Ang
buong lamin (silid sa tore) ng prinsesa ay dinala sa ibang kaharian nang di niya namamalayan
(Madale, 1942).
1.
3. Minirigi a Rogong Pag-ibig at Pakikipagsapalaran ni Prinsipe Lomna
Ito ay karugtong ng kabanta, Kpaloma, ang kabanata na ito ay ikinulwento kung paano inutusan ni
Bantugan si Lomna na huwag umalis sa lugar habang siya ay wala pa (Madale, 1942).
Si lomna ay iniwang mag-isa at ang mga tao sa Kadaraan ay gustong maghiganti. Ang ibong Noi ay
bumalik sa Bombaran at nalaman ni Madale ang nangyari. Sinabi niya sa Nori na pupunta sila at
ililigtas nila si Lomna (Madale, 1942).
Si Prinsesa Minoid ay di tinanggap ni Inaionan o Kampong bilang asawa ni Bantugen. Umalis ang
bayani at si Mindanano sa Tonong ay linusob ang lugar.
Si Daridai Mairindo, isang batang lalaki ay sinubukan ipagtanggol ang lugar ngunit di niya kaya.
Ang prinsesa ay nagpadala ng ibon (Nori) upang hanapin ang bayani at ipagtanggol sila.
Nagkaroon ng pagtutunggali at nailigtas ang prinsesa (Madale, 1942).
15. Kapenggensaian a Rogong- Ang Digmaan ni Misoiao
Ito ay tungkol sa paghihirap at tagumpay ni Misoiao sa pakikipagdigma sa kanyang mga kalabanIkaharaanens (Madale, 1942).
16. Kianggobat i Misoiao- Nagdeklara si Misoiao ng digmaan sa lahat ng digmaan
Si Misoiao, isang batang prinsipe ay pumunta sa lahat ng kaharian at nagpahayag ng digmaan
upang patunayan ang kanyang sarili. Pumaslang at Linpastangan niya ang mga kapangyarihan. Ang
nakapagpigil sa kanya ay si Bantungen lamang na tinuturi niyang ama (Madale, 1942).
1.
17. Natangkopan a Ragat Ang Pagkamatay ni Bantugen sa Natangkopan a Ragat
Ang datu ay nagutos sa lahat ng mga kaharian na huwag kausapin si Bantungen sa kanyang
pagdating.
Nagulat si Bantungen dahil walang gustong makipagusap sa kanya. Umalis siya at namatay sa
ibang kaharian. Kinuha ni Madale ang kanyang kaluluwa sa isang lugar sa kalangitan at binuhay
muli si Bantungen. Ito ay pinkawiling-wili na kabanata dahil ito ang pinakaunang pagkakataon na
ang lahat ng mga asawa at kasintahan ni Bantugen ay nagsama-sama upang bigyan siya ng pugay
(Madale, 1942).
1.
18. Darangen- Rinandang- Ang Paglalakbay ni Prinsipe Rinandong
Sa unang bahagi ng kabanata na ito ay ipinakita ang pinaglahian ng mga tauhan sa Darangen.
Sa sumunod na bahagi ng kabanata, isinasalaysay nito ang paglalakbay ni prinsipe Bantugen,
Madale, at Rinandang habang papunta sila sa Kiaranda a Ragat. Ito ay kaharian na kapantay ang
Bembaran. Lahat sila ay pumunta upang matanawa ang kaharian at ang magandang prinsesa
(Madale, 1942).
TUTOL
Ang tutol ay nahahati sa tatlo: (1) Tutol sa Pagkapoon (Kuwento tungkol sa Pinagmulan), (2) Tutol
sa Piyakakuyakayad (Nakakatuwang Kuwento), (3) pabula (pangangayamun).
TUTOL SA PAGKAPOON (KUWENTO TUNKOL SA PINAGMULAN)
Radia Indarapatra
Bagamat itinuturing ang Radia Indarapatra bilang epiko, ito ay napapabilang sa kategoryang tutol.
Ito ay ayon kay Timan Madela (1942).
Ang Radia Indarapatra ay may dalawang bersyon: ang sa Maguindanao at sa Maranao. Sa bersyon
ng Maranao, binubuo ito ng pitong kabanata.
Ang tutol ay tumtukoy sa mga pangyayari sa ibat ibang pagkakasunod: (1) pisikal at political na
heograpiya, (2) sosyal at pamilyang organisasayon, (3) kosmolohiya, (4) relihiyon at mahika, at ibat
ibang katangian ng lipunan ng Maranao (Madale, 1942).
TUTOL SA PIYAKAKUYAKAD (NAKAKATUWANG KUWENTO)
Isang magandang halimbawa sa nakakatuwang kuwent na gustong gusto marinig ng mga
Maranao ay ang Pilandok. Si Pilandok ay mautak at maparaan . Isa sa mga kuwento nito ay ang
kuwento kung paano niya tinawid ang ilog na may mga buwaya (Madale, 1942).
Ito ay isang halimbawa ng isang bayok na may tunog ng Darangen na tumatalakay sa isang bahagi
ng epikong, Kamplomna (Madale, 1942).
Oh, for the love
Someone of nobility has come.
To propose for marriage
He, who can not be ignored
Because he is of royal blood.
Lomna, dear Lomna why did you come
He who is flirtatious, must be entertained?
Playing around is his forte.
I see the waves in the sea
That dash to the shores of all kingdoms
I see the sun that shines all over
What made you come?
The bird, Sampiri Kagandongan is right
To love prince Bantugen in your behalf
One will regret;
Loving him is just adoring a pale green color.
The color that fades easily
As few drops of rain fall.
Dear Lomna, if you really mean to live
In Dalinaian Kaparan, be serious
Then we will put up flares in Gandamato Damedag
We will shelter you with an umbrella of yellow
That fades as rain fall
Dear Lomna, why did you come?
KAGANAT SA DARANGEN
Ang Kaganat sa Darangen ay isang interpretatibong sayaw at kanta. Inilalarawan ng tagapagtanghal
na subukan gayahin si Prinsipe Lomna nang pinadala siya upang mag-alok ng kasal para sa
kanyang ama (Madale, 1942).
Ang tagapagtanghal ay kailangan wala pang asawa, maganda at mayroong malambot na katawan.
Ito ay dula na nagpapakita ng pagpapadala kay Lomna sa Gindolongan. Maraming
pagwawagayway ng pamaypay at maraming paggiwang ng bewang ang isisinasagawa sa dulang ito
(Madale, 1942).
DIABRO, KOKOK, AT ONTA
Ang daibro at ang kokok ay laging magkasama tuwing kasal, koronasyon at iba ipang magkatulad
na pagdiriwang. Ang diabro ay nakabihis ng tuyong dahon ng banana. Sa kapistahan, tatakbo siya
kukunin ang kopya (kalo) ng mga datu. Ito ay kostumbre na maari lamang niya kunin balik ang
kanyang gamit kung bibigyan niya ang diabro ng pera (Madale, 1942).
Ang koko naman ay isang nagmumukhang halimaw na nanggaling sa gubat. Nakasuot siya ng kalo.
