Wastong Nutrisyon Kaagapay Sa Pamilya at Hanapbuhay

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

2

Manwal ng Tagapatnubay

Wastong Nutrisyon:
Kaagapay sa Pamilya
at Hanapbuhay

Basic Literacy Learning Material


Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto
Kagawaran ng Edukasyon
3/F Mabini Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines
Tel. No.:(02) 635-5188, Fax No.: (02) 635-5189

Bureau of Alternative Learning System


DEPARTMENT OF EDUCATION

Wastong Nutrisyon:
Kaagapay sa Pamilya
at Hanapbuhay

Karapatang-Ari 2005
KAWANIHAN NG ALTERNATIBONG SISTEMA
SA PAGKATUTO
Kagawaran ng Edukasyon

Ang modyul na ito ay pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa


Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon. Ang alinmang bahagi nito ay hindi
maaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan o anumang anyo nang
walang nakasulat na pahintulot ang organisasyon o ahensiya ng
pamahalaang naglathala.

Inilathala sa Pilipinas ng:

Aralin 1
Panimula
Ang wastong nutrisyon ay isa sa pinakamabisang
paraan sa pag-iwas ng sakit at pagpapanatili ng
kalusugan.
Ngunit kadalasan ay hindi napagtutuunan ng
pansin ang paksang ito o kayay sadyang nagiging
panghuli sa mga bagay na binibigyang halaga ng mga
magulang.
Nagkakaroon din minsan ng maling konsepto ang
mga magulang sa araling ito.
Sa dahilang ito, isinagawa ang aralin upang
magbigay paalala at magbigay-linaw dito.
Nakapaloob sa aralin ang mga gawain sa pakikinig,
pakikipagtalastasan at pagkukwenta ayon sa
kakayahan ng mag-aaral.
Bilang pagbubuod, ang mga gawaing nakapaloob
sa aralin, ayon sa paksa ay nakasalalay sa mahusay na
pamamatnubay ng tagapagturo.

Kagawaran ng Edukasyon
Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto
3/F Mabini Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines
Tel. No.:(02) 635-5188, Fax No.: (02) 635-5189

I.

B. Kagamitan: tsart, modyul at ang mga larawan

MGA LAYUNIN
Pakikinig :

Nakapakikinig ng may pang-unawa sa


mga talakayan tungkol sa wastong
nutrisyon.
Nakabubuo ng payak na pangungusap
ayon sa araling tinalakay.
Nakapagtatanong tungkol sa aralin.

Pagbasa :

Nababasa ang mga payak na


pangungusap, panuto at mga tanong
na kaalinsabay sa pag-aaral ng
wastong nutrisyon.

Pagsusulat: Nasusulat nang malinaw ang mga


salita, bilang at halaga alinsunod sa
mga gawain sa modyul.
Paglutas ng Suliranin: Mapanuring pag-iisip tungkol
sa mga pamamaraang nangangailangan ng pamilang at paggamit ng
termometro
Pagpapahalaga (Values) : Nabibigyang pansin ang
wastong nutrisyon
II. PAKSA
A. Aralin 1:

Ang Wastong Nutrisyon

Kasanayan sa Pakikipamuhay: Pansariling


Kamalayan ukol sa Wastong Nutrisyon
2

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Pag-usapan ang pakiramdam ng isang
batang malusog. Maaaring ilarawan ng guro
ang katangian ng isang batang malusog.
Pag-usapan kung paano maging inspirasyon
ng mga bata ang batang malusog.
B. Paglinang na Gawain
1. Paglalahad
Buksan ang modyul sa pahina 9.
Sabihin :
- Mayroon tayong tsart, sagutin ang mga
tanong. Isulat sa patlang ang inyong mga
sagot.

