Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

MGA PAMAGAT NG BAWAT KABANATA NG EL FIBUSTERISMO

Kabanata I:Sa Kubyerta

Kabanata XX: Ang Nagpapalagay

Kabanata II: Sa Ilalim ng Kubyerta

Kabanata XXI: Mga Ayos-Maynila

Kabanata III: Mga Alamat

Kabanata XXII: Ang Palabas

Kabanata IV: Kabesang Tales

Kabanata XXIII: Isang Bangkay

Kabanata VI: Si Basilio

Kabanata XXIV: Mga Pangarap

Kabanata VII: Si Simoun

Kabanata XXV: Tawanan at Iyakan

Kabanata VIII: Maligayang Pasko

Kabanata XXVI: Ang Paskin

Kabanata IX: Si Pilato

Kabanata XXVII: Ang Prayle at ang Pilipino

Kabanata X: Kayamanan at Karalitaan

Kabanata XXVIII: Isang Bangkay

Kabanata XI: Los Banos

Kabanata XXX: Si Huli

Kabanata XII: Si Placido Penitente

Kabanata XXXI: Ang Mataas na Kawani

Kabanata XII: Ang Klase ng Pisika

Kabanata XXXII: Mga Ibinunga ng mga Paskin

Kabanata XIV: Sa Bahay ng mga Estudyante

Kabanata XXXIII: Ang Huling Matuwid

Kabanata XV: Si Ginoong Pasta

Kabanata XXXIV: Ang Kasal

Kabanata XVI: Ang mga Kapighatian ng Isang

Kabanata XXXV: Ang Pista

Insik

Kabanata XXXVI: Mga Kagipitan ni Ben-Zayb

Kabanata XVII: Ang Perya sa Quiapo

Kabanata XXXVII: Ang Hiwaga

Kabanata XVII: Ang Perya sa Quiapo

Kabanata XXXVIII: Kasawian

Kabanata XVIII: Mga Kadayaan

Kabanata XXXIX: Katapusan

Kabanata XIX: Ang Mitsa

ii

EL FILIBUSTERISMO
Ang nobelang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang
pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose
Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong
kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang
karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng
hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila.
Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng
medisina sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago
sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang
pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid,
at Brussel, at nakompleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz.
Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin
Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang
maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig
at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay
na kalayaan at karapatan ng bayan.
Mga Tauhan:
Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na
umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo
Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.
Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.
Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng
lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.

Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng


suliraning pampaaralan.
Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.
Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.
Padre Florentino - ang amain ni Isagani
Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta
Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng
Wikang Kastila
Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang
sa kilalang angkang may dugong Kastila
Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para
sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras
ng kagipitan.
Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng
mga mag-aaral
Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang
Pilipina; tiyahin ni Paulita.
Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa
Pilipinas.
Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre
Camorra.
Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran
ni Juli.
Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.

Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds


Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don
Custodio.
Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil
sa kanyang panlabas na anyo.
Tiyo Kiko - matalik na kaibigan ni Camaroncocido.
Gertrude - mang-aawit sa palabas.
Paciano Gomez - kapatid ni Paulita.
Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina.

BUOD:
Ang nobelang El filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo") o Ang
Paghahari ng Kasakiman[1] ay ang pangalawang nobelang isinulat ng
pambansang bayani ng Pilipinas na si Jos Rizal, na kaniyang buong pusong
inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o
Gomez, Burgos, at Zamora.[2] Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere
at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at,[3] tulad
din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng
1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at
pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang
pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid,
at Brussel, at nakompleto niya ito noong 29 Marso 1891, sa Biarritz.
Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin
Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang
maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong 22 Setyembre 1891.
[kailangan ng sanggunian]

Ang nasabing nobela ay pampolitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at


nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na
kalayaan at karapatan ng bayan.
Buod:
Ang El Filibusterismo ay nagsisismula sa isang paglalakbay ng bapor
sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero ang magaalahas at nagbabalatkayong si Simoun na dili iba't si Ibarra, ang makatang
si Isagani, at si Basilio. Itong huli, na ngayo'y binata na. Labintatlong taon na
ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.
Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang
pagkakataon ay nakatagpo ni Simoun sa pagdalaw niya sa pinagbaunan sa
kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nkilala niyang si Simoun ay si
Ibarra na nagbabalatkayo; at upang ang ganitong lihim ay huwag mabunyag,
ay tinangka ni Simoun na patayi si Basilio. Datapwa't nakapaghunos-dli siya
at sa halip ay hinikayat ang binata na makiisa sa kanyang layuning
maghiganti sa Pamahalaang Kastila sa Pilipinas. Si Basilio ay tumanggi dahil
sa ibig niyang matapos ang kanyang pag-aaral.
Habang ang Kapitan Henereal ay nagliliwaliw sa Los Banos, ang mga
estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanyang Kamahalan
upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito
ay di napagtibay, ayon sa nais ng mga estudyante, sapagka't napagalamang ang mamamanihala sa akademyang ito ay mga prayle (samahan ng
pananampalataya),

samantalang

ang

mga

estudyante

ay

magiging

tagapangilak lamang. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang


makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.

Samantalang nangyayari ito, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio


at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak niyang paghihimagsik
at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng
Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod ang
ganitong Gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon.
Ang mga estudyante naman, upang mapapaglubag ang kanilang sama
ng loob ukol sa kabiguang natamo sa panukalang pagtatatag ng akademya
ng Wikang Kastila, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de
Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas habnag sila'y nagsisikain ay
tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng
mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang
sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga
pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito
ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay
ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang
malabis ni Juli na kanyang kasintahan.
Sapagka't ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na
lumakad sa kanila upang mapawalang-sala, kaya't sila'y nakalaya, maliban
kay Basilio na walang makapamagitan ng kanyang karukhaan at pagkamatay
ni Kapitan Tiyago. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari
Camorra na tulungan siya upang mapalaya si Basilio nguni't sa halip na
makatulong ang paring ito ay siya pang naging dahilan ng pagkamatay ni
Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.
Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay
nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito.
Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito
at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral.
Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos upang ipagdiwang

ang kasal, ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga


litaw na tao sa lunsod.
Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa
tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa
paghihimagsik

na

nauumang.

Sinamantala

ni

Simoun

ang

ganitong

pagkakataon upang ipakita si binata ang bombing kanyang niyari. Ito ay


isang lampara na may hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang
magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito
at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang
kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay
magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung
minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin,
ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay
sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong
kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako
naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging
hudyat upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.

You might also like