Mahaba ang kanyang buhok at ang kanyang suot ay puno ng algae. Kasama ang diabro, tatakbo
sila, sasayaw sa tunog ng agong at kulintang (Madale, 1942).
Ang onta ay isang paggaya sa kamelyo. Gumagamit sila ng kawayan upang makabuo ng isang
istraktura na halintulad sa kamelyo. Apat na lalake ang nagsisilbing binti ng kamelyo (Madale, 1942).
Kinagawian na ang onta ay linilibot ang buong baryo tuwing kasal at binubukas ang bunganga. Ito
ay kagawian na kung buksan nito ang kanyang bunganga ay kinakailangan na lagyan ito ng laman.
Ito ay nagsisilbing mga regalo ng pamilya ng babaeng kinakasal (Madale, 1942).
SAGAYAN
Ang sagayan (sayaw pandigma) ay nagmula sa Darangen. Ito ay pagsasadula ng kabaynihan ni
Bantugen habang ihinahanda ang kanyang sarili para sa pakikidigma sa mga kalaban-Ikadaraanen
(Madale, 1942).
SADORATAN
Sa isang kabanata sa epiko, ang prinsesa matapos siyang dukutin ng isa pang prinsipe, siya ay
lumakad sa gitna ng napakaraming tao na nasilayan ang kanyang kagandahan (Madale, 1942).
Ganito ang paglarawan ng kanyang paglakad:
Kisiod bon a nglai na arega sakampo, kanatap palad a-i na pasa-i saka inged.
Swaying her hands as she walks is worth a camp, and lifting her foot is worth a place.
Ang sayaw na ito ay pagsasadula nang pinalakad ang prinsesa sa harap ng mga datu at sultan. Ang
tagapagtanghal ay kailangan maganda, marunong kumanta at malamyos maglakad (Madale, 1942).
LIMPANGAN AGO ANTOKA - Puzzles at Riddles
Ang limapangan (puzzles) ay para sa mga matatanda samantalang ang mga antoka (riddles) ay
para sa mga bata (Madale, 1942).
Ang halimabawa ng limpangan ay ang kuwento ng Unggoy at ng Puno
Ang mga limpangan ay binibigkas tuwing nagsasama-sama ang mga batang Maranao. Ang bata na
na nakakasagot ng maraming limpangin ay hinahangaan at itinuturing matalino (Madale, 1942).
Halimbawa ng limapangan :
Ladia sa kalaan
A di ketangalan sa ig.
A cup from the forest
Which can not hold water
Sagot: Birds nest
SAKUBA- Rhymes
Ito ay kasiya-siyang pakinggan na may dalawang ibig kahulugan.
Halimbawa:
Talepi, talepi
Beat, beat
Maona ko mamara I will dry ahead
Di so mga ped ko Of my companions.
Katutubong Panitikan na Pang-Islam
DEKIR- Dirge Song
Ang Dekir (dekr sa salitang Arabo) ay ibig sabihin sambahin ang Panginoon. Ang isang berso mula
sa Koran o ang buong Koran ay itinuturing dekir. Sa mga Maranao, ang ibig sabihin ng dekir ay
isang kanta na inaawit sa huling gabi ng virgil. Kiakailangan dalawang tao ang aawit ng dekir. Ito ay
mayroon mataas na tono. Nang maabot ng mangaawit ang pinakamataas na tono, hihinto siya sa
pagkanta at ipagpapatuloy ng isa pang mangaawit (Madale, 1942).
Halimbawa:
So Bangkit sa Donia- The End of the World
Peace be unto you
Oh, how true
While on earth living and strong
One must perform his religious obligations
For when the earth will crumble into pieces
There will be no places one can stray;
Big waves and storms one can not stand
What a disaster for mankind
Allah the Greatest!
QUIZA- Religious Story
Ang mga quiza ay mga relihiyosong kuwento na nagmula sa Koran para sa mga nanampalataya at
di nanampalataya. Ang isang halimbawa nito ay ang kuwento ni Ibrahim nang isakripisyo niya ang
kanyang sariling anak (Madale, 1942).
KANDIDIAGAO- Crying Over the Dead
Ito ay kakaibang paraan ng pagiyak para sa namatay. Habang umiiyak para sa namatay, ginagawa
niya ito sa magandang tono. Ito ay katulad ng dekir. Iba ang pamamaraan ng Kandidiago ng lalaki
sa babae. Ang tawag sa paraan ng lalaki sa pagkanta ay kakemama (Madale, 1942).
Ang unang halimbawa ay pagiyak ng babae para sa kanyang namatay na anak:
Aidao ikaritan ko, bolawan aken
Ino ko ngka pagawa-i, ikaritan ko
Aidao Tuhan ko, ino ngaka raken kowa-a a wata aken a-i
Ikaritan ko a bolawan aken
Aidao tuhan ko na o ba ba den mapemasa
Na pamasa-an ko; ay Tuhan ko
Ngkaia wata aken, bolawan aken.
My dear child, my beloved
It was zigzagged
Let it enter, take it out
Let it zigzag. ( Sewing Machine)
Pay ku hangka uhayuhay
Nalatag in laum bay (Palitaan)
My grain of Palay is like a little leaf
But it was able to fill the whole house (Lamplight)
Day kappa bud datag in labayan ( Laud)
You climb a mountain but its path is plain. (sea)
Halimbawa:
Kaddim alua hi dua
Magsailu kita alua
Alua mumari kaku'!
Alua ku mattun kaymu,
Bang adlaw aku in ha atay mu
Bang dum aku in ha mata mu
Iya Mikail, iya Sarapil, iya Gibrail, iya Muhammad
Pasabisabilra niyu aku
Katua niyu kaku' hi (ngan sin babae). Pukawa!
Barakat Laillahailqulla
Barakat duwa Muhammad Razurulla.
Our two souls are chained
Let's exchange our souls
Your soul will come to me;
My soul will go to you.
At daytime I'm in your heart,
At night time I'm in your eyes.
O Michael, O Raphael, O Gabriel, O Muhammad
I am inviting you
To go to [name of woman]. Wake her up?
God's blessings!
Blessings of Muhammad
KATUTUBONG NARATIBO ( FOLK NARRATIVE)
Ito ay binubuo ng mga sumusunod:
1.
1. Ang Salsila (ethno-historical narratives)
Ang anak ni Sultan Karamat , si Sultan Bararuddin I ay mayroong apat na anak- anh
kambal Datu Alimuddin Han, na gwapo; Datu Salikala, na pangit, di-pangkaraniwan at kamukha ang
unggoy, si Datu Nasaruddin, Datu Nasaruddin; and Dayangdayang Putli'Agtah Lana. Bararuddin
pinamigay ang Salikala kay Datu Maharaja Dindah Bantilan. Lumaki si Salikala nang malakas at
linigtas si Bararuddin sa mga Kastila.
Ikinuwento ni Bantilan ang katatotohanan at nagkaisa ang pamilya. Si Sakila at ang kanyang
kambalAlimuddin ay nakatanggap ng salita mula kay Sultan Muhuddin ng Brunei, na humihiling ng
tulong ng lakas sandata,request-ing.
