Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Divine Wealth 159: ANG TATLONG DAKILANG PILIPINO.

Sa Key
Program ay mayroong tatlong dakilang Pilipino na kinasangkapan.
Ang kanilang gampanin ay lingid sa nakararaming Pilipino.
Subalit, panahon na para ihayag ang kanilang kadakilaan lalong
lalo na sa dalawang kinasangkapan na pumanaw na. Ang ikatlo,
ay ihahayag pa lamang at ang panahon para dito ay malapit na.
Umasa tayo na ang bayang Pilipinas ay magiging isang dakila at
makapangyarihang bansa.
ANG TATLONG DAKILANG PILIPINO
Sa gitna ng mga lahing liko at masama,
May tatlong dakilang Pilipinong inihanda.
Kinasangkapan ng Amang Maylikha.
Dibino Imperyo, itatag sa ating bansa.
Sa kanila inihabilin ang mahahalagang bagay.
Sa tamang panahon ilalabas -maghintay!
Sagradong kayamanan, sila ang mga bantay
Makinig at akin po sa inyong isasaysay!
Ang unang kinasangkapan ay isang duktor,
Dalubhasa sa maraming wika, isa ring iskultor.
Sinulat ang Noli at ang Fili, isang illustrador,
Tagapagtayo ng unang bangkong pambuong mundo.
Gamit ang husay at talento, kayamana'y nabuo.
Upang sa takdang panahon, pakinabangan ng mga tao.
Mga pangaral niyay nakaukit sa ating puso.
DR. JOSE P. RIZAL! Ang Pambansang Bayani po!
Ang ikalaway naging Pangulo ng Bansa natin.
Abogado ng Vatican, sa kanyang kabataan.
Mga kayamanang itinago sa bansang maharlika,
Sininop at ipina-utang sa 72 mga kaalyadong bansa.
Dalawampung taon at isang araw, ang itinakda
Maniningil na ang bansang Pilipinas sa kanila!
Bibigyan ng katarungan, itatanghal siya!
Pangulong FERDINAND E. MARCOS, BAYANI KA!
Ang huliy inihanda, isakatuparan ang programa.
Ang kahalalay hindi sa tao.; nakasulat sa Bibliya.
Sugo ng Panginoong Jesus, ELIAS NA PROPETA!
Tinubos ng dugo ng Cristo ang Bayan niya.
May TANGANG MAHALAGA at LAGDANG MARIPOSA.
Tagapagdugtong ng tungkod ng Israel at Juda!
Tagapagtayo ng templo sa banal na dakong itinalaga.
Susuko sa Panginoong Jesucristo, Anak ng Ama.
Mangyayari ang kagila-gilalas -masasaksihan.
Mga bansay luluhod, sa gusto man o tanggihan.
Tayoy maghanda, magaganap ang kawasakan,
Papatagin ang lupa, itatayo ang banal na bayan.

Mga nakababatid, matagal ng pinaghahandaan.


Gustong ring sumalubong sa Cristong Panginoon
Sa muling pagbabalik, kaming lahat ay sabik!
Biyayang walang kabalisahan, umaapaw, liglig at siksik!

You might also like