Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MODYUL 6: PAGHAHANDA NG TEORETIKAL AT KONSEPTONG BALANGKAS

PAGPAPAKAHULUGAN:
Teorya- pormal na mga ideya; layuning magbigay explanasyon tungkol sa isang bagay; ito ay mga pansamantalang
kaalaman tungkol sa isang paksa
Hal. Big Bang Theory- layuning bigyan tayo ng eksplanasyon kung paano nabuo ang ating mundo
Konsepto- pangkalahatang ideya; ito ay may pinag-uusapang paksa ngunit hindi ito partikular sa isang bagay lamang.
Sakop niya ang buong lawak ng isang tema, kung kayat ito ay pangkalahatang ideya
Hal. Mathematical Concepts- sakop na ang geometry, algebra, trigonometry at iba pa, ngunit galing sa isang puno
lamang itong mga ito.
Balangkas- sa madaling salita, isa itong gabay/outline. Ito ay maayos na paghahanda ng ulat sa pamamagitan ng pagsulat
ng mga mahahalagang punto hinggil sa isang paksa; maihahambing sa blueprint ng isang enhinyero.

A. KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


a. Kaugnay na Babasahin- Ang mga pangunahin mong mga pagkukuhanan ay ang mga batas at ang mga direktiba/
officers ng isang departamento. Ito ang mga pangunahing pagkukuhanan dahil ito ay mga legal na basehan.
b. Kaugnay na Literatura-Kahit anong nakalimbag na materyal na tumtalakay sa isang mahalagang paksa at itinuturing
itong parang sining. Ito ay tumtugon sa ma umiiral na sitwasyon.
Hal. Tula, fiksyon, magasin, journal, etc.
a.1 Pangkalahatang Sanggunian-pangunahing kinakailangan. Ito ay ang index kung saan nakalagay ang
awtor, pamagat, lugar ng pinaglimbagan ng artikulo, etc.
a.2 Pangunahing Sanggunian- direktang ibinabahagi ng awtor ang kanyang mga natuklasan sa pag-aaral
na ito
a.3 Pangalawang Sanggunian- inilalarawan ng isang may-akda ang resulta ng pananaliksik ng ibang
awtor
c. Kaugnay na Pag-aaral-unpublished material. Ito ang mga tesis, manuskrito o disertasyon na naisasagawa at may
kaugnyan sa mga kasalukuyang pag-aaral
*KAHALAGAHAN NG MGA KAUGNAY NA LITERATUA AT PAG-AARAL

Natututulungan ang mananaliksik upang magaling na magsiyasat hinggil sa kanyang research topic
Nagbibigay direksyon sa balangkas na gagawin at disenyo o metodo na gagamitin sa pananaliksik
Nagbibigay impormasyon na susuporta at magpapatibay sa mga natuklasan na pag-aaral

*KATANGIAN NG MABUTING REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL- TOMB

Tama- ito dapat ay tama at mapagkakatiwalaan, kung hindi, ito ay isang paglabag sa ating tinatawag na
intellectual honesty

Obhektibo- ang isang pananaliksik ay dapat malagyan ng impormasyong galing sa mga tiyak na mga pag-aaral at
kaalaman. Hindi dapat ilagay ang mga sariling opinyon. Kung ang mga opinyon ay ilalagay ang kanyang
pananaliksik ay maituturing biased
Mahalaga- ito dapat ay may pinag-uusapang suliranin sa ating lipunan na kailangan ng isang solusyon
Bago- dahil ang ating lipunan ay palaging nagbabago, marami tayong nakukuhang bagong kaalaman. Ang mga
bagong kaalamang ito ay kailangang bahagi ng isang pananaliksik

B. SINTESIS
-ipinapakaita rito ang pagkakaugnay ng kasalukuyang pag-aaral at mga pag-aaral ng binabalikan
C. TEORETIKAL AT KONSEPTAL NA BLANGKAS
TEORETIKAL
KONSEPTWAL
Teorya
Konsepto
Legal na basehan
construct
Hango sa mga abstraktong mga konsepto
Layuning bigyang katwiran ang suliranin ng pananaliksik
D. MGA BARYABOL-mga konseptong may pagkakaiba sa pagitan ng mga pangkat
*Constant- hindi maaaring magkaiba

MALAYANG
BARYABOL

DI-MALAYANG
BARYABOL

Inaasahang dahilan
o sanhi

Inaasahang
resulta

Sa madaling salita, and dependent na baryabol ay nakadepende sa kung ano ang nagagawa ng independent na
baryabol sa kanya.
*intervening variable- baryabol na pumapagitan sa independent at dependent na baryabol
*moderator-sekondaryong baryabol na pinipili para sa pag-aaral upang matukoy kung ito ay nakaaapekto sa
ugnayan ng independent at dependent na baryabol.
Hal. Nais na isang mananaliksik malaman kung ano nga ba ang kurso na pipiliin ng isang estudyanteng may mataas na
grado sa byolohiya ngunit mababa sa iba. Pagtutuunan rin ng pansin ng mananaliksik kung ang paaralan kung saan siya
nanggaling ay pribado o pampubliko.
Independent- mataas na grado sa byolohiya ngunit mababa sa iba; Dependent- kurso na pipiliin; Moderator-paaralan
kung saan siya nanggaling ay pribado o pampubliko

Kung mas maraming oras ang iyong igugugol upang makagawa ng isang balangkas at matukoy ang mga baryabol,
mas magiging madali ang proseso para sa iyo

You might also like