Ang mga kapatid ay kinakailangan sa digmaan. Si Sakila ay nakatamo ng malalim na sugat. Siya at
ang kanyng mg tauhan ay sinunog ang kanilang sarili. Isang monumentoang itinayo sa kanla at ang
hilgang Borneo ay binigay sa Tausug bilang gantimpala (Tuban 1977:44-46).
1.
2. Ang Kaawn Kissa (mga kuwento tungkol sa paglikha), Ang usulan kissa ( mga kuwento
sa pinagmulan),
Ang tema ng paglikha ay sinasalaysay sa mga kuwento na ang tawag ay kaawn kissa.
Halimbawa ay ang "Apu' Adam Iban Apu' Hawa" (Grandfather Adam and Grand-mother Eve) na
isinaslaysay ang kaunanahang magulang natin at ang pilit na pagalis nila sa paraiso. Napasyahan
ng Diyos na lumikha ng tao muli at magpadala ng anghel na pagsamahin ang lupa. Tubig, apoy at
hangin ay dinagdag upang makabuo ng buhay. Si Adan ay nag-iisa at binigyan siya ng Diyos ng
babae na nabuo sa kanyang tadyang. Apat na anak ang naipanganak- isang putting lalaki, isang
putting babae, isang maitim na lalaki, at isang maitim na babae. Sa susunod na henerasyon,
nagkaroon ng ibat ibang lahi bunga ng pagkakasal. Si Eba ay nakain ang ipinagbabawal na prutas
at pinatulo ang katas nito sa bunganga ni Adan. Nang dumuni sila sa paraiso, pinaalis sila ng Diyos
(Tuban 1977:50-51).
Ang pinagmulan ng mga kostumbre ng Tausug ay isinasalaysa sa usulan kissa. "In Usulan sin
Katantan Bungang Kahuy iban Binatang Halal" (The Origin of Edible Fruits and Animals).
Sinasalaysay nito kundi paano ang balat ni Adan ay ginawang puno na pinagmulan ng lahat na
nakakain na hayop- narrates karabaw, manok, kambing, kabayo at kalapati. Ang puno, na nagging
sagabal sa pagpunta sa langit, ay inutusang paputulin, ngunit ito ay patuloy na tumtubo at
nagbubunga ng 99 ibat ibang prutas (Tuban 1977:59).
1.
3. Ang Katakata
Ang mga katakata ay mga kuwento na di historical at binibigkas para libangan. Mayroong
tatlong uri ng katakata: Ang isa ay tulad ng alamat, ang isa ay katutubong kuwento marchen, at ang
mga kuwento ng mandaraya.
1. Halimbawa ng unang uri ay ang "In Duwa bud" (The Two Mountains). Mayroon isang lalaki at
isang babae na namatat sa dalawang bukid. Pinaniniwalan ang dalawang ito ay mahiwaga. Ito ay
matatagpuan sa pagitan ng dagat ng Sulu at Zamboanga.
2. Ang halimbawa ng pangalawang uri ay ang bersyon ng Tausug, "Tom Thumb". Ang tawag nila
dito ay "Hangdangaw" (literally, "a span high"). Sa halip ng kanyang sukat, si Hangdangaw ay
matakaw at mayroong kakaibang lakas. Iniwan niya ang kanyang magulang. Mayroon siyang
nakilalang apat na makapangyarihan na lalaki na nagging kaibigan niya: Mamuk Bunga, Tumibik
Batu, Sumagpih Ipil, at Rumatag Bud. Isang araw , nakahuli si Hangdangaw ng malaking isda
ngunit doon niya natuklasan na kinakailangan niya ng apoy upang makaluto. Pinadala niya ang apat
para kumuha ng apoy ngunit sila ay nadakip ng higanteng kumakain ng tao. Iniligtas ni Hangdangaw
at nakain rin niya ng isda. Matapos kumain, tinapon ni Hangdangaw ang buto ng isda, na sa
kasawing palad ay napunta sa balon ng maharajah. Tinulungan ni Hangdangaw ang maharajah sa
pamamaagitan ng pagtapon ng buto ng isda sa pangalawang pagkakataon; ito ay nakaabot sa butas
ng tubig ng panglima (headman). Ito ay inulit ng dalawang beses sa balon of ng imam at ng
naghaharing prinsipe. Bilang gantimpala, ang mga anak na babae ng maharajah, panglima, imam,
at naghaharing prinsipe ay pinakasal sa apat na kaibigan ni Hangdangaw. Mula sa balon ng
prinsipe, ang buto ng isda ay umabot sa sultan at napangasawa niya ang anak ng sultan (Tuban
1977:63-68).
Ang sikat sa mga Tausug na kuwneto ng mandaraya ay ang kuwento nina Pusong at
Abunnawas na napapabilang sa "mautak na lalaki" uri. Sa mga kuwentong ito , sina Pusong at
Abunnawas ay laging nakakadaya sa hari. Ang kasikatan ng mga kuwentong ito ay nagpapakita ng
di paggalang sa sultan. (Rixhon 1974a:34, 73).
Ang isang pang katakata ay tungkol sa mga higante, agassi tulad ng "Baguinda Iban Hinda
Apu" (Baguinda and Grand-father Agassi). Mayroon rin mga kuwento na ang gwapong anak ng datu
o ang magandang anak ng datu ay ginawang pangit ng mga nilalang. Sila ay maibabalik lamang sa
kanilang tunay na anyo kung malampasan nila ang mga pagsubok. "Putli Pugut" and "Manik
Buwangsi" ang mga magagandang halimbawa ng ganitong uri ng katakata.
Panitikang Pang-islam
Ang panitikan pang-Islam ay maipapakita sa mga teksto ng Arabo sa pamamagitan ng hadis
(commentaries on Islamic law), khutba (Friday sermon), at salat (prayers), (Rixhon 1974a:6-14).
A.
1.
Mga Dasal
1. Duwaa
Ito ay mga debosyonal na dasal, na dinadagdag sa pang-araw-araw na dasal bukod pa salat. Ito ay
dinadasal sa mga indibidwal, pamilya at sa mga komunidad na karanasan sa saya at sa kahirapan.
Mga dasal, kung tawagin duwaa sala-mat o dasal pampasalamat ay ginagawa kapag nakaroos sa
problema
1.
a. Magtaubat
Ito ay isang duwaa ng pagsisi. Ito ay idinadasal kapag naghihingi ng kapatawaran kay Allah sa mga
kasalanan.
1.
b. Duwaa arowa
Ito ay mga dasal para sa mg a anibersaryo ng kamatayan.
c. Duwaa ulan
-for the alleviation of drought. Ang mga dasal ay may kasamang jamu (feast).
1.
2. Jihiker
Ang mga dasal na ito ay pagpbigkas ng 99 pangalan ni Allah na gamit ang tasbih (prayer beads).
Pribado itong isinasagawa bilang bahagi ng salat
Ang pangadji o pagbabasa ng Koran ay isinasagawa ng mga Muslim upang ipakita nag kanilang
pagmamahal at pananampalataya kay Allah. Ito ay maaring gawin sa publiko o sa sariling
pagpapahayag ng debosyon kay Allah.