Magbigay ng mga gabay na tanong sa


gawain tulad ng :
-

Ano-ano ang alam ninyo tungkol sa


wastong nutrisyon ?
Ano ang ibig sabihin ng wastong
nutrisyon ?
Ano-ano ang nais ninyong malaman
tungkol sa wastong nutrisyon?
3

Gamitin ang KWL tsart sa pagsasagawa ng


gawing ito

K
Ano-ano ang
alam ninyo
tungkol sa
wastong
nutrisyon?

w
Ano-ano ang
nais ninyong
malaman
tungkol sa
wastong
nutrisyon?

L
Ano-ano
ang iyong
natutuhan?

2. Pagtatalakayan

3. Paglalahat
Buksan ang modyul sa pahina 14-15.
Tandaan Natin Ito

Basahin ang tula sa pahina 10 at talakayin


ang nilalaman nito.

Alamin Natin
Buksan ang modyul sa pahina 11.
Ipabasa sa mga mag-aaral ang Wastong
Nutrisyon at ang mga panuntunan ng
wastong nutrisyon.
Magbigay ng pagkakataon para sa
pagtatanong at paglilinaw.

Kwentahin Natin
Buksan ang modyul sa pahina 12.
Ipabasa ang suliranin.
Gabayan sila sa paglutas ng suliranin sa
pamamagitan ng pagbasa o pagpapaliwanag ng mga tanong.
4

Ipakilala o magpakita ng halimbawa ng


paglutas kung kinakailangan.

Gamitin din ang tsart ng KWL sa


pagbubuod ng aralin.
Sabihin :
- Balikan natin ang ating tsart.
Itanong muli ang nilalaman na tanong ng
K at W sa tsart. Ipabasa ang kanilang mga
sagot sa mga tanong na ito. Sa
pamamagitan nito. Magkakaroon sila ng
pagbabalik-tanaw. Maiwawasto ang
maling haka-haka.
Itanong ang panghuli, ang L.
- Ano-ano ang inyong natutuhan tungkol
sa wastong nutrisyon?
- Ano ang wastong nutrisyon?
- Ano ang mga panuntunan ng wastong
nutrisyon?
Bigyan diin ang pagwawasto sa mga
maling haka-haka.
Magbigay ng pagkakataon para sa
pagtatanong.

Aralin 2

4. Paglalapat
Buksan ang modyul sa pahina 16.
Pag-isipan Natin Ito

Ipabasa ang mga suliranin


Bigyang pagkakataon ang mga magaaral sa pagtatanong upang mabigyang
linaw ang suliranin.
Gabayan sila sa paglutas ng suliranin.
Sumangguni sa susi ng pagwawasto sa
pahina 72.

IV. PAGTATAYA
Buksan ang modyul sa pahina 18-19.
Alamin Natin ang Inyong Natutuhan

Ipabasa at ipaliwanag ang panuto.


Gabayan ang mga mag-aaral sa paglutas ng
suliranin.
Pagkatapos ng gawain, pag-usapan at
ipaliwanag ang mga sagot sa katanungan.
Sumangguni sa Susi ng Pagwawasto sa pahina
72.

V. KARAGDAGANG GAWAIN

Ipaliwanag ang panuto.


Sumulat ng payak na pangungusap tungkol sa
mga kaugalian ninyo sa inyong tahanan tungkol
sa wastong nutrisyon.

Panimula
Ang mga gulay ay siyang pangunahing pinagkukunan ng mga bitamina, iron at ng iba pang
sustansiyang kailangan ng katawan. Sa pamamagitan
nito, napapanatili ang lakas at resistensiya na siyang
mahalagang panlaban sa sakit.
Maliban dito ang pagkakaroon ng gulayan ay
nakapagbibigay din ng karagdagang kita lalo na sa
mga magsasaka.
Ang guro o facilitator ay inaasahang magbibigaygabay at patnubay sa mga mag-aaral upang
mahikayat silang makilahok sa talakayan at Gawain.
I.

MGA LAYUNIN
Pakikinig :

Nakapakikinig ng may pang-unawa sa


mga talakayan tungkol sa kahalagahan
ng gulay.

Pagsasalita: Naibabahagi ang sariling kaisipan at


kuru-kuro tungkol sa paksa.
Nakapagbibigay halimbawa ng mga
produktong gulay na matatagpuan sa
pamayanan at sariling bayan.

