Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

ISANG PANANALIKSIK UKOL SA BASEHAN NG MGA MAG-AARAL SA

UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS KUNG SAAN ANG LUGAR NA KANILANG


PINAGKAKAINAN

ISANG PAMANAHONG PAPEL NA INIHARAP SA INSTITUTE OF INFORMATION


AND COMPUTING SCIENCES, UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2,


Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Mula sa seksyong
3IT-E

DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at
Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito na pinamagatang Isang
Pananaliksik Ukol sa Basehan ng mga Mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas Kung
saan ang Lugar na Kanilang Pinagkakainan ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga
mananaliksik mula sa 3IT-E na binubuo nina:

Baaclo, Jerald Christopher

Hernandez, Janina Bea

Bayocot, John Michael

Lintag, Emile

Llave, Andre Margarette

Tinanggap sa ngalan ng Institute of Information and Computing Sciences, Unibersidad


ng Santo Tomas, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at
Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Myra De Leon
Guro

PASASALAMAT

Lubos kaming nagpapasalamat sa mga sumusunod na indibidwal dahil sa


mahahalagang tulong, kontribusyon, at suportang binigay upang maging matagumpay ang
aming pamanahong papel.

Kay Gng. Myra De Leon, ang aming pinakamamahal na guro sa Filipino, sa paggabay,
paglaan ng oras, pagtuturo ng tamang hakbang sa pagsulat at pagbibigay ng kaalaman sa amin
sa paggawa ng pamanahong papel
Sa aming mga respondent na nagbahagi at naglaan ng oras sa pagsagot ng aming mga
inihandang kwestyoner
Sa aming mga pamilya at mga mahal sa buhay sa suportang kanilang ibinibigay habang
kamiy nagsasagawa ng pamanahong papel
Sa Poong Maykapal, sa pagbibigay ng pag-asa at patuloy na paggabay sa amin sa mga
oras na kami ay nahihirapan
Sa lahat-lahat ng mga taong tumulong at nagmalasakit upang maging isang kaganapan ang
pamanahong papel na ito
Muli, lubos ang aming pasasalamat sa pagiging bahagi ninyo sa pamanahong papel na ito.
Hanggang sa muli.

- Mga Mananaliksik

KABANATA I
Ang Suliranin at Kaligiran Nito
INTRODUKSYON
Ang pagkain ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng isang nabubuhay na
indibidwal. Mahalaga ang pagkain sapagkat isa ito sa mabuting pinagkukuhaan ng enerhiya at
upang mapanatili ang wastong pangangatawan. Ang pagkain ay isang napakalaking bahagi ng
kultura ng ating bayan. Sa Pilipinas, ang pagkain ay ipinapakita ang pagkatao ng mga Pilipino.
Likas sa mga Pilipino ang pagiging mahilig sa pagkain. Sa Pilipinas rin, ibat ibang putahe ang
makikita at itoy maaaring galing sa ibang bansa o dito lamang sa Pilipinas matatagpuan.
Ilan sa mga popular na pinagkakainan ng mga mag-aaral ay ang mga fastfood chain
kasama na ang mga restaurant kung saan nakapagbibigay ng magandang serbisyo at maayos
na pasilidad at ang mga karinderya. Ang karinderya ay isang kainan na kadalasang makikita sa
labas ng mga tanggapan, pagawaan, paaralan, mga istasyon ng bus at pantalan na
nakapagbibigay ng mabilis na serbisyo at naghahain ng mga pagkaing lutong-bahay. Kasabay
ng mga pagbabagong teknolohikal, nagbabago rin ang pamumuhay ng mga Pilipino mula sa
nakagawiang pamumuhay nito. Dahil dito, tumaas ang pangangailangan ng mga ito sa mga
pagkaing naihahanda nang mabilis, kaya nagsimula ang isang makabagong kainan na kung
tawaging ay fast food. Base pa lamang sa pangalan nito, ang mga fast food chains ay nagaalok ng mga pagkaing ihahain sa iyong harapan sa loob lamang ng ilang minuto. Ilan sa mga
sikat na fast food chains ay ang Jollibee, Mcdonalds, Mang Inasal, Pizza Hut, at marami pang
iba.
Ang Jollibee na isa sa mga pinakatanyag na fast food chain sa Pilipinas ngayon ay
nagsimula lamang bilang isang ice cream parlor noong 1975. Unti-unti itong lumaki at
nagkaroon ng karagdagang sangay hanggang kumita ito ng isang bilyong piso at malista sa
Philippine Stock Exchange ilang taon ang makalipas. Pagkatapos ng tatlomput dalawang taon,
umabot na sa anim na raan ang sangay nito sa ating bansa at limampu sa iba pang bahagi ng
mundo. Naging paborito ito ng karamihan ng mga Pilipino dahil pinanatili nito ang tatakPilipinong mga pagkain kasabay ng mga pagkaing bago sa ating panlasa.
Isa pang maipagmamalaki nating mga Pilipino ang Mang Inasal. Nagsimula ang
negosyong ito bilang isang carinderia sa Bacolod kung saan ipinagmamalaki ang inasal o
inihaw na manok. Isa sa mga dahilan kung bakit naging matibay ito sa kabila ng mga
kanluraning kainan ay ang pagpapanatili ng tradisyunal na paraan ng pagluluto. Gumagamit pa
rin sila ng mga produktong lokal tulad ng uling, barbecue sticks, calamansi, pampalasa, gulay at
isda na ginagamit nila sa pagluluto. Higit pa roon, ipinapatikim ng Mang Inasal sa mga Pilipino
ang tradisyunal na pagkain sa makabagong panahon, kayat hindi malayong patuloy pa rin itong
mamahalin sa susunod pang henerasyon.
Hindi man nagsimula sa ating bansa, mainit pa ring tinatanggap ng mga Pilipino ang
McDonalds. Dinala ang McDonalds sa ating bansa noong 1981. Ipinakilala nito ang mga

