Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Department of Education

Region 3

DIVISION OF PAMPANGA
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
Panuruang Taon 2016 2017
1. Tinagurian siyang Obra Maestra dahil sa taglay nitong dalawang kakayahang espiritwal.
A. Adan
B. Anghel
C. Santo
D. Tao
2. Tinutukoy ditto ang mga namanang katangian, talentot kakayahan ng isang tao na
nagiging dahilan ng pagiging bukod-tangi niya sa iba.
A. indibidwal
C. Persona
B. Pagka-sino ng tao
D. Personalidad
3. Isang proseso ng pagpupunyagi ng isang tao tungo sa pagiging ganap na siya o ang
paglikha ng pagka-sino niya.
A. Indibidwal
C. Persona
B. Pagka-amo ng tao
D. Personalidad
4. Ang mga sumusunod ng mga katangian ng isang taong itinuturing na personalidad
maliban sa isa? Alin ito ?
A. may matibay na pagpapahalaga at pagtitiwala
B. may sariling paninindigan kaya di nagpapadala sa pananaw ng nakakarami
C. sikat siya sa larangang kanyang ginagalawan
D. may integridad at likas na mapagmahal at matulungin (serbisyo)
5. Hindi hadlang ang pagkalumpo ni Jonas upang matustusan ang kanyang pangangailangan
dahil sa pagpipinta niya ng mga larawan na isa sa taglay niyang talento. Anong katangian
ng tao bilang persona ang ipinapakita ni Jonas?
A. may kamalayan sa sarili
B. may kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral
C. umiiral na pagmamahal
D. pag-asa sa buhay
6. Parang may sariling mundo. . . . . ang malimit na tawag sa isang taong padalos-dalos
kung kumilos o magsalita. Alin sa mga katangian ng tao bilang persona ang di niya
nabibigyang pansin?
A. may kamalayan sa sarili
B. may kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral
C. umiiral na nagmamahal
D. tiwala sa sariling kakayahan
7. Ang kusang pagpulot sa nakakalat na basag na bote sa daan dahil baka may makaapak at
msugatan dito ay nagpapakita ng:
A. may kamalayan sa sarili
B. may kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral
C. umiiral na nagmamahal
D. tumugon sa tawag ng paglilingkod
Bata pa lang si Dadong Macapagal ay nagdulot nan g tatak sa kanyang isip at damdamin
ang kahirapan na dinaranas ng kanyang mga kabalen. Kaya nagsumikap siyang
makatapos ng kanyang pag-aaral sa Abogasya. Di naglaon at nakapagsilbi na siya hindi
lamang sa mga mahihirap niyang kabalen kundi ng mga Masang Pilipino noong siya ay
naging Presidente na ng Pilipinas.
8. Ano ang naging misyon sa buhay ni Dadong Macapagal?
A. Ang makatapos sa kanyang pag-aaral
B. Ang makapalingkod sa taong mahihirap
C. Ang maging Presidente ng Pilipinas
D. Ang maging isang respetadong personalidad
9. Ano ang naging matatag na sandigan ni Dadong Macapagal upang makapagtapos siya ng
Abogasya sa gitna ng kahirapan?
A. ang kanyang ambisyon na maging personalidad
B. ang kanyang tawag para magamahal at magsilbi
C. ang pilantropong tumulong sa kanyang pag-aaral
D. ang pagnanais niyang yumaman