Pagbasa:

Nababasa at nauunawaan ang mga


payak na pangungusap at katanungan
tungkol sa kahalagahan ng gulay.

Pagsusulat: Naisusulat ang mga payak na salita,


bilang at halaga .
Nagagamit ang talahanayan sa
paghahambing ng mga datus o
numero.
Pagpapahalaga (Values): Naisasabuhay ang
kahalagahan ng gulay sa kalusugan at
hanapbuhay.
II. PAKSA

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Awitin ang Umawit Tayo sa pahina 22 ng
modyul at hingin ang kuro-kuro ng bata sa
inawit.
Ano ang ibig sabihin ng bata sa awit na ito?
B. Paglinang na Gawain
1. Paglalahad
Buksan ang modyul sa pahina23.

A. Aralin 2: Ang Kahalagahan ng gulay sa


kalusugan at hanapbuhay
Kasanayan sa Pakikipamuhay: Pansariling
Kamalayan at paglutas sa suliranin tungkol sa
kahalagahan ng gulay sa kalusugan at
hanapbuhay

Pag-isipan Natin

B. Kagamitan: Mapa, tsart, mga gulay,


talahanayan at modyul

Ipaliwanag na mabuti ang panuntunan sa


gawain
Gabayan sila sa pamamagitan ng pagtatanong upang makapagbigay ng kurukuro tungkol sa kahalagahan ng gulay.
Itanong :
- Anu-ano ang naibibigay sa inyo ng
gulay ?
- Maliban sa ito ay pagkain, ano-ano pa?
- Pangkatin ang mga mag-aaral at
ipaulat ang kanilang napag-usapan
tungkol sa gulay .
Ipasulat nang malinaw ang mga sagot sa
gawain. Ipalagay sa papel.
9

2. Pagtatalakayan
Buksan ang modyul sa pahina 24-25.
Basahin Natin Ito

Ipaliwanag nang mahusay ang


kaugnayan ng kanilang mga kuro-kuro sa
aralin.
Ipabasa ang kahalagahan ng gulay sa
kalusugan at paghahanap-buhay at
iwasto ang kanilang mga haka-haka sa
naunang Gawain.
Bigyan ang mga mag-aaral ng panahong
makapag-usisa sa talakayan.
Gabayan ang mga mag-aaral sa paglutas
sa suliranin. Magpakita ng halimbawa sa
paglutas gamit ang talahanayan.

4. Paglalapat
Paghambingin Natin

Sagutin Natin Ito at Alamin Natin

Ipasulat nang malinaw ang sagot sa


patlang

3. Paglalahat
Buksan ang modyul sa pahina 28.

Itanong :
- Ano-ano ang inyong natutuhan tungkol
sa ating aralin?
- Ano-ano ang naibibigay sa inyo ng
gulay?
- Sa anong paraan niya kayo
natutulungan?
Ipabasa ang buod ng naging talakayan
sa mga mag-aaral
Bigayan ng pagkakataon ang mga magaaral na magtanong upang malinawan
ang kanilang haka-haka.

Ipaliwanag na mabuti ang panuntunan o


panuto sa paglutas ng suliranin
Ipabasa ang suliranin at mga tanong
Gabayan ang mga mag-aaral sa paglutas
sa suliranin
Ipasulat nang malinaw ang mga sagot sa
patlang.

IV. PAGTATAYA

Tandaan Natin

Buksan ang modyul sa pahina 31.

Alamin Natin ang Inyong Natutuhan

Magtanong tungkol sa natutuhan sa


aralin.

10

Ipaliwanag ang panuto sa mga mag-aaral.


Ipabasa ang suliranin at mga tanong sa mga
mag-aaral.
11

Gabayan sila sa paglutas nang suliranin gamit


ang talahanayan.
Ipasulat nang malinaw ang mga sagot sa papel
Sumangguni sa Susi ng Pagwawasto pahina 65.