classic na pagkaing kanluranin tulad ng hamburger, french fries, sundae at marami pang iba.
Noong taong 2005, tuluyan nang napagmay-arian ang McDonalds ng Pilipino at patuloy na
nagbibigay serbisyo sa maraming parte ng ating bansa. Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang
paglawak at pagtulong nito sa mga Pilipino. Isa sila sa mga unang nagpatupad ng 24/7 service
kung saan bukas sila magdamag. Hindi lamang iyon, tanyag sila sa pagsisimula ng
pagkakawanggawa sa pamamagitan ng pagbuo ng mga proyekto tulad ng sa pagtatayo ng mga
bahay, misyong medikal at edukasyon.
Sa kasalukuyan, ang presyo ng mga bilihin kabilang na ang pagkain ay patuloy na
tumataas. Ang bawat tao ay kinakailangang kumain ng masustansiyang pagkain, malinis, at
masarap sa mababang halaga. Ang pagkain ay isa sa mga salik na nagtatakda ng kultura ng
isang bansa. Malaki ang epekto nito sa kung paano namumuhay ang mga mamamayan doon.
Sa Pilipinas, ang kasaysayan ng mga pook-kainan na ito ay napakakulay. Marapat lamang na
pahalagahan natin ito dahil itoy tunay na maipagmamalaki at kapupulutan ng inspirasyon.
Maraming salik na nakakaapekto sa pagpili ng lugar na makakainan at ilan sa mga ito ay
tatalakayin sa pag-aaral na may pamagat na Pag-aaral hinggil sa basehan ng mga mag-aaral
sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan ang lugar na kanilang pinagkakainan. Aalamin ng
pag-aaral na ito kung ano ang nagiging desisyon ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Santo
Tomas sa pagpili ng lugar na pagkakainan.
LAYUNIN NG PAG-AARAL

Naglalayon ang pag-aaral na matamo ang mga sumusunod na layunin:


Maipaliwanag ang batayan sa pagpili ng pagkain
Malaman ang mga lugar na kadalasang pinipili ng mga mag-aaral
Malaman ang mga ibat ibang salik na nakakaapekto sa pagpili ng lugar ng pagkakainan

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang mga mananaliksik ng pamanahong papel ay naniniwala na ang pag-aaral nito ay
napakahalaga. Ito ay magsisilbing gabay sa mga estudyante hindi lamang sa Unibersidad ng
Santo Tomas kundi pati na rin sa ibang kolehiyo nang sa ganoon ay matulungan o mapadali
ang kanilang desisyon sa paghahanap ng lugar na makakainan. Sa pag-aaral na ito,
magkakaroon ng pagkakataon ang mga mananaliksik na mapag-aralan ang ibat ibang salik
tulad ng layo o lapit ng lugar na pagkakainan, presyo kung ito bay abot-kaya sa budget at ang
kalinisan at sarap ng pagkain.
Ang mga datos at impormasyon na nakalahad dito ay napakahalaga sapagkat ipinapakita rito
kung ano ano ang mga maaaring dahilan ng mga mag-aaral sa pagpili ng lugar na kanilang
pagkakainan.

SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagpili ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Santo
Tomas sa ibat ibang kurso hinggil sa lugar na kanilang pinagkakainan at ang mga salik kung
bakit nila ito napiling pagkainan. Sakop din nito kung magkano ang kanilang nakalaang badyet
sa pagkain. Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral sa Unibersidad ng Santo
Tomas lamang.
Ang panahong nasasakop lamang ng pananaliksik na ito ay sa loob lamang ng isang
semestre. Ito ay isinagawa sa ika-unang termino sa taong panuruan 2016-2017

DEPINISYON NG MGA TERMINO


Respondente Sila ang mga piling mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas ng parehong
kasarian mula sa ibat ibang kolehiyo.
Salik mahahalagang elemento na nakakaapekto sa pagpili ng lugar na makakainan
Presyo halaga kung magkano ipinagbibili ang isang produkto
Badget Sanggunian:
https://hamsfil9emgasanasay.wordpress.com/2016/03/04/pagkaing-pilipino-pagkain-ng-bayan-2/
https://fil12hhhgroup5.wordpress.com/pagbabalik-tanaw-sa-kasaysayan-ng-kainan/

You might also like