B. Pangadji
Pangadji ay isinasagaw rin kapag may namatay sa pamilya. Pitong gabi ang inilalaan para dito.
Magsisimula ito sa unang gabi ng pagkamatay. Ibinibigkas ito mula sa Koran ng mga lalaki at babae
pasalit-salit hanggang buong aklat ay nabasa. Ito ay isinasagawa para sa mabuting paglalakbay ng
namatay.
C. Hadith o Hadis
Ito ay mga kasabihan o mga kagawian ng Propeta Muhammad na pinagsama ng mga iskolar ng
Islam. Ang mga ito ay isa rin sa batayan ng mga batas ng Islam. Ang mga ito ay nagpapaliwanag rin
ng mga mahahalagang punto sa Koran. Ang wikang gamit ay Arabo.
Ang mga hadis ng Tausug ay nasa anyong tarasul (poem) o kissa (story), at mga komentaryo ito sa
mahahalagang punto ng Koran. Ang mga hadis tarasul ay kinakanta sa lugu at nagpapakilala sa
isang kabanata mula sa Korantradition. Itinatanghal rin ito bilang relihiyosong obligasyon ng mga
tao (Rixhon 1974a:16-18).
Ang mga hadis kissa ay kinakanta na may kasamang musikal na instrumento tulad ng gabbang
(native xylophone) at biyula (native violin). Isang halimbawa, the "Kissa sin Hadis sin Duwa
Magtiyaun" (The Story of the Tradition of Marriage), isinasalaysay ang mga tungkulin ng mag-asawa
(Rix-hon 1974a:16).
D. Khutba
Ang khutba ay isang sermon o pangaral sa Biyernes na ibinibigay tuwing magdarasal ang
kongregasyon at ginagawa ito ng khatib mula sa mimbar (platform). Ito ay tungkol sa mga
relihiyosong paksa at ang gamit ito sa pangarawaraw na buhay. Ang lokal na wika ang gingamit sa
khutba kahit ang mga berso mula sa Koran ay binanabasa sa wikang Arabo.
PARANG SIBIL
Ito ay isang naratibong kanta na nagsasalaysay ng kabayanihan ng mga tao na nakikipaglaban sa
pamamaraan ng Diyos. Ang mga ito ay kinakanta na may kasamang musikal na instrumento,
gabbang. Bilang isang anyong pampanitikan, ang mga ito ay tinuturing epiko na isinasalaysay ang
pagpasalang ng mga Muslim sa kamay ng mga Kristiyano sa digmaan.
Ang "Parang Sabil hi Baddon" ay kuwneto ni Baddon na naisulto ng datu. Si Baddon ay inatake ng
mga marangal ng mga kalalakihan nang matapos siyang ideklara bilang suwail ng batas. Isang
opersayon militar ang isnigawa laban sa kanya. Ang labanan ay nagsimula sa mga kamaganak nina
Baddon at datu (Mercado 1963).
Ang "Parang Sabil hi Abdulla" ay kuwento ni Putli Isara, isang magandang anak ng panglima. Isang
araw sa may ilog, isang Kastilang sandalo gusto siyang galawin. Dahil ditto, sina Putli Isara at
Abdulla ay gumawa ngparang sabil ("Parang Sabil" 1973).
SINING SA PAGTATANGHAL
Instrumentong Pangmusikal
Ibat ibang musikal na instrumento na pwedeng tugtogin pang-indibidwal o pamparamihan ang
gingamit ng mga Tausug.
Ang pinakakila ay ang kabuuan ng kulintangan na mayroong dalawang gandang (drums), tungallan
(large gong), duwahan (set of two-paired gongs), at ang the kulintangan (a graduated series of 8 to
11 small gongs). Di dapat kumulang sa limang tao ang tugtog sa mga ito. Sinasamahan ito ng mga
sayaw at sa mga pagdiriwang (Kiefer 1970:2).
Ang iba pang kilala na instrumento ay ang gabbang (native xylophone) at ang biyula (native violin).
Mayroon itong 14 hanggang 24 keys na nahahati sa pitong-notas scales. Ang gabbang ang
pinakasikat na musikal na instrumento sa Sulu. Kasabay nito, ang bokal na musika tulad ng sindil.
Ang tono na nabuo kapag tinutugtog ang gabbang ng mag-isa nga lalaki o babae ay tinatawag na
tahtah.
Ang biyula ay tulad rin ng biyula ng pangkanluranin. Karaniwan lalaki ang tumutugtog ng biyula, ng
gabbang,kasama ng sindil (Kiefer 1970:2)
Ang musika ng pauta ay iniuugnay sa kapayapaan ar paglalakbay.Ito ay rinerepresenta ng mga
sumusunod na di gaanoong kilalang instrumento: the saunay (reed flute), suling (bamboo flute), and
kulaing (jew's harp). Ang saunay ay binbuo ng payat na kawayan may anim na butas, 1.5 mm sa
dayametro, nakatakip ng sampung simud (mouthguard). Ang suling ay masmalaking berson ng
saunay. Ito ay may 60-cm haba ng kawayan na may 2-cm dayametro. Tulad ng saunay, ito ay
mayroong anim fingerholes (Kiefer1970:4).
Ang mga musikal na instrumento ng Tausug ay binubuo ng: gabbang; tahtah (gabbang na may
kasamang biyula); ang kasi-lasa, lugu, at tahtah ( kanta para sa biyula); the sinug kiadtu-kari
(kulintangan); ang tiawag kasi ( musika ng saunay), ang tahtah ( musika ng suling); at ibapa (Kiefer
1970).
KALANGAN/TAUSUG VOCAL MUSIC
Kalangan or Tausug musika na boses ang ginagamit ay puwedeng hatiin ito sa dalawa: naratibo at
lirko. Puwede pa itong hatiin sa lugu at sa paggabang tradisyon. Ang lugu ay mga relihiyosong
kanta na walang gamit na instrumento, samantalang ang tradisyon ng paggabang ay sinasabing
"makamundong kanta na ginagamitan ng gabbang at biyula (Trimillos 1972).
Ang mga naratibong kanta ay nagsasalaysay ng kuwento at sinasama nito ang kissa tulad ng
parang sabil. Ang mga kantang liriko ay nagpapahayag ng ideya at pakiramdam. Ito ay binubuo ng
langan batabata (children's songs), ang baat (occupational songs), ang baat caallaw at ang
pangantin (funeral and bridal songs, respectively), ang mga tarasul (sung poems), ang sindil (sung
verbal jousts), ang liangkit (from langkit or "chained"), at ang sangbay o kanta na sinsabay sa sayaw
dalling-dalling.
Ang mga langan batabata ay lalabay. Mayroon silang malambot at nakakaginhawang himig (Tuban
1977:210).
Halimbawa:
Dundang ba Utu
tug na ba kaw
Liyalangan ta sa kaw
Bang bukun sabab ikaw
In maglangan mahukaw.
Go to sleep
Now my son
I am singing to you
If not because of you
I would not even like to sing.
Ang Baat at ang kalangan ay pareho. Ang baat ang tawag sa pagkanta. Ang baat taallaw ay
mayroong malungkot na himig. Ang sumusunod ay paggunita sa patay na kapitan (Rixhon
1974a:49).