V. KARAGDAGANG GAWAIN

Ipaliwanag ang panuto sa mga mag-aaral.


Makipagtalakayan sa mga kakilalang may
taniman ng gulay. Alamin ang kanilang
produkto, panahon ng pagtatanim at ang
kapakinabangan ng pagtatanim ng gulay.
Ipaulat ang Gawain.

Aralin 3
Panimula
Ang araling ito ay siyang kasangkapan ng wastong
nutrisyon. Kailangang mabigyang-linaw at mabatid ng
mga mag-aaral ang mga sustansiyang hatid ng mga
ibat ibang pagkain upang makapamili ng ihahain o
iluluto ayon dito.
Sa ganitong paraan, mapapadali ang gawain ng
tagapaghanda. Masusuri din niya ang ihahanda kung
ito ay makabubuti sa kalusugan ng pamilya o
kasambahay.
Mababatid din niya ang mga alternatibong pagkain
o sangkap kapag ang ilan sa mga ito ay wala sa lokal
na pamayanan.
Napapaloob din dito ang mga gawaing
nakapaglilinang sa pakikinig, pakikipagtalastasan at
pagkukuwenta.
Ang paggabay ng tagapagturo ay lubos na
kinakailangan upang maging mas epektibo ang pagaaral.

12

13

I.

MGA LAYUNIN
Pakikinig :

III. PAMAMARAAN

Nakapakikinig ng may pang-unawa sa


mga panuto, pagpapaliwanag at kurukuro tungkol sa aralin, tatlong pangkat
ng pagkain.

Pagsasalita: Nakikibahagi sa gawaing pampangkat.


Nakapagbibigay kuro-kuro tungkol sa
aralin.
Nakikibahagi sa talakayan tungkol sa
tatlong pangkat ng pagkain
Pagbasa:

Nababasa ng may pang-unawa ang


mga panuto, aralin at suliranin ayon
dito.

Pagsusulat: Nasusulat nang malinaw ang mga


payak na salita o pangungusap, bilang
at mga sagot sa gawain ukol sa aralin
Pagpapahalaga (Values): Nakikilala ang tatlong
Pangkat ng pagkain kaugnay ng
wastong nutrisyon
II. PAKSA
A. Aralin 3:

Ang Tatlong Pangkat ng Pagkain

Kasanayan sa Pakikipamuhay: Pansariling


Kamalayan sa Tatlong Pangkat ng Pagkain
B. Kagamitan: Mga gulay, karne, isda, tsart,
larawan, gamit pangkusina
14

A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral

Itanong sa mga mag-aaral:


- Ano-ano ang bigay sa ating ng gulay?
- Bakit ito mahalaga?
- Ano-ano ang mga pananim nating
gulay dito sa ating lugar?

2. Pagganyak
Umawit Tayo

Buksan ang modyul sa pahina 34 at


talakayin ang nilalaman nito.

B. Paglinang na Gawain
1. Paglalahad
Pag-isipan Natin

Buksan ang modyul sa pahina 35.


Pangkatin ang mga mag-aaral para sa
gawain.
Ipaliwanag ang panuto para sa gawain.
Sabihin:
- Pangkatin ang mga pagkain ayon sa
inyong pala-palagay o kuro-kuro.
- Pagsama-samahin ang mga pagkaing
maaaring magkakapangkat
15

Isulat ang mga ito sa susunod na pahina


36.
Ipasulat ang gawain

2. Pagtatalakayan
Basahin Natin
Buksan ang inyong modyul sa pahina 37-41.

Ipabasa ang aralin at iwasto ang hakahaka upang maliwanagan ang mga magaaral tungkol dito.
Bigyan diin din ang food guide pyramid
bilang batayan sa dami ng kakainin sa
bawat pangkat ng pagkain.
Magbigay ng pagkakataon para sa
pagtatanong at pagsagot

Kwentahin Natin
Buksan ang modyul sa pahina 42.

