Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Pista ng Pagtakas sa Realidad at Problema 1

Oktubre 13, 2016


Pan Pil 12 THX1

Pista ng Pagtakas sa Realidad at Problema

Sa dami ng isla na bumubuo sa Pilipinas, napakaraming pista ang idinaraos sa ibat ibang
sulok ng bansa sa loob ng isang taon (Rosca, 13). Ang ilan sa mga kilalang pista ay ang Pista ng
Panagbenga sa Baguio, Flores de Mayo, Sinulog sa Cebu, Ati-Atihan sa Aklan, Ligligan Parul sa
Pampanga, Pahiyas, Ibalong, Sayaw sa Obando, at iba pa. Noon pa man, ang pagdiriwang ng
pista ay bahagi na ng kulturang Pilipino. Ang mga pista, malalaki at dinadayo man, o maliliit
lamang na nasa mga baryo sa ibat ibang sulok ng bansa, ay mahalaga. Taliwas sa alam ng
marami, ang mga pagdiriwang na ito ay narito na bago pa man dumating ang mga mananakop na
Kastila; binago ng mga misyonero ang mga orihinal na kahulugan at mga sentro ng pagsamba ng
mga pista ng katutubo at sa halip ay ginawang sentro ng mga pagdiriwang ang mga santo ng
katolisismo upang mapalaganap nito (GMA News and Public Affairs).
Ang mga pista ay masasabing isang anyo ng entertainment at pagalala sa kulturang
Pilipino at isang masaya at magalang pagdiriwang. Ngunit ang nakita ko sa nobela sa aking
pagbabasa ay ang pagtago at pagtakip ng mga tao at Pilipino sa kanilang mga tunay na
naramdaman noong panahon ng martial law hanggang sa post-martial law, kasama na ang sarisarili nilang problema dahil dito, sa pamamagitan ng pagdaraos ng pista sa isla. Ito ay
masasabing isang pamamaraan ng pagtakas sa realidad bukod sa mga dayuhan at mga Pilipino
na nagdiriwang mismo ang mga bida, sina Adrian, Anna, at Eliza, ay pumunta sa pista sa pag-

Pista ng Pagtakas sa Realidad at Problema 2


asang maging masaya muna at makalimutan ang kanilang mga hinarap o hinaharap sa kanilang
buhay.
Una muna ano ba ng pag-eskapo o pagtakas mula sa realidad? Ito ay isang gawain o
entertainment kung saan ang isang tao ay nabibigyan ng paraan upang makalimutan ang totoong
problema sa tunay na buhay (Merriam-Webster). Madalas na isipin na ang pagtakas sa realidad
ay isang negatibo na termino sa ngayon, dahil ang kahulugan na nakakabit dito ay hindi kaya ng
tao na tanggapin ang katotohanan sa tunay na mundo (Tuan, xvi). Sa kabila ng negatibong panig
ng pag-eskapo, mayroon naman itong positibong panig, dahil lahat naman tayo ay gumagawa
nito tumatakas tayo paminsan-minsan mula sa mga gawain, dahil napapagod din naman tayo o
gusto natin na matanggal muna panandalian ang mga inaalala natin sa buhay (Warmelink et al.,
3).
Naipakita ang hinaharap ng mga napaghihinalaang tao sa kamay ng militar sa bahagi
kung saan magkasama sina Eliza at Koronel Urbano Amor. Ang mga traydor ng gobyerno ay
inilalagay sa compound o base ng mga militar, tinatanong ukol sa gerilya o pagrebelde, at
madalas ay pinapatay pagkatapos. Hindi rin ligtas ang mga babae o kabataan mula dito hindi
man sila pinapatay, ikinukulong naman sila sa bilangguan (Rosca, 52). Mayroon ding the box
o ang lugar kung saan ibinubukod ang isang tao, ang romance room kung saan masinsinang
tinatanong ang isang pinaghinalaan nilang tao sa marahas na paraan at pagpapahirap nang labis
hanggang sa magsalita na ang tao sa nalalaman nito (Rosca, 56). Ipinakita rin dito ang paghihirap
na pinagdaanan ni Anna hinubaran siya, kinuryente, sinuntok, sinampal, sinipa, diniinan ng
puwit ng sigarilyo, sinabunutan ng paulit-ulit; paulit-ulit ito na ginawa sa kanya hanggang sa
wala na talaga silang makuhang impormasyon mula kay Anna at dinala siya sa detention center
(Rosca, 67). Sa dami ng mga tao sa rebellion laban sa gobyerno, napakaraming sibilyan ang