Halimbawa:
Tuwan ku Tuwan Nahoda
Bati' bali' na ba kaw
Sin pu'pu' Tahaw
Aturan hawhaw
Tubig pangdan malihaw
Hiubat langang uhaw.
My beloved, beloved Nahuda
Will you please wake up
Will you take a look
At the islet of Tahaw
It seems very far
But its clear water among the screw pines
Can quench one's thirst.
Matapos ng pagtratrabaho ng mga magsasaka at mga mangingisda, kakanta sila:
Manok-manok Iupad kaw
Sulat ini da kaw
Pagdatung mu sumha kaw
Siki limo siyum kaw.
Little bird fly away
Bring this letter
When you arrive make an obeisance
And kiss [her] feet and hands.
Saupama naghangka-bangka
In alun landu' dakula
Seesabroos nagkalalawa'
Hi rayang hadja
In ba laum dila'.
Supposing I'll go boating
The waves are very big
The Seesabroos was lost
Mv darling's name
was always on my tongue.
Ang Baat Pangantin ay kilala rin bilang Langan Pangantin. Ito ay kinakanta para panatagin ang loob
ng babaeng ikakasal at upang pawiin ang lungkot ng kaibigan (Rixhon1974a:51).
Halimbawa:
Unu in hi langan
Halimbawa:
Entuden, niaden
It is here, it is there (wind)
*Bukas rin sa iba pang kasagutan ang bugtong na ito, halimbawa, pwede rin itong tumukoy sa
duyan. Ang mga bugtong nila ay maaari ring sumalamin sa pananaw nila tungkol sa mundo.
May mga paniniwala tulad ng, dapat ang bugtungan ay hindi dapat ginagawa sa gabi, para hindi
maenganyo ang mga masasamang espiritu na makisali. Isa pang paniniwala ay ang di pagamit ng
salitang nipai (ahas) kapag gabi sa bugtungan.
Ang mga verse ng mga Maguindanao ay pinapahayag sa pamamagitan ng ida-ida a rata (children
rhymes) o sa pamamagitan ng tubud-tubud (maikling tulang patungkol sa pag-ibig).
Halimbawa:
Pupulayog sa papas ka pumagapas apas
Ka tulakin kon ko banog
Na diron pukatalakin
Ka daon kasakriti
Kanogon si kanogon nakanogon ni ladan ko
A pukurasai mamikir a ana palandong a dar
Na di akun ipantao na pusulakan a ig
O matao kandalia.
Flying hard, the swift is
Trying to catch up the hawk
But he cannot equal him
Because he is far too small
Woe, woe unto me
Worried from thinking of a loved one
And I cannot let my feelings prevail,
Express my love
Because everytime I want to reveal it
Stops it in its way.
Metaporikal ang wika ng Maguindanao kaya kung ang sasabihin o kung ang nais na ipahiwatig ay
nangangailangan ng pagiingat, bayok ang ginagamit. (Wein 1938:35-36)
Halimbawa:
Salangkunai a meling
A malidu bpagimanen
Ka mulaun sa dibernal
Dun-dun ai lumaging
A paya pagilemuan
Ka mumbus sa hakadulat
Na u saken idumanding
Sa kaludn pun na is
Na matag aku ngka maneg
Di ku mawatang galing
Talking Salangkunai
Tis hard to trust in you,
For untrue leaves could sprout
Dun-dun fond of chatting
Tis hard believing you
For cheating buds may show
Once I (start to) fondle
From the sea
You would just hear from me
My darling, close to me
Ang Luwaran ng Maguindanao ay lupon ng encoded adat laws na tumutugon sa mga kasong tulad
ng pagpatay, pagnanakaw, pati na rin sa mga isyu ng pamana at kalakalan. Ang lahat ay
nasasakupan ng batas at ito na rin ang naging basehan ng hudisprudensiya ng Islam. (Darangen
1980:33).
Ang hadith ay mga kasabihan at kaugalian ni propeta Mohammad na kinulekta, inipon at pinagtibay
ng mga iskolar ng Islam. Nilalaman ng Hadith ang isa sa mga pinagkunan ng batas ng relihiyong
Islam. Ginagamit din itong basehan para sa pagpapaliwanag ng mga paksa sa Quran. Ang wikang
ginagamit at Arabic.
Ang tudtul (katutubong kwento) ng Maguindanao, ay mga maiikling kwento na may simpleng
pangyayari. Dalawang halimbawa nito ay ang Lagya Kudarat na tungkol sa pakikipagsapalaran ng
dalawang anak ni Lagya (rajah) Mampalai ng Lum na tinangay sa kagubatan matapos dumaing si
Mampalai sa kawalan ng pwedeng mapangasawa ng kanyang dalawang anak. Ang dalawang anak
ay sina Lagya Kudarat at Puteli (prinsesa) Sittie Kumala. Si Puteli Kumala ay tinangay sa kagubatan
kung saan nakilala niya ang isang kabayan (isang matandang dalaga). Inampon siya ng kabayan na
ito kasama ng isang prinsipe na nagngangalang Sumedsen sa Alungan. Kahit na magkasama sa
bahay ay di naguusap sina Sumedsen at Kumala. Di kalaunan ay umalis si Kumala sa bahay at
sumama si Sumedsen. Napadpad sila sa Lum, kung saan nagkita-kita uli ang magkakapamilya. Di
nagtagal ay nagpakasal rin si Sumedsen at Kumala. Samantala si Lagya Kudarat naman ay
tinangay sa Kabulawanan, doon ay nakilala niya ang isa pang kabayan na pinatira siya sa kanyang
bahay. Isang araw habang nangangaso, nakarinig si Kudarat ng tunog ng mga naglalaro ng sipa.
Sinundan niya ang tunog at ng Makita ang mga naglalaro ay nakisali siya. Hindi niya alam kung
paano maglaro nito, kaya aksidenteng napunta sa lugar ng isang prinsesa ang sipa. Naghagis ang
prinsesa ng isang singsing at panyo patungo kay Kudarat. Di nagtagal ay ipinakasal silang dalawa.
Matapos ng kasal ay bumalik sila sa Lum at nagkasama-sama muli ang buong pamilya nila.
Matapos ng isang lingo ay bumalik si Kudarat at kanyang asawa sa Kabulawanan upang manirahan
sa biyenan nito. (Notre dame journal 1980:3-6).
