Professional Documents
Culture Documents
Maikling Kwento
Maikling Kwento
Isang gabi, napakislot sa pagkakahiga ang persona ng maikling kwentong ito (may-akda) nang
marinig na naman niya ang daing ng kanyang masakiting ama mula sa silid nito. Nagbalikwas siya
para tunguhin ang silid ng kanyang ama, subalit nagbaga na naman ang kanyang damdaming hindi
maipaliwanag. Nang buksan niya ang kanyang pinto, nakita niya ang kanyang ina at sa pamamagitan
ng tingin nito'y alam na niya ang dapat gawin. Pumunta siya sa lansangang-bayan para tawagin si Dr.
Santos. Sumama naman ang doktor para tingnan ang kalagayan ng kanyang ama. Matagal ng may
sakit ang kanyang ama ngunit hindi rin lubusang gumaling dahil sa lagi nitong sinusuway ang bilin ng
doktor. Kung paalalahanan naman ng kanyang ina, nagagalit ang kanyang ama dahil alam daw nito
ang kanyang ginagawa. Dahil tanging lalaking sa pamilya, ay inako na niya ang tungkuling tumawag
ng manggagamot sa anumang oras naroroon siya tuwing maririnig niya ang daing ng kanyang ama.
Iyon ay isang gawain na matapat na niyang nagagampanan matapos ibinilin sa kanya ng mga kapatid
ang kalagayan ng kanilang ina nang nagsisama ang mga ito sa kanilang napangasawa sa Kabisayaan.
At ito nga ang kanyang ginagawa, ang tulungan ang ina sa pag-aalaga sa kanyang ama. Lubos na
lamang ang kanyang pagtataka kung bakit nasabi ng kanyang mga nakakatandang kapatid na siya na
ang bahala sa kanilang ina. May mga bagay siyang hindi nalalaman na tanging mga kapatid lamang
niyang nakakatanda ang nakakaalam mula sa kanilang pinag-uusapan. Ngunit nabuo na sa isip nito
ang pinag-uusapan nila, sapagkat sa ibang umpukan sa maliit na pamayanang iyon, ay narinig niya:
Ang kanyang ama, si Ading at isang sanggol. At sa isip niya, marahil ay marami pang Ading at marami
pang sanggol sa buhay ng kanyang ama.
Ang mga luhang nakikita niya sa kanyang ina, ang hinanakit ng kanyang mga kapatid sa ama, ang
natuklasang katotohanan tungkol sa ama at kay Ading at sa sanggol ay ang mga rason marahil kung
bakit nakakaramdam siya ng isang damdaming dayuhan. At iyon nga ang kanyang nararamdaman sa
tuwing makikita niya ang ama sa silid nito at tila ba isa siyang dayuhan sa pook na iyon.
Nang marating na niya at ni Dr. Santos ang kanilang bahay, nakita niya ang ina at dalawang
nakakabatang kapatid sa pinto ng silid ng kanyang ama. Pumunta siya sa sariling silid ngunit muling
nagbalikwas ng marinig ang mga hirap na paghingal at pigil na pag-iyak. Nasalubong niya si Dr.
Santos at sinabihan na maiwan nalang at huwag na siyang ihatid dahil kakailanganin daw siya. Mula
sa mga sinasabi ng kanyang ina, iyakan ng mga kapatid hanggang sa nakaratay na ama, napagtanto
niyang nalalapit na talaga ang oras ng kamatayan ng kanyang ama. May kumurot sa kanyang laman,
at bigla ay nadama niyang kilala na niya ang silid na iyon at lumapit siya siya sa ama.
Walang panginoon
Deogracias rosario
Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Marcos na sukdulan ang galit sa mayamang asenderong si Don
Teong. Si Don Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa sama
ng loob ang ama, dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita, anak ni Don
Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay galit kay Don Teong, kung hindi lang dahil sa
ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong. Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi
lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao. Sina Marcos
ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito'y kanilang minana sa kanilang mga
ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang karapatan, napipilitan silang magbayad sa kanilang
sariling pag-aari. iyan ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid. Namatay silang punungpuno ng sama ng loob kay Don Teong na matagal nilang pinagsilbihan. Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don
Teong nang malaman niyang ang ahilan ng pagkamatay ng kaniyang kasintahang si Anita ay si Don Teong.
Sinaktan ni Don Teong si Anita na siyang ikinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang mahal sa buhay ni Marcos,
hindi katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot na tunog ng kampana. Hidni pa aman
humuhupa ang galit niya, siya namang pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinaaalis na sa
kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong pagbubukid.
Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang tinitihan. Alam niyang ang
mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay kagagawan ng mapangsamantalang si Don Teong. Dahil sa galit na
nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng paraan kung paano siya makakapaghiganti dito.
Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong at kaniyang pinahihirapan ang kaniyang paboritong alagang
kalabaw. Ginawa niya iyon upang magalit ang kalabaw sa imahe ni Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos
ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa bukid si Don Teong nag hapong iyon. Pinakawalan
niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin
ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan, huling araw na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nagiimpake
na sila ng kanilang mga gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay na si Don Teong. Mahinahong
pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad ng dati na ayaw na ayaw niya itong
marinig. Sa halip na ipanalangin niya ang kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kaniyang
matapang na kalabaw.
nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko
para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang
mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng
makapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas.
Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang naiwan sa akiy pagbabasa ng
mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito-ito lamang
ang nagiisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay
lalo nang nagging kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay kot kaluluwa.
Subalit dumating ang kaibigan kot tagapagligtas-ang Diwa ng panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang
mga yabag niya. Nayanig sa paglapit niya ang palalot matatag na balangkas ng mga lumang tradisyon.
Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba namay pilit at bahagya lamang ngunit
bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-inanyayahang panauhin.
Sa wakes, nakita kong muli ang mundo sa labas nang akoy maglabing-anim na taon. Salamat sa Diyos!
Malalabasan ko ang aking kulungan nang Malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis
pang sumunod ang mga pangyayari nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming kalayaan.
Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang Prinsesa (bilang Reyna Wilhemina ng
Netherland), opisyal na inihandog sa amin ng mga magulang naming an gaming kalayaan. Sa kaunaunahang pagkakataon sa aming buhay, pinyagan kaming umalis sa bayan naming at pumunta sa siyudad na
pinadarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakila tagumpay iyon! Ang maipakita ng mga
kabataang babaeng tulang naming ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang mundo
nagging usap-usapan ang krimeng iyon na ditoy wala pang nakagagawa. Nagsaya an gaming mga kaibigang
European, at para naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan.
LAgi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring makapamista, o malibang. Hindi
iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo ng magisa, mag-aral, hindia para mapailalim sa sinuman, at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan.
Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang
magagawa ng isang babaeng Muslim. Ito ang pinakamalaking maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa
kanyang pamilya.
At ang pag-aasawa para sa amin-mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga ba
hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at
hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwagay para sa kanya lang?