10. Ang dalisay na pagmamahal ay nagpapakita ng pagsasakripisyo para sa kapakanan ng


kanyang minamahal. Sino sa mga sumusunod na personalidad ang nagsabi ng mga
katagang Give till it Hurts!
A. Mother Teresa ng Calcutta, tinaguriang The Living Saint
B. Princess Diana ng Wales huwarang social worker
C. Ang pintor na si Joey Velasco
D. Cris Kaez Valdez na kumalinga sa mga batang lansangan
11. Ang pagmamahal ay galaw ng damdamin patungo sa mga tao at iba pang bagay na may
halaga. Paano mo mailalapat ito agad sa nakita mong pag-bully in Reynan sa bagong lipat
ninyong kaklase?
A. Isusumbong sa Adviser ang nangyayari para madisiplina si Reynan
B. Ipagtatanggol ko ang bago naming kaklase at aawayin si Reynan
C. Pakikiusapan si Reynan na maging mabuti sa pagtanggap sab ago ninyong kaklase
D. Maaawa ako sa bago naming kaklase kaya di ko gagayahin ang ginagawa ni Reynan
sa kanya.
12. Isa kang student leader sa inyong paaralan dahil sa taglay mong talino at pagpapahalaga
sa paggawa (work ethics) at karisma sa pakikitungo sa mga tao. Paano mo magagamit
ang mga ito sa iyong Barangay?
A. Matatatag ako ng isang organisasyon ng mga kabataan upang makagawa ng isang
proyekto.
B. Ang pagiging student leader ko ay sapat na upang maging modelo ako ng mga
kabataan sa aming barangay.
C. Magiging aktibo ako sa mga pangkabataang galaw sa aming Barangay at hihimukin pa
ang iba na maging aktibo din.
D. Tatakbo ako bilang chairwoman para lalong mapabuti ang organisasyon ng mga
kabataan sa aming barangay.
13. Ang pagtanggap sa hamon at kung papaano malalampasan ito upang matupad ang misyon
sa buhay ay nangangailangan ng:
A. Pananampalataya sa Diyos at tiwala sa sarili
B. Pananampalataya sa Diyos at mabuting relasyon sa kapwa
C. Pananampalataya sa Diyos at wastong gamit ng ating kalayaan
D. Pananampalataya sa Diyos at kasipagan
14. Ito ang tunguhin ng ating kaisipan
A. malaman ang katotohanan
B. makagawa ng kabutihan
C. makabalik sa Lumikha
D. magamit sa tamang paraan ang kalayaan
15. Ano ang tunguhin ng ating kilos-loob?
A. Malaman ang katotohanan
B. Makagawa ng kabutihan
C. Makabalik sa Lumikha
D. Magamit sa tamang paraan ang kalayaan
16. Ito ay isa sa mga panloob na pandama na may kakayahang maramdaman ang isang
karanasan at tumugon ng hindi dumadaan sa katwiran
A. Imahinasyon
C. Kamalayan
B. Instinct
D. Memorya
17. Alin sa mga sumusunod ang pinaka mahalagang resulta ng mabuting gawa?
A. Kapayapaan ng iyong kalooban
B. Pagmamalaki sa ginawang tama
C. Pagrespeto at pagtitiwala ng iba sa iyo
D. Papuri na tinatanggap
18. Bakit kailangan maging mahinahon sa panahon ng kalituhan?
A. para maiwasan ang paggawa ng makakasira sa sarili
B. para maiwasan ang makapanakit ng kapwa
C. para makapagisip at makapili ng akmang alternatibo
D. para makahingi ng payo sa iba
19. Ito ay ang uri ng tao na kumikilos agad bago nag-iisip
A. agresibo o padalos-dalos
C. mayabang
B. basagulero
D. matiwala sa sarili
20. Walang anumang bagay na galing sa isip ng tao na hindi dumadaan sa kanyang panlabas
na pandama.
A. mahigpit na sumasang-ayon
B. Sumasang-ayon