Ang isa pang folk tale ng Maguindanao ay ang Pat-I-Mata na tungkol sa dalawang magkapatid na
Pat-I-Mata at Datu sa Pulu. Si Pat-I-Mata ay namumuno sa Kabalukan at si Datu sa Pulu naman ay
sa Reina Regente. Pat-I-Mata ang kanyang pangalan dahil sa meron siyang apat na mata, na kung
saan kapag tulog ang dalawa ay naiiwang bukas ang natitirang dalawa. Kilala siya sa kanyang
kalupitan sa mga kababaihan, kung saan ay pakakasalan niya ito kung itoy maganda, ngunit kapag
itoy pumangit na ay iiwanan na niya. Dahil sa ganitong ugali ni Pat-I-Mata ang mga mamamayanan
ng Kaabalukan ay din a matiis ang kanyang pagkamalupit. Lumapit ang mga tao sa kanyang kapatid
at humingi ng tulong. Sinubukan ni Datu sa Pulu na bigyan ng payo ang kanyang kapatid ngunit di
ito nagbago kaya naisipan niyang patayin si Pat-I-Mata. Gumawa siya ng isang hawla, nang makita
ito ni Pat-I-Mata, tinanong niya ang kanyang kapatid kung para saan ito at sinabi naman ni Datu sa
Pulu na gagamitin ito bilang proteksyon sa paparating na bagyo. Dahil sa pagkamadamot ni Pat-IMata, hiningi niya ang hawla at hinayaang gumawa ng bago ang kanyang kapatid. Nang gagamitin
na ang hawla at binuksan ito, hinayaan ni Datu sa Pulu pumasok si Pat-I-Mata at pinabayaan itong
makulong. Bago ihulog sa ilog si Pat-i-Mata ay isinumpa niyang magkaaway sila ng kanyang kapatid
habambuhay. (Notre Dame Journal 1980:7-8).
Ang mga epiko ng Maguindanao ay sinasalita at pinaniniwalaang naunahan pa ang Islam. Ang
epikong Rajah Indarapatra ay patungkol sa maraming tauhan na biniyayaan ng kakaibang
kapangyarihan. Isang part eng epiko ay patungkol sa pagsilang kay Rajah Indarapatra, na
pinaniniwalaang nagmula sa union ng Sultang Nabi at pinsan nito.
Ang Rajah Madaya ay pinaniniwalaang orihinal na literature ng Maguindanao dahil karamihan sa
elemento nito-wika,metaphor, gamit sa kwento ay mula sa Maguindanao. Sa kabilang banda, ang
iba pang elemento ng epiko ay may kasamang ibang naratibo, isa na rito ang tungkol sa walang
anak na si Sultan Ditindegen. Sa kanyang pagkadesperado, nagdasal siya upang magkaroon ng
anak, kapalit ang pangakong ibibgay niya ito sa isang dragon. Natupad ang kanyang hiling at
kasabay nito ang paglabas ng isang dragon na nagsasabing ito na ang malaking Prinsesa Intan
Tihaya. Nang mabalitaan ni Raja Madaya ang tungkol sa mahirap na sitwasyon ng prinsesa, ay
dumating ito upang tumulong. (Wein 1984:14).
Ang epiko ng Maguindanao ay binibigkas ng paawit sa paraang melismatiko. Ang mga religious
chants ay karaniwang melismatiko rin at gumagamit ng diatonic scale. Mahilig ang mga
Maguindanao sa chants, dalawang uri ang ginagamit nila, una ay ang sindil, ito ay coloristic ang
isa naman ay ang bayok na isa naming syllabic attetrachordal. Ang mga oyayi ay tetrachordal rin
ang anyo. Ang mga kumakanta ng epiko at religious chants ay mga propesyunal na maituturing
samantalang ang mga kumakanta ng oyayi at bayok ay maituturing na kabilang lang sa
pangkalahatan.
PANITIKAN NG SAMAL
Ang Sama/Samal ay isa sa apat na grupong etniko na nasa archipelago ng Sulu. Ang salitang
Sama ay maari raw nagmula sa salitang sama-sama (togetherness). Ang wikang gamit nila ay
Siama/ Sinama na tinatawag ring Bahasa Sama, Bisla Sinama at Pamong Sinama.
Ang tradisyunal na literature ng mga Samal ay binubuo ng kanilang mga naratibong prosa (narrative
prose), katutubong kwento (folk tale) na karaniwang tinatawag bilang kata-kata, isang termino na
karaniwang tumutukoy sa mga trickster tales na madalas isang pusung ang sentrong karakter. Ang
iba pang naratibo na mayroon ang panitikan ng Samal ay ang mga mito, kwento na hayop ang mga
bida, numskull tales, kwentong may mahika, at mganovelistic tales. Mayroong kata-kata ang mga
Samal dahil ito ang nagpapaliwanag sa mga pinagmulan ng pagkain, bituin, pagkabuo ng lupa at iba
pa. May mga kwento rin sila patungkol sa mga dragon, anghel, halimaw, prinsipe at prinsesa.
Isang araw, noong unang panahon, may mga matatandang lalaki na nagsasagwan ng bangka gamit
ang isang matabang sanga, nang masira ang sanga, may tumulong katas at natuklasan nila na itoy
matamis. Sa ganitong paraan nadiskubre ang tubo.
Isang maybahay ang gumagamit ng gatong para sa kanyang niluluto. Nang magsimulang magbaga
ang gatong, tumalsik ang iba nito sa kamay ng maybahay. Nilapit niya ang kanyang kamay sa
kanyang bibig at aksidenteng nalasahan ang gatong, at ito pala ay gabi, na maaaring kainin.
Mayroon isang naga (dragon) na sobrang laki na halos kaya na nitong lumunok ng sampung
kalabaw, nakalalason ang dila at kung ihampas nito ang kanyang buntot ay parang magkakaroon
ng bagyo. Kinain nito ang mga tao hanggang sa isang mag-asawa kasama ng kanilang isang anak
ang natitira. Umakyat sila sa kabundukan upang hilingin sa diyos na bigyang hangganan na ang
kalupitan ng dragon. Di pa sila natatapos sa kanilang pagdarasal ay lumutang na ang dragon ng
napakataas at ito ang naging bituin sa kalangitan. Sa katapusan ng mundo, ang dragon na ito ay
magbabalik upang parusahan ang mga masasama. (Ziegler 1973:117).
Sa mga kwentong pusung palaging naiisahan ni pusung ang mga nakatataas sa kanya. Minsan
binigyan Pusung ang sultan ng cake. Nasarapan ang sultan sa cake ngunit kalaunan ay nalaman
niyang gawa pala ang cake sa buhok ng asong alaga ni pusung. Nagalit ang sultan at dahil dito at
ipinautos na arestuhin si Pusung. Nang malaman ito ni Pusung, sinabihan niya ang mga guwardiya
na ang taong hinahanap nila ay may kulay itim na puwit samantalang siya ay may dilaw na puwit.
Ang mga guwardiya ay nabigong mahuli si Pusung.
Isa pang paboritong trickster ay si Abunnawas, isang matapat na subject sa Jolo. Katulad ni Pusung,
palagi niya ring naiisahan ang Sultan. Isa sa maituturing na tagumpay ni Abunnawas ay ang
pagpapakasal nito sa isa sa mga babae ng sultan, na pinaghirapang ligawan ng sultan.
Isang halimbawa ng novelistic tale meron ang mga Samal ay tungkol sa isang babae na naghiram
ng pera sa kanyang asawa at nagdesisyong umalis patungong ibang lugar upang hanapin ang
swerte. Nanghiram siya sa pitong opisyal ng sultanato, ang: pang-lima, maharajah, urungkaya, datu,
bilal, hatib, at imam. Sa bawat isa ay nangako siyang ibabalik ang hiniram, at kung hindi man niya
ito magawa, ang kanyang sarili ang kanyang ipambabayad. Dumating ang takdang panahon ng
pagbabayad ngunit hindi niya kayang magbayad, kaya nangako siyang makipagkasal sa bawat isa.
