Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

KATUTUBONG SINING (Folk Art)

Panimula
Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming tribong-etniko tulad ng Ifugao, Bontoc, Tboli,
Bagobo, Marano, Yakan at iba pang pankat na may sari-sariling kultura na pinagyayaman. Ang
kanilang mga talino at kahusayan ay nakikita sa mga disenyo na kanilang inilalagay o iniaangkop
sa mga gamit at kasangkapan. Ang mga ito ay tinatawag na katutubong sining.
Ang mga katutubong sining (folk art) na maituturing na pamana ng lahi ay
maipagmamalaki ng ating bansa. Ito ay tumutukoy sa sining na nilikha ng mga malilikhaing
pangkat ng Pilipino na nagtataglay ng kakaibang kagandahan at disenyo na hanggang sa
kasalukuyan ay lumalaganap pa rin. Ang ilan sa mga ito ay Bulul ng Ifugao, nililok na kahoy ng
Paetenos at Okkir ng Maranao.

Layunin
1.
Naipagmamalaki ang mga katutubong sining (folk art)
2.
Natutukoy at natatalakay ang mga katutubong sining na patuloy na pinagyayaman sa ating
bansa.
3.
Naipakikita ang pagpapahalaga sa mga katutubong sining sa pamamagitan ng paglikha ng
mga gawaing pansining at pagpapaunlad
ng mga disenyo nito.

Paksa 1: ANITO NG IFUGAO

Ang Mountain Province ay kabilang sa Cordillera Administrative Region (CAR) ng Luzon. Sa


lalawigan ito, pangunahing atraksyon sa mga turista ang Hagdang Hagdang Palayan ng Banaue.
Ifugao ang kinilalang lumikha ng hagdan hagdang Palayan gamit lamang ang kanilang kamay.
Noong 1995, Ipinahayag ng UNESCO ang lugar na ito bilang Pamanag Lugar sa Mundo (World
Heritage Site) at natanyag din bilang 8th Wonders of the World.

BULUL (Bul-ul)
Isang natatanging sining ng mga Ifugao ay ang paglikha ng iskultura. Pinakapopular rito ang
Bulul bilang tradisyunal na iskultura ng lalawigan at sa Pilipinas lamang makikita. Ang Bulul
(Rice god) ay nililok na anyong tao tao na may kaugnayan sa kanilang anito o dios diosan.
Ayon sa mga Ifugao, ang bulul ay inaasahan na magbabantay ng kanilang kamalig, bigasan,
taniman at ari-arian habang sila ay tulog o wala sa tahanan. Ito rin ay nagbibigay ng masaganang
ani at kanilang proteksyon sa anumang uri ng sakit o karamdaman.

Bulul - Pigurang anito ng mga Ifugao

Ang mga sumusunod ay katangian ng Bulul:


1. Yari sa kahoy na Narra na siyang sumasagisag sa kayamanan, kaligayahan at sangkatauhan
2. Simpleng paglalarawan ng tao na nakaposisyon ng nakatayo o nakaupo. Ito ay may taas
mula 30 hanggang 60 sentimetro.
3. Nililikha ang Bulul na kadalasan ay pares o magkasamang lalaki at babae.

Bulul sa mga tahanan

Paglikha sa Bulul

Ang Bulul ay may malaking bahaging ginagampanan sa agrikultura ng mga Ifugao. Ito ay
kasama sa aspetong ritwal mula sa pagtatanim ng palay hanggang sa pag-aani at pagtatago nito.
Ang paglikha sa Bulul ay tumatagal ng lima hanggang 7 linggo at sinasaliwan ng ritwal at sayaw.
Bawat bahagi sa paglikha ay nangangailangan ng seremonya mula sa maingat pagpili ng kahoy
na gagamitin hanngang sa pagdadala sa may ari ng bahay. Pinangungunahan ng Mumbaki
(pari) ang ritwal na tinatawag na Baki. Pinupunasan o pinaliliguan ito sa pamamagitan ng dugo
ng baboy, dinadasalan at binibigyan ng alay tulad ng alak at rice cakes.Ang bulul ay
binibigyan ng kaukulang pag-iingat at paggalang. Paghihirap at sakit sa sinasabing idudulot ng
anito sa mga tataliwas dito.

Paksa 2:

MANLILILOK NG PAETE

Ang Paete ay isang maliit na bayan sa lalawigan ng Laguna na matatagpuan sa hilagang


silangang bahagi nito malapit sa Laguna de Bay.Unang tinawag na Pueblo De San Lorenzo ang
lalawigan mula sa pangalan ng kanilang patron na si San Lorenzo na ibingay ng mga
misyonerong pari Di nagtagal pinalitan ito ng salitang Paetena hango naman sa salitang Paet
(Chisel) na isang pangunahing kagamitan sa pag-ukit o wood carving.

"Wood Carving Capital"

Ang bayan ay lalong naging tanyag hindi lamang sa bansa kundi pati sa buong mundo dahil sa
dami ng mga tao naging dalubhasa sa larangan ng Paglililok ng kahoy (wood carving)
Itinuring na Carving Capital of the Philippines ang Paete, Laguna noong Marso 15, 2005 sa

bisa ng Presidential Proclamation No. 809 na pinirmahan ni Pangulong Gloria Macapagal


Arroyo.

POON AT IMAHEN
Hindi lamang isang tourist destination ang Paete kundi isa ring Pilgrimage place. Ang bayan ay
nakilala sa paglikha ng mga poon at ibat ibang imahe ng mga santo na masinop na nililok at
pinalamutian.

