Ang Proseso NG Pagbasa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Ang Proseso ng Pagbasa

Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbibigay-kahulugan ng mga


simbolo at salita. Bilang proseso, ito ay may apat na hakbang
ayon kay William S. Gray(1950), ang kinilalang Ama ng
Pagbasa: (1)persepsyon, (2)komprehensyon, (3)reaksyon,
at (4)integrasyon (Belvez, et al., 1990; Villamin, et al., 1994;
Resuma at Semorlan, 2002).

Persepsyon - Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na


simbolo at kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog.

Komprehensyon - Ito ay pag-unawa sa mga nakalimbag na


simbolo o salita.

Reaksyon - Ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng


kawastuhan, kahusayan, pagpapahalaga at pagdama sa teksto.

Integrasyon - Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at


paggamit ng mambabasa sa kanyang dati at mga bagong
karanasan sa tunay na buhay.

Isang komplikado o masalimuot na proseso ang pagbasa sapagkat


maraming kasanayan ang nililinang at kailangang malinang dito
upang magiging epektibo ang pagbabasa. Isa kang mahusay at
epektibong mambabasa kung natutukoy mo ang layunin ng iyong
binabasa, nagagamit ang mga estratehiya at teknik sa pagbasa,
nakabubuo ng hinuha o hula sa susunod na pangyayari at

iniuugnay ang dating kaalaman at karanasan upang maunawaan


ang kahulugan ng binabasang teksto.

Mga Teorya sa Pagbasa

Ano ang teorya sa pagbasa?

Ang teorya sa pagbasa ay pananaw ukol sa pagbasa. Ito ay


nagtatangkang ipaliwanag sa mga proseso at salik na kasangkot
at may kaugnayan sa mga gawaing nararanasan sa akto ng
pagbasa at ang pag-unawa sa mga ito (Singer at Ruddell, 1985).

Napakahalagang kasanayan dapat na matutuhan ng mga


estudyante ang isang matibay na pag-unawa sa proseso ng
pagbasa. May ibat ibang paniniwala o pananaw na maaaring
magamit sa pagtalakay sa konsepto ng pagbasa.

Sa kasalukuyan, apat (4) ang popular na modelo, teorya o


pananaw tungkol sa pagbasa. Tunghayan ang mga paniniwala
tungkol sa pagbasa batay sa mga modelong makikita sa tsart:
(A)teoryang itaas-pababa (top-down), (B)teoryang ibabapataas (bottom-up), (C)teoryang interaktibo, at (D)teoryang
iskema.

Teoryang Itaas Pababa (Top-Down)

Pagpapaliwanag ng Teoryang Itaas Pababa:

Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay nagmumula


sa isipan ng mambabasa mayroon nang dating kaalaman at
karanasan.

Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa


itaas (top) patungo sa ibaba (down) na ang ibig sabihin, ang pagunawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto.

Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman ng


mambabasa patungo sa teksto (Smith, 1994).

Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman


(prior knowledge) at mga kaalaman (schema) na nabubuo na sa
kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa
paligid. Nakabubuo siya ng mga palagay at hinuha at ito ay
iniuugnay niya sa mga ideya na inilahad ng may-akda sa teksto.

Ayon kay Goodman (1967), ang pagbasa ay isang


saykolinguwistikong larong pahulaan (psycholinguistic guessing
game). Sa larong ito, ang mambabasa ay nagsisilbing taya kung

saan siya ay bumubuo ng sariling hula, hinuha at ipotesis


kaugnay ng tekstong binasa. Sa teoryang ito, ang mambabasa
ang sentro ng proseso ng pagbasa sa halip na ang teksto dahil
ang mambabasa ay madalas nang may dating kaalaman o iskema
tungkol sa paksa. Samakatuwid, sa teoryang ito, ang mambabasa
ay higit na nakapokus sa kung ano ang alam niya upang
maunawaan ang binabasa.

Ang teoryang ito ay tinatawag ding inside-out model, conceptdriven model, at whole to part model (Goodman, 1985 at Smith
1994).

Mga Proponent ng Teoryang Itaas Pababa:

Kenneth S. Goodman (1985) at Frank Smith (1994)

Teoryang Ibaba Pataas (Bottom Up)

Pagpapaliwanag ng Teoryang Ibaba Pataas:

Ito ay salungat sa teoryang top-down.

Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag-unawa sa


teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad ng salita, pangungusap,
larawan, diyagram o iba pang simbolo.

Tinatawag itong teoryang ibaba-pataas o bottom-up na


nangangahulugang ang pag-unawa ng isang bagay ay naguumpisa sa ibaba (bottom), ito ang teksto (reading text) at
napupunta sa itaas (up), sa utak ng mambabasa matapos
maproseso sa tulong ng mata at utak o isipan.

Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa


paniniwalang ang utak ay isang blangkong papel o tabula raza.

Ayon kay Smith(1994), ang impormasyon ay hindi nagmumula sa


mambabasa kundi sa teksto.

Ang teoryang ito ay tinatawag ding data-driven model o part to


whole model. Ibig sabihin, higit na umaasa ang mambabasa sa
mga impormasyong nasa teksto.

Mga Proponent ng Teoryang Ibaba Pataas:

Rudolf Flesch (1955), Philip B. Gough (1985), at David La Berge at


S. Jay Samuels (1985)

Teoryang Interaktibo

Pagpapaliwanag ng Teoryang Interaktibo:

Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down


sapagkat ang proseso ng komprehensyon ay may dalawang
direksyon (McCormick, 1998).

Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top-down),


nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng teksto at ng
mambabasa. Itoy nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng
mambabasa sa pag-unawa sa teksto.

Samakatuwid, nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto


kapag ginagamit ng isang mambabasa ang kaalaman niya sa
estruktura ng wika at sa bokabularyo kasabay ang paggamit ng
dating kaalaman (schema) at mga pananaw.

Mga Proponent ng Teoryang Interaktibo:

David E. Rumelhart (1985); Rebecca Barr, Marilyn Sadow, Camille


Blachowicz (1990); at Robert Ruddell, Robert Speaker (1985)

Teoryang Iskema (Schema)

Pagpapaliwanag ng Teoryang Iskema:

Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating


isipan o memorya. Ito ay nagiging dating kaalaman (prior
knowledge). Itoy nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa
kung ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa.

Iskemata (schemata), ang sistema ng pag-iimbak ng


impormasyon sa utak ng tao (Anderson at Pearson, 1984).

Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pagunawa sa binasa upang maunawaan ang binasang teksto.

Ang iskema ay nararagdagan, nalilinang, nababago at


napauunlad.

Ayon sa dating pananaw, ang pagbasa ay ang pagbibigay ng


ideya o kaisipang nasa teksto.sa kasalukuyang pananaw naman,
ang mambabasa ay may ideya nang nalalaman batay sa dati
niyang kaalaman (iskema) sa paksa o tekstong babasahin.
Binabasa ang teksto upang patunayan kung ang mga hinuha o
palagay ng mambabasa ay tama, wato, kulang o may dapat
baguhin. Samakatuwid, ang tekstong nabubuo sa isipan ng
mambabasa ang sentrong iniikutan ng pang-unawa at hindi ang

teksto mismo. Dahil ditto, dapat bigyang pansin ang interaksyon


ng mambabasa sapagkat ito ang nilalaman ng kanyang isipan.

Metakognisyon sa Pagbasa

Ayon kay Flavel (1976), ang metakognisyon ay tumutukoy sa


pagkakaroon ng kamalayan at kasanayan sa pagkontrol sa
sariling proseso ng pag-unawa. Ito rin ang mataas na kasanayang
pampag-iisip na kinapapalooban ng aktibong pagkontrol sa mga
prosesong kognitibo sa pagkatuto. Ang isang mahusay na
mambabasa ay metakognitibo kapag naiintindihan nila ang
kanilang sarili bilang mambabasa at nagagamit nila ang angkop
na estratehiya sa pagbasa.

Sa pamamagitan ng metakognisyon, nalalampasan ang kognisyon


dahil nagagawa nitong malinang sa mambabasa ang may
kamalayang paggamit ng mga estratehiyang kognitibo at
pahalagahan sa halip na simpleng gamitin lamang ang mga ito.
Binibigyang-diin din ng metakognisyon ang malawakang control
sa mga proseso sa halip na sa mga tiyak na estratehiya o gawain.

Ang prosesong metakognisyon sa pagbasa ay binubuo ng tatlong


uri (Schunk at Zimmerman, 1998).

Prosesong Metakognisyon

Kaalaman ng mambabasa sa kanyang sariling kahinaan at


kalakasan sa pagbasa Kaalaman ng mambabasa kung aling

estratehiya ang angkop na gamitin ayon sa sitwasyon Kaalaman


ng mambabasa sa pagsubaybay sa kanyang pag-unawa kung
kalian siya hindi nakauunawa

Ayon kay Graves, et al. (2007), ang isang metakognitibong


mambabasa ay itinatanong sa sarili ang sumusunod: naunawaan
ko ba ang sinasabi ng awtor?; ano ang ginagawa ko kapag hindi
ko naunawaan ang aking binabasa?; ano ang maaari kong gawin
upang lalong maunawaan ko ang sinasabi ng awtor?; may
magagawa ba ako upang mas lalong maalala ang binasang
teksto?; anong mga estratehiya sa pagbasa ang aking kailangang
gamitin kaugnay ng teksto?

