Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1.

Paghambingin ang butil ng kape sa carrot at itlog nang ang mga ito ay inilahok sa kumukulong
tubig.
-Ang carrot ay matigas pero kapag inilagay mo ito sa kumukulong tubig ito ay lalambot. Ang itlog
ay malambot ang loob pero kapag inilagay mo ito sa kumukulong tubig ito ay titigas. Ang kape
ay matigas pero kapag inilagay mo ito sa kumukulong tubig siya ay nagsisilbing kulay sa tubig.
-Ang carrot na malakas sa una subalit nang dumating ang pagsubok ay naging mahina. Ang
itlog na ang labas na balat ay nagpapakita ng kabutihan ng puso. Ang itlog ay nagpapaalala na
minsan may mga taong sa una ay may mabuting puso subalit kapag dumaan ang pagsubok
tulad ng sigalot sa pamilya o mga kaibigan, sila ay nagkakaroon ng tigas ng kalooban upang
hindi igawad ang kapatawaran sa nagkasala. Ang butil ng kape na nakapagpabago sa
kumukulong tubig. Ito ay pagiging matatag sa oras ng pagsubok. Higit sa lahat, ikaw mismo ang
magpapabago sa mga pangyayari sa paligid mo.
2. Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang naging reaksiyon. Paano
mo maiuugnay ang pahayag na ito sa buhay ng tao?
- Ang ibig sabihin nito ay pare-pareho tayong binibigyan ng biyaya ng Diyos at nagpapasalamat
dahil dito ngunit ang iba naman ay nagahahangad pa ng iba o sa madaling salita, hindi
makuntento.
3. Mabisa ba ang naging representasyon ng ama upang magkaroon ang anak ng maliwanag na
pananaw sa kahirapang kanilang kinakaharap? Patunayan.
- Oo , dahil ang ama ang tinutularan ng mga anak at nagbibigay inspirasyon sa mga ito.
4. Kung ikaw ang anak, paano mo haharapin ang hirap ng buhay?
- Sa pamamagitan ng pagtulong sa aking magulang at mag-aaral ng mabuti para makapagtapos
sa pag-aaral upang kayanin mong harapin ang problema nang mag-isa.
- Haharapin ko ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti at huwag kalimutang magdasal.
Dahil lahat ng hirap ay malalampasan, tiwala lang sa Panginoon.
5. Bigyang-kahulugan ang sinisimbolo ng butil ng kape sa kuwento.
- Ito ay kwento tungkol sa butil ng kape kapag inilagay sa mainit na tubig kung saan
inihahalintulad ang isa sa mga paraan ng pagharap ng tao sa mga problema. Sinasabing ang
kape na pinakuluan na nagkaroon ng ibang lasa at amoy at parang ang taong iniharap mo sa
maraming problema ngunit sa halip na maging mahina o kaya'y matigas ay nagbago at
nagkaroon ito ng karagdagang gamit o sangkap at mas natututo ito sa pagsubok na naranasan,
mas nagiging mabuti kumpara sa una.
- Ang kwentong "Butil ng Kape" ay isang representasyon ng ama upang magkaroon ang anak ng
maliwanag na pananaw sa kahirapang kanilang kinakaharap. Ang anak ay hinamon ng kanyang
ama kung paano haharapin ang hirap ng buhay.
- Kinunpara ng ama ang carrot, itlog, at butil ng kape sa anak niya para malaman niya ang pag
harap ng pagsubok kung magiging ano siya o kung ano ang pipiliin niya.

You might also like