Matapos nito ay nagkaroon siya ng pitong aparador na ginto ang labas. Isang gabi, dumating ang
pitong lalaki sa pagitan ng tig-iisang oras. Tuwing may kakatok ay nagtatago ang mga lalaki sa may
aparador sa pag-aalalang baka ang asawa ng babae ang dumating. Matapos ang tatlong araw ay
nabalita na may nawawalang pitong opisyal. Lumapit ngayon ang babae sa sultan at ibinigay ang
mga nawawalang opisyal. Pareho niyang nakuha ang gantimpala para sa mga nawawalang opisyal
at pati na rin ang reward money dahil sa pagsasabi niyang pinilit siyang ipakasal, kahit na alam na
ng mga opisyal na mayroon na siyang asawa.
Ang tradisyong pangmusika ng mga Samal ay kaugnay rin ng mga iba pang grupo na matataguan
sa Sulu. Ang pinakamatnadang uri ng musika ay ang luguh na siyang kinakanta ssa mga banal at
sosyal na pagtitipon. Mayroon itong mabagal at melancholy tune.
PANITIKAN NG MGA TIRURAY
Ang salitang Tiruray ay mula sa salitang tiru na nangangahulugang place of origin, birth o
residence at ang ray naman ay nangangahulugang upper part of a stream or river . tinatawag ng
mga Tiruray ang kanilang mga sarili na etew teduray (Tiruray People).
Ang panitikan ng Tiruray ay binubuo ng mga mito, alamat at mga kwentong ang bida ay ang mga
hayop.
Ang mito ng paglikha ay nakasentro sa isang diyosang nangngangalang Minaden, kung saan
hinubog niya ang mga tao mula sa putik. Matapos gawin nito, nilagay niya ang araw sa gitna ng
himpapawid at lupa, kaya nagkaroon ng umaga. Ang himpapawid ay hinihinalang may
walong layers, ang pinakamataas ay pinamumunuan ni Tulus, na kapatid ni Minaden. Kilala rin sa
iba pang pangalan si Tulus tulad ng Meketefu at Sualla. Gumawa si Minaden ng dalawang tao at
pinalaki ito, ngunit sa loob ng matagal na panahon ay di ito nagkaanak. Bumaba mula sa
himpapawid si Meketefu at nakita na may problema sa pagkakalikha sa dalawa kaya
napagdesisyunan niya na lumikha ng bagong tao mula sa luwad o putik. Di nagtagal ay taong
nalikha niya ay nagsilang ng isang anak, ngunit wala naming pagkain para mabuhay kaya namatay
rin ito kalaunan. Wala pang lupa noon kaya humiling ang ama kay Meketefu na bigyan sila ng lupa,
na siya rin namang binigay. Lumipas ang panahon at ang lupa ay tinubuan ng ibat-ibang klase ng
halaman at gulay. (Patanne 1977:256 and Wood 1957:15-16).
Ang mga Tiruray ay may mga bayani sa kanilang kulturang mitolohiya katulad nila Lagey
Lengkuwos, na tinuturing na pinakamalakas sa kanilang lahat. Sinasabing nakapagsasalita na siya
kahit na nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina. Siya raw ang nagbigay ng bagong buhay sa
mundo na dating ginawa ni Minaden, dahil ang ginawa dati ni Minaden ay puro lupa at bato lamang.
Ayon sa talaan ni Sigayan, ang mga babaeng epic chanters ay nagkukwento ng tungkol kay Lagey
Lengkuwos, Metiyatil Kenogon, Bidek at Bonggo na sinasabing mga naunang taong namuhay sa
mundo. Hindi sila mga diyos ngunit sila ay nererespeto at sinusunod ng mga sinaunang Tiruray.
Nakatira na sila ngayon sa mundo ng mga espiritu.
Ang alamat ng Kung paano nalikha ang mais at bigas ay nagpapaliwananag na ang mga
sinaunang Tiruray na kinakatawan ni Kenogolagey at ng kanyang asawang si Kenogen ay kumakain
lamang ng kamote at cassava. Isang araw, isang matandang lalaki ang bumisita sa kanila at
nagbigay kaalaman hinggil sa mas mainam na pagkain, ang bigas at mais na makukuha lamang sa
nakakatakot na kastilyo ng isang higante sa gitna ng dagat. Dahil sa paying ito ng matanda,
nagpadala si Kenogolagey ng dalawang kaibigan, isang pusa at aso para kunin ang nasabing
pagkain. Dalawang araw silang lumangoy sa dagat at nakita ang pagkain sa may paanan ng
higante. Habang natutulog ang higante, ang pusa ay kumukuha ng mga butil ng bigas at ang aso
naman ay kumuha ng mais, matapos nito ay lumangoy sila pabalik sa pampang ngunit nahulog ng
aso ang mais at napunta ito sa kailaliman ng dagat. Hindi agad natulungan ng pusa ang aso
sapagkat may dala-dala rin siyang bigas. Nang makarating ang pusa sa pampang ay nilapag niya
muna ang nakuhang bigas at saka lumangoy muli para kunin ang nahulog na mais. Sinamantala ito
ng aso at kinuha ang bigas. Bumalik ang aso sa kanilang lugar at ipinagmalaking siya ang
nakakuha. Nang makaligtas ang pusa ay bumalik ito sa kanilang lugar at sinabi ang buong
katotohanan. Nagalit ang aso at sinugod ang pusa, ngunit nakatakbo ang pusa. Kahit na nagkaroon
na ng bigas at mais sa kanilang lugar, doon naman nagsimula ang awayan ng asot pusa.
Katulad ng Pilandok (mouse deer), ang pagong sa mga kwento ng Tiruray ay mapanlinlang at
makulit. Sa kwentong Ang Pagong at ang mga unggoy, ang pagong ay nakipagkita sa isang
manok na ipinagmamalaki na hindi niya na kailangan pang magpagod upang makahanap ng
pagkain dahil nakahanap siya ng maraming palay. Nainggit ang pagong sa manok at sinabihan itong
namumula ang mata niya, isang palatandaan ng matinding sakit na maaari niyang ikamatay.