Pista ng Pagtakas sa Realidad at Problema 3


nadamay mahigit kumulang sa 5,000 na katao ang na-detain dahil sa paghinala na
pakikipagsabwatan o pakikisimpatya sa mga kasali sa rebellion noong 1976 (Wurfel, 6). Daandaang tao rin ang naharap sa labis na pahirap sa kamay ng militar (Wurfel, 6). Sa hirap na
dinanas ni Anna, itinago niya sa kaloob-looban ng kanyang puso ang mga tunay na
nararamdaman niya buhat ng mga karanasan niya sa kamay ni Koronel Amor. Marahil ay
naramdaman ni Adrian ang paghihirap ni Anna, at dahil mahal niya ito, nais niya na maging
masaya siya kahit paano; kaya naman ay naisipan niya na pumunta sa isang masayang lugar
kung saan maaring makatakas mula sa mga masakit na alaala ang pakikipag-diwang sa pista sa
K. At maging si Adrian, na koneksyon sa may kapangyarihan, ay hindi rin nakatakas sa
kamay ng interogasyon militar umabot pa sa punto na tinurukan siya ng gamot upang magsalita
ukol sa mga nalalaman niya.
Sa pangalawang araw pa lamang ng pista, naka dalawampung libo na ng alak, limang libo
ng Archangel gin, at isang libo ng wine, whiskey, rum, at iba pa (Rosca, 333). Ang Archangel gin
na ginawa ng mga Capuchin ay nagbigay ng kaaliwan sa mga napipighati, kapayapaan sa takot,
at sa pangkalahatan ay tinugis and mga demonyo ng kalungkutan (Rosca, 261). Hindi kakaiba na
gawing pamamaraan ng pagtakas sa realidad ang pag-inom. Madalas na umiinom ang mga tao
kapag may kasiyahan at pati na rin kapag labis na nalulugmok at nalulungkot. Napakarami nang
nainom ang mga tao at Pilipino sa pista, at ito ay mahahalata sa unang parte ng nobela kung saan
ang mga inumin ay dala-dala ng mga tao habang sila ay sumasayaw, at ang mga ito ay
pinagpapasa-pasahan sa mga nakikita at naiimbita nila. Nanggaling na mismo sa paanunsiyo ng
mga Capuchin ang nagagawa ng pag-inom nagbibigay ito ng kasiyahan sa mga taong
naghihirap at nagbibigay ng kaginhawahan sa takot. Iyon naman talaga ang nagagawa ng pag-