C. Mahigpit na di-sumasang-ayon
D. Di-sumasang-ayon
21. Ang pagsisinungaling ay pagkilos na taliwas sa katotohanang ibinigay ng kaisipan. Ano
ang karaniwang kadahilanan ng pagsisinungaling ng isang tao?
A. Hindi pagtanggap sa maling nagawa
B. Hindi tapat sa kanyang sarili
C. Hindi kayang masira ang reputasyon
D. Hindi alam ang katotohanan
22. Ano ang pinakalayunin ng edukasyon sa tao
A. maging maunlad sa kanyang pamumuhay
B. magkaroon ng kakayahang magamit ang kalayaan sa tamang paraan
C. magampanan ang tungkulin sa magulang
D .matamo ang respeto ng kapwa
23. May stalker ka sa inyong paaralan na nakapakulit at pati na sa Facebook ay ginagamit na
niyang paraan kaya napapahiya kana sa kanyang ginagawa at nakakaramdam ka rin ng
takot sa kung ano pa ang kaya niyang gawin laban sa iyong privacy. Ano ang gagawin
mo, bakit?
A. Ipapahiya ko siya sa marami para tumigil na siya dahil di tama ang kanyang ginagawa
B. Magre-report ako sa Guidance Counselor ng school para mabigyan siya ng counseling
C. Haharapin at kakausapin ko siya ng masinsinan upang maiayos sa tamang lugar ang
kanyang ginagawa
D. Hindi na lang papansinin dahil magsasawa rin siya sa kanyang ginagawa.
24. Kasama ng iyong mga kapwa volunteers ay masayang nangalap kayo ng mga gamit
pang-paaralan na ibinahagi at ginamit sa pagtuturo sa mga mag-aaral na Aeta. Ano ang
pinakitang kabuluhan nito sa iyo?
A. May kakayahan akong magmahal at maglingkod
B. Nararamdaman ko ang tunay at dalisay na kaligayahan
C. Naging saksi ako sa katotohanan ng pagtutulungan para sa kabutihang panlahat
D. Lahat ng nabanggit
25. Ano ang nagbibigay motibasyon (pagnanais) sa iyo upang maglingkod at tumulong sa
kapwa?
A. kakayahang mag-abatraksiyon sa sitwasyong nakikita
B. kamalayan sa sariling kakayahan
C. pagmamalasakit sa kapwa
D. pagmamahal na likas na umiiral sa puso
26. Ito ay ang isip ng tao kapag ito ay humuhusga sa pagiging tama o mali ng isang kilos o
gawa
A. Kaisipan
C. Sentido Kumon
B. Kunsiyensya
D. Utak
27. Alin ang pinaka kadahilanan ng Binabagabag ako ng aking kunsensiya!
A. palaging naiisip ang kasalanang nagawa
B. palaging naaalala ang ginawang pagkilos na di akma sa katotohanan
C. palaging pinapaalala na gumawa ng pagwawasto sa nagawang kamalian
D. palaging di mapakali dulot ng ginawang kamalian dahil alam ng kaisipan ang
katotohanan
28. Ang mga tribo ng Mangyan noong natuklasan sila ni Elizalde sa gitna ng kagubatan ng
Malcom sa Mindoro ay may kabutihang nasasalamin sa kanilang payak na pamumuhay
tulad ng pag-aalaga sa mga bata at matatanda at pagkakaroon ng iisang asawa. Ito ay
nangangahulugan lamang na ?
A. Likas na mabuti ang tao
B. Naka-ayon sa mabuti ang kanilang kilos
C. Naka-ukit sa puso ng bawat tao ang unang tuntunin ng kabutihan : Gumawa ng mabuti
iwasan ang masama
D. Nagiging masama ang tao dahil sa impluwensiya ng kanyang kapaligiran
29. Ang moral ay nangangahulugan ng kabutihan, kaya ag sakop ng likas na batas ng Moral
ay ________?
A. Ang lahat ng mga linikha ng Diyos
B. Ang lahat ng may buhay na nilikha ng Diyos
C. Ang mga tao lamang
D. Ang mga taong mabubuti lamang
30. Ang Detraction ay paninirang puri. Naging gawi nan g kaibigan mo ang paggawa ng
ganito at alam mo na di tama ito. Anong gagawin mo bakit ?
A. Ayaw ko ng gulo kaya hindi ko nalang siya pakikialaman
B. Kakausapin at pagpapaliwanagan ko siya ukol sa epekto ng ginagawa niya