Naniwala ang manok sa sapantaha ng pagong at itoy ikinatakot niya. Kumuha siya ng dagta
ngtegef at inilagay niya ito sa kanyang mga mata. Tumigas ang dagta, at nataranta ang manok kaya
siyay nahulog kung saan ang ulo niyay pumasok sa isang butas na tinitirahan naman ng isang
talangka. Kinain ng talangka ang dagta sa mata ng manok na naging dahilan upang itoy maging
malaya muli at nagdesisyon itong maghiganti sa pagong. Samantala, ang pagong ay naglalaro sa
may halamanan ng rattan at inaya rin ang unggoy na maglaro. Di nakayanan ng halaman ang bigat
ng unggoy at itoy nahulog sa bangin at namatay. Kinuha agad ng pagong ang utak, tenga at puso
ng unggoy. Isa pang unggoy, si Dakel-ubal ay abala sa pagtatanim ng palay at tinanong ang pagong
para sa isang nganga. Nakilala ni Dakel-ubal ang labi ng unggoy at tinawag ang iba pa nitong
kasamahan at sinentensiyahan ang pagong na mamatay sa paglunod dito. Sa tubig, pinagtawanan
lamang ng pagong ang unggoy. Nagalit ang mga unggoy at nakiusap sa isang nilalang na
nagngangalang Ino-Trigo na sipsipin ang lahat ng tubig papunta sa tiyan nito. Ginawa naman ito ni
Ino-Trigo at nakita nila ang pagong na nagtatago sa likod ng mga sanga. Nang makita ng manok
ang pagong, tinuka niya ito sa mata ngunit nabigo siya at ang natuka niya ay ang tiyan ni Ino-Trigo,
nabutas ang tiyan nito at lumabas ang lahat ng tubig na siyang nagdulot ng pagkalunod ng manok at
ng mga unggoy.
Maraming uri ng kanta ang mga Tiruray na nababagay sa ibat-ibang okasyon. Ang balikata ay
isang awit na mayimprovised text na kinakanta sa tradisyunal na melodiya na ginagamit rin sa mga
debate at pakikipag-usap. Angbalikata bae ay kilalang oyayi samantalang ang lendugan naman ay
isang awit ng pag-ibig, isang patulang paglalarawan sa kagandahan ng ligawan, na inihahambing rin
sa mga bulaklak. Minsan, inilalarawan rin nito ang uri ng pamumuhay meron ang mga Tiruray.
Ang binuaya ay isang kantang naratibo na nagkukwento tungkol sa mga mahahalagang pangyayari
sa nakaraan. Ang siasid ay isang dasal na inaawit na inaalala ang mga biyayang binigay ni Lagey
Lengkuwos at ng espiritu ng kalikasan na sina Serong at Remoger. Ang foto moto ay isang kanta
na wariy nanunukso na siyang itinatanghal tuwing may kasal. Ang meka meka ay awit ng katapatan
na kinakanta ng babae sa kanyang asawa.
PANITIKAN NG MGA YAKAN:
Ang mga Yakan ay ang pinakalamaking grupo ng Muslim sa Basilan. Tinatawag sila ng mga
Espanyol na Samecas at itinuturing silang maiilap at palaban na taga-bundok (Wulff 1978:149;
Haylaya 1980:13).
Ang mga Yakan ay nagtataglay ng katangian ng mga Malay at nagsasalita ng wikang Bahasa
Yakan, isang baryasyon ng Samal Sinama o Siama at ng wika ng Tausug (Jundam 1983:7-8).
Sinusulat ito sa Malayan Arabic Script na may adaptasyon sa tunog na hindi maririnig
sa Arabic (Sherfan 1976).
Ang pinaka-prominenteng halimbawa ng literature ng Yakan ay mga alamat. Dalawang
magkaugnay na alamat ay ang kwento ng paglikha ng mundo at tao. Una ay kadiliman lamang ang
mayroon at nilikha ng Diyos ang liwanag, sunod ay ang tubig at mga puno na nagbunga ng 7.7
milyon na prutas. Sunod na nilikha ng Diyos ay ang mga ibon na mangamatay matapos kainin ang
huling prutas. Pagkatapos ng pagkamatay ng ibon, nilikha ng Diyos ang 70 Adan na may 70 taon na
buhay. Ang huling Adan ang ating ninuno.
Nilikha rin ng Diyos ang mga bundok. Si Adan umakyat sa pinakamataas na bundok at
napagtantong wala pa siyang asawa at humiling sa Diyos na bigyan siya. Nagpakita ang isang
espiritu at sinabihan siyang bumalik sa biyernes. Nang dumating ang araw na iyon, gumuhit ng anyo
ng isang babae at sinabi kay Adan na ito ang kanyang magiging asawa. Matapos ay inatasan si
Anghel Gabriel na patulugin si Adan at kumuha ng laman sa kanyang tadyang na sa kalaunan ay
naging si Sitti Hawa ( Eve). Inutusan ng Diyos si Adan na bigyan ng regalo ang kanyang asawa. Ang
regalo na ibinigay ni Adan ay isang pormula: La Ilaha Illahah na nangangahulugang Walang ibang
Diyos kundi si Allah. Nagkaroon sila ng apat na anak, dalawang lalaki at dalawang babae. Ang
dalawang lalaki ay sina Kain at Habil. Mula sa kanila umusbong ang dami ng tao.
Ang isa pang kwento ay tungkol naman sa pinagmulan ng mga Yakan. Nagkaroon ng isang delubyo
at sa kanluran naman, isang yakal ang nahati na siyang naglalaman ng unang tao sa Basilan. Sa
silangan ay may kabundukan na tinatawag na Tong Magtangal. Mula sa punso ay lumabas ang
unang babae sa Basilan. Nagkita ang dalawa, nag-ibigan, at nagkaroon sila ng apat na anak. Ang
panganay na babae ay si Kumalang, na ipinangalan mula sa isang ilog na tinatawag na Bohe
Kumalang na nasa kanluran. Sa hilaga nanirahan ang kanilang anak na lalaki na si Gubawan, na
hango rin sa pangalan ng ilog. Sa timog-silangang parte ng isla nanirahan ang isa pa nilang anak na
lalaki na si Tumahubong, na mula sa ngalan ng ilog. Ang huling anak na lalaki na si Basilan ay
ipinangalan mula sa ilog na Bohe Basilan sa may silangan.
Isang araw, isang negosyanteng nagngangalang Julol mula sa Borneo ang dumating at umibig kay
Kumalang. Ang mga magulang ni Kumalang ay pumayag na ipakasal sila sa kondisyon na
makakapagdala si Julol ng mga binhi ng mangga, niyog at marang na nagawa naman niya, kaya
ang Basilan ay sagana sa mga prutas na ito (Sherfan 1976).
Ang pinakapopular na katutubong kwento ay tungkol sa mga hayop. Isang halimbawa ay ang
kwento sa suliranin sa pagitan ng mga unggoy at paru-paro. Isang araw ang mga paru-paro, bibe at
ibon ay nagsagwan gamit ang isang malaking dahon at tubo naman bilang batangan. Isang unggoy
ang kumain sa tubo kaya naman ang mga nasa dahon ay tumaob. Nagalit ang mga ibon at
tinanggihang tulungan makapunta ng pampang ang mga unggoy, ngunit nakumbinsi ng mga unggoy
ang isang paru-paro. Nang makaahon sa pampang ang unggoy ay tinapakan niya ang paru-paro
hanggang sa mamatay ito. Nagalit ang iba pang mga paru-paro at kalaunan ay nagkaroon ng
digmaan. Nangamba ang mga paru-paro dahil sa silay maliliit lamang ngunit nakaisip ang pinuno ng
mga paru-paro. Dumapo sila sa ilong ng mga unggoy at lumipad kaagad kaya naman ang mga
unggoy ay nagkatamaan. Namatay ang mga unggoy maliban na lamang sa isang buntis kaya
naman di nagtagal ay dumami muli ang mga unggoy (Eugenio 1989:42-43).