mabait na bata. Kinagigiliwan siya ng marami kung kayat todo sa pag-aalaga ang kanyang nanay sa kanya. Araw-araw ay lagi nya itong pinaaalalahanan tungkol sa mga dapat nyang gawin gaya ng paliligo, pagkain at siyempre ang pagsesepilyo dahil mahilig siyang kumain ng mga matatamis tulad ng kendi at tsokolate. Ngunit, sa tuwing siya ay kumakain ng mga matatamis ay hindi siya nakapagsesepilyo talaga dahil nakakatulugan na niya ito. Anak, nagsepilyo k aba kagabi?, tanong ng nanay. Ah, opo naman nanay!, tugon ni Tootsie araw-araw. Nagpatuloy pa ang pangyayari hanggang sa sumakit ang kanyang ngipin at nagpattingin siya sa dentist. Oh eto, magsepilyo ka araw-araw ah, kundi, naku, baka magtampo ang mga ngipin mo at umalis sila bigla. Sabi ng dentist kay Tootsie na tumugon na lamang. Opo, susundin ko po. Sorry po nanay, di nap o mauulit, sabi niya sa nanay. Oh sige anak, wag nang tatamarin ah. Ngunit, talagang makulit si Tootsie. Di siya nagsesepilyo, kaya habang natutulog ay
nagpulong ang mga ngipin. Wala na tayong
halaga sa kanya, umalis na lang tayo, iyon ang nakalulungkot na desisyon ng mga ngipin. Pagkagising ni Tootsie ay wala na ang mga ngipin niya. Ahhhhh, nanay, nanay, yung mga ngipin kop o, nanay! Hala, anong nangyari say o anak!, sabi ng nanay. Baka ito ang parusa sa di mo pagsunod sa akin at sa dentista. Hinanap ni Tootsie ang mga ngipin niya. At nakita niya ito na nakakalat sa parte ng kanilang bahay. Nahuli naman niya ang mga ito at humingi ng tawad a mga ito. Pasensya na kung hindi ko kayo naaalagaan. Pangako, magsesepilyo na ako araw-araw, sa umaga, tanghali, at gabi. Bumalik na kayo sa akin. Di ko na uulitin. At bumalik ang mga ngipin niya sa kanya. Araw-araw ay nagsesepilyo na siya para pangalagaan ang mga ito at nang di na muling maulit ang pangyayari.