Pista ng Pagtakas sa Realidad at Problema 4


inom, ngunit ito ay pagtakas lamang habang umiinom ka nito dahil kapag hindi ka na umiinom at
hindi ka na lasing, liliwanag na ang iyong pag-iisip at maibabalik ka na sa realidad.
Naitanong din ni Eliza kay Adrian kung bakit nga ba ulit sila dumayo sa pista na tila bang
may pag-aalinlangan sa layunin. Sa dami ng ginawang pagsasayaw sa plaza at pag-inom ni Eliza,
naitanong niya pa kay Adrian ang Why did we come here? What are we doing here? (Rosca,
50) at sa kanyang pagtanong na ito, marahil ay kahit na nakatakas siya sa realidad ng
panandalian, ninanais na niyang makabalik sa totoong buhay dahil sa pag-aalala niya para kay
Anna.
Isa pa maaring iugnay sa pag-eskapo ang pagsagawa ng Penitensya na parte rin ng
pista, ay masasabing isa ring pamamaraan ng pagtakas sa realidad dahil sinasaktan nila at
pinapadugo ang kanilang mga katawan upang makahingi ng kapatawaran sa diyos mula sa
kanilang mga kasalanan at problema sa buhay sa halip na harapin ang mga problema nila at magisip ng solusyon upang maayos ito. Nabanggit ni Eliza na ito daw ay Pain to drive other pains,
at ang tingin naman ni Anna tungkol dito ay Stupid. Why not just remove whats causing all the
other problems? (Rosca, 143). Sang-ayon ako kay Anna dito. Sa halip na takas an ng mga nagpenitensya ang kanilang mga problema, mas mainam na harapin na lang nila ang realidad na
dapat ay ayusin nila ang kanilang mga problema. Kung lalakasan lamang nila ang kanilang mga
loob, sigurado na may mararating na katapusan sa problemang kanilang hinaharap.
Nagtaka rin ako kung bakit kahit na kapansin-pansin na maraming mga sundalo na may
mga dalang baril ang nakakalat sa isla, tuloy pa rin ang madla sa pag-daraos ng pista. Tila ba
nakapako ang pag-iisip ng mga tao sa pista, sa kasiyahan lamang, at hindi nila iniinda kung may
mangyaring masama sa kanila dahil nga darating ang Commander at magbibigay ng pahayag.
Siyempre ay hindi lahat ay binabaliwala ang kapaligiran, at kasama dito ang mga pangunahing

Pista ng Pagtakas sa Realidad at Problema 5


karakter ng nobela. Pagkatapos na pagkatapos ng Latin na misa, dali-daling bumalik agad ang
mga tao at inihagis muli ang mga sarili nila sa pista at tinuloy ang pagsasayaw kahit na wala na
ang tunog ng tambol at ang mga boses ng hiyawan lamang ang gamit nilang musika (Rosca,
361). Ang hindi pag-inda ng mga tao sa nakapaligid na diktador ay isang anyo rin ng pagtakas sa
realidad na mismong nasa harap na nila.
Sa kinalaunan, sina Eliza, Anna, at Adrian din ay patuloy na sumama sa pista hinayaan
nila ang kanilang mga sarili na magambala ng mga atraksyon sa pista at magpakasaya gaya ng
mga pamilihan sa plaza at iyong matabang lalaki na umaarte na parang sanggol (Rosca, 363).
Binanggit din ni Manolo ang mga salitang ito kay Anna: You sing songs to forget. Peasant
songs. But you never forget, (Rosca, 372). Ang pagkanta ng mga Pilipino sa pagdaraos ng pista
ay ginagawa nila upang makalimot, kahit na hindi naman talaga nakakalimutan ang mga
pangyayari at pagtakas lang sa problema ang nagagawa nito.
Habang papalapit na sa katapusan ang nobela, para bang kinakaladkad ng pista ang
kanyang sarili tumalon ng mas mataas ang mga mananayaw, mas humigit ang siklab ng tugtog
ng mga tambol, at ang mga mandirigma ng pista ay naging mas birtuoso sila ay naging mas
desperado (Rosca, 364) hanggang sa dumating ang Commander at lumusob mismo ang Pista
(ang mga tao) (Rosca, 367). Kung ang tao mismo ay ang Pista, at sila ay nilusob ang minibus na
sinakyan ng Commander, maaring isipin na ang ginawa nilang ito ay pagharap sa kanilang mga
problema sa realidad, kahit na marami sa kanila ang nasugatan at namatay.
Sa aking palagay, ang nais iparating ng awtor sa bandang huli ng nobela ay ito: Ang
mahabang kasaysayan ng Pilipinas ay puno ng pira-piraso ng ibat ibang bansa na pinagtagpitagpi; ito ay dapat hindi kalimutan at hindi dapat balewalain kahit ang galit sa kawalan ng mga
Pilipino at ang mga kasinungalingan ng mga proklamasyon ng Commander ay kumapal na; kahit

