Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang Kahulugan ng Komiks sa mga Pilipino (Part 1)

Kamakailan, may nabasa akong nakapaskel na katanungan sa isang Facebook Page.


Nai-comment ng administrator ng FB Page na iyon na natuliro raw sila kung ano ang
kanilang isasagot sa katanungan ng isang bata kung ano ang komiks. Sa comment
box ay ibat iba ang nakita kong kasagutan. Ang mga sumagot dito ay nagbigay ng
kani-kanilang pagkakaalam sa kahulugan ng komiks. May mga katandaan pero mas
maraming kabataan ang nag-react. Marahil ang karamihan sa kanila ay walang
gaanong nalalaman sa kung ano ang komiks natin noon at ngayon.
Ang totoo, marami sa ating mga nasa young generation na hindi na inabot ang
kapanahunan kung kailan kasagsagan ang paglalathala ng ating mga traditional
komiks. Marahil ay nalilito sila kung ang mga nakikita nilang inilalathalang komiks na
kinagigiliwan nilang basahin ngayon ay ang mga komiks na katulad din noon.
Upang mamulat ng bahagya ang kanilang pang-unawa, minabuti kong ibahagi kung
ano ang tunay na kaanyuan ng ating tinatawag na komiks sa Pilipinas noon, base sa
aklat na nabasa ko. (May Sining, Tagumpay at Salapi sa PAGSULAT NG KOMIKS ni
Mario S. Cabling.) ito nawa ang maging gabay sa kanila para magkakaroon sila ng
pagkakataon na maihambing ito sa mga komiks na nalalathala at nababasa natin
ngayon.

Mga sagot ko sa mga tanong para sa komiks.


June 14, 2014 at 11:57pm

from andoyman's questions:


1. May "growth" nga ba ang industriya ng komiks?
- Depende ito sa kung saan ang paghuhugutan ng salitang " growth" Kasi, kung mula sa
lumang estado ng komiks. Malayo pa ang kailangan lakbayin para matapatan ang
DATING rurok ng tagumpay ng industriya ng komiks.
- Una ay ang popularidad at pagkalaganap nito. Nationwide ang distribution dati. Kahit
saang sulok ka lumingon ay naroon ang komiks. Pero mataas ba talaga ang tingin sa
komiks noon? Oo at hindi. Pagdating sa pinagkukunan ng mga ideya sa story at saya na
dulot ng bawat pahina nito ay talagang mataas ang ranggo nito. Halos lahat ng pelikula
noon ay hango sa komiks. Pagdating sa produksiyon ay bagsak ang komiks noon. Hindi
maganda ang papel, pinambabalot sa tinapa. Para sa masa at di sa AB crowd. At ang
kalidAd nito ay marahan, matagal pero diretsong bumababa sa pagkahaba haba ng
panahon na nagsimula ito, ibig sabihin hindi progressive.
- Pero tandaan na ang dating komiks ay wala na ngayon kaya ang growth nila ay wala
na rin. So ano ba talaga ang komiks ngayon at ang growth nito? Sa panahon ngayon

mula sa ibaba ang mga pag usbong ng komiks. Ang pamantayan ay mataas. Mas
pagandahan ng papel, pabalat at kung anu-ano pa, Kulang sa editorial staff pero patuloy
namang nagaayos sa sarili. Madami ang independent komiks. Ibig Sabihin, hindi na
didiktahan kaya naman mas open ang paghugot sa orihinal na mga concepts. Patuloy
pa rin itong gumaganda at natututo sa mga pagkakamali, ibig sabihin Progressive kaya
naman may "growth".
- Isa pang indikasyon na umaangat ito ay ang pagbabalik tiwala ng mga publications na
gumawa ulit ng mga graphic stories at hindi lang pawang mga prosa o yung mga
nobelang tradisyonal. Sa ngayon, wala na sa bangketa ang komiks, isa ring malinaw na
indikasyon na mas CLASS ang komiks ngayon. So, ang kulang na talaga ay ang
pagPUNTA ng mga tao tungo sa komiks at tatawagin kong mga tamad ang mga tao na
ang reklamo ay wala sa newstands nila TULAD ng dati. Sorry, ang dati aY Nakaraan. Get
over it.
2. Dumadami ba ang mambabasa ng komiks?
- Ang pagdami ng mambabasa ay isang importanteng aspeto sa larangan ng komiks.
Mas marami sila, mas mainam sa buhay ng komiks. Pero ang tamang tanong eh cheap
pa ba ang komiks ngayon? Ito ay isang pagpipili ng mga gumagawa. Quality or
quantity? Mas mahal man ang komiks ngayon ng hindi hamak, mas collectible naman
ito. Mas mainam na alagaan natin ang mga gumagawa nito kesa sa bitiwan ang
nasimulang adhikain na ayusin ang dating nasirang kinagawian. Dumadami ba? Oo pero
sa mga gusto lang nilang libro. Dito nasasala ang mga kulang sa sapat na hanggang sa
pinakamahusay na gawa ng mga taga komiks. Kaya't importante na kung may gusto
man sa gawa mo, di man sobra solid naman.

