Katatawanan NG Kalituhan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Caeba, Elaine Nicole O.

PI 100

2013-05474

Dr. Nilo S. Ocampo


Katatawanan ng Kalituhan

Sa unang araw ng klase, sinagot naming ang tanong na Sino ka? at sinabi
naming kami ay mga Pilipino. Ang iba naman ay nagsabing silay mga taga-UP at
may mga nagbanggit kung saan sila nanggaling. Kung may nais kang makilala, ang
una mong nais na malaman tungkol sa kanila ay nag kanilang pangalan. Kadalasay
susunod dito ay kung saan sila nakatira. Ngunit sapat na ba ang mga
impormasyong ito upang makilala ang isang tao? Maging ang bawat isa sa satin ay
hindi pa siguro lubos na kilala ang ating mga sarili pagkat marami pa tayong
maaaring maranasan na siyang magbubuo sa ating pagkatao.
Bawat isa ay nasa proseso ng pagkilala sa kanyang sarili. Naniniwala akong
walang permanente sa mundo at lahat ay nagbabago. Makikita ito sa ating mga
tinatalakay sa klase. Si Rizal ay may ibang identidad sa ibat ibang parte ng
kanyang buhay. Sa kanyang paglaki, unti-unti niyang nakikilala ang kanyang sarili at
nalalaman ang kanyang nais gawin sa kanyang buhay. Bawat bahagi ng kanyang
buhay ay mahalaga pagkat ito ang bumubuo sa kanyang katauhan. Kung san siya
nakatira, kung sino ang kanyang pamilya, anong estado ng kanyang pamilya, san
siya nag-aral, at iba pa. Ang lahat ng ito ay importante pagkat ang mga karanasan
niya sa buhay at ang mga taong nakapaligid sa kanya ang siyang naging dahilan ng
kanyang kagustuhang makalaya ang kanyang bansang hirang.
Maiuugnay ito sa dulang Katatawanan at Kalituhan pagkat naipakita rito kung
ano ang bumubuo sa identidad ng isang tao. Akoy naniniwalang bawat isa sa atin
ay walang katulad. Makikita sa dula na maaari ngang may mga magkakahawig o
magkakamukha sa mga tao sa mundo ngunit hindi maaaring sila ay walang
pinagkaiba sa isat isa. Maaaring silay magkaiba ng istilo ng pananamit, ugali, o
maging mga pananaw sa buhay. Bukod sa itsura, malalaman mo rin ang identidad
ng isang tao batay sa kanyang pangalan at lugar na pinagmulan. Ang iyong mga
desisyon sa buhay ay nababatay rin sa iyong kapaligiran, Naipakita rin dito na
maaaring iba ang iyong identidad depende sa kung anong lugar o anong panahon
ka ng buhay mo naroroon. Tulad na lamang sa klase. Bawat isa sa amin ay
nagkakaroon ng ibang identidad depende kung ano ang ating pinag-aaralan.

Samakatuwid, hindi sapat ang pangalan at lugar na pinagmulan upang lubos


na makilala ang isang tao. Malalamang sa bawat panahon ng buhay ng isang tao ay
mayroon siyang natatanging identidad. Depende ito sa lugar at karanasan niya sa
panahong ito at ang mga ito ang siyang bumubuo ng kanyang pagkatao.

You might also like