Ipabasa ang panuto, suliranin at mga


tanong.
Gabayan sila sa pagsagot o paglutas ng
suliranin.
Magbigay ng halimbawa sa paglutas ng
suliranin kung kinakailangan.
Sumangguni sa Susi ng Pagwawasto
pahina 71.

16

3. Paglalahat
Tandaan Natin
Buksan ang modyul sa pahina 44-45.
Itanong ang natutuhan ng mga magaaral tungkol sa aralin.
Maaaring gamitin ang sumusunod na
tanong:
- Ano ang natutuhan ninyo sa ating
aralin?
- Ano-ano ang tatlong pangkat ng
pagkain?
- Ano-ano ang mga pagkaing
nabibilang sa unang pangkat?
- Bakit kailangan nating malaman ang
tatlong pangkat ng pagkain?
Hikayatin silang magbigay ng sagot at
tanong upang maliwanagan sa aralin.
Ipasulat ang buod sa notebook
4. Paglalapat
Sagutin Natin
Buksan sa pahina 46.

Ipabasa ang suliranin


Ipaliwanag ang panuto at gabayan sila sa
paglutas ng suliranin
Sumangguni sa Susi ng Pagwawasto sa
pahina 72.

17

Aralin 4

IV. PAGTATAYA
Alamin Natin ang Inyong Natutuhan
Buksan ang modyul sa pahina 47-48.

Ipabasa ang Gawain A at B


Gabayan sila sa paglutas ng suliranin
Sumangguni sa susi ng pagwawasto sa pahina
73.

V. KARAGDAGANG GAWAIN

Ipaliwanag ang panuto sa gawaing sanaysay.


Paano nakatutulong ang tatlong pangkat ng
pagkain sa inyong paghahanda ng pagkain?

Panimula
Ang araling ito ay magbibigay linaw at dahilan ng
mga naunang aralin sa modyul na ito. Sapagkat sa
pamamagitan nito, mababatid ng mga mag-aaral na
ang wastong nutrisyon ay isa kundi man ang
pinakamabisang paraan ng pag-iwas ng sakit at
pagpapanatili ng kalusugan.
Ang araling itoy magbubukas sa isipan ng mga
magulang sa kahalagahan ng maayos na pagpaplano
ng pagkain.
Kaalinsabay nitoy matututo at malilinang din ang
mga mag-aaral sa pakikinig, pakikipagtalastasan at
pagkukuwenta.
Ang patnubay ng guro ay kanakailangan.

18

19

I.

MGA LAYUNIN
Pakikinig :

Nakapakikinig ng may pang-unawa sa


mga naibabahaging kuro-kuro tungkol
sa kahalagahan ng tamang paghahanda ng pagkain at wastong
nutrisyon.

Pagsasalita: Nakapagbibigay kuro-kuro at


nakikibahagi sa mga gawaing naatas
tungkol sa aralin.
Nakabubuo ng payak na pangungusap
ayon sa araling tunalakay.
Pagbasa:

Nababasa at nakauunawa sa mga


payak na pangungusap, panuto at
mga tanong na kaalinsabay sa pagaaral ng paghahanda ng pagkain at
wastong nutrisyon.

Pagsusulat: Nasusulat nang malinaw ang mga


salita, bilang at halaga alinsunod sa
mga Gawain sa modyul
Pagpapahalaga (Values): Napapahalagahan ang
tamang paghahanda ng pagkain at
wastong nutrisyon

Kasanayan sa Pakikipamuhay: Malikhaing Isip


tungkol sa paghahanda ng pagkain at wastong
Nutrisyon
B. Kagamitan: tsart, modyul, mga larawan at iba pa
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral

2. Pagganyak
Ang Suliranin ni Aling Mita

II. PAKSA
A. Aralin 4: Ang Kahalagahan ng Tamang
Paghahanda ng Pagkain at Wastong
Nutrisyon.
20

Magbigay ng mga tanong tungkol sa


nakaraang aralin.
Gamitin ang mga sumusunod na tanong:
- Ano ang ating nakaraang aralin?
- Ano-ano ang tatlong pangkat ng
pagkain?
Magbigay ng panahon sa pagtatalakay
nito.