3. Naaabot ba ng industriya ang lower, middle, at higher class ng lipunan? Gaano 'to
karami sa bawat class?
- Sa panahon ngayon, lahat na yata may celphones at TV sa kahit na saang lupalop
man ang maaaring magbasa ng komiks. Komiks is a choice of entertainment. Aabot at
aabot din sila sa mga kamay ng mga gustong magbasa. Ang numero sa Tanong na ito
ay may kahirapang sagutin at kahit anong tantiya mo dito ay hindi mo masasabing fact.
Pero wala ito sa class, nasa dating ito ng prdukto. Ang spiderman ba ay pang AB? o CD
crowd ba? ang sagot dito ay para sa lahat ng crowd. So masa o hindi May karapatang
magandahan sa anumang obra sa komiks.

4. Naniniwala ka bang kaya hindi nabibigyan ng exposure sa mainstream media ang


mga komiks ngayon sa kadahilanang hindi ito pang-mainstream?

- Ano ba ang mainstream? yung malakas sa networks ba kaya may exposure? Kung
ganun wala rin nito ang lumang komiks. Ang tanging media nila ay mga pagsalit salitan
ng mga kwento ng mga tao na nakapagbasa na nito. Sa ganitong paraan ay
nadagdagan ang mga maaaring bumili pa ng iba pang storya sa loob ng isa pang
komiks magazin. Ganun kami noon. Ang tamang paraan ng isang masiglang industriya
ng komiks ay ang kakayahan nitong mapagsaluhan ng mas maraming mambabasa.
Palitan pa kami ng komiks minsan. Pag wala kang kopya, maghahanap ka sa ibang
kapitbahay para dito. Ang kinagawiang ito ay isang praktikal na pamamaraan para ma
advertise ang mismong komiks noon. Ang pelikula ay mas kilala kung mas marami ang
nakabasa sa komiks kesa sa ngayon na nasa-ikomiks nga pero konti naman ang
nakapag basa ng komiks na pinagmulan nito.

5. Paano natin mas maitataguyod ang industriya?


- MagtIwala sa kakayahan ng iilan, walang harangan, kailangan ay pantay pantay ang
pagbibigay ng oportunidad na umunlad sa baWat gawa. Tandaan na tayo ay maliliit na
isda lamang. Kung sa simula pa lamang ay may ipitan na, Wala tayong bukas na
inaabangan.

6. Paano natin mahihikayat ang ibang tao(lalo ang hindi mahilig magbasa) na magbasa?
- Ingitin natin sila, itaguyod natin ang imahe ng sining ng ating mga dibuhista, Itaas
natin sila pati na rin ang mga manunulat. Kilalanin natin sila para kilalanin din sila ng
lipunan bilang sila at hindi kung ano lamang ang tingin ng iilan. the industry is not about
komiks, but about the people in it. Mas successful sila, mas maganda ang magiging
tingin ng marami sa kanila at sa industriyang ginagalawan nila.

7. Bukod sa pagkakaron ng mga convention, ano pa ang ibang paraan para mas
maiangat ang industriya ng komiks? (Mga paraang tiyak na pag-uusapan ng maraming
tao.)
-Malamang na marami tayong maiisip dito pero hindi ito ang kailangan kundi ang
pagbuo muna ng isang matatag na imahe ng isang Maayos na KOMIKS na mukhang
muling pagkakatiwalaan ng bawat mambabasa.

8. Paano natin mahihikayat ang mga publisher na mamuhunan sa pagkokomiks? (Alam


ko, mayroon ng Visprint at Black Ink Komiks, e paano ang iba? At paano madadagdagan
ang mga publisher na maglilimbag ng komiks?

- wala, maliban sa self-publishing na mahirap. Wala tayong magagawa kundi ang ilapit
sa kanila ang mga proyektong maaari nilang kagatin. Ang dapaT ayusin ay ang mga
bagong paraan upang lalong umunlad ang creators KASAMA ng mga publications na ito.
Hindi dapat work for hire lang na walang dagdag na insentibo matapos sa paggawa ng
komiks ang mangyari. A healthy artist is good for business, but a wealthy one is divine!

9. At ang pinakahuling tanong, naniniwala ka bang walang mangyayari sa industriya ng


komiks dito sa ating bansa kaya dapat mag-abroad na lang ang mga artist?
- Hindi po kailangan lumabas ng Bansa para makapagtrabaho na pang international, sa
katunayan. Mas marami ang artist na magpapaiwan sa bansa ay mas mainam. Lalakas
ang pwersa, imahe at tiwala ng buong mundo sa ating kakayanan bilang comic creators.

Sana ay maayos ang mga sagot isang puyat na tulad ko pero kung may naisip ako,
idadagdag ko.
-Gilbert Monsanto

You might also like