TAKA
Isa pang kilalang sining na gawa sa Paete ang laruang Taka o paper mache sa hubog ng tao at
mga hayop ( karaniwang manok, kabayo at kalabaw.) Ginagawa ito sa pamamagitan ng
pagdidikit ng papel, paghuhulma at pagpapatuyo sa init ng araw. Ang hinulmang papel ay
pipintahan upang maging makulay na laruan.

Tanyag din ang Paete sa mga paglililok ng kahoy sa mga lamesa at upuan, cabinet, pandispley at
iba pang mga kasangkapan at kagamitan sa bahay.

Paksa 3: DISENYONG MARANAO


Maranao

Isa pang natatanging tribong etniko sa Pilipinas na nagpapamalas na pambihirang kahusayan sa


sining ay ang mga Maranao. Matatgpuan sila lalawigan ng Lanao sa Mindanao.

Okkir

Ang mga Maranao ay naging tanyag dahil sa kanilang kakaibang disenyo na tinatawag na
Okkir. Ito ay tumutukoy sa geometriko at paikot-ikot na halamang baging na disenyo na
ginagamit bilang motif sa sining at kagamitan ng Maranao at iba pang muslim sa Mindanao.
Makikita ang okkir sa mga sumusunod na sining :

Sarimanok

Pangunahing sagisag ng kultura ng Maranao. Sinasabing ang ibong may isda sa bibig ay
naglalarawan ng maunlad nabuhay at kultura ng Maranao sa tabi ng Lawa ng Lanao. Ito ay
nagtataglay ng makulay na pakpak, mabalahibong buntot at mapalamuting ulo na pinaniniwalaan
din na nagdadala ng swerte.

Torogan at Panulong
Makikita pa ang istilong Okkir sa Torogan o tahanan ng mga Maranao na may matataas na
katayuan sa lipunan. Sinasagisag nito ang katanyagan at karangyaan. Pinakamahalagang bahagi
ng tahanang ito ang Panolong o inukit na beam na nakausli sa harapan ng bahay.

Malong

Ang Malong ay nagtataglay ng disenyong Okkir


Ang Disenyong Okkir ay nakaukit din ito sa mga hawakan ng kutsilyo at espada at iba pang
mga bagay na yari sa pilak at tanso. Halos lahat ng kasangkapan at gamit ng mga Maranao ay
nagtataglay ng Disenyong Okkir.

Error: 103.
Madami pang mga katutubong sining ang nagmula sa ibat ibang bahagi ng bansa na sumasalamin sa kanilang

Vinta ng Zamboanga
Pabalat ng Pastillas ng San Miguel, Bulacan
Kiping ng Lucban, Quezon
Muwebles ng Betis, Pampanga
Parol ng San Fernando, Pampanga
Error: 103.

1. Ang Bulul ay isang uri ng anito na pinanaiwalaan ng mga Ifugao. Alin sa mga sumusunod ang hindi layunin ng
katutubong sining na ito?

A. Magsilbing pampaganda at palamuti sa tahanan


B. Maging bantay sa mga kamalig at pananim
C. Magbigay ng masaganang ani
D. Magsilbing gabay sa anu mang uri ng kapahamakan
2. Alin sa mga sumusund na pangkat etniko ang tanyag sa kanilang disenyong okkir na makikita sa mga
malong at iba pang produktong damit?
A. Maranao
C. Bagobo
B. Ifugao
D. Tboli
3. Tanyag angbayan ng Paete sa larangan ng paglililok. Alin ang paraan na ginagamit sa paggawa ng Taka?
A. Pag-uukit ng hayop mula sa kahoy
B. Pagkakabit kabit ng mga bakal upang mabuo
C. Paghuhulma sa pamamagitan ng pagdidikit ng mga papel at pagpapatuyo nito sa araw
D. Paghuhulma sa pamamagitan ng luwad at pagpapainit upang tumigas
4. Ito ang pangunahing sagisag ng kultura ng Maranao at pinaniniwalaan na naglalarawan ng kanilang maunlad at
masaganang buhay.
A. Sarimanok
C.
Okkir
B. Panulong
D.
Naga
5. Ang mga Kasangkapan ng mga Maranao tulad ng pananamit, espada at instrumento ay kakikitaan ng
disenyong Okkir.
Paano mailalarawan ang okkir?
A. Nagpapakita ng sunod sunod na llarawan ng mga bagay sa paligid
B. Nagtataglay ng geometrikong hugis tulad ng parisukat at tatsulok
C. Paikot-ikot at tuluy-tuloy na halamang baging
D. Pasalit-salit na linyang tuwid

1.

Error: 103.
Paano mo masasabi na ang isang bagay ay maituturing na katutubong sining?

2.

Magbigay ng halimbawa ng katutubong sining na naibigan mo. Ipaliwanag

3.

Bakit dapat nating pahalagahan ang mga katutubong sining ng bansa?

Error: 103.
Gawaing Pansining 1
PAGLILILOK NG LUWAD
Kagamitan :
modeling clay, Dyaryo (sapin)
Pamamaraan:
1. Umisip ng katutubong sining na nais mong ililok. Ito ay maaaring banga, bulul, taka o iba
pang kasangkapan ng mga tribong etniko.
2. Ihulma ang clay ayon sa disenyong napili

Tandaan: Ugaliin na laging malinis ang


lugar na pinaggawaan
Gawaing Pansining 2
DISENYONG BAGING SA PINGGAN
Kagamitan :
paper plate, Watercolor kulay puti at asul (latex paint/ acry-color o poster
color), brush
Pamamaraan:
1. Pinturahan ng kulay puting latex paint ang paper plate at patuyuin.

2.

Gumuhit ng disenyong baging sa pamamagitan ng kulay asul na watercolor o pintura.


Tandaan: Iligpit ang kagamitan pagkatapos ng gawaing sining

You might also like