Panulaan Sa Panahon NG Aktibismo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PANGALAN: HERMAN, ANOVA RAISET DAFFODIL G.

SUBJECT: LITERATURA NG PILIPINAS: TFR 7:00AM 9:00AM


GURO: PROF. MARICHU FALSARIO

ANG PANULAANG FILIPINO SA PANAHON NG AKTIBISMO


Masasabing halos nagtatagay ng tatlong katangian ang mga tulang naisulat ng mga
batang akata at mananalumpati sa panahong ito ng aktibismo.
1. Pagmamasid at pagsusuri sa kalagayan ng bayan
2. Pagsisiwalat ng mga katiwalian at dayukdok na pagpapasasa ng mga
nanunungkulan at;
3. Tahasang masasabing labag sa kagandahang asal na panunungayaw at
karahasan sa pananalita
ANG MGA SUMUSUNOD AY ILAN LAMANG SA NAGING AKDA SA PANAHON NG
AKTIBISMO:
Ilang saknong mula sa tula ni Rio Alma na nagpapahayag ng matimping pagngngalit ng
damdamin:
Marahil dahop ang diwa ko upang isaulot ipaliwanag
Ang panaginip at kamatayan ng sanlaksang anak pawis
Saksi ako sa palahaw ng mga dalagitang tila kinakatay na baboy habang ginagahasa
ng mga hayok na pulitikot negosyante
Sa sabuyan ng putik ng mga kongresistang pagkuwan, kapiling ang kani-kaniyang
alipures at tagapayong Puti ay nag-uunahang ibenta ang bayan
Ano ang silbi ng kabayanihan? Ng limos na laurel at ginto? Ipangalan sa iyoy isang
kalyeng baku bako o kayay lumuting monumentong ihian ng mga lasenggo

Ang pagkadakila sa mga mahihirap o anakpawis ay umabot din sa taluktok ng


panahong rebolusyong pangmasa.
Narito ang pagpapatunay mula sa ilang saknong ng mga tula ni Federico Licsi Espino
na sinulat niya sa wikang Ingles.

Hands that broadcast sweat

Why should they who roast

Brandish placards of protest

The suckling grow lean on verbiage?

In the hacienda of Negros

Why should they who pant and grind

Sugar Cane turns bitter

The corn grow thin on grit and homing

In the rice granaries of Luzon

Strike! Strike! Strike!

Hatred hammers sickles

A dormant hate erupts

On old newspapers

Bundok Buntis! Arayat! Kanlaon

Students write the rubrics of dissent

MAY MGA KATIPUNAN DIN NG MGA TULA ANG NAISA AKLAT NANG PANAHONG
ITO NG AKTIBISMO. ILAN SA MGA ITO ANG SUMUSUNOD:

Mga A! ng Panahon (1970) Alejandro Q. Perez


Kalikasan (1970) Aniceto Silvestre
Peregrinasyon at Iba Pang Tula (1970) Rio Alma
Mga Tula ng Bayan Ko at Iba Pa (1972) V.G. Suarez
Sitsit Sa Kuliglig (1972) Rolando S. Tinio
Mga Gintong Kaisipan (1972) Segundo Esguerra

You might also like