C. Iiwasaan ko nalang siya para di ako madamay sa maling gawa niya


D. Magre-report ako sa nanay niya para disiplinahan siya
31. Alin ang pinaka-una mong dapat gawin upang mapangalagahan at maprotektahan mo ang
iyong buhay?
A. Baguhin ang masasamang bisyo tulad ng pagpupuyat
B. Gamitin ng tama ang kalayaang mamili sa pagkilos
C. Huwag sasama sa masasamang barkada
D. Sumunod sa payo ng mga nakatatanda
32. Ang gawing makabuluhan (tumugon sa hinihingi ng sitwasyon) ang oras na ginugugol
gaano man ito ka simple ay sumasalamin sa pagiging ganap mo bilang tao.
A. mahigpit na sumasang-ayon
B. suma-sang-ayon
C. mahigpit na di sumasang-ayon
D. di sumasang-ayon
33. Ang paghubog ng konsiyensiya ay mahalaga sapagkat,
A.
Makikilala ng tao ang katotohanan upang magamit niya ang kalayaan ng wasto.
B.
Maari niyang makita ang tama at mali ay nakabatay sa kung ano ang sinasabi ng
nakararami.
C.
Matiyak ang tamang bulong ng konsiyensiyang gagamitin sa lahat ng
pagkakataon.
D.
Lahat ng nabanggit.
34. Panahon na ng pagbabayad ng matrikula ni Resty, nagamit niya ang padalang pera sa
kaniya ng kapatid para rito. Habang siya ay naglalakad sa daan, nakita niya ang babaeng
mukhang may kaya sa buhay na nalaglag ang limang libong piso nito. Alin sa mga
sumusunod ang kailangang gawin ni Resty batay sa hatol ng konsiyensiya?
A.
Hahayaan na lamang ang perang nahulog na makita ng iba.
B.
Pupulutin ang pera at gagamitin sa pambayad ng matrikula.
C.
Hahabulin ang may ari sa pag-asang ibibigay na lamang ito sa kanya.
D.
Hihingi na lamang ulit ng pambayad ng matrikula sa kapatid at ibibigay sa may
ari ang pera.
35. Si Uno ay lumaki sa bundok kasama ng kanyang Lolo Gusting. Pinalaki siyang may
respeto at pagmamahal. Isang araw nagkasakit ng malubha ang kanyang lolo, kaya mula
noon ay napilitan na siyang maghanap buhay. Kailangnan din niyang bumili ng pangaraw araw na gamot nito, sa kanyang paguwi mula sa bayan, nakita niya ang isang
sasakyan na di makausad. Ano ang hindi dapat gawin ni Uno ng naayon sa kanyang
konsiyensiya?
A.
Pumunta sa pinaka malapit na barangay at i-report ang nakita.
B.
Tumuloy na lamang sa paglakad pauwi.
C.
Tumulong sa abot ng makakaya.
D.
Magtawag ng maaring tumulong sa kanila.
36. Ginabi ka ng uwi dahil nag-kayayaan kayo ng mag kaibigan mo sa videokehan kasama pa
ang crush mong laging naktingin sa iyo. Dahil alam mong mapapagalitan ka na naman
ng iyong Ina,tinuruan ka ng mga kaibigan mo kung ano ang dapat mong sabihin para
hindi ka mapagalitan at ayaw mong mapasama ang tingin ng mga magulang mo sa kanila,
Ito ang mas magandang isasagot mo sa kaniya ayon sa nahubog mong konsiyensiya:
A.
Inay, pagod na pagod po ako sa paggawa ng proyekto sa Filipino.
B.
Inay, paumanhin po sa paguwi ko ng gabi, pagkatapos kasi naming gumawa ng
proyekto ay sumama ako sa videokehan sa kabilang bayan.
C.
Inay, maari na ba akong magpahinga bukas niyo na lamang ako pagalitan.
D.
Inay, paumanhin po dahil gabi na ako nakauwi. Tinapos po kasi naming ang
aming proyekto at napagkatuwaang maglakad pauwi.
37. Ang iyong mga magulang ay nagsasama na lamang para masabing buo ang inyong
pamilya. Nakikita mong halos araw-araw silang nahihirapang pakisamahan ang isat-isa.
Ano ang dapat mong gawin?
A.
Hikayatin silang maghiwalay na kaysa pahirapan ang isat isa.
B.
Mananalangin upang maging maayos sila.
C.
Gagawa ng mga makakatulong sa kanila gaya ng paglapit sa simbahan upang
mapaliwanagan sila sa dapat gawin.
D.
Hahayaan silang ayusin ang problema sa katotohanang anak lamang ako.
38. Araw ng pagsusulit, ang iyong matalik na kaibigan ay hindi nakapag aral ng mga aralin.
Ang inyong guro ay may ginagawa habang nagbabantay. Nakita mo ang iyong kaibigan
na nakalabas ang kwaderno at tinitingnan ang sagot mula rito. Ikaw lamang ang
nakakakita nito, ano ang gagawin mo?
A.
Titingnan at itatama ang aking mga sagot kung tama ang mga ito.

B.
C.
D.

Sasabihan ko siya na mali ang ginagawa niya.