Pista ng Pagtakas sa Realidad at Problema 6


magpatong-patong na ang mga batas at dokumento na ipinapasa at magkapulupot na ang
kanyang kapangyarihan na nagbuhol sa Pilipinas hindi matutumbasan ng pagtakas ng mga tao
sa pagdaraos ng Pista (ang labis na pag-inom ng gin at rum at Coca-Cola, pati na ang pagkawala
ng tao sa ritmo ng mga tambol at pagsayaw sa daan) ang ginawa ni Marcos habang tayo ay nasa
ilalim ng kanyang pamamahala, at lalo nang hindi nito matatakasan ang sarili nating kasaysayan
(Rosca, 339). Hindi dapat pinahirapan at natali ang mga mamamayang Pilipino sa ilalim ng
diktador.
Napakamapanuya nga lamang ang mga naganap sa nobela dahil kahit na ang mga tao at
Pilipino ay tumatakas sa totoong buhay sa pagsama sa pista, mapapansin din andoon pa rin,
nakasingit pa rin ang mga military dito ang pagbanggit ng mga M-16 na baril, mga nakakalat
sa lugar naka-berde, ang Loved One, ang Rebolusyon, ang pagdating ng Commander Na tila
ba sinasabi na kahit ang tao ay gusto talagang tumakas kahit sa panandaliang oras lamang sa
martial law, hindi nila ito tuluyang magagawa dahil nakabantay pa rin ang realidad sa kanila.
Hindi sila mabibigyan ng ganap na kalayaan mula sa alaala ng martial law. Mamamalagi at
mamamalagi ang alaala ng mga Pilipino dito, at hindi ito mawawala o matatakasan Sa simula
pa lamang ay hindi dapat tinatakasan ito. Sa halip na takasan, ito ay dapat harapin. Tingin ko ay
tama ang ginawa nila lumaban sila at hindi nanatili sa pagtakas mula sa problema at realidad.

Pista ng Pagtakas sa Realidad at Problema 7

Mga Siniping Akda


GMA News and Public Affairs. "Pagdiriwang Ng Pista, Bahagi Na Ng Kulturang Pilipino Bago
Pa Dumating Ang Mga Kastila." Balitanghali. GMA News and Affairs. 30 Apr. 2012. GMA
News

Online.

Web.

12

Oct.

2016.

<http://www.gmanetwork.com/news/video/118186/balitanghali/pagdiriwang-ng-pista-bahagi-nang-kulturang-pilipino-bago-pa-dumating-ang-mga-kastila->.
Rosca, Ninotchka. State of War. Pasig City: Anvil Publishing, Inc.: 1989
Tuan, Yi-fu. Escapism. Baltimore, MD: Johns Hopkins UP, 1998. Web. 12 Oct. 2016.
Warmelink, Harald, Casper Harteveld, and Igor Mayer. "Press Enter or Escape to Play:
Deconstructing Escapism in Multiplayer Gaming." Breaking New Ground: Innovation in Games,
Play, Practice and Theory. Proceedings of DiGRA (2009): n. pag. ResearchGate. Web. 12 Nov.
2014.
<http://www.researchgate.net/publication/255639116_Press_Enter_or_Escape_to_Play_Deconstr
ucting_Escapism_in_Multiplayer_Gaming>.
Wurfel, David. "Martial Law in the Philippines: The Methods of Regime Survival." Pacific
Affairs 50.1 (1977): 5-30. Web.

Pista ng Pagtakas sa Realidad at Problema 8


"Escapism."

Merriam-Webster.

Merriam-Webster,

<http://www.merriam-webster.com/dictionary/escapism>.

n.d.

Web.

12

Nov.

2014.

You might also like