Buksan ang modyul sa pahina 51-56.


Ipabasa o ipasadula ang komiks strip
Itanong kung anu-ano ang nais iparating
ng nabasa o naisadula.
Maaaring gamitin ang mga sumusunod na
tanong:
- Ano ang suliranin ni Aling Mita?
- Bakit siya nag-aalala tungkol dito ?
21

Bakit kailangan nilang magpunta sa


pulong ?
Magbigay ng pagkakataon para sa
pagbibigay kuro-kuro.

B. Paglinang na Gawain

1. Paglalahad
Alamin Natin

Buksan ang modyul sa pahina 57-58.


Pangkatin ng dalawa ang mga mag-aaral.
Ipaliwanag ang panuto para sa gawain.

Sabihin :

Pag-isipan Natin Ito

Pangkat 1: Ang Tamang Paghahanda ng


Pagkain
Pangkat 2: Ang Kahalagahan ng Wastong
Nutrisyon

Basahin Natin Ito


Buksan ang inyong modyul sa pahina 59-60.
Ipabasa ang tungkol sa aralin.
Magbigay ng mga gabay na tanong para
sa pag-uusap o pagtatalakayan.
Maaaring gamitin ang mga sumusunod:
22

Ipaliwanag ang panuntunan sa paggawa


ng plano ng pagkain o menu.
Sabihin :
- Mag-isip o magplano ng balanseng
pagkain.
- Ang bawat menu ay dapat binubuo ng
pagkain mula sa tatlong pangkat.
- Mag-isip ng alternatibong pagkain na
maaaring makita sa pamayanan.
- Baguhin ito ayon sa agahan;
tanghalian at hapunan at sa bawat
araw.
- Maaari itong gawin nang lingguhan.

2. Pagtatalakayan

Hikayatin silang magtanong para


maliwanagan tungkol sa aralin
Iugnay at ipaliwanag ang kanilang hakahaka sa aralin

Buksan ang modyul sa pahina 61.

Magbigay ng kuro-kuro sa aralin na naibigay


sa inyong pangkat

Ano-ano ang mga tamang paghahanda ng pagkain?


Bakit kailangan natin itong malaman?
Bakit mahalaga ang wastong
nutrisyon?
Kailangan ba ang tamang pagpaplano ng pagkain? Bakit?

Gabayan sila sa Gawain.


23

Kwentahin Natin
Buksan ang modyul sa pahina 62-63.

Ipabasa ang suliranin.


Ipaliwanag ang panuto at gabayan sila sa
paglutas ng suliranin.
Sumangguni sa susi ng pagwawasto
pahina 68.

3. Paglalahat

Buksan ang modyul sa pahina 64-65.

IV. PAGTATAYA
Alamin Natin ang Inyong Natutuhan
Buksan ang modyul sa pahina 68-70.

Tandaan Natin

Ipaliwanag ang panuto


Gabayan sila sa paglutas ng suliranin
Gabayan sila sa paggawa ng menu
Sumangguni sa susi ng pagwawasto sa
pahina 68.

Itanong ang natutuhan ng mga magaaral tungkol sa aralin.


Maaaring gamitin ang sumusunod:
- Anu-ano ang mga tamang paghahanda ng pagkain?
- Bakit kailangan nating malaman ang
mga ito?
- Ano ang kahalagahan ng tamang
paghahanda at wastong nutrisyon?
Hikayatin silang magtanong at magbigay
ng kuru-kuro.
Ipasulat ang buod sa notebook

Ipabasa ang Gawain A at B


Gabayan sila sa paglutas ng suliranin
Sumangguni sa susi ng pagwawasto sa pahina
75.

V. KARAGDAGANG GAWAIN

Magpagawa ng simpleng resipi at ipasulat ang


mga sangkap at ang maaaring kabuuang gastos
sa menung ito.

4. Paglalapat
Sagutin Natin
Buksan sa pahina 66.
Ipabasa ang suliranin
24

25

You might also like