Lilipat ako sa bakanteng upuan sa likod upang di mapagalitan kapag nahuli siya.
Lalapit ako sa aking guro at sasabihin ko ang ginagawa ng aking matalik na
kaibigan upang mapagtanto niya ang kanyang ginagawa.
39. Dalawang magkapatid lamang sina Jomar at Joana. Mahal nila ang isat-isa at lagi silang
nagtutulungan sa anumang gawain. Araw ng biyernes naisipan ni Joana na sumama sa
kanyang mga kaibigan na mahilig tumambay sa computer shop at maglaro kaya halos
alas nuebe nan g gabi nakauwi. Pagpasok sa bahay ay pagod na pagod si Joana at
sinasabing ang hirap ng proyekto na kanilang ginagawa.nabalitaan ni Jomar ang ginawa
ng kapatid. Kung ikaw si Jomar ano ang gagawin mo?
A.
Kakausapin si Joana na mali ang magsinungaling sa aming mga magulang.
B.
Papagalitan ko si Joana at palilipasin na muna ang nangyari.
C.
Kakausapin ko ang aming mga magulang at sasabihin ang ginawa ni Joana upang
magabayan siya.
D.
Tatanungin ko si Joana kung ano ang dahilan ng kanyang pagtambay sa computer
shop.
40. Ikaw ay nasa ika-sampung baitang na ng pag-aaral. Ang inyong klase ang sinasabing
pinaka-maingay at magulo sa paaralan. Minsan, may dumating na bagong guro habang
siya ay nakatalikod nakita mo ang iyong mga kamag aral na sabay-sabay na pumipito at
sumisigaw pagharap naman ng guro ay tahimik ang lahat na mukhang interesadong
makinig. Ano ang iyong dapat gawin?
A.
Mananahimik at hindi makikialam dahil mahirap maging kalaban ang ibang magaaral.
B.
Kapag tinanong ng guro ay sasabihin ko ang kung sino ang mga ito ng mabigyan
sila ng leksyon ng makaganti naman ako sa kanila.
C.
Hihikayatin ko ang ibang mga kamag-aral na sabihin at gawin kung ano ang tama.
D.
Palihim akong susulat sa isang papel at ilalagay ang mga pangalan ng mga ito at
iiwanan sa kagamitan ng aming guro.
41. Alin sa mga sumusunod na prinisipyo ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
A.
Ang tumulong sa nangangailangan sa kabila ng saring pangagailangan at
kakulangan
B.
Ang magbigay ng sobra-sobra sa mayroon ka.
C.
Ang magbigay ng may inaasahang kapalit.
D.
Ang paggawa ng mabuti sa anumang kalagayan o sitwasyon ng naayon sa
kagustuhan.
42. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
A.
Nagagawa ni Maria ang mamili ng damit na nais niyang bilhin anumang oras.
B.
Inamin ni Maris ang kasalanang nagwa sa matalik na kaibigan at humingi ng
paumanhin at pagkakataong makabawi.
C.
Si Josie ay napakadaldal at gusto siyang kausap ng marami kaya naman
madali niyang masabi ang kanyang naisin.
D.
Kahit pagod na sa pagtuturo si ang isang guro ay pinipilit pa din niyang
makapanood ng telebisyon.
43.
Sa kalayaan, ang tao ay may kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ayon sa
sitwasyon. Ang pahayag ay :
A.
Tama, dahil ang kalayaan ay may kalakip na responsibilidad.
B.
Tama, dahil may kakayahan ang tao na iproseso at ipaliwanag ang kilos na
ginagawa.
C.
Mali, dahil may kakayahan ang tao na pumili at magdesisyon kung kinakailangan.
D.
Mali, dahil iba-ibang ang tao at iba rin ang bawat tugon ng mga ito.
44.
Ang kalayaan ay ang tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod. Kaya naman
ang pamilya ni Mang Roxas ay isinasabuhay ito. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapakita ng halimbawa ng pagsasabuhay ng kalayaan?
A.
Laging nagdarasal ang buong mag-anak.
B.
Pinipili nilang tumulong sa mga proyekto sa barangay gaya ng pangungumbinsi
na sumali ang lahat at makiisa.
C.
Sama-sama nilang nililinis at inaayos ang kanilang tahanan
D.
Masaya silang nakikibahagi sa pagtulong at pagbibigay sa abot ng kanilang
makakaya sa mga higit na nangangailan sa kanilang lugar.
45.
Ang Kalayaan ay isang napakahalagang karapatan ng bawat tao, kung mayroon ka nito,
walang gumagapos o pumipigil sa anumang iyong ninanais at nilalayon sa buhay.
Mayroon kang laya na gampanan ang mga bagay na magpapaunlad at magpapaligaya sa
iyo. Malaya kang lumikha, humimok, magtatag, at magsagawa ng mga makabuluhang