Mga Kasanayan sa Pagbasa

Ang mga kasanayan sa pagbasa ay nahahati sa dalawang


malawak na pangkat o uri: (A) Kasanayan sa Bilis at (B)
Kasanayan sa Pang-unawa.

Kasanayan sa Bilis

Pagpansin o pagtingin nang higit na malawak ang agwat

Pagtingin sa higit na maraming salita

Pagbasa nang higit na mabilis

Pagkakaroon ng mas kakaunting pagbabalik mata

Kasanayan sa Pang-unawa

Paglilinang ng talasalitaan

Pag-unawa ng talata

Pagsunod sa hudyat o pahiwatig na palimbag

Pagbasa namg pahapyaw at pasuri

Pagbasa at pag-unawa sa mahihirap na babasahin

Ayon kay Lalunio (1985), ang bilis ay tumutukoy sa ikatatagal ng


mambabasa sa pagbabasa ng teksto. Ito ay ang bilang ng salitang
nabasa sa loob ng isang minuto. Ang mambabasa na may
katamtamang bilis ay nakababasa ng 250 salita bawat minuto.
Ang mahusay na mambabasa nakababasa ng 500 600 salita
bawat minuto. Ang napakahusay na mambabasa na may bilis ay
nakababasa ng 1,000 salita bawat minuto. Ang bilis sa pagbasa
ay dapat mapag-iba-iba ayon sa layunin ng mambabasa at
kahirapan ng binabasa.

Wala ring kabuluhan ang mabilisang pagbasa kung hindi


mauunawaan ang binabasa, kaya pang-unawa ang siyang
mahalagang bagay na isaalang-alang sa makabuluhang pagbasa.
Ang pang-unawa ay karaniwang inilalahad sa bahagdan kung
ilang bahagdan ang pang-unawang natamo ng mambabasa sa
pagsusumikap niyang maunawaan nang husto ang binabasa. Ang
isang mahusay na mambabasa ay nakatatamo ng 70 90% na
pag-unawa sa teksto at 90 95% sa mga tekstong nasa malayang
antas.

Upang maging mahusay na mambabasa, dapat na alamin kung


bakit ka babasa at kung ano ang gusto mong malaman. Kapag
may tiyak ka nang layunin sa iyong pagbasa, dapat ding
magkaroon ka ng lubos na pagkakakilala sa babasahin at antas ng
kahirapan nito. Ang kuwento, editoryal, ang isang kolum; ang
pagbasa sa pahayagan, sa panitikan, sa agham, matematika,
pilosopiya ang bawat isay naglalahad ng ibat ibang suliranin.
Bukod pa riyan, ang manunulat ay nagkakaiba ng estilo,
talasalitaan at pamaraan ng paglalahad. Dahil dito, makabuluhan
ang pag-aakma ng bilis sa pagbasa sa uri ng teksto.

Mga katangian ng Mahusay na Mambabasa

Ang isang mambabasa ay hindi lamang marunong kumilala ng


mga salita. Ang isang mahusay na mambabasa ay nakakakuha rin
ng mas malawak na kahulugan ng salita; natatanto niya ang
gusting buuing konsepto ng isang tao; ang parirala, sugnay,
pangungusap at kahit na ang sanaysay, kabanata o ang mismong
buong aklat.

Ang galaw ng mga mata sa pagbasa ay mahalaga rin. Nakapokus


ang paningin sa unang bahagi ng pangungusap. Titigil doon ng
ilang saglit; pagkatapos ay magpapatuloy; titigil na naman sa
ibang bahagi ng pangungusap ng ilang saglit at saka uli
magpapatuloy sa susunod pang mga pangungusap o mga pahina.
Ito ang karaniwang tinatawag na fixations. Ang pagbabalik sa
naunang bahagi ay tinatawag na regression. Sa paghinto ng mata
nagkakaroon ng pagpapakahulugan sa binabasa. Kung gaano ang
pagtatagal ng pagtigil ng mata ay siya ring tagal ng pagbibigaykahulugan ng isipan sa binabasa. Habang gumagalaw ang mata,
ang mga anino o imahe ay Malabo at hindi mabibigyang-

kahulugan ng isipan - See more at: http://studyeverything.blogspot.com/2014/06/ang-proseso-mga-teorya-atkasanayan-sa.html#sthash.q6x75aQv.dpuf

You might also like