bagay sa ikakaunlad ng iyong sarili, mga kasamahan, at maging ang iyong pamayanan.
Ang pahayag ay..
A.
Tama, dahil ang pagiging malaya ay nagdudulot ng labis na kasiyahan
B.
Mali, dahil ang kalayaan ay nagdudulot ng di pagkakaunawaan dahil iba-iba ang
tao.
C.
Tama, dahil ang kalayaan ay may kalakip na responsibilidad , sa paggawa nito ay
nalilinang ang pagkatao ng tao.
D.
Mali, dahil minsan kailangan mo ring isipin ang sariling kapakanan kaysa iba.
46.
Alin ang hindi pinatutungkulan ng tunay na kalayaan?
A.
Ang Inang nagsisikap na itaguyod ang kanyang mga anak.
B.
Ang pagganap sa responsibilidad bilang Ama dahil sa ito ang dapat gawin
C.
Ang paggawa ng pangulo sa responsibilidad dahil sa tawag ng tungkulin at
pagmamahal.
D.
Ang pagsuko ng mga mamayan sa alagad ng batas dahil sa paggamit ng bawal na
gamot.
47.
Aling sa mga organisasyon o grupo ang hindi nagpapakita ng paggamit ng tunay na
kalayaan?
A.
Ang ng GABRIELA ay grupo ng mga Pilipino sang grupo ng mga Pilipino na
patungkol sa pagsulong ng mga isyu patungkol sa mga kababaihan.
B.
Pagkakaisa ng Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang
protesta pagtaas ng langis.
C.
Isinusulong ngayon ng Kabataan Partylist sa Kongreso ang pagpasa ng House Bill
(HB) 3708 o ang Three-year Tuition Moratorium Bill na nagbabawal sa
pagtataas ng matrikula sa loob ng susunod na tatlong taon, at ang HB 4286
o ang
Tuition and Other Fees Regulation Bill
D.
Matinding kinondena ng UN Security Council (UNSC) ang pagpatay ng Islamic
State (IS), ekstrimistiko at teroristikong organisasyon sa Iraq, sa isang
Amerikanong mamamahayag na si Steven Sotloff.
48.
Ang pamunuan ng barangay ay nagdaraos ng kanilang clean and green na proyekto,
marami sa mga kasing edad mo ay nakikita mong nakiki-isa sa gawain,ikaw naman ay
abala sa pagguhit ng takdang aralin ng iyong kapatid, gamit ang tunay na kalayaan ano
ang dapat mong gawain?
A.
Tatapusin ang ginagawang gawain sa bahay habang tinatanaw ang mga kasingeedad.
B.
Magpapadala na lamang ng mga kaibigang maaring tumulong sa kanila.
C.
Pipili na lamang ng araw na maaring tumulong sa proyekto ng barangay.
D.
Picturan o di kaya nmn ay kukuhanan ng video ang aking mga kasing edad at iaupload sa facebook upang Makita ng aming guro.
49.
Sa panahon ngayon, maraming mga tao ang umaabuso sa kanilang kalayaan.
Halimbawa,mga taong gumagawa ng hindi tama gaya ng paggamit at pagbebenta ng
droga at pagpatay. Marami ding mga kabataan ang nasasangkot sa mga karumal-dumal
na krimen. Paano magkakaroon ng tunay na kapayapaan sa mga sitwasyong ito?
A.
Kausapin ang mga nasa pamumuno na solusyunan an gang mgs suliranin dahil ito
ang kanilang pangunahing tungkulin.
B.
Paunlarin ang sarili upang maging mabuting pinuno balang araw.
C.
Linangin ang pagkatao upang makapamuhay ng wasto at makagawa ng
makakatulong sa sarili at sa kapwa.
D.
Paghikayat sa iba na ayusin muna ang sarili bago naisin na maayos ang bayan.
50.
Ang iyong mga magulay ay parehong nasa ibang bansa upang mabigyan ka ng
magandang kinabukasan. Bilang panganay ikaw ang may hawak ng budget sa inyong
tatlong magkakapatid. Ano ang dapat mong gawin?
A.
Isama ang mga kapatid na manood ng sine minsan.
B.
Bilhin ang lahat ng nais ng mga kapatid pati na ang ibang kulang sa bahay.
C.
Ilagay sa bangko ang pera ng sa gayon ay hindi laging madaling makakuha nito.
D.
Isiping mabuti ang mga kailangan at nais na gawin o bilhin at magpatulong sa
kamag-anak kung kinakailangan.

You might also like